You are on page 1of 8

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A CALABARZON
Sangay ng Lungsod ng Lipa
Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa

Masusing Banghay-Aralin sa Literatura 108/110


Ang Mandaragit ng Ibon sa Impyerno

I. Layunin

A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga piling akdang tradisyunal ng
Silangang Asya.

B. Pamantayan sa Pagganap
Ang mga mag-aaral ay nakasusulat ng sarili ng akda na nagpapakita ng pagpapahalaga sa
pagiging isang Asyano.

C. Kasanayan sa Pagkatuto
1.Naisasadula nang madamdamin sa harap ng klase ang nabuong maikling dula. F9PS-IIg-h-51
2. Nasasaliksik ang kulturang nakapaloob sa alinmang dula sa Silangang Asya. F9EP-IIg-h-19
3. Natutukoy kung sino ang nagsasalita sa mga sumusunod na dayalogo.

II.Nilalaman
A.Sanggunian
Mga Pahina sa Gabay na Guro: Pluma, pahina 262-265
Mga Pahina sa Kagamitang Pang-mag-aaral: wala
Mga Pahina sa Teksbuk : wala
Karagdagang Kagamitan mula sa Portal Learning Resources: wala

B.Iba pang kagamitang Panturo: TV, laptop, video clip, pantulong na biswal

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral
A. Pang-araw-araw na Gawain
1. Panalangin
(Pagpapakinig ng Ikaw na ang Bahala).
(Ang mga mag-aaral ay taimtim na
mananalangin.)
2. Pagsasaayos ng silid-aralan
Bago kayo magsiupo ay magkakaroon
muna tayo ng YAMA TSEK.
Y- umuko at pulutin ang mga nakikitang
kalat sa ilalim ng inyong mga upuan.
A-yusin ang hanay ng inyong mga silya.
M- aging alisto at handa sa talakayan
A-t ngayon ay oras na para bumati ng isang
Magandang Gabi at Mabuhay!.

3. Pagtatala ng liban
Para sa pagtatala ng liban ay may inihanda
akong isang awitin. Ako muna bago kayo.

Tumingin, tumingin sa kanan at kaliwa


Hanapin, isipin kung sino ang wala (2x)

4. Pagbabalik-aral
Naniniwala ako sa kasabihang ang hindi
lumingon sa pinanggalingan ay hindi
makararating sa paroroonan.
Kaya naman halina’t magbalik tanaw sa
paksang tinalakay noong isang araw.

Tungkol saan nga muli ang tinalakay natin


noong nakaraang araw?
Kahapon po ay tinalakay natin ang isang
dula na tungkol sa Hashnu ang Manlililok ng
Bato.

Sa inyong palagay, ano ang kabuuang


kaisipang nais iparating ng dula? Sa akin pong palagay ang kaisipang nais
iparating ng dula ay makuntento tayo sa kung
ano ang mayroon tayo. Matuto tayong
magsumikap sa buhay.

Mahusay! talaga namang pinatunayan


ninyo na kailanman ang pagbabalik tanaw sa
nakaraan ay nakapagdudulot sa atin ng aral at
kaalaman.

B. Paghahabi ng Layunin
Minsan ba’y naisip mo ang tunay na
layunin mo sa buhay? Sabi nila ang buhay
natin ay may hangganan at ang mundong ito
ay isang paghahanda lamang sa tunay nating
buhay sa mundong walang hanggan. Kung
ano raw ang iyong tinanim ay siya mo ring
aanihin. Ngunit saan nga ba tayo dadalhin ng
ating kapalaran kapag dumating na ang buhay
na wakas na ating pinakahihintay. Sigurado ka
bang sa magandang paraiso ka dadalhin ng
iyong mga paa o di kaya naman sa masalimuot
na paraiso. Maaring maraming tanong na
gumugulo sa isipan mo. Maaring nagtatanong
ka na sa sarili mo na. Saan nga ba ako
nababagay kapag dumating na yung oras na
wala na ako.? Ako bay nababagay sa sinasabi
nilang magandang tahanan o sa tahanan na
pinagsama-sama ang makasalan. Kaya naman
nais kong panoorin ninyo ang isang video clip
na kung saan ay mauunawaan nyo kung gaano
nga ba kahalaga ang buhay.
( Ipapanood ng guro ang video clip.)

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong


aralin:
Mula sa video clip na inyong napanood
tungkol saan ang palabas na inyong Mula sa palabas na amin pong pinanood ay
napanood? ito po ay tungkol sa isang tao na nagaagaw
buhay at dumating sa punto na ang buhay niya
ay naglakbay patungong Impyerno at langit.

( Ang mga mag-aaral ay may iba pang


Tama! Sino pa ang may ibang kasagutan? kasagutan.)

Ngayon matapos mapanood ang video


minsan ba’y naisip mo o naitanong mo sa sarili
mo kung saan nga ba ako nararapat sa langit o
sa impyerno? Opo, minsan po ay naiisip ko kung saan po
ako nararapat kung sa langit po ba o sa
impyerno.

