You are on page 1of 3

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 7

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa


mga akdang pampanitikan ng Mindanao.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang
proyektong panturismo
KASANAYANG PAMPAGKATUTO at CODE:
1. F7PN-Ia-b-1- Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na
pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan

MARKAHAN: Una LINGGO: 1 ARAW: 1

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng 60 minuto, 80% ng mga mag-aaral ay inaasahang;

1) Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng


kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan.

II. NILALAMAN

a. Paksa: Introduksyon sa mga akdang Pampanitikan: Salamin ng Mindanao


b. Integrasyon: Araling Panlipunan: Pagpapahalaga sa mabubuting kaugalian at
kalagayang panlipunan
c. Estratehiya: Pangkatang Gawain, Bee Ready!, round table discussion, buzz session!
d. Kagamitan: Mga larawan ng pangkat-etniko sa Mindanao (maaaring i-download ang
mga larawan sa internet o maghanap sa iba pang sanggunian), Audio recorded
(Kuwentong-bayan), teksto, sound box
e. Sanggunian: Daluyan ( modyul sa Filipino – Grade 7 salig sa Kurikulum ng k-12)
Awtor: Sharon Ansay Villaverde Editor/Konsultant: Robinson K. Cedre, Patrocinio
V. Villafuerte

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang gawain
 Paghahanda
1. Panalangin (maaring tumawag ng mag-aaral para sa gawain ito)
2. Paghahanay/pag-aayos sa mga upuan
3. Paglalahad ng mga alituntunin
4. Pagtsek kung sino ang liban sa klase

B. Pagbabalik-aral
 Tanong ko sagot mo!, Bee ready!
 Tatanungin ang mga mag-aaral kung ano-ano ang mga natutunan
nila sa asignaturang Filipino sa Elementarya
 Paghaharapin ang mga mag-aaral sa kanilang kapareho (ang
kanilang kapareho ay ang kanilang katabi sa upuan) para silang
bee o bubuyog na magbabahagi ng kanilang mga natutunan at
isusulat nila ito sa isang buong papel.
 Pagkatapos ng pagbabahagi at pagsulat ng kanilang mga sagot,
READY na ang mga mag-aaral na ibahagi na ang kanilang mga
kasagutan
 Paglalahad ng ilan sa mga kaisipang ibinahagi ng mga
magkapareho

1
C. Pagganyak

 Buzz session!
 Ang mga mag-aaral ay hatiin sa limang pangkat. ito na ang
kanilang opisyal na pangkat para sa susunod pa na mga gawain.
Bawat pangkat ay bibigyan ng hati-hating larawan ng pulo ng
Mindanao. bigyan ng apat na minuto ang bawat grupo upang buoin
ang naturang puzzle. pipindutin ang bell ng tatlong beses bilang
hudyat ng pagsisimula ng kanilang sesyon o pagbubuo sa puzzle.
 Mag-uunahan ang bawat grupo sa pagbuo nito. bigyan lamang sila
ng limang minuto para sa gawaing ito
 Bigyan ng kaukulang papuri at puntos ang nauna at natapos sa
naturang Gawain

D. Pagtuklas

 Mula sa nabuong mapa, tutukuyin ng bawat grupo ang mga


impormasyong nalalaman nila tungkol sa nabuong pulo tulad ng mga
pangkat etniko, mga lugar at iba pa. Isusulat nila ito sa isang buong papel.
 Pipili ang bawat grupo ng isang representante upang ilahad ang kanilang
natapos na gawain. Pipindutin ng ka grupo ang bell bilang hudyat na tapos
na sila at handa na sa paglalahad.
 I-presenta ng bawat grupo ang kanilang awtput at sisimulang ilalahad ang
mga ito.

E. Pagtatalakay

 Tatalakayin ang mga mahalagang impormasyon sa pulo ng Mindanao:


Mga pangkat etniko, mga lugar at iba pa.
 Pagpaparinig ng isang kwentong-bayan na nagmula sa ilang pangkat
etniko sa Mindanao.
 Pagtalakay tungkol sa napakinggang kuwentong-bayan at
pinagmulan nito
 Pangkatang gawain: Ang grupo ay nakabatay sa kanilang naunang
pagpapangkat
 Gamit ang estratehiyang round table discussion, bubuo ang bawat
grupo ng isang paghihinuha sa mga kaugalian at kalagayang
panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa
mga pangyayari at usapan ng mga tauhan
(F7PN-Ia-b-1)
 Ang nabuong paghihinuha ay isusulat ng mga mag-aaral sa isang
manila paper kalakip dito ang pangalan ng bawat miyembro sa
bawat grupo

F. Pagpapalalim

 Gamit ang nabuong paghihinuha na nakasulat sa isang manila paper,


gagawa sila ng isang paglalahad ng kanilang nabuong paghihinuha.
Hayaan silang maging malikhain sa pagbuo nito (maaaring sa paraang talk
show, investigative report, drama, at iba pa.
 Ang paraan ng pagbibigay ng puntos sa paglalahad ay nakabatay sa
rubriks na ilalahad sa klase.
 Bigyan ng limang minuto ang bawat grupo sa pag presenta ng kanilang
awtput

2
G. Pagtataya

 Ang magiging awtput ng mga mag-aaral sa paglalahad ng hinuha


ang magiging pagtataya sa sesyon na ito.

IV. TAKDANG-ARALIN
 Para sa paghahanda sa susunod natatalakayin/gawain, ipapasaliksik
o ang mga mag-aaral ng isang video tungkol sa isang balita na
nagpapakita ng kalagayan ng isang lugar o pook. ipasusulat sila ng
isang talata na nagpapahayag ng kanilang saloobin tungkol dito.

V. PAGNINILAY

Pagninilay sa iyong mga istratehiya ng pagtuturo. Tayain ang paghubog ng


iyong mga mag-aaral sa bawat linggo. Paano mo ito naisakatuparan? Ano pang
tulong ang maari mong gawin upang sila’y matulungan? Tukuyin ang maaari mong
itanong/ ilahad sa iyong superbisor sa anumang tulong na maari nilang maibigay sa
iyo sa inyong pagkikita

A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 85% sa pagtataya.


B. Bilang ng mag-aaral nanabigyan ng karagdagang gawain bilang remedyal.
C. Naging makabuluhan ba ang ginawang remedyal?
D. Bilang ng mag-aaral na nakakuha o nakaintindi sa aralin
E. Bilang ng mga mag-aaral na kailangan pang magpatuloy sa ginawang remedyal
F. Alin sa mga istratehiyang ginamit ang mabisa? Bakit naging mabisa ito?
G. Ano-anong mga balakid na naranasan na solusyunan sa tulong ng punongguro
at superbisor?
H. Ano-ano ang mga inobasyon/pagbabago o mga kagamitang panglokal ang
ginamit na nais ibahagi sa iba pang mga guro?

Inihanda ni: Nabatid ni: Pinagtibay ni:

PRINCESS MAE C. TENORIO JONI JANE C. AYUNO MARIA THERESA D. APOSIN


Teacher I Master Teacher I Principal IV

You might also like