You are on page 1of 3

Unang Araw: Tuklasin

I. Layunin

1. Nabubuo ang kritikal na paghusga sa karakterisasyon ng mga tauhan batay


sa nakitang larawan.
2. Nasusuri ang sariling ideya at opinyon sa pinagkaiba ng dulang melodrama at
iba pang uri ng dula.
3. Nakikilahok sa isasagawang talakayan at pangkatang gawain ukol sa paksa.

II. Nilalaman

Aralin 1.1
A. Panitikan : Tiyo Simon
Dula : Pilipinas ni N.P.S. Toribio

B. Gramatika / Retorika : Pandiwang nasa Panaganong Paturol


( Pagbibigay ng Impormasyon )

C. Uri ng Teksto : Nagsasalaysay


Sanggunian : Panitikang Asyano
Mga Pahina sa Gabay ng Guro : pahina 62-63
Mga Pahina sa Gabay ng Mag-aaral : pahina
Mga Pahina sa Teksbuk : wala
Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng Learning Resources :
www.google.com
Iba pang Kagamitang Panturo : biswal, powerpoint presentation

III. Pamamaraan
Pang-araw-araw na Gawain
1. Panalangin

2. DULA TSEK
D- amahin ang sasabihin ng nasa unahang nagsasalita.
U- puan ay isaayos at pulutin ang mga kalat.
L- aging makinig at panatilihin ang katahimikan sa klase.
A- yusin ang mga sarili at sabihing Handa na po kami!

3. Pagtatala ng liban

A. Balik-aral sa nakaraang aralin

1. Ano ang kahulugan ng sanaysay?


2. Paano nagkaiba ang sanaysay na pormal at di-pormal?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

(Pagpapakita ng larawan)
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

1. Ano ang ipinakikita ng larawan ?


2. Anong uri ng pamilya ang nasa larawan?
3. Sino- sino ang mga miyembro nito?
4. Bukod sa inyong mga magulang, naranasan mo ba na maging malapit sa iba
mong kamag-anak?

D. Pagtatalakay sa bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan

(Gamit ang powerpoint presentation tatalakayin ang kahulugan ng dula, iba’t-


ibang uri ng dula at element ng dula)

E. Paglinang sa kabihasnan

Pangkatang Gawain

Pangkat 1
Magbigay ng ilang katangian ng iyong amain o tiyuhin na labis mong
hinahangaan. Ipaliwanag.

Pangkat 2
Gamit ang Concept Map Ilagay ang mga salitang may malaking
kaugnayan sa pamilya. Ipaliwanag.

Pangkat 3
Gamit ang Venn Diagram. Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng may
haligi ng tahanan sa pamilya.

Pangkat 4
Lumikha ng isang maikling presentasyon o dula na maaaring mangyari sa
isang hindi buong pamilya (broken family).

Pangkat 5
Isang dula na nagpapakita ng pagbabagong buhay.

F. Paglalahat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay

Sa inyong palagay, kung mabibigyan kayo ng pagkakataon na mamili sa ibat-


ibang uri ng dula at ito ang magiging takbo ng inyong buhay, Ano ito? Bakit?
G. Paglalahat ng Aralin
Ano ang pinagkaiba ng dulang melodrama sa iba pang uri ng dula?
H. Pagtataya ng Aralin

Panuto: Isulat sa patlang ang T kung TAMA ang ipinahahayag at M kung MALI.

_____1. Ang trahedya ay nagwawakas sa pagkasawi o pagkamatay ng


pangunahing tauhan.
_____2. Ang komedya ay may kasiya-siya ang wakas bagamat ang uring itoy
may malungkot na bahagi.
_____3. Ang dula ay isang paglalarawan ng buhay na ginaganap sa isang
tanghalan.
_____4. Ayon kay Abad, ang dula ay masining at makaagham na panggagaya
sa kalikasan ng buhay.
_____5. Ang iskrip ang pinagkukuhanan ng dula.

I. Takdang-aralin

1. Basahin ang akdang kay Tiyo Simon.


2. Ano ang malaking impluwensiya ng pangunahing tauhan kay Boy.
3. Magdala ng typewriting

Sanggunian : Panitikang Asyano


Pahina: pahina 63-68

You might also like