You are on page 1of 6

LESSON PLAN IN FILIPINO 5

Date:
Time:

I. Layunin:

Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang pamilyar at di-pamilyar.


Nasasagot ang mga tanong sa tekstong binasa.
Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian sa pananaliksik tungkol sa isang paksa.

II. A. Paksang Aralin


Sanaysay: Ang El Nino at ang Hinaharap ng Ekonomiya ng Bansa
Pagsagot sa mga tanong tungkol sa tekstong binasa
Paggamit ng pangkalahatang sanggunian sa pananaliksik tungkol sa isang paksa

B. Sanggunian
F5PT-IIi-1.8, F5PB-IIi-3.2,F5EP-IIei-6 - Pagbasa
Bagong Filipino Sa Salita at sa Gawa 5 pp. 182-183

C. Mga Kagamitan
Sanaysay: Ang El Nino at ang Hinaharap ng Ekonomiya ng Bansa
Tsart, larawan, show me board,

III. Pamamaraan

1. Balik-aral
Itanong sa mga bata kung anong naranasan nilang panahon nitong
nagdaang bakasyon.
(Tumawag ng mga 3-5 bata upang magbigay ng kanilang karanasan).

2. Pagsasanay
Spelling gamit ang Show me Board.

1. Mainit
2. Maulan
3. Mahangin
4. Makulimlim
5. maalimuom

3. Mga Gawain
A. Pagganyak
1. Ipakita sa mga mag-aaral ang isang larawan ng tagtuyot. Itanong sa
mga bata kung naranasan na nila ang ganitong uri ng pamumuhay.
Anong naging epekto nito sa kanila.
Hayaang magbigay ang mga bata ng salitang pumapasok sa kanilang
isipan pagnakakakita sila ng ganitong larawan.

2. Alamin ang mga kahulugan ng bawat salita. Tumawag ng mag-aaral


upang gamitin sa pangungusap ang mga salitang kanilang nabasa.

B. Paglalahad
Ipabasa ang isang sanaysay “Ang El Niño at ang Hinaharap ng Ekonomiya
ng Bansa”.

C. Pagtatalakay
Sagutin ang mga tanong at isulat ang sagot sa graphic organizer
a. Ano ang ibig sabihin ng “El Niño”?
b. Bakit nagkaroon ng El Niño?
c. Paano pinaghahandaan ng iba’t-ibang sector lalo na ng ating
pamahalaan, ang pagdating ng El Nino?
d. Sa inyong palagay, anong epekto ang ibubunga ng el Nino sa ating
ekonomiya? Sa papaanong paraan tayo maapektuhan?

D. Pagpapayamang Gawain
A.Pangkatang Gawain
Buuin ang mga mag-aaral sa (4) na pangkat. Pumili ng
lider sa bawat grupo.
Pangkat I- Magbabalita
Pangkat II –Panayam
Pangkat III- Dula-dulaan
Pangkat IV- Awit
Bigyan ang bawat grupo ng kopyang artikulo na kanilang
pagbabasehan ng gagawin. Kunin ang mahahalagang
impormasyon.
Maglaan ng (10) sampung minute upang mabuo ng bawat
grupo ang kanilang gawain.

B. Isahang Gawain
Pagtalain ng mga impormasyon ang mga mag-aaral hinggil
sa kanilang natutunan sa ipinakitang bawat pangkat. Isulat ang
inyong sagot sa inyong kwaderno
E. Paglalahat

Magbigay ng mga salitang inyong natutunan sa araw na ito at


sabihin ang kahulugan.

Ano ang mga dapat gawin kapag nagbabasa ng isang kwento o


artikulo?

F. Paglalapat
Pasagutan sa mga bata ang kahon sa Isipin Mo hinggil sa natutuhan nila
sa araw na ito.

IV. Pagtataya

Gumawa ng isang poster tungkol sa epekto ng pagpuputol ng kahoy at sumulat


ng impormasyon hinggil dito.

V. Takdang-Aralin

Magsaliksik ng balita, artikulo o kwento hinggil sa mga nangyayari sa ating


bansa. Ilagay ang inyong kasagutan sa coupon bond. Gumamit ng iba’t-ibang sanggunian sa
pangangalap ng impormasyon at huwag kalimutang ilagay sa ilalim ng coupon bond ang
sanggunian o pinagkunan ng gawain.
LESSON PLAN IN FILIPINO 5

Date:
Time:

I. Layunin:

Nagagamit ang malaking titik sa angkop na sitwasyon sa pagsulat ng liham pangkaibigan


Naisusulat nang may wastong pasok at palugit ang liham pangkaibigan

II. A. Paksang Aralin

Pagsulat ng liham pangkaibigan

B. Sanggunian

F5PU-IIj-2.3-Pagsulat
Hiyas sa Wika at Pagbasa 5 MG pp. 28-30
Hiyas sa Wika 5 BA pp. 52-58

C. Mga Kagamitan

Liham, tsart

III. Pamamaraan

1. Balik-aral
Sino sa inyo ang madalas sumulat o makatanggap ng Iiham? Sino ang madalas ninyong
sulatan? Ano ang lagi ninyong paksa sa pagsulat?

