You are on page 1of 16

Marso 25,2024

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 7

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. natutukoy ang mahahalagang detalye sa napakinggang teksto tungkol sa
epiko sa kabisayaan;
b. naipapaliwanag ang pinagmulan ng salita at;
c. naisasagawa ang isahan/pangkatang pagsasalaysay ng isang pangyayari
sa kasalukuyan na may pagkakatulad sa mga pangyayari sa epiko(F7PS-
llg-h-10).

II. PAKSANG-ARALIN
Paksa: Epiko ng Hinilawod: Labaw Donggon
Sanggunian:
Aklat: Filipino 7 Panitikang Rehiyonal Pp. 145-154
Kagamitan: Panturong biswal, laptop, at telebisyon

III. PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO
A. Pang-araw-araw na Gawain
• Panalangin
Inaanyayahan ko ang lahat ng
tumayo para sa ating panalangin na
pangungunahan ni Jenny.
Ama, maraming salamat po sa lahat ng
mga biyayang ipinagkakaloob Niyo sa
amin. Nawa’y bigyan Niyo po kami ng
kasiglahan at kalakasan sa aming mga
gagawin. Bigyan Niyo po kami ng sapat na
kaalaman tungo sa aming karunugan
ngayon araw. Gabayan Niyo po ang bawat
isa sa amin at ilayo sa masama. Amen.

Magandang Buhay Ma’am Ann!

• Pagbati
Magandang Buhay 7-Gardner! Wala po, Ma’am.

• Pagtatala ng Liban
Sophia, may lumiban ba sa ating
klase ngayong araw? Ang tumatak po sa aking isipan mula sa
panalangin ay ang pasasalamat dahil sa
mga biyayang ipinagkaloob sa atin ng
• Pagproseso sa Panalangin
Ayon sa panalanging sinambit ng Diyos.
inyong kaklase, anong salita ang
tumatak sa inyong isipan? Bakit?

Tama! Nararapat lamang na tayo ay


magpasalamat sa araw-araw na mga
biyayang ipinagkakaloob niya sa atin
dahil ang Panginoon ang siyang
tagapagbigay sa lahat ng natatamasa
natin Sapagkat kung alam mo ang mga
desisyong ginagawa mo at mabuti ang
kilos mo, pagkakalooban ka ng
Panginoon.
B. Balik-Aral

Bago tayo dumako sa ating bagong-


aralin, balikan muna natin ang huli nating
tinalakay.

Anong pamagat ng dula ang tinalakay


natin noong nakaraan? Ang dula po na tinalakay natin noong
nakaraan ay pinamagatang “Ang Peke”.

Tungkol saan ang dulang “Ang Peke”?


Ito po ay tumutungkol sa isang mayamang
lalaki na si Don Felix. Siya ay nagpanggap
bilang si Eling sa lugar ng mahihirap upang
mapatunayan siya ay totoong tao at hindi
peke kay Dr. Casas, na siyang naging
tagapagpayo niya upang mahanap ang
tunay na kabuluhan ng buhay tungo sa
totoong kaligayahan na hindi dumedepende
sa kayamanan (salapi).

Anong aral ang iyong natutunan mula sa


dulang “Ang Peke”?
Ang aral na natutunan ko po sa dula ay
mahalagang magkaroon tayo ng mithiin sa
buhay upang maging makabuluhan ang
ating buhay tungo sa tunay na kaligayahan.

C. Panlinang na Gawain

• Pagganyak
Makikita ang limang papel sa pisara
na may iba’t-ibang kulay kung saan
nakapaloob dito ang salitang
E.P.I.K.O. ang bawat letra ay may
nakapaloob na isang tanong na
sasagutin ng mag-aaral hanggang
sa mabuo nila ang salitang EPIKO.

Pakibasa ang panuto.

Panuto: Pumili ng kulay at sagutin ang


nakapaloob na tanong.

Anong unang kulay ang nais niyong


buksan?
Ma’am kulay asul po.

Unang kulay (Asul)


Tanong: Ano ang pangalan ng bayan na
matatagpuan sa Mindanao kung saan
ipinagdiriwang ang Dinagyang Festival?

