You are on page 1of 13

Masusing

Banghay - Aralin
Sa Filipino 9

Inihanda ni:
G. Enriquez, Christian B
Student Teacher
MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 9

I. LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a.) nasusuri ang maikling kuwento batay sa estilo ng pagsisimula, pagpapadaloy at pagwawakas ng
napakinggang salaysay [F9PN-IIe-f-48];
b.) naisasalaysay ang sariling karanasan na may kaugnayan sa kulturang nabanggit sa nabasang
kuwento[F9PS-IIe-f-50];
c.) napaghahambing ang kultura ng ilang bansa sa Silangang Asya batay sa napanood na bahagi ng
akda[F10PU-IIc-d-72].

II. PAKSANG-ARALIN
• Paksa: “Hashnu, Ang Manlililok ng Bato” (Mga akdang pampanitikan ng Bansang Tsina)
• Sanggunian:
➢ Aklat: Pinagyamang Pluma Filipino 9 Pahina 238-240
➢ Elektroniko: https://www.youtube.com/watch?v=1pxlAbWJQQ4
• Kagamitan: powerpoint presentation, mga larawan, bidyo

III. PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. Pang-araw-araw na Gawain
• Panalangin
Bago tayo magsimula, tayo muna ay manalangin.
Jomari, nais ko na pangunahan mo ang ating
panalangin.
Panginoon, maraming salamat po sa panibagong araw na
ipinagkaloob Niyo sa amin. Hinihingi po namin ng
kapatawaran ang lahat ng aming mga pagkukulang. Dalangin
po namin na bigyan Mo ang bawat isa sa amin ng kalakasang
pisikal, emosyonal at ispiritwal at ilayo Mo kami sa lahat ng
kapahamakan. Amen.
• Pagbati
Magandang umaga 9-Pavlov!
Magandang umaga rin po Sir Christian!
• Pagtatala ng Liban
Para sa inyong attendance, paki-type ang “1”
Para sa inyong kalihim, kunin mo ang
pangalan ng mga nakapagtype.
Sige po
Salamat sa mga tumugon!

• Pagproseso sa Panalangin
Batay sa ating panalangin, ano ang salita o
mensahe na tumatak sa inyong isipan?

Angelica, maari mo bang ibahagi sa klase ang


iyong sagot?
Ang tumatak sa aking isipan salitang kapatawaran.
Ano ang pagpapakahulugan mo sa salitang
kapatawaran o patawad?
Ito po ay ang kusang loob nating ibinibigay sa mga taong
nakagagawa sa atin ng masama o kasalanan.
Salamat sa pagbabahagi Angelica, ito ay
ibinibigay natin sa mga nagkasala sa atin at
dapat ay matuto tayong humingi ng
kapatawaran sa ating mga nagagawang
kasalanan maliit man ito o malaki. Hindi lang
sa Diyos kundi maging sa kapwa natin.
B. Balik-aral
Bago tayo dumako sa ating bagong aralin, balikan
muna natin ang huling araling ating tinalakay.
Ang huling araling ating tinalakay ay tungkol sa sanaysay
Ano ang pumapasok sa inyong isipan kapag
naririnig ninyo ang salitang Sanaysay?
Sanaysay ang tawag sa isang sulatin na naglalayong
magpahayag, magpaliwanag, at magsalaysay ng mga
pananaw o kaalaman. Ang isang sanaysay ay naiiba sa
ibang uri ng sulatin dahil nakatuon ito sa iisang paksa at
diwa lamang.
Ano naman ang dalawang uri ng sanaysay?
Ang dalawang uri ng sanaysay ay Pormal o Maanyo at
Impormal o Di-pormal. Ang Pormal o maanyo ay tinatawag
ding impersonal kung ito ay maimpormasyon. Tulad ng
paghahatid ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa
pamamagitan ng makaagham at lohikal na pagsasaayos ng
mga materyales tungo sa ikalilinaw ng paksang tinatakay.
Impormal o Di-pormal naman ito kung ito ay mapang-
lungkot, nagbibigay lugod sa pamamagitan ng pagtalakay
sa mga paksang karaniwan, pang araw-araw at personal.
Mahusay ang lahat ng inyong kasagutan!
Ikinagagalak kong malaman na talagang may
natutunan kayo sa ating huling tinalakay.
B. Panlinang na Gawain
• Pagganyak
Bago tayo magsimula sa ating aralin ngayong
araw ay magkakaroon muna tayo ng isang
maikling gawain.
“Kung bibigyan ka ng Pagkakataon!”
Panuto: Suriin ang mga larawan at sagutin ang
sumusunod nakatanungan kaugnay nito.

