You are on page 1of 2

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG NOLI ME TANGERE

Ang Noli Me Tangere ay ang kauna-unahang nobelang isinulat ni Jose Rizal. Sa tulong
at buhat ng tatlong aklat na may mga titulong The Wandering Jew, Uncle Tom’s Cabin, at
Bibliya ay naisulat ni Rizal ang nobela sa edad na dalawampu’t apat. Nang Mabasa ni Rizal ang
The Wandering Jew (Ang Hudyong Lagalag) ay nabuo sa kaniyang puso na sumulat ng isang
noeblang gigising sa natutulog na damdamin ng mga Pilipino at magsisiwalat sa pang-aabuso
at pagmamlalupit ng mga prayle. Ang Wandering Jew ay tungkol sa isang lalaking kumutya kay
Hesus habang siya ay patungo sa Golgota. Ang lalaking ito ngayon ay pinarusahan na
maglakad sa buong mundo nang walang tigil. Samantala, ang Uncle Tom’s Cabin naman ay
tungkol sa pagmamalupit ng mga puting Amerikano sa mga maiitim. Tumindi ang pagnanais ni
Rizal na makabuo ng aklat na tumatalakay sa pagmamalupit ng Kastila sa mga Pilipino. Ang
pamagat na “Noli Me Tangere” ay salitang latin na ang ibig sabihin sa wikang Filipino ay
“Huwag Mo Akong Salingin” na hango sa Ebanghelyo ni San Juan.
Inilathala ang unang nobela noong dalawampu’t anim na taong gulang siya.
Makasaysayan ang aklat na ito at naging instrumento upang makabuo ang mga Pilipino ng
Pambansang pagkakakilanlan.
Sa simula, binalak ni Rizal na ang bawat bahagi ng nobela ay ipasulat sa ilan niyang
kababayan na nakababatid sa uri ng lipunan sa Pilipinas at yaon ay pagsasama-samahin niya
upang maging nobela. Ngunit hindi ito nagkaroon ng katuparan, kaya sa harap ng kabiguang
ito, sinarili niya ang pagsulat nang walang katulong. Bago matapos ang taong 1884 ay
sinimulan niya itong isulat sa Madrid at doo’y natapos niya ang kalahati ng nobela.
Ipinagpatuloy niya ang pagsulat sa Paris noong 1885 at natapos ang sangkapat. Natapos
naman niyang sulatin ang huling bahagi ng nobela sa Alemanya noong Pebrero 21, 1887.
Natapos niya ang Noli ngunit wala siyang sapat na halaga upang maipalimbag ito.
Mabuti na lamang at dumalaw sa kaniya si Maximo Viola na nagpahiram sa kaniya ng salapi na
naging daan upang makapagpalimbag ng 2,000 na sipi nito sa imprenta. Si Rizal mismo ang
nagdisenyo ng pabalat ng nobela. Pinili ni Rizal ang mga elemento na ipapaloob niya rito, hindi
lamang ang aspektong astetiko ang kaniyang kosiderasyon bagkus sa lahat ay aspektong
simbolismo.
Nagalit man ang mga Kastila kay Rizal at nangamba ang kaniyang pamilya na baka
siya’y mapahamak ngunit inibig pa rin niyang makabalik sa Pilipinas dahil: Una, hangarin niyang
maoperahan ang ang kaniyang ina dahil sa lumalalang panlalabo ng kaniyang mata.
Pangalawa, upang mabatid niya ang dahil kung bakit hindi tumugon si Leonor Rivera sa mga
sulat mula 1884-1887.
At panghuli, ibig niyang malaman lung ano ang naging bisa ng kaniyang nobela
sa kaniyang bayan at mga kababayan. Umalis si Rizal sa Maynila noong ika-3 ng Pebrero,
1888. Sa kaniyang pag-alis ay nagpunta siya sa Hong Kong, Japan, San Francisco, at New
York sa Estados Unidos, at London sa United Kingdom. Habang siya ay nasa ibang bansa ay
iniukol niya ang kaniyang panahon sa pagsulat ng mga tugon sa mga tuligsa sa kaniya.
Samantala narito ang mga layunin ni Dr. Jose Rizal kung bakit niya
isinulat ang nobelang Noli Me Tangere.

1. Maisakatuparan ang mithiin na magamit ang edukasyon sa pagkamit ng kalayaan at


kaunlaran para sa bansang Pilipinas.
2. Sanayin sa kakayahan at interes ang mga mag-aaral upang paghandaan ang pasubok sa
realidad ng buhay.
3. Mahubog sa kabutihan ang mga kabataang susunod at maging sa kasalukuyang henerasyon
na maging lider ng ating bansa at magiging pag-asa ng bayan.
Sa kabuuan, isinulat niya nag Noli Me Tangere upang mabuksan ang
mga mata ng Pilipino sa Kanser ng lipunan na nangyayari sa bansa. Ito ay ang
pananakop ng mga kastila sa Pilipinas.
I. Pagtlakay sa Aralin
PANUTO: Sagutin ang tanong sa bawat bilang.
1. Paano nakatulong ang mga akdang The Wandering Jew, Uncle Tom’s
Cabin, at Bibliya upang maisulat ni Rizal ang nobela?
2. Bakit pinili ni Rizal na sa ibang bansa ilathala ang nobela?
3. Ano ang naging epekto at gampanin ni Maximo Viola sa buhay ni Rizal?
4. Sa kabila ng mga banta sa buhay ni Rizal, bakit minabuti niyang bumalik sa
Pilipinas?
5. Sa iyong palagay, naging matagumpay ba si Rizal sa kaniyang layunin sa
pagsulat ng Noli? Bakit?

You might also like