You are on page 1of 14

g K a s a y s a y a n n g

An
Noli M e T a n g e re
1886
Taong 1886. Ito ang taong hindi
malilimutan ni Rizal dahil:
1. Nakaranas si Rizal ng matinding gutom at
paghihirap sa salapi.
2. Sa taong ito naisulat ni Rizal ang obra
maestrang Noli Me Tangere.
An g I d e y a n g
Pagsulat
Naisipan ni Rizal na sumulat ng Noli Me
Tangere dahil sa tatlong aklat na nagbigay sa
kaniya ng inspirasyon:
1.The Wandering Jew ni Eugene Sue
2.Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beecher Stowe
3.Biblia
An g I d e y a n g
P ag sul at
Ang The Wandering Jew ay
tungkol sa isang lalaking kumutya
kay Hesus habang siya ay patungo
sa Golgota. Ang lalaking ito ngayon
ay pinarusahan na maglakad sa
buong mundo nang walang tigil.
A ng I d e y a n g
Pags ul at
Tungkol ito sa pagmamalupit ng
mga puting Amerikano sa mga
Negro. Tumindi ang pagnanais ni
Rizal na makabuo ng aklat na
tumatalakay sa pagmamalupit ng
Kastila sa mga Pilipino.
A ng I d e y a n g
P a g s u l a t
Ipinanukala niya ang ideya ng pagsulat
ng Noli sa mga kaibigan niyang
propagandista noong Enero 2, 1884.
Lahat ay sumang-ayon kaya’t hinati-hati
na agad ang mga kabanata upang isulat
ng kaniyang mga kasama.
A ng I d e y a n g
Pags ul at
Sa kasamaang-palad, ang panukala ay
nabigo. Walang naisulat ang mga
kasama ni Rizal dahil nawili ang lahat sa
sugal at tungkol sa pambababae ang nais
nilang isulat. Walang nagawa si Rizal
kundi isulat ito nang mag-isa.
Bana l na
Ka t a g a
Ano nga ba ang ibig sabihin ng “Noli Me
Tangere”?
Ito ay nagmula sa banal na katagang
“Huwag mo akong Salingin” o sa Ingles ay
“Touch me not” na nanggaling sa Biblia.
Bana l na
Ka t a g a
Dahil sa maselan ang isyung
tinatalakay dito, walang Pilipinong
naglakas ng loob na sumalang. Naging
matapang si Jose Rizal sapagkat
inilantad niya ang mga kabulukan ng
pamahalaan at simbahan.
P a g s u l a t n g
Noli Me
Ang Noli ay e
T a n g re
sinimulang isulat ni Rizal sa
Madrid, Espanya noong siya’y 24 na taong
gulang. Itinuloy niya ito sa Paris, Pransya at
tinapos sa Wilhemsfield, Alemanya noong
Pebrero 21, 1887.
Dahil nga naghihirap, tiniis ni Rizal ang lahat
para lamang mailimbag ang nobela.
P a g s u l a t n g
Noli Me
Ta n g e re
Berliner Buchdruckrei-Action-
Gesseichaft ang palimbagang
nag-imprenta ng Noli Me
Tangere sa halagang P300 para
sa 2000 kopya.
P a g t i t i p i d
Nang dahil sa pagkagipit at pagtitipid
ni Rizal, inalis niya ang isang kabanata
sa Noli. Inalis niya ang “Elias at
Salome”.
Makikilala niyo pa si Elias sa ating
pagtalakay.
A ng
Ka b u l u h a n
Isinulat niya ang Noli Me Tangere
upang mabuksan ang mga mata ng
Pilipino sa kanser ng lipunan na
nangyayari sa bansa. Ito ay ang
pananakop ng mga Kastila sa
Pilipinas.
Ang
K a b u l u h a n
Nawa ay mabuksan din ang
inyong isipan sa kung paano
tayo nabuhay noon at ang
naging epekto nito sa
kasalukuyan.

You might also like