Ang bayan pong matatagpuan sa


Mindanao kung saan ipinagdiriwang ang
Dinagyang Festival ay Ilo-Ilo.
__ __ I __ __
Anong kulay ang nais niyong buksan?

Ma’am kulay berde po.


Ikalawang kulay(Berde)
Tanong: Ito ang pinakamaliit na sektor sa
lipunan na binubuo ng Nanay, Tatay, at
mga anak.

Ang pinakamaliit na sektor sa lipunan na


binubuo ng Nanay, Tatay, at mga anak
ay tinatawag na Pamilya.
__ P I __ __

Tama, mahusay.

Anong kulay ulit ang nais niyong


buksan?
Ma’am kulay pula po.

Ikatlong Kulay (Pula)


Tanong: Sa ayaw at sa gusto ng isang
estudyante tatapusin niya ang kanyang
takdang aralin sapagkat ito ay
kanyang_______ bilang isang mag-
aaral. Ang sagot po ay Obligasyon.
__ P I__ O

Sunod, anong kulay ulit ang nais niyong


buksan? Ma’am kulay rosas po.
Ikaapat na kulay(Rosas)
Tanong: Ano ang kabaligtaran ng
kaliwanagan?
Ang kabaligtaran po ng kaliwanagan ay
kadiliman.
__ P I K O

Tama, magaling.

Ikalimang kulay (Kayumanggi)


Tanong: ito ay tumutukoy sa damdamin
ng isang tao. Ang sagot po ay Emosyon.
E P I K O

Tama, magaling.

Anong salita ang inyong nabuo, batay sa


ating gawaing ginawa?
Ang nabuo pong salita ay EPIKO.

D.Paghahawan ng Sagabal
Panuto: Piliin sa kahon ang angkop na
salita
1. Nagapi - natalo
2. Lulan - sakay
3. Kabiyak - asawa
4. Inagta - itim na bangka
5. Palaso - pana

Narito ang mga katanungang ating


masasagutan sa katapusan ng
aralin.

Pakibasa nga po ng sabay-sabay.


1. Anong katangiang taglay ni Labaw
Donggon ang dapat tularan at di-dapat
tularan bilang isang pilipino?
2. Anong aral ang nais iparating ng epiko sa
mga mambabasa?
3. Bilang isang mag-aaral, paano mo
maisasabuhay ang aral na iyong nakuha sa
epiko na tinalakay?
E.Pagpapakilala sa Aralin
Ang L.A.S ninyo ay nailagay na sa
google classroom, mamaya pagkatapos
ng ating talakayan ay sasagutan niyo ito
kaya makinig ng mabuti.

Batay sa ating ginawang gawain kanina


kung saan nakabuo tayo ng isang salita,
Ano sa inyong palagay ang ating
tatalakayin? Sa akin pong palagay ang tatalakayin po
natin sa araw na ito ay isang Epiko.

Mahusay!
Ang tatakayin natin sa araw na ito ay
tungkol sa isang Epiko ng mga taga-ilo-
ilo ang Epiko ng Hinilawod na may
pamagat na Labaw Donggon.

Ngunit bago natin talakayin ang akda,


may ideya ba kayo kung ano ang Epiko?

Ang Epiko po ay isang isang uri ng


Panitikan.
Tama!
Ang Epiko ay isang uri ng pantikan o
literatura ng ating bansa o ang epiko
ay……
Pakibasa po sabay-sabay.

Ang Epiko ay isang tulang pasalaysay na


nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing
tauhan na nagtataglay ng katangiang
nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan
siya’y buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa.

Salamat!
Sa ating bansa ay napakaraming kilalang
Epiko na nagmula sa iba’t-ibang rehiyon
at kabilang dito ang Epiko ng mga talaga
Ilo-Ilo o mas kilala sa tawag na Epiko ng
Hinilawod.

Ano nga ba ang Hinilawod?


Pakibasa_______.

Ang epikong Hinilawod ay


nangangahulugang "Mga Kuwento Mula sa
Bukana ng llog Halawod" ay isang epiko ng
mga sinaunang nanirahan sa lugar na
tinawag na Sulod sa Panay.
Salamat______
Ang Hinilawod ay nangangahulugang
"Mga Kuwento Mula sa Bukana ng llog
Halawod" ang llog Jalaur o Jalaud sa
lloilo na may sinaunang pangalang
Halawod ay siyang pinagmulan ng epiko
na may pamagat na Hinilawod.
Ngayon naman kilalanin naman natin
kung sino ang nakatuklas ng Epiko ng
Hinilawod.

