You are on page 1of 4

Mala-masusing Banghay Aralin sa Filipino

Filipino 8 Wika at Panitikan

I.Layunin: Sa katapusan ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang;


a. makatukoy ang mga uri ng dulang pantanghal.
b. makapagpahayag sa layuning hatid ng mga uri ng dulang pantanghalan.
c.makabuo ng isang dula-dulang hinggil sa buhay ni Hesukristo.

II.Paksang Aralin: Uring ng dulang Pantanghal


Kagamitan: Mga Larawan, Laptop, LCD, Speaker

II.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain:
Panalangin
Pagbati
B. Pagbabalik Aral- Kahapon ano ang ating pinag-aralan?

C. Pangganyak
Magpapakita ng mga larawan na nagsasagawa ng mga pagtatanghal sa entablado. Tatanungin kung
ano ang napapansin at ginagawa ng mga tagapagtanghal.

D. Pagtatalakay-
Itatalakay ng guro ang mga uri ng dulang pantanghalan at ilalahad ang mga kahulugan
nito.
Magtatanong siya sa mga mag-aaral kung bakit lumaganap sa bansa ang mga dulang
pantanghalan.

E.Paglalagom
Ano ang dulang pantanghalan?
Ibigay ang mga uri ng dulang pantanghalan?
Bakit umusbong ang dulang pantanghalan sa ating bansa?

F. Pagtataya-
Bumuo ng isang ng isang dula-dulaang hinggil sa buhay ni Hesukristo. Ang bawat grupo ay may
anim na miyembro. Ito ay itatanghal Kinabukasan.
Pamantayan:
Pangkakaisa - 30
Pagkamalikhain - 25
Kasuotan - 25
Lakas ng boses - 20
100
G. Takdang-Aralin
Pumili ng isang uri ng dulang pantanghalan at sumulat ng isang pagninilay hinggil sa napili. Isulat sa
isang buong papel.

H. Sanggunian:
Pluma: Wika at Panitikan

Simulation/Practice in real life situation


Instructional games- Motivation
Problem solving games- Evaluation
Multi-media/electronic book- References

Filipino: Wika at Panitikan Page 1


Mala-masusing Banghay Aralin sa Filipino

I.Layunin: Sa katapusan ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang;


a. makagunita ng mga karanasang nagpapakita ng pagmamahal sa sariling bayan.
b. makabigay ng sariling pagninilaynilay hinggil sa tulang binasa.
c.makaguhit ng isang simbolong hinggil sa damdaming nasyonalismo.

II.Paksang Aralin: Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio


Kagamitan: Libro

III.Pamamaraan

A.Panimulang Gawain:
Panalangin
Pagbati

B. Pagbabalik Aral- Kahapon ano 2n gating pinag-aralan?

C. Pangganyak:
Magtatanong ang guro kung sino sa kanyang mga estudyande ang nakaranas ng umibig.
Magtatanong siya kung ano ang pagmamahal bas a kapwa ay maaring maihalintulad sa
pagmamahal sa sariling bayan.

D. Pagtatalakay-
Babasahin ng mga mag-aaral ang tula at pagkatapos ay magtatanong ang guro kung ano ang
gustong ipabatid ng tula.

E.Paglalagom
Ano ang mensahe nais ipabatid ng tula sa mga tao?
Sainyong sariling pananaw, ano ang ibig sabihin ng linyang walang mahalagang hindi
inihandong ng may pusong mahal sa bayang nagkupkop, dugo, yaman, dunong, kariisat pagod,
buhay may abuting magkalagut-lagot.
Bakit umusbong ang dulang pantanghalan sa ating bansa?

F. Pagtataya-
Gumuhit ng isang simbulong hinggil sa damdaming Nasyonalismo. Pagkatapos ay sumulat ng isang
maikling sanaysay tungkol dito.

G. Takdang-Aralin
Sumulat ng mga gawaing para ay maituturing na kabayanihan, isulat ito ayon sa mga sumusunod ng
mga kalagayan.

Bilang Isang Mga-aaral


1.______________________
2.______________________
3.______________________

Bilang Bahagi ng Pamilya


1.______________________
2.______________________
3.______________________

Bilang Bahagi ng Pamayanan


1.______________________
2.______________________
3.______________________

Filipino: Wika at Panitikan Page 2


Mala-masusing Banghay Aralin sa Filipino

I.Layunin: Sa katapusan ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang;


a. Nabibigyang-kahulugan ang mga piling pahiwatig, pahayag na ginamit sa akda.
b. Napipili ang mga pangyayari sa akda na nagpapakita ng kaasalang dapat sundin ng isang tao.
c. Nasusuri ang kabanata batay sa teoryang humanismo.

