You are on page 1of 3

Isang Mala-masusing Banghay Aralin

sa Pagtuturo ng Filipino VIII

I. Mga Layunin: Sa loob ng tatlumpung minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. Nakatutukoy ng katangian ng pangunahing tauhan sa akda;
b. Nakapagbabahagi ng sariling damdamin kaugnay sa paksang tinalakay; at
c. Nakasusulat ng islogan na tumatalakay sa paksang aralin F8PU-IVg-h-39

II. Paksang Aralin: Florante at Laura (Saknong 83-97: Duke Briseo, Amang
Mapagmahal)

III. Kagamitang Pampagtuturo


a. Sanggunian: Julian, A. B., Lontoc, N. S., Dayag, A., & del Rosario, M. G.
(2018). Duke Briseo, Amang Mapagmahal. In Pinagyamang Pluma 8 (2nd ed.), Phoenix
Publishing House.

b. Karagdagang kagamitan: aklat, nakalimbag na kagamitan (sipi ng saknong 83-97,


laptop, powerpoint presentation, projector/tv

IV. Pamamaraan

A. Gawain (Activity)
Babati ang guro. Magpupuna sa kapaligiran at ipaaalala ang tuntuning “Makinig,
Makilahok at Magpakundangan”

Magpapakita ang guro ng iilang mga larawan

Itatanong ng guro kung ano ang napapansin nila mula sa mga larawan.
Magkakaroon ng pangkatang-gawain at ibibigay ng guro ang mga panuto sa
bawat pangkat.
Magpapakita ang guro ng maikling video clip tungkol sa mag-ama.
https://www.youtube.com/watch?v=9kMLQOyLjb4
Sa loob ng pitong (7) minuto, gagawin ng mga mag-aaral ang gawaing nakaatas
sa kanila. Pagkalipas ng ilang minuto, ilalahad ito ng mga mag-aaral sa
malikhaing paraan.

Pangkat 1: Gamit ang graphic organizer, suriin ang mga katangian ng ama mula
sa video na napanood at ibigay ang patunay na pangyayari nito. Ilahad ang
kasagutan sa pamamagitan ng rap.
Pangkat 2: Gamit ang concept map, itala o ilista ang pakikitungo ng anak sa
kaniyang ama. Ilalahad ang kasagutan sa pamamagitan ng pagkanta.

Pangkat 3: Gamit ang circle map, ibigay ang mga sakripisyong ginawa ng ama sa
kaniyang anak. Ilalahad ang mga sagot sa pamamagitan ng pagsasadula.

B. Pagsusuri (Analysis)

Itatanong ng guro kung ano ang naramdaman nila habang ginagawa nila ang
magkaibang gawain.
Itatanong ng guro kung ano ang mensaheng nakuha nila mula sa video,
karapat-dapat ba ang anak sa pagmamahal ng kaniyang anak?
Itatanong din ng guro kung sa palagay nila, may kaugnayan ba ang videong
napanood sa paksang tatalakayin.
Sasabihin ng guro na ang tatalakayin nila ay tungkol sa isang ama. Ama ni
Florane na si Duke Briseo, isang ama na mapagmahal.

C. Paghahalaw (Abstraction)

Magbibigay ang guro ng sipi ng saknong 83-97


Magbibigay rin ang guro ng pangkatang gawain.

Pangkat 1: Suriin ang katangian ni Duke Briseo bilang isang ama.

Pangkat 2: Itala ang mga naging karanasan ng mag-amang Florante at Duke


Briseo sa kamay ni Adolfo
Pangkat 3: Ibigay ang sakripisyong ginawa ng ama para sa kaniyang anak na si
Florante

Itatanong ng guro kung anong klase ng pagmamahal ang ibinigay ni Duke


Briseo kay Florante at kung naranasan din ba nila ang ganoong klase ng
pagmamahal.

D. Paglalapat (Application)
Gagawa ang mga mag-aaral ng islogan tungkol sa pagmamahal ng ama sa
anak pero bago sila gumawa ng islogan, may iparirinig na kanta ang guro na
tungkol din sa pagmamahal ng ama.

V. Pagtataya (Assessment/Evaluation)

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Inabutan ng gererong tumatangis ang nakagapos dahil sa pagkamatay ng
a. ama b. ina c. kapatid d. kasintahan
2. Sino ang itinuturing na mapagmahal na ama?
a. Florante b. Duke Briseo c. Adolfo d. Aladin
3. Ang mga ito ay katangian ng ama ni Florante maliban sa isa:
a. mapag-aruga b. mapagmahal c. mapagkandili d. taksil
4. Ang bangkay ni Duke Briseo ay
a. ipinaghagisan b. inilibing nang maayos c. sinunog d. tinapon sa dagat
5. Ang parusang iginawad ni Adolfo kay Duke Briseo ay
a. di-makatao b. walang batayan c. di-makabansa d. makatao

VI. Kasunduan
Basahin ang saknong 98-107 ng Florante at Laura at paghambingin ang dalawang
ama.

Inihanda ni:

You might also like