Felipe Landa Jocano


(5 Pebrero 1930 – 27
Oktubre 2013)
Siya ay isang
antropologo, guro at
manunulat na Filipino na
kilala sa kaniyang
natatanging ambag sa disiplina ng
antropolohiya sa Pilipinas. Kilala rin siya sa
kanilang salin ng Hinilawod, isang kilalang
epiko mula sa kanlurang Visayas. Kinilala si
Jocano bilang isang professor emeritus ng
Asian Center ng Unibersidad ng Pilipinas at
siya ring executive director ng PUNLAD
Research House, Inc., at isa ring propesor
sa UP. Nakapag-akda siya ng maraming
mga libro tungkol sa iba't ibang aspeto ng
kultura at lipunang Filipino.

F.Pagtatalakay sa Paksa

Ang ating tatalakayin sa araw na ito ay


ang Epiko ng Hinilawod na
pinamagatang Labaw Donggon.

Bago ang lahat, basahin muna natin ang


mga gabay na tanong na ating
masasagutan pagkatapos marinig at
mabasa ang epiko. Gabay na Tanong:
1. Sinu-sino ang mga pangunahing tauhan
ng epiko? At ibigay ang kanilang mga
katangian.
2. Ano ang naging kahinaan ni Labaw
Donggon? Paano iyon nakaapekto sa
kanyang pamilya?
3. Kung ikaw ang isa sa mga asawa ni
Labaw Donggon, ano ang gagawin mo
sa pagiging mahilig ng iyong asawa sa
magagandang babae?
4. Naipakita ni Baranugon at Asu Mangga
ang pagdadamayan at pagmamahalan.
Sa iyong palagay, paano naipakikita ang
mga pagpapahalagang nabanggit?
5. Anong mensahe ang nais iparating ng
epiko sa mga mambabasa?
Bago ako magkwento, basahin niyo
muna ang mga tauhan sa “Epiko ng
Hinilawod” upang may ideya na agad
kayo sa kanilang gampanin. Mga Tauhan:

Labaw Donggon – isa sa mga tatlong anak


nina Diwata Abyang Alunsina at Buyung
Paubari. Kagila-gilalas ang kanyang
katauhan sapagkat kaagad siyang lumaki
pagkasilang pa lamang niya.

Suklang Malayon – kapatid ni Alunsina.

Bungot Banwa – ang iginagalang na pari


ng kanilang lahi.

Anggoy Ginbitinan – unang asawa ni


Labaw Donggon, ina ni Asu Mangga.

Manalintad – halimaw na tinalo ni labaw


upang mapangasawa si Anggoy Ginbitinan.

Anggoy Doroonan – Pangalawang asawa


ni Labaw Donggon, ina ni Baranugan.

Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata –


isa sa mga magagandang babaeng
natitipuhan ni Labaw Donggon kung kaya’t
gagawin niya ang lahat makamit lamang ito
kahit na may asawa na ito na si Burong
Saragnayan.

Burong Saragnayan – asawa


ni Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata,
pinakamatinding nakatunggali ni Labaw
Donggon kay Nagmalitong Yawa.

Baranugan – Anak ni Labaw Donggon kay


Anggoy Doroonan. Isa sa mga masugid na
naghanap kayLabaw Donggon nuong
nawala ito.

Asu Mangga – Anak ni Labaw Donggon kay


Anggoy Ginbitinan. Isa sa mga masugid na
naghanapkaisa ni Baranugan kay Labaw
Donggon sa pagkawala nito.

Abyang Alunsina – Lola ni Baranugan na


pinaghingan niya ng tulong kung sa
papaano ng paraan mapupuksa si Burong
Saragnayan.

Humadapnon at Dumalapdap – Kapatid ni


Labaw Donggon.
Maraming salamat!
Handa na ba makinig ang lahat? Ngayon
ay pakinggan mabuti ang epikong aking
ikukuwento sa inyo.

