You are on page 1of 3

Pangalan: Mac John G.

Causing Petsa/oras: 03/ 11 /20 – 9:45am


Baitang/Asignatura: 10- Newton-Filipino Quarter: 4

I. Layunin :
1. Natutukoy ang kasingkahulugan ng talinghagang salita batay sa gamit ng pangungusap
2. Naisasalaysay ang buod ng kabanata sa klase sa pamamagitan ng pag-ayos ng pagkakasunod-
sunodng mga pangyayari sa kuwento
3. Nalilinang ang iba’t ibang kasanayan ng mag-aaral sa pamamagitan ng mga sumusunod na gawain
: Akrostik, Tableau, Paggawa ng Pigura at pag-awit
4. Batay sa Kuwento naisasaalang-alang ang kadakilaan ng pag-ibig at kahalagahan nito sa lipunang
ating ginagalawan.

II. Paksang-aralin:
a. Paksa: EL FILIBUSTERISMO: Kabanata XXIII- Isang Bangkay
b. Kagamitan: powerpoint, video clip, mapang pang-kuwento
c. Sanggunian: Obra Maestra: Batayang Akdang Pampanitikan: Ikatlong Edisyon
III. Pamamaraan:

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A.Panimulang Gawain:
-Panalangin
- Pagbati
- Pagtsetsek ng liban
- Pag-aayos ng silid

Pagganyak:
“O pagsintang labis ang kapangyarihan sampung
mag-aama’y iyong nasasaklaw! ‘pag ikaw ang
nasok sa puso ninuman hahamakin lahat masunod
ka lamang."
“----------------------------------------
“Video Presentation”
Isang video presentaion ang ipalalabas ng guro sa
loob ng klase patungkol sa pag-ibig.

B. Paglalahad:
-Pagpapalawak ng Talasalitaan-
Sa pamamagitan ng power point presentation
tutukuyin ng mga piling mag-aaral ang
kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa
pangungusap. Pagkatapos ay gagamitin ang mga
talinghagang salita sa sariling pangungusap.
1. Pagrerepaso – pagbabalik – aral
2. Inaalipusta - Nilalait
3. Nagtagubilin – ibinilin
4. Nanggilalas – nabigla
5. Paghihimagsik – pag-aalsa

C. Pagtalakay: ( PAGLINANG SA BINASA)


“Pagsunudsunuring Tantuin!”
Dugtungang pagkakabit-kabitin ng piling mag-
aaral ang nobela sa ika-23 kabanata ng El
Filibusterismo hanggang sa wakas nito.
(pagkatapos mabuo ang kuwento ilalahad
ng guro ang mga katanungan ukol sa kuwento ng
kabanata sa pamamagitan ng powerpoint
presentation)

D.Paglalapat:
“Linangin natin”
Papangkatin ang klase sa apat upang maisagawa
ang iba’t ibang kasanayan tungo sa pagpapalalim
ng pang-unawa sa binasang akda.
Mga gawain:
1. Paggawa ng pigura
- Sa pamamagitan ng paggawa ng pigurin
bumuo ng depinisyon na nagpapakita ng ukol
sa DAKILANG PAG-IBIG. Ipaliwanag ang
ginawa
2. Kantaririt
- Sumipi o kumatha ng isang komposisyon na
may kaugnayan sa tanong na ano ang dapat
gawin ng mga pinuno sa mundo upang
maiwasan ang mga sigalot, away at
himagsikan. Magbigay paliwanag ukol sa
piniling komposisyon
3. Tableau
- Gumawa ng dalawang minutong tableau na
sumasagot sa tanong na kailan nagiging
dakila ang pag-ibig?
4. Akrostik
- Gawan ng Akrostik ang salitang
DAKILANG PAG-IBIG.
E. Paglalahat:
Gamit ang Mapang Pangkuwento ibuod
ang mga bagay na naintindihan sa aralin. Sundan
ang isinasaad sa mapa.

F. Pagtataya:
Sukatin natin ang iyong Natutunan:)
- Sa pamamagitan ng powerpoint presentation
masusukat ang naunawaan ng mga mag-aaral ukol
sa kabanatang tinalakay sa nobelang El
Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal.

IV. Kasunduan: Basahin at unawain ang susunod na aralin- kabanata XXIV- Ang mga Pangarap. Sagutin
ang mga sumusunod na tanong:
1. Bakit nakipagkita si Isagani kay Paulita Gomez?
2. Ano-ano ang mga napagkasunduan at hindi napagkasunduan nina Isagani at Paulita sa kanilang
pag-uusap?
3. Ano ang natuklasan ni Isagani kay Donya Victorina?

Inihanda ni:
MAC JOHN G. CAUSING
Guro sa Filipino

Iwinasto ni: JOCELINDA C. GANNABAN


HT-3

You might also like