Anong Fantacy Character ang nakikita mo sa


larawan? Ang nakikita ko po ay isang Fairy Godmother.

Anong kakayahan mayroon ang Fairy Godmother


ayon sa mga palabas at babasahin?
Ang Fairy Godmother po ay may kakayahang tuparin ang
mga hiling.
Kung bibigyan ka ng pagkakataon na makita at
makausap ang Fairy Godmother, anong pangarap
mo ang iyong nais na matupad at bakit?
Kung makakausap ko po ang Fairy Godmother sasabihin ko
po sa kaniya na gusto ko pong maging mayaman, para po
mabili ko po lahat ng gusto ko.

Anong bagay na lumilipad sa kalangitan ang


nakikita mo sa larawan?
Ang nakikita ko po ay isang shooting star o bulalakaw po.

Ayon sa matandang paniniwala, anong


kakayahan mayroon ang isang bulalakaw?
May kakayahan daw po itong tuparin ang ating hiling.
Kung makakakita ka ng isang shooting star o
bulalakaw, ano ang iyong hihlingin?
Hihilingin ko po na sana Manalo po kami sa Lotto, para
Yumaman na po kami.

Sino itong nasa larawan na pinaniniwalaang


makikita sa loob ng isang takure o minsay bote?
Si Genie po
Ayon sa ating mga nababasa at napapanood,
anong kakayahan mayroon si Genie? May kakayahan po siyang tuparin ang aming hiling

Kung bibigyan ka ng pagkakataong makausap


ang isang Genie, ano ang pangarap mong
bibigyan mo ng katuparan.
Maging isang Piloto po.

Maraming salamat sa inyong mga kasagutan.

• Paghahawan ng Sagabal

Upang lubos nating maunawaan ang ating


tatalakayin ngayong araw ay naghanda ako ng
isang gawain.
Panuto: Mula sa Hanay A, tukuyin ang mga
kahulugan ng salita sa tulong ng mga larawan sa
Hanay B. Piliin ang titik ng tamang sagot at
magbigay ng sariling pangungusap. Gawing
batayan ang halimbawa.
Halimbawa
Hanay A Hanay B
1. A.

Maso
B.

Pangungusap: A- Gumagamit ng maso ang manlililok sa


pag-ukit sa bato.

Hanay A Hanay B
1.

manlililok

2.

Mga susi sa pagwawasto nasambit

1. C
Pangungusap: Si Edgar Allan Poe ay tanyag na
manlililok sa Pilipinas. 3.
2. A
Pangungusap: Nasambit ni Marie kay Nena na may pagal
lihim itong pagtingin sa kaniyang kapatid.
3. B 4.
Pangungusap: Pagal na pagal na si Hashnu sa
paglililok ng bato. paet
4. E
Pangungusap: Matalas ang paet na ginagamit niya
sa paglililok ng bato. 5.
5. D baluti
Pangungusap: Masikip ang baluting suot ng hari.

Ngayon ay alam na natin ang kahulugan ng ilan sa


mga salitang nakapaloob sa ating aralin na
makatutulong upang ito'y lubos nating maunawaan.
• Pagganyak na tanong
Bago tayo magpatuloy ay narito muna ang mga
gabay na tanong nasasagutin natin sa pagtatapos ng
1. Sino ang pangunahing tauhan sa Maikling kuwentong
ating talakayan.
nabasa?

2. Ano-anong kahilingan ni Hashnu ang nabigyan ng


katuparan sa nabasang akda, makatuwiran ba na mag
hangad si Hashnu na baguhin ang kaniyang buhay, Bakit?

3. Anong aral ang naikintal sa iyo ng kuwento?

4. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong mabuhay sa


ibang katauhan o kalagayan, ano kaya ito at bakit?
• Paglalahad ng Bagong Aralin
Batay sa ating gawain kanina at sa mga gabay na
tanong, ano sa palagay ninyo ang ating tatalakayin
ngayong araw?
Ang atin pong tatalakayin ngayong araw ay tungkol sa isang
Maikling kuwento na pinamagatang “Hashnu, ang Manlililok
ng Bato”
Mahusay! Bago tayo magsimula sa ating
panibagong aralin ay sagutan muna ninyo ang
inyong Gawaing Pagkatuto Bilang 14. Bibigyan ko
lamang kayo ng dalawang minuto upang sagutin
ang inyong gawain.