EPIKO NG HINILAWOD: ANG


PAKIKIPAGSAPALARAN NI LABAW
DONGGON
(Epiko ng mga Bisaya)

Ipinag-utos ni Kaptan, ang hari ng


mga diyos at diyosa na ang magandang
diwatang si Alunsina ay ikakasal
pagsapit niya sa edad ng pagdadalaga.
Maraming makikisig na diyosa sa iba’t
ibang bahagi ng daigdig ang naghangad
sa kanyang kamay subalit silang lahat ay
nabigo dahil si Alunsina ay umibig at
nagpakasal sa isang mortal na si Datu
Paubari, ang pinuno ng Halawod. Dahil
dito’y nagalit ang mga manliligaw ni
Alunsina at nagkaisa silang gantihan ang
bagong kasal.
Binalak nilang sirain ang Halawod sa
pamamagitan ng isang malaking baha.
Mabuti na lamang at nalaman ni Suklang
Malayon, kapatid ni Alunsina ang maitim
na balak ng mga nabigong manliligaw
kaya’t ang magkabiyak ay nakatakas
patungo sa isang mataas na lugar kaya’t
sila’y nakaligtas sa baha. Bumalik lang
sila nang napawi na ang baha. Tahimik
silang nanirahan sa bukana ng Ilog
Halawod.
Pagkalipas ng ilang buwan ay
nagsilang ng tatlong malulusog na
sanggol na lalaki si Alunsina. Labis-labis
ang kaligayahan ng mag-asawa sa
pagdating ng kanilang mumunting
biyaya. Pinangalanan nilang Labaw
Donggon, Humadapnon, at Dumalapdap
ang tatlong sanggol. Ipinatawag nila
agad si Bungot-Banwa, ang iginagalang
na pari ng kanilang lahi upang isagawa
ang ritwal na magdudulot ng mabuting
kalusugan sa tatlo.
Nagsunog si Bungot-Banwa ng talbos
ng halamang alanghiran na sinamahan
niya ng kamangyan at saka inialay sa
isang altar. Pagkatapos ay binuksan niya
ang bintana at sa pagpasok ng malamig
na hangin mula sa hilaga, ang tatlong
sanggol ay biglang naging malalakas at
makikisig na binata.

