You are on page 1of 12

Masusing Banghay-Aralin sa Filipino V

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di-pamilyar sa pamamagitan ng
kasalungat.
b. Napapahalagahan ang aral ng kuwento sa pamamagitan ng pag-uugnay nito sa sariling
karanasan.
c. Nakabubuo ng scenario na nagpapakita ng pag-papahalaga sa natutunang aral base sa
kuwento.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Ang mga Pako sa pader;
Kagamitan: LCD,speaker,Pagturong biswal,mga larawan at Laptop;
Sanggunian: Libro (Alab Filipino 114-116)

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


a. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Magsitayo ang lahat para sa panalangin. Panginoon, maraming salamat po sa
ibinigay ninyong panibagong
(Magtatawag ang guro ng isang mag- pagkakataon upang kami ay matuto.
aaral upang pangunahan ang Gawaran mo kami ng isang bukas na
panalangin.) isip upang maipasok namin ang mga
itinuturo sa amin at maunawaan ang
mga aralin na makatutulong sa amin sa
pagtatagumpay sa buhay na ito. Amen.
2. Pagbati
Magandang-araw mga bata!
Magandang araw guro!
3. Pagsasaayos ng klasrum
Bago kayo umupo ay nais ko munang
pulutin ninyo ang mga kalat sa gilid at
sa ilalim ng inyong mga upuan at
pakiayos na rin ito.
(Magpupulot ng kalat ang mga mag-
Maaari na kayong maupo. aaral at aayusin ang kanilang mga
upuan.)
4. Pagtala ng lumiban
Mayroon bang lumiban sa klase
ngayong araw?
Wala po guro.
5. Pamukaw-sigla
Klas, tumayo muna tayong lahat at
tayo’y kakanta para nang sa gayon
ay hindi tayo antukin.

(Nagsimula ng magpatugtog.)

Ang Pipit
Pilita Corrales

May pumukol sa pipit sa sanga ng isang


kahoy
At nahagip ng bato ang pakpak ng munting
ibon
Dahil sa sakit, di na nakaya pang lumipad
At ang nangyari ay nahulog, ngunit parang
taong bumigkas,
"Mamang kay lupit, ang puso mo'y di na
nahabag,
Pag pumanaw ang buhay ko, may isang
pipit na iiyak...
May pumukol sa pipit sa sanga ng isang
kahoy
At nahagip ng bato ang pakpak ng munting
ibon
Dahil sa sakit, di na nakaya pang lumipad
At ang nangyari ay nahulog, ngunit parang
taong bumigkas,
"Mamang kay lupit, ang puso mo'y di na
nahabag,
Pag pumanaw ang buhay ko, may isang
pipit na iiyak
"Mamang kay lupit, ang puso mo'y di na
nahabag,
Pag pumanaw ang buhay ko, may isang
pipit na iiyak

Nasiyahan ba kayo klas?


Opo,guro!

Klas, kung kayo ang nasa kalagayan ng


pitpit anong mararamdaman ninyo?

Guro!
Lileth!?
Magagalit po ako dun sa mamang
nambato sa pugad.

Siyang totoo, lileth!

Ang magalit sa taong nanakit sa atin ay


natural lamang. Bakit kaya, Johnpaul?
Guro, dahil tayong mga nilalang ay
may mga emosyong pinapakita na
nakabatay sa kung anong
ipinararamdam o pinapakita ng kapwa
natin.
Tama!

6. Pagganyak

Klas sa umagang ito ay mayroon


akong inihandang mga aktibidad na
sigurado akong magugustuhan ninyo, at
ito ay may kinalaman sa paksang ating
tatalakayin ngayon. Pero bago ang lahat
ay papangkatin ko muna kayo sa apat na
pangkat.
Lahat na ay may grupo na.
(Natapos na ng pagpapangkat)

Ngayon, na may kanya-kanya na


kayong grupo ay nais ko sana na
makitang makipartisipa ang bawat isa
mamaya, upang makakuha kayo ng
gantimpala. Kaya galingan niyo klas!

Klas, may hawak akong isang bola at Opo,guro!


ito’y pagpapasa-pasahan ninyo at kung
sinong huling nakahawak ng bola na
kasabay nang paghinto ng tugtog ay ang
siyang sasagot sa mga larawang
nakapaskil sa pisara at ang aktibidad na
ating gagawin ngayon ay tinatawag na 4
pics 1 word.)

(Magpapatugtog ang guro at kung sino


ang hihintuan ng bolang pagpapasahan
ng mga mag-aaral ay ang siyang sasagot
sa larawang nakapaskil sa pisara.)
(Nagsimula na ang pagpapatugtog.)

Kyle!

(4 pics 1 word) (Pumunta na ang unang mag-aaral


upang sagutan ang naturang larawan)

*Galit
G T

Lerjoe!

S *Masaya

Mae-ann!

*Emosyon

E
Ang galing niyo naman klas sapagkat
nasagutan niyo ng tama ang mga
larawang nakapaskil sa pisara.