Gawaing Pagkatuto Bilang 14


Pamagat ng Gawain: Paghahambing ng kultura ng
dalawang bansa sa Silangang Asya
Layunin: Napaghahambing ang kultura ng ilang bansa sa
Silangang Asya batay sa napanood na bahagi ng
akda[F10PU-IIc-d-72].
Panuto: Mula sa Maikling kuwentong “Hashnu, ang
Manlililok ng Bato” paghambingin
(Pagkakaiba/pagkakatulad) ang bansa mula sa
Silangang Asya sa iba’t-ibang aspekto gamit ang
Graphic Organizer.

“Hashnu, Ang Manlililok ng Bato”


Isang Halaw mula sa bansang Tsina

China Pilipinas

Mga Aspekto:
1. Kaugalian
2. Hanapbuhay
3. Sining
4. Kasuotan
5. Uri ng Pamahalaan
• Pagkilala sa bansang pinagmulan ng akda
Basahin ang maikling pagkilala sa pinagmulan
ng maikling kuwentong “Hashnu, Ang Manlililok ng
Bato” ating tatalakayin ngayong araw na nagmula
sa Tsina.

China/Tsina- Isa sa pinakamalaking malaking bansa sa


buong daigdig. Ito may sakop na halos 90 porsyentong
lupain sa Silangang Asya. Isang mapangaraping tsino ang
makikilala mo kuwentong babasahin. Ito ay isa sa
mgagandang katangian nagpaangat sa kanilang buhay
kasama ng kasipagan. Sa katunayan, ang
pinakamayamang tao sa Pilipinas sa loob ng maraming
taon hanggang sa kasalukuyan ay mula sa lahi ng tsino. Ito
ay si Henry Sy, ang may-ari ng SM Malls at SM Prime
Holdings. Buddhism o Budismo ang pangunahin nilang
relihiyon. Sagana rin sila sa panitikan tulad ng Tuluyan o
prosa, mga nobela at marami pang iba partikular na ang
maikling kuwento.
Basahin ang kahulugan ng maikling kuwento.
Ayon kay Edgar Allan Poe (ang tinaguriang Ama ng
maikling kuwento), ang maikling kuwento ay isang akdang
pampanitikan likha ng guniguni at bunga-isip na hango sa
tunay na pangyayari sa buhay. Ito ay mababasa sa isang
tagpuan na nakapupukaw ng damdamin at mabisang
nakapagkikintal ng diwa o damdaming may kaisahan.

• Pagtalakay
Hashnu, Ang Manlililok Ng Bato
Isang halaw mula sa Tsina

https://www.youtube.com/watch?v=1pxlAbWJQQ4&
t=197s
Sa isang malayong lalawigan sa Jiangsu sa
bayan ng Nanjing sa Tsina ay naninirahan si
Hashnu, isang manlililok ng bato. Ginagawa niya
ang pag-uukit ng bato sa matagal na panahon. Ang
trabahong ito ay halos araw-araw niyang ginagawa
sa ilalim ng matinding sikat ng araw mapapansing
buong tiyaga niyang ginagampanan ang kaniyang https://www.youtube.com/watch?v=OvBdJjm13vw&t=40s
gawain.

Kaalaman. Sa Simula ng Maikling kuwento


Ipinapakilala ang mga tauhan, tagpuan mga aksyon
Maging ang panahon kung kalian naganap ang
kuwento. Dito mababasa ang mga panandang salita
para sa simula tulad ng: Noong una, sa simula pa
pa lamang, sa isang lalawigan, sa isang malayong
bayan
1. Ano ang pamagat ng Maikling kuwentong
napanood? Sino ang pangunahing tauhan dito?
Ang pamagat ng maikling kuwento ay “Hashnu, Ang
manilililok ng bato. Ang pangunahing tauhan nito ay si
hashnu na isang manlililok ng bato.
Ngunit isang araw ay nasambit niya sa kaniyang
sarili “naku pagal na pagal na ang aking katawan
sa pag-uukit ng matitigas na bato, sana ay
mabuhay na lamang ang tao ng hindi nahihirapang
magtrabaho para hindi na magdala ng paet at
maso rito araw-araw. Uupo na lamang ako at
magpapahinga. Hindi ko na kailangang magdala https://www.youtube.com/watch?v=OvBdJjm13vw&t=40s
ng maso paroo’t parito araw-araw sa kalsada.”