Ang Pakikipagsapalaran ng Panganay


na si Labaw Donggon
Sa tatlong magkakapatid, si Labaw
Donggon ang nagpakita ng interes sa
magandang babae. Nang marinig niyang
may isang magandang babaeng
nagngangalang Angoy Ginbitinan mula
sa bayan ng Handug ay nagpaalam agad
siya sa ina upang hanapin ang dalaga.
Pagkalipas ng ilang araw na paglalakbay
sa mga kapatagan, kabundukan, at mga
lambak ay narating din niya ang Handug.
Kinausap niya ang ama ng dalaga upang
hingin ang kamay ng anak. Sinabi ng
ama na papayag lamang siyang makasal
ang anak na si Angoy Ginbitinan kay
Labaw Donggon kung mapapatay niya
ang halimaw na si Manalintad.
Agad pinuntahan ni Labaw Donggon
ang halimaw at nakipaglaban siya rito.
Napatay niya ang halimaw at ibinigay
ang pinutol na buntot nito sa ama ni
Angoy Ginbitinan bilang patunay ng
kanyang tagumpay. Ikinatuwa ito ng ama
kaya’t pumayag siyang ipakasal ang
anak kay Labaw Donggon. Pagkatapos
ng kasal ay naglakbay ang dalawa
pabalik sa tahanan nina Labaw
Donggon.
Sa kanilang paglalakbay ay may
nakasalubong silang mga binata na nag-
uusapusap tungkol sa isang
napakagandang dalagang
nagngangalang Abyang Durunuun na
nakatira sa Tarambang Burok. Narinig
niya mula sa usapan ng mga binata na
sila’y papunta sa tirahan ng dalaga
upang manligaw sa kanya. Naging
interesado sa narinig si Labaw Donggon
kaya naman pagkalipas lang ng ilang
linggong pagsasama ay inihabilin niya
ang bagong asawa sa inang si Alunsina
at siya’y naglakbay na patungo sa
Tarambang Burok upang suyuin si
Abyang Durunuun.
Subalit hindi pa roon nagtapos ang
kanyang paghahanap ng
mapapangasawa sapagkat pagkalipas
ng ilang panahon nabalitaan na naman
niyang may isa pang napakagandang
babae, si Nagmalitong Yawa
Sinagmaling Diwata na asawa ni Burong
Saragnayan, ang diyos ng kadiliman.
Nais din niyang mapangasawa ito. Sinabi
ni Donggon ang kanyang balak sa
dalawang asawa. Ayaw man nila ay wala
silang nagawa. Sumakay si Labaw
Donggon sa isang inagta o itim na
bangka at naglayag sa malalawak na
karagatan patungong Gadlum.
Naglakbay rin siya sa malalayong
kalupaan at sa mga batuhan hanggang
sa marating niya ang Tulogmatian, ang
tahanan ni Buyong Saragnayan. Agad
siyang hinarap ni Saragnayan at
tinanong kung ano ang kaniyang
kailangan. Sinabi niyang gusto niyang
mapangasawa si Nagmalitong Yawa
Sinagmaling Diwata. Pinagtawanan ng
Diyos ng kadiliman si Labaw Donggon at
sinabing imposible ang hinahangad nito
dahil asawa na niya ang diwata.
Subalit hindi basta sumuko si Labaw
Donggon. Hinamon niya sa isang
labanan si Saragnayan at sila’y naglaban
sa loob ng maraming taon. Inilubog ni
Labaw Donggon ang ulo ni Saragnayan
sa tubig sa loob nitong taon subalit hindi
pa rin niya napatay ang Diyos ng
Kadiliman. Binayo niya ng binayo subalit
hindi rin niya ito nagapi. Sa
pamamagitan ng pamlang o anting-
anting ni Saragnayan ay natalo niya ang
noo’y nanghihina at pagod na pagod
nang si Labaw Donggon.
Ibinilanggo niya si Labaw Donggon sa
isang kulungan sa ilalim ng kanyang
tahanan. Samantala, kapwa nanganak
ang dalawang asawa ni Labaw Donggon.
Parehong lalaki ang naging anak nila.
Ang anak ni Angoy Ginbitinan ay tinawag
niyang Asu Mangga samantalang ang
anak ni Abyang Durunuun ay
pinangalanang Abyang Banugon.
Nakapagsalita at nakatindig agad ang
mga bata. Hinanap nila kapwa ang
kanilang ama.
Sa kanilang paghahanap ay
nagkasalubong ang magkapatid sa
karagatan. Naglalakad sa ibabaw ng
tubig si Baranugon at lulan naman ng
bangka si Asu Mangga. Napag-alaman
nilang kapwa nila hinahanap ang amang
mahilig sa magagandang babae.
Naglakbay sila patungong Tulogmatian
kung saan nila nalaman ang ginawa ni
Saragnayan sa kanilang ama. Sinabihan
nila itong pakawalan ang kanilang ama.
Pinagtawanan lamang ni Saragnayan
ang sinabi ng mga anak ni Labaw
Donggon kaya’t hinamon siya ng mga ito
sa isang labanan. Buong tapang na
nakipaglaban ang magkapatid kay
Saragnayan.
Ngunit napakahusay ni Saragnayan
kaya’t hindi nila ito matalo-talo. Bumalik
si Baraugon sa kanilang lolang si Abyang
Alunsina upang sumangguni. Dito niya
nalamang ang kapangyarihan pala ni
Saragnayan ay nakatago sa isang
baboyramo. Mapapatay lamang daw si
Saragnayan kapag napatay ang baboy-
ramong kinatataguan ng kanyang
hininga. Sa tulong ng taglay nilang
anting-anting ay natagpuan at napatay
ng magkapatid ang baboy-ramo.
Sa pagkamatay ng baboyramo ay
nanghina si Saragnayan kaya’t madali na
siyang napatay ng palaso ni Baranugon.
Gayunma’y hindi rin nila nakita ang ama
sa bilangguan nito. Maging ang mga tiyo
nilang sina Humadapnon at Dumalapdap
ay tumulong na paghahanap, natagpuan
din nila ang ama sa loob ng isang lambat Si Labaw Donggon ay anak ni Anggon
na nasa may pampang malapit sa bahay Alunsina at Buyung Paubari. Ang kanyang
ng asawa ni Saragnayan. katangian ay ang pagiging matikas,
Subalit wala na ang kakisigan at matalino, at malakas.
kagitingan ni Labaw Donggon. Nawala
ito dahil sa matagal na pagkakakulong
nang labis na paghahangad sa
magaganda, kahit na may asawa nang
babae. Naibalik ng magkapatid sa Ang kahinaan ni Labaw Donggon ay ang
kanilang tahanan si Donggon subalit kahiligan o pagkagusto niya sa mga
hindi pa rin nawala ang pagnanais nitong magagandang babae. Kapag nakakarinig
makahanap pang muli ng magandang siya na mayroong magandang babae sa
mapapangasawa. lugar na iyon kahit ito pa ay malayo o
Ikinagalit ito ng kanyang dalawang kinakailangan niyang makipaglaban siya ay
asawa subalit ipinaliwanag niyang pupunta pa din doon. Kung kaya sa
pantay-pantay ang gagawin niyang bandang huli ito ang nagbigay sa kanya ng
pagmamahal sa kanyang mga asawa. kapahamakan. Nakaapekto ito sa kanyang
Ipinagdasal ng dalawang babaeng pamilya sapagkat matagal siyang hindi
nagmamahal sa kanya na muling nakita ng mga ito pati na ang kanyang mga
lumakas si Donggon. Hindi nga nagtagal anak.
ay muling nagbalik ang kakisigan at
lakas ni Labaw Donggon.