2. Pagsasanay
Ayusin ang mga jumbled letters upang makabuo ng mga salita.

3. Mga Gawain
A. Pagganyak
Pagmasdan ang larawan. Sagutin ang mga tanong.

B. Paglalahad
Ipabasa ang liham ni Donna kay Luke.

C. Pagtatalakay
Sagutinangmgatanong.

Tanong Sagot
1. Ano ang paksa ng liham?

2. Bakit sa palagay mo naging popular na balita ang


tungkol sa Bundok ng Pinatubo?

3. Bakit mapanganib ang lahar? Paano nakasisira


ito ng mga ilog, dike, bahay at palayan?

4. Bakit mahalaga ang pakikipagtalastasan sa mga


kamag-anak at kaibigan?

5. Ano ang mga bahagi ng liham pangkaibigan?


Paano pinagsunod-sunod ang mga bahagi?
Talakayin sa pamamagitan ng bawat pangkat ang mga bahagi ng liham.

D. Pagpapayamang Gawain
A. Pangkatang Gawain
Sagutan ang Gawin Ninyo

B. Isahang Gawain
Sagutan ang Gawin Mo
E. Paglalahat

Ano-ano ang mga bahagi ng liham pangkaibigan?


Ibigay ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng liham pangkaibigan.

F. Paglalapat
Sagutan ang Isipin Mo.

IV. Pagtataya

Sagutin ang Isulat Mo sa isang buong papel.

V. Takdang-Aralin

Sumulat ng liham pangkaibigan na nagbibigay ng payo. Sundin ang mga


pamantayan sa pagsulat ng liham.
LESSON PLAN IN FILIPINO 5

Date:
Time:

I. Layunin:

Natutukoy ang mahahalagang pangyayari sa napanood na dokumentaryo


Nasasabi ang kahalagahan ng mga pangyayari sa buhay ng isang tao

II. A. Paksang-Aralin
Reporter’s Notebook-“Byahe De Peligro”
Pagtukoy sa mahahalagang pangyayari sa napanood na dokumentaryo

B. Sanggunian
F5PD-Iii-14- Panonood

C. Mga Kagamitan
Telebisyon, VCD,USB o CD (maaari ring gamitin ang projector and laptop)
Larawan ng magsasaka

III. Pamamaraan

1. Balik-aral

2. Pagsasanay
Pagtapat-tapatin:
A B
1. Reporter’s Notebook a. Kara David
2. I-Witness b. Korina Sanchez
3. Rated K c. Jay Taruc
4. Wish Ko Lang d. Mike Enriquez
5. Imbestigador e. Vicky Moran

3. Mga Gawain
A. Pagganyak
Sa ginawa ninyong pagsasanay, alin ang paborito mong
panoorin?
Bakit mo ito naging paborito?
May natututunan ka ba sa mga pinapanood mo?
Isulat ang sagot sa graphic organizer.

B. Paglalahad
Ipaskil sa pisara ang pamagat ng panonoorin.
Bago simulant ang panonood ay alalahanin ang mga pamantayan
bago, habang at pagkatapos manood.(Tumawag ng mga (3)
tatlong mag-aaral).
Pangkatin ang mga mag-aaral sa (4) apat. Bigyan ng Manila
paper ang bawat grupo para isulat ang mga mahahalagang impormasyon na
kanilang mapupulot sa panonoorin.
(Siguraduhin na ang lahat ng mag-aaral ay may hawak na
kwaderno para sa madaliang pagsasagot).
Simulan na ang panonood.
Matapos manood, bigyan ng (10) minute ang mga mag-aaral
upang tapusin ang gawain.

C. Pagtatalakay

Talakayin o iulat ng lider ng bawat grupo ang kanilang output sa


nais nilang pamamaraan.

D. Pagpapayamang Gawain
A. Re-enactment
I-akto ng bawat grupo ang ilang linya o parte ng napanood na
natandaan nila.

E. Paglalahat
Bakit mahalaga na malaman ang mga pangyayari sa napanood
na dokumentaryo?

F. Paglalapat

IV. Pagtataya

Ang pag-uulat at partisipasyon ng bawat miyembro ang siyang bibigyan ng


karampatang puntos.

V. Takdang-aralin

Ugaliing manood ng dokumentaryo ng palabas sa telebisyon.

You might also like