Kaalaman. Sa Gitna ng kuwento ay ang mga


Bahaging naglalaman ng mga sumusunod:
• Saglit na kasiglahan- naglalahad ng
Panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang may
kinalaman sa suliranin.
• Tunggalian- bahaging naglalaman ng
pakikibaka o pakikipagsapalaran ng pangunahing
tauhan laban sa mga suliraning kinakaharap.
• Kasukdulan- pinakamaramdaming bahagi
kung saan matatamo ng pangunahing tauhan ang
katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
Dito mababasa ang mga panandang salita sa gitna
tulad ng: Kasunod, pagkatapos, walang ano-ano,
maya-maya, samantala at iba pa.

2. Sa iyong palagay, bakit kaya nalulungkot si


Hashnu sa larawan?
Kaya malungkot si Hashnu sa larawan ay dahil pagod na
pagod na siyang maglilok sa bato.

“tila nagdilang anghel naman si Hashnu sa


kaniyang sinabi, parang isang panaginip ang
naganap sa kaniyang buhay. Nang nagkakagulo
ang mga tao sa daan malapit sa kaniyang inuukit
ay nakita niyang naroon pala ang hari.
Napansin niya kaagad sa dakong kanan ang mga https://www.youtube.com/watch?v=OvBdJjm13vw&t=40s
sundalong ayos na ayos ang pananamit at may
sandata na handang sumunod sa ipag-uutos ng
hari. Habang nakatinigin si Hashnu nag-iisip siyang
maganda palang maging isang hari at magkaroon
ng mga alalay na sundalo at mga tagasunod na
nag-uunahan para mautusan, agad-agad ay may
narinig siyang tinig “Magiging hari ka!”

3. Ano ang unang hiniling ni Hashnu, natupad ba?

Hiniling niya na siya ay maging hari at ito ay natupad.

Isang himala, naging ganap na hari si Hashnu,


maligayang- maligaya si Hashnu. “Hindi na ako
taga-ukit ng mga bato na nakaupo sa gilid ng daan
na may hawak ng paet at mabigat na maso isa na
akong hari na nakasuot ng baluti, helmet at
nakasakay sa pagitan ng mga sundalo at may
tagasunod na pawing mapitagan sa akin.” Mabigat https://www.youtube.com/watch?v=OvBdJjm13vw&t=40s
ang kaniyang baluti at ang helmet na lubhang dikit
sa kaniyang ulo na umaabot sa kaniyang kilay kaya
nararamdaman niya ang pitik sa kaniyang ulo.
Nahirapan siya, namumutla at napagod siya dahil
sa matinding sikat ng araw. Naisip niyang kaya
palang panghinain at talunin ng araw ang
makapangyarihan at iginagalang na hari. Muli
niyang naisip “Mas makapangyarihan ang araw,
napanghina niya ang aking katawan” Naisip naman
niyang maging araw at pagkasabi nito at isang
https://www.youtube.com/watch?v=OvBdJjm13vw&t=40s
milagrong muli na nakarinig siya ng tinig na tulad
noon at dagli siyang naging araw

4. Naging masaya ba siya sa pagiging hari, Bakit


oo o hindi? Ipaliwanag.
Hindi siya naging masaya, dahil masikip at mainit ang
kaniyang baluti kaya nanghihina siya sa sikat ng araw.
Ano ang sunod na hiniling ni Hashnu?
Ang sunod niyang hiniling ay maging isang araw sa
kalangitan.