Ang palabas na inyong napanood ay malaki


ang kaugnayan sa paksa na ating tatalakayin
ngayong araw.

D. Pagtalakay sa bagong konsepto at


paglalahad ng bagong kaisipan # 1
Sa pagkakataong ito ay hayaan nyo naman
na dalhin namin kayo sa ibang ibayo. Halina’t
sabay sabay na tuklasin at alamin kung saan
nga ba nagmula ang akda na ating tatalakayin
ngayong araw.
Ngunit bago iyon ay mayroon kaming
inihandang maikling video clip upang matukoy
ng bawat isa sa inyo kung saan nga bang bansa
nagmula. Videoclip tungkol sa bansang hapon
Handa na ba ang lahat sa ating
papanoodin?
(pagpapanood ng video clip) Opo, handa na kaming lahat.

Matapos nating mapanood ang video clip,


anong bansa ang tinutukoy sa ating
napanood?
Mula po sa video clip, ang bansang tinutukoy
dito ay ang bansang hapon.
( Tatalakayin ng guro ang bansa na
pinagmulang ng akdang Ang Mandaragit ng
Ibon sa Impyerno sa pamamagitan ng google.)
Tungkol sa bansa Noh Kyogen
Dahil nakakalap na tayo ng kaalaman
tungkol sa bansang Hapon ay magkakaroon
tayo ng isang gawain at ito ay tatawagin kong
“IBUOD MO, LARAWAN KO”. Ang gagawin
ninyo ay susuriing mabuti ang mga larawan at
pagkatapos ay ilalahad kung ano ang
isinasaad ng mga ito. Dito ay masusukat ang
talino nyo batay sa akda na inyong binasa na Larwan na tayo ang nasa picture
pinamagatang “Ang Mandaragit ng Ibon sa
Impyerno”.

( Ibubuod ng mga mag-aaral ang akda batay


sa mga larawan.)

Tila ba lahat kayo ay naunawaan at binasa


ng mabuti ang akda kaya naman dadako tayo
sa ilang mga katanungan. Kaya naman ito ay
tatawagin nating “IBON KO, HULIHIN MO”

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at


paglalahad ng bagong kasanayan # 2
( Ibon ko! Hulihin Mo!)

1. Batay sa kwento, paano mo mailalarawan si


Yama?
Si Yama ang hari ng Impyerno .Siya ang
naguutos sa kanyang mga alalay kung ano ang
dapat nilang gawin sa taong makasalanan.

2. Sino ang mga alalay ni Yama?

Ang mga alalay ni Yama ay ang mga demonyo


kung saan ay masasabi kong sila ay masunurin
sapagkat sinusunod nila ang utos ni Yama at
hindi sila naglilihim kapag may darating sa
3. Paano mo mailalarawan si Kiyoyori. Ano ang kanilang kaharian na taong makasalanan.
kanyang pinagkakakitaan noong nabubuhay pa
siya?
Si Kiyoyori ay isang tagapaghuli ng ibon. Ang
kanyang pinagkakakitaan ay manghuli ng ibon.
4. Sa iyong palagay, totoo bang makasalanan
si Kiyoyori? Ipaliwanag ang kasagutan.

Sa akin pong palagay ay makasalanan si


Kiyoyori dahil ayon sa kwento ay napunta siya
sa impyerno, ibig sabihin ay nakagawa siya ng
kasalanan bagama’t hindi kabigatan ay
maituturing pa din itong kasalanan sa mata ng
5. Sa iyong palagay, posible bang mangyari na Diyos.
hilingin ng isang yumao na pabalikin siya sa
lupa at bigyan ng isang pagkakataon?
Ipaliwanang ang iyong kasagutan.
Opo, sapagkat humuhili sya ng ibon na kung
saan ay ipinapakain nya sa palkon. Ibig sabihin
nilalabag nya o hindi niya pinahahalagahan ang
Naunawaan nyo bang mabuti ang dula na mga hayop na nilikha ng Panginoon.
ating tinalakay?

F. Paglinang ng Kabihasaan Opo, naunawaan po naming ang dulang


Pangkatang Gawain ating tinalakay.
Sa pagkakataong ito ay dadako na tayo muli sa
isang gawain. Sa gawaing ito ay masusukat ang
galing at samahan ng inyong pangkat.
Hahatiin ko kayo sa tatlong pangkat. Ang
bawat pangkat ay pipili ng isang kinatawan
upang tumungo sa unahan at pindutin ang
numero na kinabibilangan ng kanilang
pangkat. Sa loob ng mga numero na inyong
nakikita ay ang gawain na nakaatang sa inyong
pangkat. Ang bawat pangkat ay bibigyan
lamang ng limang (5) minuto para isagawa
ang gawain. Ngunit bago nyo malaman ay nais
kong sabay sabay nating kantahin ang awiting
aking inihanda, ngunit ako muna bago kayo.