B. Paglilinang na Gawain

a. Paglalahad
Ang mga larawan na ito ay may
kinalaman sa ating paksang ating
tatalakayin ngayong araw. Ito ay isang
maikling kuwentong pinamagatang,
“Ang mga Pako sa Pader.”

b. Paghawan ng sagabal
Bago tayo dumako sa mismong kuwento
ay atin munang bigyang katuturan ang
mga piling salita upang atin itong mas
maintindihan.

May inihanda akong mga kagamitan


upang mas mapalawig pa ang ating
kaalaman ukol sa paksang ating
tatalakayin ngayon.

Ayos ba sa inyo klas?


Opo,guro!

1.Natuklasan ni Loisa na a.Nagtitiyaga


mas gusto niya ang sabjek
na Matematika kaysa sa b.Nadiskubre
Ingles.
c.Mahalaga
2.Nagsisikap si Andoy na
pag-aralin ang kaniyang
tatlong anak kahit na ito’y
magsasaka lamang. Nasagot na ang mga nasabing
pangungusap.

Magaling! Sapagkat nalaman at alam na


alam niyo na ang mga katumbas na
salitang ating tinalakay.
Ngayon naman ay ibibigay ko muna ang
mga gabay na tanong:

1. Bakit kailangang magpatawad sa


lahat ng pagkakataon?
2. Anong aral ng kuwento ang
mahalagang matutunan bilang isang
mag-aaral?

(Magtatawag ng isang mag-aaral


upang basahin ang naturang
kwento.)

Kharl, maaari mo bang basahin ang


kuwento para sa amin?

Tayo na’t tumahimik at makinig.


Sige po,Guro!

Natapos ng basahin ang kuwento.

c. Pagtatalakay

“Ang mga Pako sa Pader”


Atin ng sagutin ang mga katanungan.
Pipili ako ng dalawang emoji at kung
sinong may hawak ng napili ko ay ang
siyang sasagot sa katanungan,
maliwanag ba klas?
(Ang bawat emoji ay may katumbas na
numero.)
Opo,guro!

Sinimulan na ang pagpili:

1. Bakit kailangang magpatawad sa


lahat ng pagkakataon? Rosalinda!
Guro, para po hindi maipon ang galit
sa puso natin.
Tama!

(Bubunot muli.)
Angelyn?! Kung anong nagawang kasalanan ng
kapwa natin sa atin ay huwag nating
tumbasan ng galit datapwa’t tayo’y
magpatawad upang sa gayon ay hindi
tayo maging katulad ng mga taong
nakapanakit sa atin.
Mahusay!

2. Anong aral ng kuwento ang


mahalagang matutunan bilang isang
mag-aaral? Dorathy!
Mag-isip muna ng maraming beses
bago mag-salita dahil maaari tayong
makasakit sa ating kapwa.
Magaling!

Ngayon naman ay magbibigay ako ng


mga halimbawa ng mga kasalungat at
kasingkahalugan ng mga salita upang
mas mapalawig pa ang ating dati ng
kaalaman.
Mga salita Kasingkahulugan Kasalungat
1. matanda May edad Bata
2. malusog Mabilog Payat
3. payapa Tahimik Maingay
4. mataas Matayog mababa
5. mahaba Walang hanggan Maigsi

d. Paglalahat

Sa kabuuan, ano ang ating tinalakay?


Guro, ang ating tinalakay ay tungkol
Jenalyn!
po sa mga pako sa pader.

Tama!

Ano ang natutunan niyo mula rito?

Elaine!
Guro, ang natutunan ko sa kuwento ay
huwag mag-tanim ng sama ng loob sa
ating kapuwa at matuto tayong maging
mahinahon.
Magaling!

e. Pagpapahalaga

Ano sa tingin niyo ang aral ng kuwento?


Visel! Guro, ang aral ng kuwento ay mag-isip
muna tayo nang maraming beses bago
magsalita, dahil maraming alitan o di-
pagkakaintindihan ang maiiwasan
kung iisipin muna natin ng mabuti ang
ating mga sasabihin.

Magaling! Sapagkat may mga tao


tayong nasasaktan dahil lamang sa ating
mga nabibitawang masasakit na salita
kaya’t pagisipan muna natin ng mabuti
ang ating mga sasabihin kung ito na ay
nakakasakit sa ating kapuwa at tayo rin
dapat ay marunong magpatawad.

f. Paglalapat

Klas, batid kong naunawaan niyo na ang


kuwentong ating tinalakay kanina.
Kaya’t magkakaroon naman tayo ng
aktibidad at mananatili pa rin kayo sa
inyong mga dati ng grupo/pangkat.
Magbibigay ako ng mga kagamitan para
sa aktibidad na ating gagawin ngayon.
Ang kumakatawan sa bawat grupo ay
pumunta sa harap upang malaman niyo
ang inyong gagawin at para kunin ang (Ang kumakatawan sa bawat grupo ay
mga kagamitan sa akin. nagpunta na sa harap.)