II.Paksang Aralin: Pagbasa at Pagsusuri sa Nobelang Tagalog sa Teoryang Humanismo


Kagamitan: Libro

III.Pamamaraan

A.Panimulang Gawain:
Panalangin
Pagbati

B. Pagbabalik Aral- Kahapon ano 3n gating pinag-aralan?

C. Pangganyak:
1. Pagpapanood ng isang video clip na pinamagatang Si Maam .
2. No ang naramdaman ninyo matapos matunghayan ang video clip?
3. Paano ninyo maiuugnay ang video clip sa akdang ating binasa kahapon?

D. Pagtatalakay-
Sa araw na ito ipagpapatuloy natin ang pagsusuri sa nobelang Titser ni Liwayway A. Arceo.

Teoryang Humanismo- ito ay ang pananaw na nagbibigay diin dignidad at kahalagahan ng isang
indibidwal.
Isang basikong saligan ng humanism ang paniniwalang ang tao ay may niikhang rasyonal na
taglay sa kanilang sarili ang kapasidad para sa katotohanan at kabutihan.

E.Paglalagom
Ano ang Teoryang Humanismo?
Anu-ano ang mga naganap sa pagpapatuloy natin sa nobelang Titser ni Liwayway A. Acero.

F. Pagtataya-
Panuto: Tukuyin ang mga tauhan batay sa kanilang pahayag.
1. Bakit, ito bang ginagawa ko, e para sa sarili ko lang? Hindi ba para sa kanya?
2. Nasisiyahan naman ako sa pagtuturo, Inang!
3. O, e anong ng nangyarit ganyan na naman ang mukha mo? Hindi raw ba siya sasama?
4. Inang, kailangang malaman ni Osmundo ngayon nana hindi maaari.
5. Talagang pinaka gaga ka sa lahat ng anak ko ang isang to, oo! Maaari namang kumuha kahiyt
anong mabuti- buting kareranagpilit na maging titser lang!

G. Takdang-Aralin
Gumupit ng larawan hinggil sa gusto mong propesyon. Idikit ito sa oslo paper at sa ibaba, isulat ang
mga hakbang na gagawin mo para matagumpayan ito.

Mala-masusing Banghay Aralin sa Filipino


Filipino: Wika at Panitikan Page 3
I.Layunin: Sa katapusan ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang;
a. Matutukoy ang pang-abay na ginamit sa pangungusap;
b. Masigasig na nakikilahok sa mga talakayan gamit ang pagbuo ng pangungusap na nahihinggil sa pang-
abay.
c. Nakagagamit ng pang-abay nang matalino at mabisa sa pagbuo ng pangungusap;

II.Paksang Aralin: Pang-abay


Kagamitan: Manila paper, pentel pen, makukulay na papel, magic box, gunting, at pandikit
III.Pamamaraan

A.Panimulang Gawain:
Panalangin
Pagbati

B. Pagbabalik Aral- Kahapon ano 4n gating pinag-aralan?

C. Pangganyak:
Hahatiin ng guro ang klase sa tatlong pangkat. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng guro ng isang
makulay na papel. Ang papel ay may bugtong na kailangang masagot ng bawat pangkat.
Ang bawat bugtong ay may pang-abay na ginamit. Ang unang pangkat na makakapagpasa nang
mayroong pinakamaraming sagot ang siyang panalo.

D. Pagtatalakay-
Tatalakayin ng guro ang pang-abay at ganoon din ang uri nito. Magbibigay rin siya ng mga
halimbawa sa kada uri nito.
Ang bawat mag-aaral ay magbibigay rin ng kani-kanilang halimbawa.
Mula sa bawat pangkat, susuriin nila ang mga pangungusap na ginamit sa bugtong.

E.Paglalagom
Ano ang pang-abay?
Ibigay ang ibat-ibang uri ng pang-abay at ipaliwanag ang bawat isa.
Bakit kailangan ang pang-abay sa mga pangungusap?

F. Pagtataya-
Ang bawat pangkat ay magsasagawa ng kani-kanilang bersyon ng Ang Probinsyano mula sa
kanilang napiling sitwasyon sa teleserye gamit ang ibat-ibang uri ng pang-abay. Mayroon silang limang
minutong paghahanda at tatlong minutong pagsasagawa.

Pamantayan sa Pagmamarka

Pagkamakatotohanan - 40%
Kaayusan at Kalinisan - 20%
Paghahatid ng nilalaman -30%
Hiyakat sa madla -10%
Kabuuan -100%

G. Takdang-Aralin
Pag-aralan ang katatapos pa lamang na aralin.
Magsaliksik ng iba pang uri ng pang-abay, ibigay ang kahulugan nito at magbigay ng sariling
halimbawa tig-iisa lamang kada uri ng pang-abay.
Isulat sa isang buong papel.

Filipino: Wika at Panitikan Page 4

You might also like