Isang araw na siya ngayong nagliliyab sa


kaitaasan at sumisikat ng matindi sa kalupaan.
Hindi siya sanay magbigay ng liwanag kaya ang
mga nabubuhay sa mundo ay nangatuyo. Ang mga
tao ay nanangis sa pangyayaring ito. Nagpatuloy
pa rin sa kapangyarihan ang araw hanggang sa https://www.youtube.com/watch?v=OvBdJjm13vw&t=40s
mapansin niyang ang ulap pala ay maaaring
makulob sa pagitan ng araw at ng mundo.
Napatunayan niya na higit na makapangyarihan
ang ulap sapagkat kaya nitong takpan ang
kaniyang sinag. Dahil sa kaisipang ito ninanis
naman niyang maging ulap. https://www.youtube.com/watch?v=OvBdJjm13vw&t=40s
5. Naging masaya ba siya sa pagiging isang araw
na nagbibigay ng liwanag?
Hindi po siya naging masaya sa pagiging isang araw dahil
nakita niya na nahihirapan ang mga tao sa lupa.
Ano ang sunod na hiniling ni Hashnu dahil hindi
siya naging masaya sa pagiging isang araw?

Sunod po niyang hiniling na maging isang ulap.

Nilukuban niya ang araw at hindi naglaon ay


bumigat ito at bumagsak sa paraang ulan sa
mundo. Umapaw ang tubig sa mga lawa at sapa
dahil hindi niya napigilan ang pagbaksak ng dami
ng ulan. Ang matinding ulan ang naging sanhi
https://www.youtube.com/watch?v=OvBdJjm13vw&t=40s
naman ng pagkamatay ng mga halaman at iba
pang nabubuhay sa daigdig. Maging ang malakas
na hangin ay naging sanhi ng pagkabuwal at
pagkabunot ng mga puno. Nawala ang mga
tahanan at ang mga naninirahan dito.
Pinagmasdan niya ang Lupa at napako ang
kaniyang paningin sa mga bato na hindi man lang https://www.youtube.com/watch?v=OvBdJjm13vw&t=40s
natinag sa kaniyang kinalalagyan pagkatapos ng
mga sakunang nagdaan tulad ng malakas na ulan
at hangin at maging sikat ng araw. Muli siyang
napa-isip. Ninais naman niyang maging isang Bato
at hindi siya nabigo.
https://www.youtube.com/watch?v=OvBdJjm13vw&t=40s
Kaalaman. Ang Wakas ay ang bahaging
naglalaman ng kakalasan at katapusan.
Kakalasan- bahaging nagpapakita ng dahan –
dahang pagbaba ng daloy ng kwento mula sa
maigting na pangyayari sa kasukdulan. Dito
mababasa ang mga panandang salita na
https://www.youtube.com/watch?v=OvBdJjm13vw&t=40s
ginagamit sa pagwawakas o pagtatapos ng
kuwento tulad ng: Sa huli, sa wakas, mula noon,
at iba pang panandang naghuhudyat ng
makahulugang wakas.
5. Pagtapos ng mga sakunang nangyari, sa anong
bagay napako ang paningin ni Hashnu?
Sa mga bato na hindi man lang natinag sa kabila ng mga
nakunang nagdaan kaya hiniling niyang maging isang bato.

Nang siya ay Bato na, nairinig niyang muli ang


tunog ng paet habang ito ay pinupukpok sa kaniya,
pati na rin ang maso na ramdam niyang malakas
na tumatama sa kaniyang katawan at ulo.
Nalaman niya ngayon na hindi siya natibag ng
malakas na ulan at hangin subalit siya ay https://www.youtube.com/watch?v=OvBdJjm13vw&t=40s
nakayang hugisan ng anumang anyo ng isang
manlililok. Nagmuni-muni siya. Natanto niyang
walang ibang pinakamalakas kundi siya. Mulat sa
katotohanan, muling humiling si Hashnu na ibalik
siya sa pagiging manlililok. Kagyat siyang
nanumbalik sa Dating gawain at natagpuan
niya ang sarili sa gilid ng kalye na nakaupo at
nagsisimula na namang humugis ng iba’t-ibang
anyo sa mga bato. https://www.youtube.com/watch?v=OvBdJjm13vw&t=40s

Katapusan - bahaging naglalaman ng


magiging solusyon ng kwento. Ito ay maaring
masaya bunga ng pagwawagi o pananaig at
malungkot bunga ng pagkatalo o pagkabigo.

6. Napatunayan ba niyang pinaka-


makapangyarihan ang bato, bakit?
Hindi po, kasi sa kabila po ng katigasan nito ay nakaya
itong ukitan ng manlililok gamit ang paet at maso.