Rubriks: MGA SAGOT:


1. Disiplina ng bawat pangkat. - 5
2. Kooperasyon ng bawat miyembro. - 5 1. BAWASAN
3. Bilis sa pag-buo sa mga letra. - 10 2. GALIT

Unang Aktibidad: 3. MAGASPANG


Ibigay ang kasalungat na kahulugan ng
4. IKINAHIHIYA
salitang may salungguhit. Ayusin ang
mga letrang nakalagay sa sobre 5. NATUTUWA
hanggang sa mabuo ang sagot at idikit
ito sa papel.

1. Huwag na nating dagdagan pa


ang sakit na nararamdaman ng ibang
tao.
bwsaaan

2. Laging mahinahon si Tanya kaya


naaayos niya ang mga problema.

gltai

3. Makinis at hindi pa nasusugatan


ang mga kamay ng bata.
gnapmgasa

4. Ipinagmamalaki ko ang aking


mga magulang dahil sila ay
masisipag at mabubuting tao.

hihikiniaya

5. Noon, nagagalit siya kapag may


maliliit na kasalanan ang kaniyang
mga kaibigan.

uttunawa

Mahusay! Sapagkat nabuo niyo ng tama


ang mga letrang may katumbas na
kasalungat na salita sa pisara.
Palakpakan ninyo ang inyong mga sarili.

Rubriks:
1. Disiplina ng bawat pangkat. – 5
2. Kooperasyon ng bawat miyembro.
–5

Pangalawang Aktibidad:
Basahin at sagutin ang bawat tanong.
Itaas lamang ang emoji sa katumbas
nitong sagot. (Ito ay pabilisan.)
1. Bakit naisipan ng ama na ipagawa
sa anak ang paglalagay ng mga pako
sa pader?
A. Gusto niya itong parusahan.
B. Gusto niya itong turuan ng
leksiyon.
C. Malapit ng masira ang kanilang
pader.
D. Upang malaman kung matibay
ang pader. MGA
2. Ano ang nagagawa ng bata kapag SAGOT:
nagagalit siya? A. LIKE
A. Nasisira niya ang kanilang bahay.
B. Nakikipagsuntukan siya sa B. LOVE
kaniyang mga kaklase.
C. Hindi niya kinikibo ang kaniyang C. HAHA
mga kaibigan, at kaklase. D. WOW
D. Nakapagsasalita siya ng
masasakit sa kaniyang mga kaibigan. 1. B - LOVE
3. Bakit nabawasan ang bilang ng
2. D - WOW
pako na nadadagdag sa pader araw-
araw? 3. D - WOW
A. Naubos ang mga pako ng bata.
B. Tinamad ang bata at hindi na 4. B - LOVE
sinunod ang utos ng kaniyang ama.
C. Nahihirapan na ang bata sa
pagpukpok ng pako sa pader.
D. Natuklasan ng bata na mas
madaling maging mahinahon kaysa
magalit.
4. Ano ang nangyari nang matanggal
na ang lahat ng pako mula sa pader?
A. Muling naging makinis ang
pader.
B. Nagkaroon ng maliliit na butas
ang pader.
C. Pininturahan muli ang nabutas na
pader.
D. Gumuho ang pader at
kinailangang ayusin muli.
5. Ano kaya ang mangyayari kapag
may nagawa ulit na mali ang
kaibigan ng bata?
A. Pagagalitan niya ito at
pagsasalitaan ng masasakit.
B. Mahinahon niyang sasabihin
kung bakit mali ang ginawa ng
kaibigan.
C. Maglalagay muli ang bata ng
napakaraming pako sa kanilang
pader sa bahay.
D. Kakausapin niya nang masinsinan
ang kaibigan para hindi siya
gumawa muli ng pagkakamali.

Rubriks:
1. Disiplina sa bawat pangkat. – 5
2. Kooperasyon ng bawat miyembro. – 5
3. Nilalaman ng presentasyon -10

Pangatlong aktibidad:
Panuto: ang bawat grupo ay
magsasagawa ng isang scenario sa loob
ng tatlumpung segundo na nagpapakita
ng pag-hingi ng tawad sa kanyang
kapwa. (Nagawa na ang lahat ng aktibidad)

Nagustuhan niyo ba klas, ang mga


aktibidad na inyong ginawa?

Palakpakan niyo ang inyong mga sarili!

Opo guro!

IV. PAGTATAYA
Panuto: Ibigay ang mga katumbas na kahulugan at kasalungat ng mga ss. na salita.
1.tunay
2.maganda
3.bandila
4.problema
5.importante

V. TAKDANG ARALIN
Panuto: Sumulat ng balangkas na pangungusap ng kuwentong iyong nabasa. Gawin
ito sa inyong kuwaderno.
Iniwasto ni: Inihanda ni:
Mrs. Jaine Z. Tarun, Ph.D Sheilla Grace M. Cabauatan

You might also like