Kung inyong naunawaan ang epiko, atin Lalayuan ko nalang ito marahil dahil hindi ko
nang sagutan ang mga gabay na tanong gusto ang
na binasa ninyo kanina. pagiging babaero niya. O papapiliin ko siya
kung sino ang mas mahal niya samin,
1. Sinu-sino ang mga pangunahing sasabihin ko nadin na makuntento siya sa
tauhan ng epiko? At ibigay ang isa. Dahil siya lang ang mag sisisi sa huli.
kanilang mga katangian.

2. Ano ang naging kahinaan ni Labaw


Donggon? Paano iyon nakaapekto sa Sa aming pamilya ang pagpapahalagang
kanyang pamilya? nabangit ay naipapakita sa pamamagitan ng
pag-aaruga sa isat-isa at pagbibigay ng mga
bagay na kinakailangan ng myembro ng
pamilya sa ganitong paraan ay naipapakita
namin ang pagmamahalan sa bawat isa.

Ang mensahe ng epikong ito ay


pinatutunayan na dapat ipinaglalaban ang
isa’t isa at lahat ay malalagpasan ang lahat
ng suliranin sa madaling sabi ang epiko ay
pagkakaisa.
3. Kung ikaw ang isa sa mga asawa ni
Labaw Donggon, ano ang gagawin
mo sa pagiging mahilig ng iyong
asawa sa magagandang babae?

4. Naipakita ni Baranugon at Asu


Mangga ang pagdadamayan at
pagmamahalan. Sa inyong pamilya,
paano naipakikita ang mga
pagpapahalagang nabanggit?

5. Anong mensahe ang nais iparating


ng epiko sa mga mambabasa.
G.Paglalahat

Papangkatin ang klase sa apat at


bibigyan ng mga kaniya-kaniyang gawain
ang bawat grupo. Bubunot ng papel ang
isang miyembro ng bawat pangkat upang
makapili ng graphic organizer na
kanilang gagamitin sa pagsasalaysay ng
mga pangyayari sa epiko na tinalakay na
maihahalintulad sa kasalukuyan.
Unang pangkat:
Hinilawod

Magbigay ng
mga
pangyayari
sa
Magtala ng
kasalukuyan
mga
na
pangyayari
maihahalint
sa epiko na
ulad sa mga
Ikalawang pangkat:

Ikatlong pangkat:

Ikaapat na pangkat:

H.Paglalapat
Ngayon naman sagutin natin ang ating
mga gabay na tanong.