Matapos ang mga pangyayari, ano ang


napagtanto ni Hashnu at ano ang kaniyang huling
hiling?
Napagtanto po niya na walang ibang makapangyarihan
Kundi siya bilang isang manlililok, kaya hiniling niyang
Ibalik siya sa dating siya, isang manlililok ng bato.
• Pagpapalawak ng Kaalaman Bilang. 1

Panuto: Sa tulong ng mga larawan, punan ang


mga pangungusap upang mabuo ang banghay ng
kuwento at tukuyin kung saang bahagi ng kuwento
ito nabasa. (2 puntos bawat bilang)

1.

“Sa isang malayong lalawigan sa Jiangsu sa bayan ng


Nanjing sa Tsina, ay naninirahan si ______________ng
bato.”

Ang bahaging ito ng kuwento ay mababasa sa:


a) Simula c) Wakas
b) Gitna d) Kahit saan
2.

“Matagal na rin siyang ____________ sa ilalim ng


sikat ng araw. Isang araw ay napa-isip na lamang siya na
sana ay hindi na kailangang magtrabaho ng mga tao.”

Ang nabasang linya mula sa Maikling kuwento ay


makikita sa
bahaging?
a) Kasukdulan c) saglit na kasiglahan
b) tunggalian d) kakalasan

3.

“Pinagmasdan niya ang lupa, at napako ang kaniyang


paningin sa mga ___________________sa kabila ng mga
unos na dumating.

Ito ay makikita sa ________ ng kuwentong nabasa.


a) Kakalasan c) Tunggalian
b) Kasukdulan d) Saglit na kasiglahan

4.

“Nalaman niyang hindi nga siya natibag ng malakas na


unos ay nakaya naman siyang __________________ sa
anumang anyong naisin nito.”

Dito ay dahan-dahan ng pinapakita ang pagbaba ng


daloy ng kuwento. Ano ito?
a) Simula c) kakalasan
b) Gitna d) wakas

5.
Mga Susi sa Pagwawasto
1. Hashnu, ang manlililok ng bato
A) Simula
2. Naglililok ng bato
C) Saglit na kasiglahan
“Napagtanto niyang walang ibang pinakamalakas kundi
3. Bato na hindi man lang natinag
siya bilang isang manlililok, kaya hiniling niyang_______
B) kasukdulan
4. Ukitan ng isang manlililok
Ang bahaging ito ay naglalaman ng naging solusyon
C) Kakalasan
ng kuwento.
5. Ibalik siya sa dati niyang anyo bilang isang
a) Wakas c) Simula
manlililok.
b) Gitna d) Kakalasan
D) Wakas
• Pagpapalawak ng kaalaman Bilang. 2
Panuto: Basahing mabuti ang pangungusap.
Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay
may katotohanan. Kung ito ay MALI, palitan
ang salitang may salungguhit para maging
tama ang pahayag.
Halimbawa:
_____ 1. “Maya-maya” ay isa sa mga salitang panandang
ginamamit
Sa simula ng maikling kuwento.
Sagot: Mali 1. Sa simula, noong una, sa isang malayo

______1. Sa isang malayong lalawigan sa Jiangsu sa


bayan ng Nanjing sa Tsina, ay halimbawa ng simula ng
kuwento?
______2. Mababasa sa simula ng kuwento ang saglit na
kasiglahan, tunggalian at kasukdulan ng kuwento.
______3. Ang wakas ay naglalaman ng mga panandang
salita tulad ng “noong unang panahon, sa simula, sa
Mga susi sa pagwawasto malayong lalawigan at iba pa.
Tama 1. ______4. Mababasa sa gitna ng kuwento ang kakalasan at
Mali 2. Gitna wakas.
Mali 3. Simula ______5. Matatagpuan ang mga panandang salita tulad ng
Mali 4. Wakas maya-maya, walang ano-ano’y, samantala at
Mali 5. Gitna pagkatapos sa simula ng kuwento.

• Paglalahat
“Dugtungan Mo!”
Panuto: Dugtungan ang mga pangungusap sa
bawat bilang upang mabuo ang diwa ng
pangungusap.

