You are on page 1of 5

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 4

IKATLONG MARKAHAN
UNANG LINGGO

A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN

● Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita sa


pagbibigay ng halimbawa ng parirala at pangungusap.

B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP

Nababasa ang mga parirala at pangungusap, nakikilala ang parirala at


pangungusap at nakakapagsulat ng wasto ang mga parirala at
pangungusap ayon sa larawan .

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto


Nagagamit ang pang-abay sa paglalarawan ng kilos. F4WG-IIIa-c-6

I. LAYUNIN: (Contextualized)
A. Knowledge:
● Natutukoy ang mga pang-abay na ginagamit sa
paglalarawan ng kilos.
B. Skill:
● Nagagamit ang pang-abay sa paglalarawan ng kilos.
C. Attitude:
● Nasasabi ang mga gawain sa pagiging responsableng tao.
● Naipakikita ang paggalang sa karapatang-pantao

II. NILALAMAN:
PAKSANG ARALIN
Pang-abay na Pamamaraan

KAGAMITANG PANTURO
A. SANGGUNIAN
1. TG at CG

LRMDS Portal https://www.youtube.com/watch?v=thtMVvKd9_8


2.

B. IBA PANG KAGAMITANG PANTURO


Mga Larawan, Graphic Organizer
Laptop, LCD
III. PAMAMARAAN

A. Balik-aral
Pagkilala sa mga salitang kilos sa pangungusap.
1. Ang aso ay tumatahol kapag may taong nakita.
2. Ang babae ay nagtatanim ng gulay.
3. Si Ana ay nagdidilig ng mga halaman.
4. Naglalaro ang mga bata sa palaruan.

B. Pagganyak (Awitin at Alamin)


1. Magpakita ng video at sabayan ang awitin.
https://www.youtube.com/watch?v=thtMVvKd9_8
2. Suriin ang nilalaman ng awit.
3. Pansinin at basahin ang may makakapal (bold) na
pagkakasulat.

C. Tukoy-alam: Pag-usapan ng makabuluhan ang nilalaman tungkol


sa pang-abay na Pamamaraan.

D.Paglalahad/Pagmomodelo:
(Ipapaliwanag ang layunin sa mga mag-aaral sa gaganaping
talakayan.)

Mga bata, kumusta ang mga buhay?


May pinagkaka abalahan ka ba sa bahay?
Pag-aralang maayos na magbasa
Upang lahat kayo ay makapasa.

Magsanay ring mabilis magsulat.


Nang sa pagsasanay di kayo mangulelat.
Lahat dapat ay masikap mag-aral
Edukasyon ay dapat na minamahal.

Mayroon lang akong hihilingin


Matalinong paggamit ng gadget ang gawin.
Mahusay gamitin sa inyong mga aralin
Upang karununga’y makamit pa rin.

I-Limit lang ang sobrang paglalaro


At siguraduhing pag-aaral ay mahalo.
Gadget mo’y maingat na gamitin
Upang sa arali’y makasabay pa rin.
Itanong ang mga sumusunod na mga katanungan.
a. Ano ang masasabi ninyo sa video o kanta?
b. Ano ang ipinahayag o ipinakita ng video o kanta?
c. Nagustuhan nyo ba ang mensahe sa awit? Bakit?

E. Pagtatalakay:
Suriin natin ang nilalaman ng awit. Pansinin at basahin ang may
makakapal (bold) na pagkakasulat.
maayos na magbasa mabilis magsulat
masikap mag-aral matalinong paggamit
mahusay gamitin sobrang paglalaro
maingat na gamitin

Mga Tanong sa Pag-unawa:


1. Anong salita ang inilalarawan o binibigyang turing ng mga unang salita
gaya ng maayos? Sagot: magbasa
2. Ano naman ang inilalarawan o binibugyang turing ng salitang mabilis?...
3. Ang masikap naman…

F. Pinatnubayang Pagsasanay (Pangkatan)

Pangkatin ang mga mag – aaral sa limang grupo at ipagawa ang mga
sumusunod:

Gawain 1: I can Manage!


Sumulat ng talata na nagsasaad ng
Mahuhusay na mag-aaral.
pagiging responsable gamit ang mga pang-abay na pamamaraan.

Gawain 2. It’s Showtime!


Mahuhusay na mag-aaral: Piliin ang angkop na salitang pang-abay at gamitin
sa paglalarawan ng larawang kilos. Pagkatapos ay isakilos ito sa harap ng
klase.
1. Masaya
2. Mabilis
3. Matiyaga

Gawain 3: Let’s Start the ball rolling!


Katamtaman na mag-aaral. Sasabayan ng mag-aaral ng sayaw ang awit
na ipi-play. May pagpasahang bolang papel. Kapag tumigil ang kanta,
magtatangal ang nakahawak ng bolang papel ng isang papel. Babasahin ang
nakasulat dun, tutukuyin kung alin o ano ang pang-abay na nasa parirala..
Gawain 4: Ilarawan Mo!
Mga Mag-aaral na Nangangailangan ng Patnubay: Ilarawan ang mga
larawan sa isang pangungusap gamit ang pang-abay na pamamaraan

G. Paglalahat:
● Ano ang Pang-abay?

● Kailan natin masasabing ang salita ay pang-abay at hindi


Pang-uri?

IV. Pagtataya:

Salungguhitan ang pang-abay na ginagamit sa paglalarawan ng


kilos.
1. Mabilis tumakbo ang kuya ko.
2. Dahan-dahang binuksan ni lola ang pinto?
3. Nagdasal ng mataimtim si Aling Nena para sa kaligtasan ng kanyang
anak.
4. Masayang binalita ni Reign ang pagkapanalo niya sa Miss UN 2017
5. Matiyagang nagtuturo si Nathan sa bunsong kapatid na si Summer.

V. Kasunduan:
Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na pang-abay.
1. Malakas
2. Tahimik
3. Mahusay
4. Marahan
5. Malumanay

You might also like