You are on page 1of 6

Holy Cross College of Sasa, Inc.

Km. 9, Sasa, Davao City


Junior High School Department
School Year: 2022-2023

Antas 3
Plano sa Pagkatuto

Asignatura: Filipino Petsa: Pebrero 20,2023


Baytang: 7 Guro: Rosalie M. Hinog

Kasanayan sa Pampagkatuto:
1. Napaghahambing ang mga katangian ng mga tauhan sa napakinggang maikling
kuwento F7PN-IIIh-i-16
2. Nahihinuha ang kahihinatnan ng mga pangyayari sa kuwento F7PB-IIIh-i-18
3. Nabibigyang- kahulugan ang mga salita batay sa konteksto ng pangungusap
F7PT-IIIh-i-16
4. Naiaangkop sa sariling katauhan ang kilos, damdamin at saloobin ng tauhan sa
napanood na dula gamit ang mimicry F7PD-IIIh-i-15
5. Naisasagawa ang mimicry ng tauhang pinili sa nabasa o napanood na dula
F7PS-IIIh-i-16
6. Naisusulat ang buod ng piling tagpo gamit ang kompyuter F7PU-IIIh-i-16
7. Nagagamit ang wastong mga panandang anaporik at kataporik ng pangngalan
F7WG-IIIh-i-16
8. Nagagamit sa pananaliksik ang kasanayan sa paggamit ng bagong teknolohiya
tulad ng kompyuter F7EP-IIIa-c-8

Mga Target sa Pagkatuto:


Sa pagtatapos ng pag-aaral ko sa Ikaanim na linggong aralin na ito ay
inaasahang:
1. magagawa kong mapaghambing ang mga katangian ng mga tauhan sa
napakinggang maikling kuwento
2. magagawa kong mahinuha ang kahihinatnan ng mga pangyayari sa kuwento
3. magagawa kog mabigyang- kahulugan ang mga salita batay sa konteksto ng
pangungusap
4. magagawa kong maisulat ang buod ng piling tagpo gamit ang kompyuter
5. magagawa kong magamit sa pananaliksik ang kasanayan sa paggamit ng
bagong teknolohiya tulad ng kompyuter
6. magagawa kong maiangkop sa sariling katauhan ang kilos, damdamin at
saloobin ng tauhan sa napanood na dula gamit ang mimicry
7. magagawa kong maisagawa ang mimicry ng tauhang pinili sa nabasa o
napanood na dula
8. magagawa kong magamit ang wastong mga panandang anaporik at kataporik ng
pangngalan

I. INTRODUKSIYON
Panimulang Gawain: (5 minuto)

C - Cleanliness (Kalinisan)
O - Orderliness (Kaayusan)
P - Prayer (Panalangin)
A - Attendance (Pagdalo)

Balik-aral: (5 minuto)
 Tatanungin ng guro ang mga mag-aaral tungkol sa paksang tinalakay at mga
aral na kanilang natutuhan mula rito.
1. Ano ang natutunang aral sa paksang ating natalakay noong nakaraang
lingo? Ibahagi sa klase.

Pokus: Panandang Anaporik at Kataporik

Mga Target sa Pagkatuto:


1. magagawa kong magamit ang wastong mga panandang anaporik at kataporik ng
pangngalan

A. Pagtuklas: (5 minuto)
Motibasyon:
1. Gawain 1:Pagsusuri: Ang guro ay magpapabasa at magpapasuri sa mga
mag-aaral.

Nandoon si Rico nang mangyari


ang barilan. Siya ang “star Masipag at maalalahanin si Rita
witness” ng krimeng naganap kaya marami ang nanghihinayang
kahapon.  sa kanyang pagkawala.

a. Pansinin ang mga salitang sa mga pangungusap?


2. Ipoproseso ng guro ang mga naging sagot ng mga mag-aaral.

II. INTERAKSIYON
B. Paglinang (10 minuto)
Gawain ng Guro:
Ang guro ay…
1. magpapanood ng bidyu at tatalakayin ang Panandang Anaporik at
Kataporik. Ang gawaing ito ay Gawain 2: Video Clip Viewing/Malayang
Talakayan.

Gawain ng mga Mag-aaral


Ang mga mag-aaral ay…
1. makikilahok sa malayang talakayan.

