You are on page 1of 4

PETSA: Hulyo 17, 2018

Ikalawang Araw (LINANGIN – PANITIKAN)

I. Layunin

1. Nasusuri ang pagiging makatotohanan ng ilang pangyayari sa isang dula.


2. Nailalapat sa sarili bilang isang Asyano ang pangunahing kaisipan ng dulang
binasa.
3. Nakikilahok sa isasagawang pangkatang gawain ukol sa paksa gamit ang iba’t-
ibang istratehiya.

II. Nilalaman

Aralin 1.5
A. Panitikan : Tiyo Simon
Dula : Pilipinas ni N.P.S. Toribio
B. Gramatika / Retorika : Pandiwang nasa Panaganong Paturol
( Pagbibigay ng Impormasyon )
C. Uri ng Teksto : Nagsasalaysay
Sanggunian : Panitikang Asyano
Mga Pahina sa Gabay ng Guro : pahina 64-69
Mga Pahina sa Gabay ng Mag-aaral : pahina 63-68
Mga Pahina sa Teksbuk : wala
Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng Learning Resources :
www.google.com
Iba pang Kagamitang Panturo : biswal, powerpoint presentation

III. Pamamaraan
Pang-araw-araw na Gawain
1. Panalangin

2. TIYO TSEK
T- ingnan ang katabi at batiin ng Magandang Umaga!
I-handa ang sarili para sa talakayan.
Y- umuko at pulutin ang mga mumunting kalat.
O- ras na para makinig at sabihin na Handa na po kami!

3. Pagtatala ng liban

A. Balik-aral sa nakaraang aralin

1. Ano ang kahulugan ng dula?


2. Ano ang pinagkaiba ng dulang melodrama sa iba pang uri ng dula?
B. Paghahabi sa layunin ng aralin
Gumuhit ng isang bagay na sumisimbolo sa iyong paborito o hinahangaang
amain o tiyuhin.
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin
1. Paghambingin ang iyong bagay na iginuhit sa katangian ng iyong
hinahangaang amain o tiyuhin.
2. Malaki ba ang impluwensya sa inyong buhay ang pagkakaroon ng isang
amain o tiyuhin?
D.Pagtatalakay sa bagong konsepto at Paglalahad ng bagong kasanayan
Kasanayan # 1 Matatalinhagang- salita / Pagpapakahulugan ng salita.
Ibigay ang pahiwatig na kahulugan ng sumusunod na pahayag. Punan ng titik ng
kahon upang mabuo ang kahulugan nito.

1. Araw ng pangingilin

P g m
2. Namatay na hindi makapag- Hesus

N b d s y n
3. Sumakabilang-buhay na

N t
4. Naulinigan kong may itinututol siya.

N r g
5. Kailangan ng pananalig

P n m l t

Kasanayan # 2
Dugtungang Pagkwekwento ng mga mag-aaral tungkol sa dulang Tiyo Simon
E. Paglinang ng Kabihasnan
Pangkatang Gawain

Pangkat 1
Gamit ang Concept Map. Ibigay ang mga nagging katangian ni Tiyo Simon
sa dula.

Pangkat 2
Matapos mapakinggan ang akda sagutin ang mga sumusunod na
katanungan.
1. Ano ang iyong nadama mula sa dula?
2. Ano ang binago nito sa iyong pag-uugali?
Pangkat 3
Sa pamamagitan ng Talk Show, ilahad ang mga pangyayaring
makatotohanan at hindi makatotohanan sa akda.
Pangkat 4
Ibahagi sa klase ang naging kulturang Pilipino na inilalarawan sa akda sa
pamamagitan ng pagbabalita o broadcasting.

Pangkat 5
Ilahad ang pangyayaring inyong nagustuhan sa dulang Tiyo Simon sa
pamamagitan ng isang maikling dula.
F. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay

Anong damdamin ang namayani sa hipag ni Tiyo Simon sa pagbabalik-


loob niya sa Diyos? Kung ikaw ang hipag ni Tiyo Simon, ganoon din ba ang
iyong nararamdaman? Ipaliwanag.

G. Paglalahat ng Aralin

Ano ang aral o mensahe na nais iparating ng akdang Tiyo Simon?

H. Pagtataya ng Aralin
Panuto: Basahin ang bawat pahayag isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Siya ang pamangkin ni Tiyo Simon na may pipituhing taong gulang?


A. Juan C. Simon
B. Boy D. Pedro
2. Anong bagay ang itinago at iningatan ni Tiyo Simon galling sa batang
nasagasaan?
A. Panyo C. Manika
B. Kwintas D. Bag
3. Anong kapansanan ni Tiyo Simon?
A. Bulag C. Pipi
B. Pilay D. Bingi
4. Bakit naisipan ni Tiyo Simon na sumama na sa mag-ina para sumimba?
A. Upang mabawasan ang kanyang kasalanan
B. Upang magbalik loob sa Diyos
C. Upang gumaling siya
D. Pamapalipas oras lamang niya
5. Anong uri ng dula ang Tiyo Simon?
A. Trahedya C. Melodrama
B. Parsa D. Saynete

I. Takdang- Aralin

1. Ano ang pandiwang nasa panaganong paturol?


2. Basahin ang akdang “Kapag Naiisahan ako ng aking Diyos” ni Racquel E.
Sison Buban at sipiin ang sa iyong notebook ang mga pandiwang nasa
panaganong paturol.
Sanggunian: Panitikang Asyano
Pahina: 69-79

You might also like