1. Ang pangunahing tauhan sa maikling


kuwentong nabasa ay si __________________
SIya ay________________________________
Ang pangunahing tauhan sa Maikling Kuwentong “Hashnu,
Ang Manlililok ng Bato ay si Hashnu. Isang Tsinong
2. Ang mga kahilingan ni Hashnu na nabigyan ng mapangarapin at may trabahong maglilok ng bato.
katuparan ay__________________________,
makatuwiran/hindi makatuwiran na tayo ay
maghangad o mangarap sapagkat_________ Una ay hiniling ni Hashnu na maging isang hari,
sumunod ay maging isang araw, pagtapos ay hiniling
niyang maging isang ulap. Hindi pa siya nakuntento ay
hiniling niyang maging bato at sa huli ay hiniling niyang
maging tagalilok ng bato.
Hindi naman masamang maghangad tayo o mangarap
upang bahugin ang ating buhay hanggat wala tayong
sinasaktan at gagamitin natin itong motibasyon para
umangat sa buhay.
3. Ang natutuhan ko mula kay Hashnu ay_____
Natutuhan ko mula kay Hashnu na dapat ay matuto
tayong makuntento at nakasasama ang labis na
4. Kung bibigyan ako ng pagkakataong mabuhay paghahangad.
sa ibang kaanyuan o katauhan ito ay________
sapagkat______________________________
Kung bibigyan ako ng pagkakataong mabuhay muli sa
ibang kaanyuan o katauhan ito ay sa aking katawan para sa
kasalukuyan ngunit may mas magaang antas ng
pamumuhay kasama ng aking pamilya.
• Pagpapahalaga
Tama ba ang pag-uugaling mapangarapin at
mapaghangad tulad na kay Hashnu? Para sa akin, tama po ito at hindi masama ang maging
isang mapangaraping tao kung ito ay ang paraan natin o
gagamitin nating motibasyon upang maabot natin ang ating
mga pangarap.

• Pagtataya
“Opinyon Mo, Ibahagi Mo!”

Panuto: Paghambingin ang dalawang bansa sa


tulong ng mga bahagi ng maikling kuwentong
nabasa.

Maaaring Sagot.

Pilipinas
1. Sa Pilipinas ang namumuno ay tinatawag na
president at ito ay ang may pinakamataas na Paghahambing
posisyon sa bansa. Pagkakatulad/
2. Noon ay mayroon ding mga baluti, helmet at mga Bahagi ng akdang nabasa
Pagkakaiba
alipin o indyo sa Pilipinas tulad ng nasa akda na
mula sa China. Pilipinas China
3. Tulad ng nasa akda, sa Pilipinas ay madalas ding 1. Napansin niya kaagad sa
nagiging sanhi ng pagbaha ang malakas na ulan, dakong kanan ang mga
bunga marahil ito ng mahinang drainage system ng
sundalong ayos na ayos ang
bansa
pananamit at may sandata na
handang sumunod sa ipag-
China
1. Noon ay mayroon hari o pinuno na siyang uutos ng hari.
namumuno sa ibat-ibang dinastiyang umusbong sa 2. “isa na akong hari na
China, ngunit sa kasalukuyan ay presidente na rin nakasuot ng baluti, helmet at
nakasakay sa pagitan ng mga
ang tawag sa namumuno sa kanilang bansa tulad
sundalo at may tagasunod na
ng sa Pilipinas. pawang mapitagan sa akin”
2.Kilala ang China sa paglikha ng mga 3. Umapaw ang tubig sa mga
naggagandahang kagamitang pandigma at baluti
lawa at sapa dahil hindi niya
noon hanggang sa kasalukuyan
napigilan ang pagbaksak ng
3. Isa sa katangian ng bansang ito ay ang maayos,
dami ng ulan.
organisado at magandang mga imprastraktura,
dahilan para mangailangan ng sobrang lakas na
ulan upang bumaha dito. Maganda at malakas ang
kanilang mga drainage system na hinahangaan
maging ng ibang bansa.
V. Takdang-aralin
Bumuo ng sariling maikling kuwentong may hawig sa paksa ng maikling kuwentong tinalakay. ( 15 puntos )
Rubriks sa Pagmamarka
Paksa 5 4 3
Kultura ng bansang pinagmulan
May malinaw na simula, gitna at wakas
Kabuoan
5- Mahusay 4. Kailangan ng konting pagsasanay 3. Paghusayan pa

Inihanda ni: Binigyang pansin ni: Nasuri ni:


Enriquez Christian B. Bb. Winalyn C. Tucay G. Joshua O. Correa
BSED 4-Filipino Punong - guro sa Filipino Gurong tagapayo ng 9-Vygotsky

You might also like