C. Papapalalim (15 minuto)


Ang guro ay….
1. magpasasagawa ng gawang Identipikasyon. (Gawain 3: First man last
man standing)
Panuto: Tukuyin kung anapora o katapora ang cohesive device na may
salungguhit sa bawat pangungusap. Isulat sa nakalaang patlang ang
sagot.

1. Ito ang itinuturing na malaking gawang kabanalan ang pagsasakripisyo


ng isang tupa, kambing, o baka sa ngalan ni Allah. Ang mga karne ng
sakripisyo ay ipinamimigay sa mga kamag-anak, kapitbahay, at mga
dukha bilang pagtupad sa isang haligi ng Islam. Ang selebrasyong ito ay
nagwawakas din sa isang palatuntunang literaryo-musikal, mga palaro, at
patimplak. Ito ang Hari-Raya Hadji o Id-al Adzha.

2. lisa ang karaniwang ginagamit na balangkas sa pagbuo ng iba't ibang


uri ng palamuti. Kadalasan, inuulit-ulit lamang ang isang dibuho;
samakatwid-A A A A A. Kung minsan inuulit nang baligtaran-A V A V AV A
V A V. Sa lahat ng iyan, pinupuno ang espasyo bilang uri ng palamuti.

3. May humuhulang aabutin pa ng paglipat ng siglo ang denims at may


naghahaka ring baka ito maideklarang opisyal na kasuotan sa balat ng
lupa.
4. Nasuhayan ng espiritu ng 1970 ang pagyakap ng mga kabataan sa
maong. Yaon ang panahon ng demonstrasyon.
5. Dahil sa matinding diwang-kolonyal, tila musmos na umasa ang
karaniwang Pilipino sa Estados Unidos bilang makapangyarihang
tagapagtanggol niya.
Gawain ng mga Mag-aaral:
Ang mga mag-aaral ay…
1. isasagawa ang gawaing identipikasyon upang matukoy ang pangungusap
kung ito ba ay anaporik o kataporik.

III. INTEGRASYON
D. Paglipat (5 minuto)
1. Gawain 4: Pahalagahan Mo! Sa bahaging ito ay masusukat ang kanilang
natutuhang kagandahang-asal mula sa paksang tinalakay.
2. Gabay na tanong: Nakatutulong ba ang Panandang Kataporik at Anaporik
sa pang-araw-araw na komunikasyon? Ipaliwanag.
3. Pipili ang guro ng mga mag-aaral na sasagot.
Sintesis/Pagbubuod: (10 minuto)
Gawain 5: Dugtungan Mo Ako!
1. Bilang pagtatapos sa talakayan, ang mga mag-aaral ay dudugtungan ang
pahayag na: Mula sa paksang tinalakay, natutuhan ko na…..

Ebalwasyon (5 minuto)
Panuto: Suriin ang mga larawan sa ibaba. Ipahayag ang iyong kaisipan at damdamin
tungkol sa mga ito ayon sa punto ng reperensiya.
Kataporik:
______________________________________________________________
______________________________________________________________
Anaporik:
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Takdang-Aralin
1. Basahin ang dulang “Hapis ni Sultan at Ama” na matatagpuan sa batayang aklat
na Punla 7 sa pahina 246 hanggang 258. Mag handa para sa susunod na
talakayan.

Pangwakas na Panalangin

Pantulong na mga Sanggunian/Kagamitang Panturo


1. Punla 7 – Punla: Mga Panitikang Rehiyonal at Ibong Adarna (Binagong Edisyon)
pahina 229 – 242.
2. Mga grapikong pantulong at larawan
3. Power Point Presentation
4. Video Clips
5. Laptop

Legend:
RED – TIME BUDGET
BLUE – MOTIVATIONAL TECHNIQUES
PURPLE – ART OF QUESTIONING
ORANGE – COOPERATIVE LEARNING STRATEGIES/ STUDENT-CENTERED
ATIVITIES
GOLD – VALUES INTEGRATION
GREEN – MULTIMEDIA AND OTHER INSTRUCTIONAL RESOURCES

Inihanda ni:

Bb. Rosalie M. Hinog


Mga Guro sa Filipino 7
Iniwasto nina:

Gng. Joy E. Fronteras


AP/Filipino Subject Coordinator

Gng. Luzviminda C. Hontiveros, Ed.D


Academic Coordinator

Status of Implementation

_________________ Implemented
_________________ Partially Implemented
_________________ Not Implemented

Puna
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

You might also like