You are on page 1of 8

REPUBLIKA NG PILIPINAS

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REHIYON IV –A Calabarzon
DIBISYON NG TANAUAN

BANGHAY- ARALIN SA BAITANG 9


Markahan: Una
Linggo Blg:7-8
Petsa : __________

Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa at
pagpapahalaga sa dula at pandiwang paturol upang
makapagsalaysay ng mga makatotohanang pangyayari.
Pamantayan sa Pagganap
Ang mga mag-aaral ay naglalahad ng mga impormasyon sa
tulong ng mga pandiwang nasa panaganong paturol upang
magsalaysay ng makatotohanang pangyayari.
Mga Mahahalagang Tanong
1. Paano naiiba ang dulang melodrama sa iba pang uri ng
dula?
2. Bakit mahalaga ang paggamit ng pandiwang nasa
panaganong paturol sa pagbibigay ng makatotohanang
impormasyon?

A. Paksa : Tiyo Simon ni N.P. S. Toribio– Dula – Pilipinas


B. Gramatika/ Retorika : Pandiwang Panaganong Paturol
(Pagbibigay ng impormasyon)
C. Uri ng Teksto: Nagsasalaysay
UNANG ARAW
TUKLASIN
I. Layunin
PD-Igh43-Napahahalagahan ang napanood na halimbawa
ng dula sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng bahaging
naibigan.

II. Pamamaraan
A. Panimulang Pagtataya
Tama o Mali. Isulat ang Tama kung wasto ang pahayag at
Mali kung hindi wasto.
_______1. Ang melodrama ay isang dulang nagwawakas
nang masaya.
_______2. Ang dulang “Tiyo Simon” ay nagpapakita ng
pagbabago ng pananaw ng isang tao sa buhay.
_______3. Ang pagsubok ay parusa ng langit.
_______4. Ang pandiwa ay may tatlong aspekto.
_______5. Ang pandiwang panaganong paturol ay
ginagamit sa pagbibigay ng makatotohanang
impormasyon.

(Ang guro ang magwawasto ng pagsusulit ng mga mag-


aaral. Hindi dapat makikita ng mga mag-aaral ang kanilang papel
sapagkat ibibigay muli ang pagsusulit sa ikatlong araw.)

B. Paggaganyak-Activity- PD-Igh43
Magpanood ng video clip ng dalawang halimbawa ng
dula. Ang unang video clip ay may bahaging
nakakatawa samantalang ang isa ay may drama.
Pagkatapos panoorin, sagutin ang mga sumusunod na
tanong:
1. Anong uri ng panitikan ang napanood?
2. Alin ang mas higit na naibigan sa pinanood? Bakit?
(Maaari pang magbigay ng mga pamprosesong
tanong)
C. Presentasyon/Pagpapayaman-Analysis
Sagutan ang Gawain 3 Naisip Mo Ba?
Paano naiiba ang melodrama sa iba pang anyo ng
dula?(Pokus na Tanong) Ipapakita ito sa pamamagitan
ng comparison organizer.
(Maaring gawing indibidwal para sa mga mahuhusay na
klase at pangkatan naman para sa mga hetero)

D. Pagbabahaginan-Abstraksyon
Maaaring gawin ito sa pamamagitan ng pagpapalitan ng
mga papel ng mag-aaral. Hayaang makabasa sila ng
tatlong awtput ng kanilang kamag-aaral. Matapos
makabasa ng tatlong sagot ay tumawag ng ilang bata
na magbabahagi ng kanilang nabasang sagot ng mga
kaklase.

E. Feedbacking
Magbibigay ang guro ng feedback sa mga sagot ng
mga bata.

III. Takdang Aralin


1. Magsaliksik tungkol sa buhay ng manunulat na si N.P.S.
Toribio.
2. Ano ang melodrama at iba pang uri ng dula?
IKALAWANG ARAW
LINANGIN
I. Layunin
1. PT-Igh-43-Nabibigyang – kahulugan ang mga salitang
ginagamit sa binasang akda at nagagamit sa pagbuo ng
makabuluhang pahayag.
2. WG-Igh-45-Nasusuri ang wastong gamit ng mga salita na
nagpapahayag ng pagiging makatotohanan ng mga
pangyayari.
3. PB-Igh-43- Nailalapat ang pangunahing kaisipan ng dula
sa sarili/Asyano
4. PS-Igh-45- Nabibigkas nang may paglalapat sa
pagsasatao ang ilang dayalogo ng napiling tauhan sa
binasang dula.
II. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain/Balik-Aral
Magkakaroon ng pagbabahagi ng sagot sa takda
tungkol sa melodrama at iba pang uri ng dula.