Sumabay, sumunod ka sa Indak ng Panahon


Kasabay ng bagong aral at impormasyon.
Sumabay, sumunod ka sa Indak ng Panahon
Makisama, mag-enjoy ka ngayon! (saliw sa
awiting )

Mahusay ang inyong pag-awit. Sa puntong ito


ay tunghayan naman natin ang Pamantayan sa
Pagmamarka upang maging maayos at
makabuluhan ang inyong mga gagawin.

Pamantayan sa Pagmamarka
Presentasyon 5 puntos
Nilalaman 8 puntos
Partisipasyon 2 puntos
Kabuuan 15 puntos

Ngayon ay inaanyayahan kong tumungo ang


mga kinatawan ng bawat pangkat upang
pindutin ang numero na kanilang gagawin
para sa pangkatan.
Bago nyo gawin ang gawain mangyaring
sabihin sa katabi na “ Uy Tara Buo Tayo!’’
NUMERO 1
PANGKAT KIYOYORI
Gumawa ng mini-skit tungkol sa naging
tunggalian ng akdang tinalakay.

NUMERO 2
PANGKAT YAMA
Sa pamamagitan ng isang dula-dulaan
gumawa ng sariling wakas mula sa kuwento.

NUMERO 3
PANGKAT KORO
Magpakita ng isang dula-dulaan tungkol sa
pagbabago ng paguugali ng isang tao.

(Ang guro ay magbibigay ng hatol o puna.)

( Inaasahang maisasagawa ng bawat pangkat


G. Paglalahat ng Aralin ang gawain na naiatang sa kanila.)
Mula sa mga numero na inyong nasaksihan
ay may nakapaloob o nabuong isang larawan
na kung saan ay nakapaloob ang isang
katanungan.
Kung ikaw si Kiyoyori na binigyan ng
pangalawang pagkakataon paano mo
gugugulin ang iyong buhay?
Kung ako po si Kiyoyori ay gugugulin ko ang
pangalawang pagkakaton na ipinagkaloob sa
akin sa magandang paraan. Papatunayan ko na
kaya kong mabago at hindi na kailanman gawin
Sino pa ang may ibang kasagutan? ang kasalan na aking nagawa na noon.

( Ang mga mag-aaral ay may iba pang


kasagutan.)
H. Paglalapat sa pang-araw-araw na gawain
Ngayon ay dadako tayo sa isang gawain
na magbibigay ng aral sa bawat isa. Sa
pagkakataong ito ay magkakaroon tayo ng
gawain at ito ay tatawagin kong “ISALIN,
ISALIN,TUBIG NA MAPAGLIHIM”
Ang gagawin natin ay isang uri ng
eksperimento kung saan may makikita kayong
tatlong lalagyan na may lamang tubig.
Tatawag lamang ako ng ilang mag-aaral upang
gawin ang bawat panuto na aking sasabihin.
Para naman sa mga mag-aaral na nakaupo ay
nais naming suriin ninyong mabuti ang
kanilang gagawin at kung anong mangyayari sa
tubig na nakalagay sa lalagyan.
(Ang guro ay tatawag ng mag-aaral na
magsasagawa ng gawain.) ( Inaasahang ang mga mag-aaral ay
makikilahok sa gawain.)

( Ibibigay ng guro ang panuto na gagawain


ng mag-aaral na kanyang napili.)

Mula sa eksperimento na ating ginawa,


ano ang nais iparating nito sa bawat isa?
Nais po nitong iparating na bilang isang tao
ay likas na sa atin ang makagawa ng kasalanan
kaya naman kailangan nating humingi ng
kapatawaran at magbago sa kasalanan na ating
nagagawa sa iba o sa lupa.
( Ang guro ay magbibigay ng sariling
saloobin.)

I. Pagtataya ng Aralin
Panuto: Tukuyin kung sino ang nagsasalita ng sumusunod na diyalogo.Piliin sa ilalim na bahagi
ang kasagutan.

1. “Lahat ng taoy makasalanan at hindi naiiba sa karamihan.”


2. “Ha! Ha May naamoy kaming tao. Kaya naman pala! May dumarating na makasalanan.”
3. “Buweno ! Ibang klase ang kaso mo at naiiba rin ang basehan sa paghuhusga sa iyo.”
4. “Napakadali niyan. Manghuhuli ako ng ilang ibon at ihahain ko sa inyo.”
5. “Halina’t manghuli ng ibon, manghuli ng ibon.”

Yama Koro Mga demonyo Kiyoyori Kiyoyori

SUSI SA PAGWAWASTO:
1. Kiyoyori
2. Mga demonyo
3. Yama
4. Kiyoyori
5. Koro

J. Karagdagang gawain o takdang aralin

Magsaliksik ng halimbawa ng dula na nagmula sa lugar ng Silangang Asya.


Inihanda nina:

____________________
BADILLO, ROBERT

____________________
CUENCA, JOBHEL C.

____________________
PADUA, ROSE ANN A.

Inihanda para kay:

_______________________________
G. RAYMOND JOSEPH S. MAKALINTAL

You might also like