You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Filipino 9

Sekondarya

I. Layunin
Sa loob ng 50 minutong talakayan, ang mga mag-aaral sa ika-9 na baitang ay inaasahang
matamo ang sumusunod na layunin;
a. Natutukoy ang kahulugan ng matatalinhagang salita sa pamamagitan ng mga
pangungusap.
b. Naipaliliwanag ang mahahalagang pangyayari sa kabanata sa pamamagitan ng mga
gabay na tanong
c. Nailalapat ang aral na nangibabaw sa kabanata 17: Si Basilio sa pamamagitan ng pag-
uugnay ng mga ito sa realidad ng buhay.
d. Nagakapag-uulat patungkol sa paksang tinalakay sa kabanata 17: Si Basilio sa
pamamagitan ng pangkatang gawain.
II. Paksang Aralin
a. Paksa: Kabanata 17: “Si Basilio”
b. Sanggunian: Pinagyamang Pluma : Noli Me Tangere Aklat 2, nina Ailene G. Baisa
–Julian at Mary Grace G. Del Rosario pp. 586-590
Youtube- Isirmac E- Learning
c. Kagamitan: TV, Laptop, kartolina, makukulay na papel at iba’t ibang kagamitan.

III. Pamamaraan
a. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsasaayos ng silid
4. Pagtala ng lumiban
b. Pagbabalik-aral
Bago Bumasa at Manood
c. Pagganyak
Magpapaskil ang guro ng web organizer patungkol sa pangarap ng mga mag-aaral.
Magbibigay ang guro ng makukulay na papel kung saan ilalagay ng mga mag-aaral
ang kanilang pangarap sa buhay at ipapaskil ito sa bahagi ng web organizer.

d. Paghawi ng sagabal
Ilalagay ng guro ang mga talasalitaan sa kahon (Binibining Balintataw) at kukuha ang
mga mag-aaral ng isa na ginamit sa pangungusap upang magsilbing context clues.
Huhulaan ng mga mag-aaral ang kahulugan nito sa mga salitang nakapaskil sa pisara.
Habang Nanonood at Bumabasa
e. Paglalahad ng aralin
Susuriin ng mga mag-aaral ang bawat detalyeng nakapaloob sa kabanata 17: Si
Basilio.
Ipasasagot sa mga mag-aaral ang mga gabay na tanong.

Pagkatapos Bumasa at Manood


f. Paglalahat
Ipabubuod sa mga mag-aaral ang mga natutuhan sa kabanatang tinalakay.

g. Pagpapahalaga
Magbibigay ang mga mag-aaral ng aral o gintong-butil na kanilang napulot mula sa
kabanatang tinalakay. Pagkatapos, iuugnay ito sa realidad ng buhay.

IV. Pagtataya
Magkakaroon ng pangkatang gawain ang mga mag-aaral. Sasagutin at ipaliliwanag
ng bawat pangkat ang sumusunod na katanungan:
Pangkat 1: May katuwiran bang itakwil o kamuhian ng isang anak ang masamang
magulang. Ipaliwanag ang sagot.
Pangkat 2: Sa kabila ng kahirapan at pagdurusa ng isang tao’y dapat bang
magkaroon ng pangarap o layunin sa buhay? Bakit?
Pangkat 3: Ano ang pangarap o layunin mo sa buhay? Paano mo matatamo ang
layuning ito?
Pangkat 4: Paano tumutulong ang ating pamahalaan para sa katuparan ng mga
layunin ng kaniyang mga mamamayan lalo na ng mga estudyante?

V. Kasunduan
Sumulat ng isang komposisyong nagpapaliwanag sa paksang: “ Pangarap: Gabay sa
Kaunlaran”

Inihanda ni: Gng. Lerma S. Roman


guro sa Filipino 9

You might also like