1. Anong katangian ni Labaw


Donggon ang dapat tularan at
di-dapat tularan bilang isang
pilipino?
Ang katangian ni Labaw Donggon na dapat
tularan bilang isang Pilipino ay ang pagiging
matapang, malakas, at makisig. Ang hindi
naman dapat tularan ay ang hindi nya
pagiging kontento sa mga nagiging asawa
nya.
2. Ano ang aral na iyong napulot sa
epiko na tinalakay?

Ang aral na napulot namin sa epiko ay bago


mo makuha ang isang bagay kinakailangan
paghihirapan bago ito makakamtan.

3. Bilang isang mag-aaral, paano mo


maisasabuhay ang aral na iyong
nakuha sa epiko na tinalakay?

Bilang isang mag-aaral maisasabuhay ko


ang aral na aking natutunan sa
pamamagitan ng pagsasabuhay sa pang-
araw araw na gawain.
Kung ikaw ay isa sa mga anak ni
Labaw Donggon, gagawin mo rin ba
ang kanilang ginawa upang mahanap
ang kanilang ama? At Bakit?

Kung ako po ay isa sa mga anak ni Labaw


Donggon gagawin ko rin po ang lahat upang
mahanap ang aking tatay sapagkat siya ay
isa sa mga nagbigay sa akin ng buhay, at
siya ang dahilan kung bakit ako’y
nabubuhay sa mundong ibabaw.

Ebalwasyon
Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Ang tagpuan ng epiko ay ang ilog Halawod sa Panay. Ano ang mahihinuhamong
hanapbuhay ng mga tao roon?

a. magsasaka b. mangangaso
c. mangingisda d. maghahabi ng tela

2. Hinilawod ang pamagat ng epiko. Saan nanggaling ang salitang Hinilawod?

a. Ang salitang Hinilawod ay mula sa salitang ugat na hinila.


b. Ang salitang Hinilawod ay mula sa salitang Halawod dahil ang tagpuanng epiko ay sa
ilog ng Halawod.
c. May gitlaping–in ang salita.
d. Ang salitang Hinilawod ay mula sa salitang Griyego na halawos.

3. Isa sa mga tradisyong inilahad sa akda ay ang pagbebendisyon ng isang


iginagalang na pari sa mga bagong silang na sanggol. Ano raw ang maidudulot
ng ritwal na iyon sa sanggol?

a. malaking kayamanan
b. mabuting kalusugan
c. matipuno at makisig na anyo
d. magara at malaking palasyo

4. Madaling mahumaling si Labaw Donggon sa magagandang mga babae. Nagkaroon


na siya ng dalawang asawa ngunit nabalitaan niya ang gandang taglay ni
Nagmalitong Yawa Sinagmalang Diwata. Sa ikatlong pagkakataon, ninais muli ni
Labaw Donggon na mapangasawa ang nasabing diwata subalit hindi siya
nagtagumpay. Bakit?

a. ayaw sa kanya ng babae


b. may asawa na ang babae
c. pinigilan sila ng magulang ng babae
d. kuwento ng sikolohiya

5. Alin ang sitwasyong nagpapakita ng mensahe ng epikong tinalakay?

a. Iniwan ni Mang Bert ang kanyang mag-ina dahil sa iba. Pagkatapos ng ilang taon,
nagbalik siya sa kanyang pamilya at humingi ng tawad. Muling siyang tinanggap ng
kanyang asawa at anak.
b. Si Leslie ay mabuting kaibigan ngunit walang respeto sa kanyang mga magulang.
c. Mas minabuti nina Grace na dalhin sa Home for the Aged ang inang matanda na
sapagkat abala sila sa trabaho.
d. Nagtatrabaho sa ibang bansa ang mga magulang ni Ria upang ibigay ang kanyang
mga pangangailangan. Lingid sa kaalaman ng mga magulang, winawaldas lamang
niya ang perang ipinadadala sa kanyang mga luho.

Takdang aralin
Magsaliksik ng iba pang epiko na bukod sa kabayanihan ay pumapaksa rin pagbibigay-
halaga sa pamilya. Basahin ito at ibuod ang mga pangyayari.

Inihanda ni:

DIZON , ROSIELYN P.
BSED – FILIPINO

Nasuri ni:
DARIUS KING GALO LPT.

You might also like