You are on page 1of 3

Gingoog City Comprehensive National High School

Gingoog City

Banghay Aralin sa Filipino 9

I. LAYUNIN: Pagkatapos ng isang sesyon, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Natutukoy ang mga pangyayaring naganap sa bawat kabanata;


B. Naibabahagi ang sariling damdamin batay sa pangyayaring naganap sa
buhay ng tauhan;
C. Naisasagawa ang mga gawain na may kaugnayan sa bawat kabanatang
tinalakay.

II. NILALAMAN:
Kompetensi: F9PN-IVd-58, Naibabahagi ang sariling damdamin batay sa
pangyayaring naganap sa buhay ng tauhan.

Paksa : Aralin 3: A Noli Me Tangere – Mga Mahahalagang Pangyayari sa


Buhay ni Crisostomo Ibarra – Kabanata XXIII,XXIV,XXVI at XX1X.
Pagsasama-sama: -Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP). Dapat natin
pahalagahan ang kultura mayroon tayo upang maipagpapatuloy ito sa
susunod na henerasyon.
Estratehiya : Kolaboratibong pagkatuto
Kagamitan : Grapikong pagsasaayos, marker, pandikit, gunting, at aklat
Sanggunian : Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal
Isang masusing pag-aaral ni Aida M. Guimarie

III. PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin
2. Pag-ayos ng upuan
3. Pag-tsek ng atendans
4. Pagkuha ng mga takdang Aralin
5. Pagbabalik aral :

B. Pangganyak:
 Tatawag ng isang lalaki at isang babaeng mag-aaral. Mag-
uunahan sila sa pagsulat sa pisara sa mga pagkaing kadalasang
inihahanda ng mga Pilipino tuwing pista.
 Bibigyan lamang sila ng isang minuto. Ang pinakamaraming
naisulat ang siyang panalo.
Pamprosesong tanong:
Dapat bang magarbo ang paghahanda sa isang pista?
C. Paghawan ng Sagabal:
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kasingkahulugan ng mga salitang nasa
hanay A. Gamitin ito sa pangungusap pagkatapos.

A B
1. tinapalan tinakpan

2. padrino ninong

3. tahur suagal

4. tulisan magnanakaw

5. salarin may sala

D. Paglalahad:

 Hahatiin sa apat na pangkat ang klase, babasahin nila ang mga


kabanatang itinalaga sa kanila. Pagkatapos ay ipapaliwag ng
guro ang bawat pangyayari sa kabanata.
Pangkat 1 – Kabanata 23
Pangkat 2 – Kabanata 24
Pangkat 3 – Kabanata 26
Pangkat 4 – Kabanata 29

E. Talakayan: (Gubat ng katanungan)


1. Bakit nagkagulo ang unang bahagi ng paglalakbay?
2. Sa iyong palagay, bakit natakot at nagtatakbo si Sisa nang makita
ang kura at Alperes?
3. Nakikita pa rin ba sa kasalukuyan ang magarbong paghahanda sa
isang pista?
4. Anong kulturang Pilipino ang ipinakita sa kabanata 26?
5. Ipaliwanang ang naging pahayag nina Pilosopo Tasyo at Don
Filipo sa isa’t isa.

F. Pangkatang Gawain:
 Hahatiin sa apat na pangkat ang klase at may gawaing nakatalaga
sa kanila. Bibigyan lamang sila ng tatlong minuto sa paghahanda
at dalawang minuto sa pagtatanghal.

Unang pangkat- Ilahad ang kaisipang nangibababaw sa


kabanata gamit ang grapikong pagsasaayos.
Ikalawang pangkat- sa pamamagitan ng isang poster, ilarawan
ang lugar na pinangyarihan ng kwento sa kabanata.
Ikatlong pangkat- gumawa ng slogan batay sa aral na
nagingibabaw sa kabanata.
Ikaapat na pangkat- gumawa ng kasabihan tungkol sa
kapistahan.
Pamantayan
Nilalaman -------20 puntos
Presentasyon ---10 puntos
Kooperasyon---- 5 puntos
Paggamit ng Oras 5 puntos
Kabuuan ---------- 40 puntos

G. Pagsasama-sama:
Tatawag ng piling mag-aaral ang guro upang ilahad ang kanilang mga
saloobin o damdamin ukol sa kabanatang binasa at tinalakay. Gabay na
katanungan: Ano ang aral na nais ipabatid sa bawat kabanatang nabasa
ninyo?
H. Paglalahat:
Tanong: Paano ninyo magagamit ang inyong mga natutunan na
aral mula sa tinalakay na kabanata.

IV. EBALWASYON:
PANUTO: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan. Isulat sa kalahating
papel.

1. Ano-anong katangiang Pilipino ang makikita sa sumusunod na tauhan? Ito


ba ay positibo o negatibo? Ipaliwanag.
a. mga mamamayan
b. Pilosopo Tasyo
c. Hermano Mayor

2. Ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin sa pahayag ni Sinang na “Nais mo


bang parisan ang pagmamanman ng kura sa iyo? Mag-ingat ka,
nakakapangayayat at nakapanlalalim ng mata ang panibugho”.

V. TAKDANG ARALIN:
Panuto: Gumawa ng isang repleksyon ukol sa mga pangyayaring naganap sa
kabanatang iyong nabasa. Isulat sa isang buong papel.

Pamantayan
Nilalaman ------------------- 15 puntos
Kalinisan --------------------- 5 puntos
20 puntos

Inihanda ni:

SHIRLEY L. PAGARAN GNG.EMMA ANNA A. ADOLFO


Nagpapakitang Turo Cooperating Teacher

You might also like