You are on page 1of 3

Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere

 Ito ang kauna-unahang nobelang


isinulat ni Rizal.
 Inihandog sa Inang Bayan
 Nobelang Panlipunan
 Magdadalawampu’t apat na taon pa
lamang siya nang isulat niya ito.
 Naisipan ni Rizal na sumulat ng
Noli Me Tangere dahil sa tatlong aklat
na nagbigay sa kaniya ng inspirasyon:
(1) The Wandering Jew, (2) Uncle Tom’s Cabin, (3) Biblia
 Nang mabasa ni Rizal ang aklat na
The Wondering Jew (Ang Hudyong
Lagalag) ay nabuo sa kanyang puso na
sumulat ng isang nobelang gigising sa
natutulog na damdamin ng mga Pilipino
at magsisiwalat sa kabuktutan at
pagmamalupit ng mga Espanyol.
 Ang The
Wandering Jew ay
tungkol sa isang
lalaking kumutya kay Hesus habang siya
ay patungo sa Golgota. Ang lalaking ito
ngayon ay pinarusahan na maglakad sa
buong mundo nang walang tigil.
 Uncle Tom’s Cabin - Tungkol ito sa
pagmamalupit ng mga puting Amerikano
sa mga Negro. Tumindi ang pagnanais ni
Rizal na makabuo ng aklat na tumatalakay sa pagmamalupit
ng Kastila sa mga Pilipino.
 Ang pamagat na ‘’Noli Me Tangere’’ ay salitang Latin na
ang ibig sabihin sa wikang Filipino ay ‘’huwag mo akong
salingin’’ na hango sa Bibliya sa Ebanghelyo ni San Juan 20:
13-17.
 Inilathala ang unang nobela ni Rizal noong dalawampu’t
anim na taong gulang siya.
 Sa simula, binalak ni Rizal na ang bawat bahagi ng nobela
ay ipasulat sa ilan niyang kababayan na nakakabatid sa uri ng
lipunan sa Pilipinas at yaon ay pagsasama-samahin niya
upang maging nobela. Ngunit hindi ito nagkaroon ng
katuparan, kaya sa harap ng kabiguang ito, sinarili niya ang
pagsulat nang walang katulong.
 Bago matapos ang taong 1884 ay sinimulan niya itong
isulat sa Madrid at doo’y natapos niya nag kalahati ng nobela.
 Ipinagpatuloy niya ang pagsulat nito sa Paris noong 1885 at
natapos ang sangkapat. Natapos naman niyang sulatin ang
huling ikaapat na bahagi ng nobela sa Alemanya noong
Pebrero 21, 1887.
 Natapos niya ang Noli Me Tangere ngunit wala siyang
sapat na halaga upang maipalimbag ito. Mabuti na lamang at
dumalaw sa kanya si Maximo Viola na nagpahiram sa kanya
ng salapi na naging daan upang makapagpalimbag ng 2,000
sipi nito sa imprenta.
 Si Rizal mismo ang nagdisenyo ng pabalat ng nobela.
 Ang nobela ay sumasalamin sa kalagayang panlipunan ng
mamayang Pilipino sa Panahon ng mga Kastila. Inilarawan
ditto ang mga pang-aapi at pang-aabusong higit na nagpalala
sa kanser ng lipunang napakahirap hanapan ng lunas at lalong
nagpapatindi ng pagkauhaw sa diwa ng Kalayaan.
 Ipinaliwanag ni rizal sa kanyang liham sa matalik na
kaibigang si Dr. Ferdinand Blumentritt ang mga dahilam
kung bakit niya isinulat ang nobela.
1.Matugonan ang paninirang puring ipinaratang ng mga
Kastila sa mga Pilipino at sa bansa.
2.Maiulat ang kalagayang panlipunan, uri ng pamumuhay,
mga paniniwala, pag-asa, mithiin o adhikain, karaingan at
kalungkutan.
3.Maihayag ang maling paggamit ng relihiyon na ginawang
dahilan o sangkalan sa paggawa ng masama.
4.Maipaliwanag ang pagkakaiba ng tunay sa di-tunay na
relihiyon. Ang huli ay gumagamit ng pamahiin at banal na
salita upang makuha ang salapi at mapaniwala ang mga tao
sa mga bagay-bagay na mahirap matanggap.
5.Mailantad ang kasamaang nakukubli sa karingalan ng
pamahalaan.
6.Mailarawan ang mga kamalian, masasamang hilig,
kapintasan at kahirapan sa buhay.
 Ang lahat ng ito ay malinaw na inilarawan sa mga kabanata
ng nobela.

You might also like