You are on page 1of 5

GINGOOG CITY COLLEGES

GINGOOG CITY
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9
NARRA
2:20-3:20 PM

I. LAYUNIN:

Pagkatapos ng isang sesyon, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Natutukoy ang pagkasunog-sunod ng mga pangyayari sa kabanata;


B. Naiuugnay ang mga pangyayari sa kabanata sa kasalukuyan sa paraan
ng pagbabahagi ng sariling opinyon at ideya; at
C. Naisagagawa ang mga iba’t ibang gawaing may kaugnayan sa akda sa
pamamagitan ng differentiated instruction.

II. PAKSANG ARALIN:

A. Paksa : Noli Me Tangere: Kabanata 24 (Sa Kagubatan)


B. Sanggunian : Jocson, M.et. al (2014), Hiyas ng Lahi G9, Vibal Group,
INC.1253, Gregorio Araneta Avvenue, Quezon City.
C. Kagamitan : Biswal na Kagamitan
D. Estratehiya : Pangkatang Gawain
E. Pagpapahalaga :

III. PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain:

1. Panalangin
2. Pagbati/ Pag-ayos ng mga upuan
3. Pag-tsek ng Atendans
4. Pagbibigay Alituntunin
5. Pagbabalik Aral
B. Pangganyak: (4 pics 1 word)

Sa _ _ _ _ _ _ _ _ _
 Ang buong klase ay hahatiin sa apat na pangkat. Ang bawat pangkat ay
bubuoin nila ang ginupit-gupit na larawan na ibinigay ng guro at ipaskil
sa pisara.
 Pipili ng kasapi ang bawat pangkat na siyang maglahad sa larawang
nabuo. Bibigyan lamang ng tatlong minuto ang bawat pangkat at ang
unang makapaskil ay bibigyan ng limang puntos.
 Magbibigay ng isang salita ang mga mag-aaral batay sa mga nabuong
larawan, huhulaan nila kung ano ang nais ipahiwatig nito na siyang
magsisilbing paksa sa talakayan. Isulat sa naatalang patlang.

C. Talasalitaan:
 Ipapaskil ang limang briefcase sa pisara na nagtataglay ng mga salita.
Pipili ang natawag na mag-aaral kung anong numero ng briefcase ang
nais niyang buksan. Pagkatapos ay pipili ang mag-aaral ng isang salita na
sa tingin niya ay ang tamang kahulugan ng salita na nasa itaas.
 Ngunit bago niya ito itapat ay tatanungin muna siya kung deal or no
deal. Deal ang isasagot ng mag-aaral kung hindi na niya papalitan ang
napiling salita at no deal naman kung nais niyang palitan ito.
 Pagkatapos maibigay ang tamang kahulugan ay gagamitin ito sa
pangungusap.

MABALASIK
KUMAR
NANGUBLI
Mabilis na IPAS
Nagtago
tumakbo Mabagsik
Sumilip
nabigla mahinhin

PANIBUGHO PAUYAM

Pangungu
Pagseselos
tya
pagtatampo
panlilinlan
g
D. Paglalahad:
 Ipababasa sa buong klase ang pamagat ng akdang tatalakayin.
 Tatawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang nahihinuha
tungkol sa nilalaman ng akdang tatalakayin.

E. Talakayan:
 Bibigyan ng kopya sa kabanata ang mag-aaral at gawin ito sa parehong
pangkat. Unang pangkat ay isalaysay ang pinag-usapan ng mga dalaga
sa may batis na naririnig ni Padre Salvi. Iulat sa klase.
 Ikalawang pangkat ay isalaysay ang alitan ni Padre Salvi at ng Alperes.
Iulat sa klase.
 Ikatlong pangkat ay sa pamamagitan ng event organizer, isalaysay ang
pagkasunod-sunod ng mga pangyayari mula sa kainan hanggang sa
pagdating ng sarhento.

Kainan:

paglalaro ng ahedres:

Pagdating ng telegram:

Paglalaro ng gulong ng kapalaran:

Pagdating ng sarhento:

 Ikaapat na pangkat ay iugnay ang ilang pangyayari na inilahad ng


ikalawang pangkat na maaaring nagyayari sa kasalukuyan. Ilahad sa
klase.

F. Malikhaing gawain:
 Sa parehong pangkat ay may nakatakdang gawain sa loob ng limang
minuto.
 Unang pangkat ay ilahad ang mga kaisipan sa kabanata na nagingibabaw
gamit ang grapikong pagsasaayos.
 Ikalawang pangkat ay sa pamamagitan ng isang poster, ilarawan ang
lugar na pinangyarihan ng kwento sa kabanata.
 Ikatlong pangkat ay gagawa ng slogan batay sa aral na nagingibabaw sa
kabanata.
 Ikaapat na pangkat ay
PAMANTAYAN NAPAKAHUSAY MAHUSAY DI-GAANONG
5 3 MAHUSAY
1
NILALAMAN Malinaw na malinaw Malinaw at tugma Hindi malinaw at
at tugma sa paksa ang paksa ang kaisipang tugma ang kaisipang
lahat na ideya o nakapaloob ipinahayag
kaisipan na
ipinahayag.
Nagtutulungan ang Halos lahat ang Marami sa miyembro
KOOPERASYON lahat ng miyembro sa nagtutulungan sa ang walang
pagbabahagi ng mga pagbabahagi ng mga partisipasyon sa
ideya. ideya sa kanilang gawain.
gawain.
PAGGAMIT NG Nagamit ng wasto ang Natapos ang gawain Hindi natugunan ang
ORAS oras hindi sumobra at ngunit lumagpas ng oras na itinakda sa
kumulang. isang minuto. gawain.

G. Paglalahat:

1. Batay sa mga pangyayari sa kabanata, anong pagkatao ang


maaaring makita kay Ibarra?
2. Makatwiran ba ang pagpunit ng kura sa aklat ng gulong ng
kapalaran?
3. Anong kulturang Pilipino ang ibig patunayan ni Dr. Jose Rizal sa
paglalaro ng gulong ng kapalaran ng mga dalaga sa binasang
kabanata?

IV. EBALWASYON:
Panuto: Tukuyin ang tamang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa
kabanata. Lagyan ng 1-5 bilang ang bawat patlang.

____1. Habang naglalaro ay nakatanggap ng pahatid-kawad si Ibarra. Ang


nilalaman nito ay “ bahay paaralan, pinagtibay: usapin ninyo, nanalo”.
____2. Sa oras ng pagkain, iisang mesa ang kainan ng mga makapangyarihan.
Pinangungunahan ito ni Ibarra.
____3. Pagkapananghali, hinamon ni kapitan Basilio si Ibarra na maglaro ng
ahedres.
____4. Dumating ang isang sarhento at apat na guardia civil na sandatahan at
nakakasa ang mga bayoneta.
____5. Lumapit ang kura at sa mga naglalaro ng Gulong ng kapalaran at
sinabing iyon ay kasalanan. Kinuha at pinunit niya ang aklat.
V. TAKDANG ARALIN:

Panuto: gumawa ng isang repleksyon ukol sa mga pangyayaring naganap sa


kabanata. Isulat sa isang buong papel.

Pamantayan
Nilalaman ------------------- 15 puntos
Kalinisan ---------------------5 puntos
20 puntos

Inihanda ni:
SHIRLEY L. PAGARAN
BSED-III

You might also like