B. Pagganyak-Activity
Pasagutan ang Gawain 1 at 2 na makikita sa p. 63.
PB-Igh-43

C. Presentasyon
1. Magbigay ng mga key words na may kaugnayan sa
buhay ng manunulat ng akda. Iproseso ang sagot
ng mga mag-aaral

N. P.S.
TORIBIO

2. Sagutan ang Paglinang sa Talasalitaan sa pahina


68. PT-Igh-45
3. Ipabasa ang akda sa pamamagitan ng radio drama.
PS-Igh-45
(Naibigay na ang gawain sa ilang piling mag-aaral
bago pa sumapit ang araw ng pagtatanghal nito.)

D. Pagpapayaman sa Akda- Analysis


Sagutin ang Gabay na Tanong sa Gawain 5, pahina 69.
Paghahati-hatian ito ng bawat grupo.Maaaring pumili ng
istratehiya ang mga mag-aaral sa paraang makatutugon sa
ibibigay na pamantayan ng pagmamarka ng guro.
PANGKAT 1 : PANGKAT 3 :
BILANG 1 & 2 BILANG 5 & 6 PANGKAT 5 :
PANGKAT 2 : PANGKAT 4 : BILANG 9 & 10
BILANG 3 & 4 BILANG 7 & 8

Rubriks
Pamantayan Marka
Malikhain 5
Paraan ng 5
Pagtatanghal
Kaangkupan 10
/Kawastuan ng
Kasagutan

E. PAGBABAHAGINAN
Itatanghal ng bawat pangkat ang kanilang pangkatang gawain.
F. FEEDBACKING
Bigyan ng pagkakataon na magbigay ng puna ang mga
kamag-aaral.
Magbibigay ang guro ng feedback tungkol sa ginawa ng
mga bata.

G. PAGSASANIB NG RETORIKA AT GRAMATIKA


1. Pagbabasang teksto sa pahina 70.
2. Indibidwal na gawain
Sagutan ang Gawain 6 sa pahina 71.
3. Tatalakayin ng guro ang pagsasanib ng retorika at
gramatika.
4. Sagutan ang mga Pagsasanay 1 & 2 sa pahina 72 – 73.

III. Takdang aralin


Gawin ang Pagsasanay 3 sa pahina 73.
Sumulat ng isang talatang nagsasalaysay ng pangyayari
tungkol sa alinmang paksa na nakatala. Gumamit ng mga
pandiwang nasa panaganong paturol sa pagbibigay ng
impormasyon.
IKATLONG ARAW
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
I. Layunin
1. WG-Igh-45-Nasusuri ang wastong gamit ng mga salita na
nagpapahayag ng pagiging makatotohanan ng mga
pangyayari.
2. PU-Igh-45 Naisusulat ang isang salaysay na nagbibigay ng
makatotohanang impormasyon

II. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain-Activity
Talakayin ang takda ng mga mag-aral. Tumawag ng ilang
mag-aaral na magbabahagi ng kanyang sagot. (WG-Igh-45)
B. Pagsasagot sa mga Pokus na Tanong- Abstraction
1. Sasagutin ang mga pokus na tanong sa pahina 74.
Kolektahin ang mga sagot ng mga bata at basahin ito sa
klase.
2. Pasagutan muli ang pre test na ibinigay noong unang
araw.
(Maaaring talakayin ng guro ang tungkol sa radio
broadcasting na magiging produkto sa sunod na araw.)
III. Takdang Aralin
Mangalap ng makatotohanang pangyayari sa inyong
pamayanan o paaralan. Sumulat ng balita tungkol dito.
IKAAPAT NA ARAW
ILIPAT
I. Layunin
Nakapagtatanghal ng isang panradyong panghimpapawid
II. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain-Activity
Magbabahagi ang ilang mag-aaral ng kanilang takda.
Bibigyan ng puna ng mga mag-aaral at guro ang
ginawa ng mga napiling bata,

B. Paggganyak-Analysis
Makikinig ang mga mag-aaral ng balita sa radyo.
(Magbibigay ang guro ng mga prosesong tanong
tungkol sa pinakinggang balita.)

C. Paghahanda at Pagsasagawa ng Gawain-Aplikasyon


Pangkatin ang mga mag-aaral sa lima. Ang awtput ay dapat
na nakarecord at ipapasa sa napagkasunduang araw ng
pasahan.
G – makapagtanghal ng pangradyong
panghimpapawid
R – mamahayag sa isang radyong panghimpapawid
A – guro at ibang pang kamag-aaral
S – Isa kang mamamahayag sa isang istasyon ng
radyo. Naatasan ka ng current affair na kumuha ng
mga impormasyon at balita na tungkol sa muling
pagtatagpo ng mag-inang matagal na nagkahiwalay.
P – Pagtatanghal ng pangradyong panghihimpapawid
S - Ang performans ay bibigyan ng grado sa mga
sumusunod na pamantayan :

Pamantayan Marka
Iskrip (malinaw na detalye, 10
maayos na pagkakasunud-
sunod ng mga pangyayari)
Pagbabalita (pagsasalita, istilo) 10
Paglalapat ng Musika at Tunog 10
Inihanda ng Pangkat Pugo
Mass Regional Training
University of Batangas
May 19-23, 2014

You might also like