You are on page 1of 6

NAME: LINDSAY P.

PUNO GRADE AND SECTION: 9-BETARMOS SCORE:

FILIPINO

IKAAPAT NA MARKAHAN, MODYUL 1-2


GAWAIN 1
1. A
2. E
3. C
4. B
5. D
GAWAIN 2: A
1. /
2. /
3. X
4. X
5. /

GAWAIN 2: B
1.SITWASYON: Malayang nakakapagpahayag ng damdamin ang mga Pilipino lalo na ang kanilang mga hinaing laban sa
pamahalaan.
PATUNAY: Kung ikukumpara noo, mas may sapat na kakayahan at karapatan na ang mga Pilipino na ipahayag ang
kanilang mga hinaing sa pamahalaan gamit ang social media. May kakayahan na tayong tumanggap at magbigay ng
opinyon na nais nating sabihin.
2.SITWASYON: Nagsimula ng mag-alsa at lumaban ang mga Pilipino dahil sa pagmamalpit at pang-aabuso ng mga
espanyol.
PATUNAY: May sapat na kakayahan ang mga Pilipino ngayon upang ipagtangool ang mga sarili laban sa pang-aabuso ng
mga taga ibang lahi. Sa kabila ng mga pagsubok na naranasan ng mga Pilipino noon ay patuloy parin silang lumaban.
GAWAIN 3

TAUHAN MGA KATANGIAN KAHALAGAHAN NG PAPEL NA


GINAGAMPANAN
1.Maria Clara delos Santos Siya ay may katangian na mahinhin, Mahalaga ang kaniyang
maganda, relehiyosa, konserbatibo, ginagampanan dahil makikita natin
mapagmahal at kaakit-akit. Dahil sa kung gaano niya kamahal ang inang
kaniyang katangian ay kumakatawan bayan. Siya ang nagsisilbing imahe
siya bilang dalagang Pilipina. ng isang dalagang Pilipina dahil sa
angkin niyang moralidad at katangian
na bumubuo sa kalinisang-puri ng
mga babae.
2.Tiya Isabel Taglay ni Tiya Isabel ang katangian Mahalaga ang papel na ginagampanan
ng isang Ina. Siya ay masasabing niya dahil siya ay sumasalamin at ang
maalaga, maaalahanin, at nagsisilbing imahe ng mga
mapagmahal kay Maria Clara. mabubuting Ina. Ipinakita sa kaniyang
Sanggol pa lamang ay itinuturin niya karakter kung ano ang tamang
na bilang anak si Maria Clara. pagmamahal at pagtanggap ng isang
ina sa kaniyang anak. Kahit na hindi
niya tunay na anak si Maria, minahal
parin niya ito ng lubos.
3. Elias Siya ay isang maginoo, hindi Mahalaga ang kaniyang papel na
mapaghiganti, may matatag at ginagampanan dahil ipinapakita at
matibay na loob, at iniisip niya ang taglay niya ang magagandang
kapakanan ng nakakarami. katangian ng isang tunay na kaibigan.
Itinuring niyang kaibigan sa Ibarra at
ni minsan ay hindi niya ito
pinagtaksilan.
4. Kapitana Maria Siya ay may katangian ng isang Mahalaga ang kaniyang papel na
babaeng matapang at makabayan. ginagampanan dahil tinataglay niya
Siya ay isang ina na may bukod ang katangian ng babaeng buo ang
tanging hangarin para sa mga anak. loob na harapin ng buong tapang ang
Kahit mahirap lang ang kanilang kapalaran ng kaniyang mga anak. Isa
buhay ay natuto na siyang siya sa tumulong kay Ibarra sa
makuntento dito. paghahanap ng hustisya para sa
kaniyang ama.
5.Sisa Siya ay simpleng tao na may angking Mahalaga ang kaniyang
ganda at kabutihan ng isang ina sa ginagampanan dahil ito ay
kaniyang mga anak. Siya ay asawa ng sumasalamin sa buhay ng ibang ina.
walang pusong lalaki ngunit Ng mga katangian niya ay higit pa na
nagsusumikap parin siya upang nagpapakita kung gaano niya
mapalaki ng maayos ang kanilang pinapahalagahan ang kaniyang
mga anak. Patuloy niyang minamahal pamilya. Siya ay biktima ng
ang asawa kahit nasasaktan na siya. kaharasan at pagdurusa ngunit sa
kabila nito ay nanaiti siyang matatag,
mabuti at mapagmahal.

PAGNINILAY

Natutunan ko na ang Noli Me Tangere ay isang nobelang isinulat ni Jose Rizal na nangangahulugang “Huwag
mo akong salingin” o “Touch me not”. Ang pagsusulat sa nobelang ito ay inihambing ni Dr. Jose Rizal sa
sinapit ng mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila noong panahon na sinakop nila ang Pilipinas. Matapos
maisulat ang Noli Me Tangere ay maraming humanga sa katalinuhan at kakayahan ng may akda at mara ring
nagalit na mga Espanyol. Isinulat ang nobelang ito upang maipakita at mamulat ang mga Pilipino sa mga pang-
aabusong ginag=wa ng mga pari noong panahon ng mga Kastila. Sa modyul na ito, natukoy ko ang layunin ng
may akda sa pagsulat ng nobela, nailarawan ang kondisyong panlipunan, nailahad ang sariling pananaw tungkol
sa nobela at natukoy ang kahalagahan ng papel na ginagampanan ng bawat tauhan.
NAME: LINDSAY P. PUNO GRADE AND SECTION: 9-BETARMOS SCORE:

FILIPINO

IKAAPAT NA MARKAHAN, MODYUL 3-4


GAWAIN 1
1. Ang Noli Me Tangere ay isang nobela na isinulat I Dr. Jose Rizal. Sinimulan ni Rizal ang nobela sa madrid,
espanya, itinuloy sa Paris at tinapos sa Berlin, Alemanya. Isinulat ang nobelang ito upang mabuksan ang mata ng
mga Pilipino sa kasakiman ng mga Espanyol sa pagsakop nila sa bansang Pilipinas.
2. Si Don Santiago delos Santos ang naghanda ng isang marangyang salu-salo. Siya ay inilalarawan bilang pandak,
du-kaputian, bilugan ang mukha at katawan, mukhang bata, at maitim ang buhok. Isa siya sa pinakamayaman
dahil sa kaniyang mga negosyo at malakas din siya sa pamahalaan kaya siya naging gobernadorcillo. Relehiyoso
din siya at sa katunayan, siya ay nagpapamisa at nagpapadasal tungkol sa kaniyang sarili.
3. Isang pagtitipon ang inihanda ni Kapitan Tiago/Tiyago para sa anak ng kaniyang malapit na kaibigan na si
Crisostomo Ibarra- ang anak ni Don Rafael Ibarra.
4. Sa hapagkainan, pinagtatalunan ng dalawang pari na sina Padre Damaso at Padre Sibyla kung sino ang nararrapat
na umupo sa dulo ng mesa. Sa huli, si Padre Sibyla ang naupo dahil siya ang kura ng luagr na iyon. Inihain ni
Kapitan Tiago ang tinolang manok at natuwa ang lahat maliban kay Padre Damaso. Dismayado siya sa natanggap
na parte ng manok kaya maingay niyang binitawan ang kubyertos at padabog na itinulak ang pinggan. Habang
kumakain ang lahat, napag-usapan nila ang tungkol kay Ibarra. Biglang sumingit sa usapan si Padre Damaso at
ipinagmayabang ang kaniyang mga nalaman. Dahil sa sinabi niya, nagpasiya si Ibarra na umalis nalang sa
hapunan at hindi na ito napigilan pa ni Kapitan Tiago.
5. Ipinakita ni Padre Damaso ang kagaspangan ng kaniyang ugali kay Ibarra. Sa halip na patulan ni Ibarra ang
pangungutya ni Padre Damaso ay naging kalmaod siya at nag pasiya na umalis sa hapunan at nagpaalam na
umuwi.
6. Si Padre Damaso ay Pransiskanong prayle na naninilbihan bilang kura paruko sa bayan ng san diego. Siya ay may
mapanglait, magaspang at aroganteng pag-uugali. Ginagamit niya ang kaniyang mataas na posisyon sa pagpataw
ng parusa sa mga taong kumakalaban sa kaniya. Siya ang naging mortal na kalaban ni Ibarra sa nobela.
7. Maagang nagsimba sina Tiya Isabel at Maria Clara. Si Maria ay nananahi habang kausap ang ama at hindi siya
mapakali na makitang muli ang kaniyang sinisinta na si Ibarra. Maya-maya lang ay dumating na si Ibarra at
nataranta si Maria kaya pumasok ito sa silid at nagpatulong kay Tiya Isabel sap ag-aayos ng sarili. Nagtungo sina
Ibarra at Maria Clara sa Asotea upang mag-usap tungkol sa kanilang nararamdaman at binasa rin ni Maria ang
liham na naglalaman ng alaala ni Ibarra sa kaniyang ama.
8. Ang erehe at tumutukoy sa tao o grupo ng mga tao na hindi sumusunod o tumatangging sundin ang doktrina ng
simbahang katoliko. Ito ay salungat sa paniniwala ng simbahan. Ang Pilibustero ay tumutukoy sa tao o grupo ng
tao na kaaway ang pamahalaan at simbahan. Ito ay laban o salungat sa paniniwala na mayroon ang gobyerno.
9. Habang naglalakad si Ibarra ay nakilala niya si Tenyente Gueverra na sumunod sa kaniya. Pinakiusapan niya si
Tenyente Gueverra na magkwento tungkol sa kaniyang ama dahil wala siyang nalalaman tungkol dito.
Pinaalahanan din siya ni Tenyente Gueverra na mag-ingat sapagkat nangangamba siya nab aka matulad si Ibarra
sa sinapit ng kaniyang ama.
10. Umuwi si Ibarra sa Pilipinas matapos ang ilang taong pamamalagi sa Europa dahil nabalitaan niya ang
pagkamatay ng kaniyang ama.
GAWAIN 2

MAGULANG
Abot sa aking makakaya, KASINTAHAN
gagawin ko ang lahat upang ipaglalaban ko an gaming
mapasaya sila, relasyon hangga’t sa
maprotektahan at masamahan makakaya.
sa ano mang pagsubok ng
buhay.

KAPWA
Gagawin ko ang lahat upang BAYAN
maipakita ko ang Ipapakita ko ang aking katapatan,
pagmamalasakit at paggalang at pagpapahalaga sa
pagmamahal sa kapwa. bayan. Sisikapin ko na maging
isang tunay na Pilipino sa isip,
salita at gawa.
GAWAIN 3

PANGYAYARI SA KABANATA PANGYAYARI SA KASALUKUYAN


Inabuso si Sisa ng kaniyang asawa, hinalay ni Padre Hanggang ngayon, marami paring kababaihan ang
Damaso si Pia Alba at hinalay ni Padre Salve si Maria nakakaranas ng pang-aabuso o panghahalay.
Clara. Nakakalungkot ang isipin ngunit madali lang ito lalo na sa
mga tao na may matataas na antas sa lipunan.
Ginagamit ni Padre Damaso ang kaniyang mataas na Maraming tao ang ginagamit ang kanilang posisyon o
posisyon sa pagpataw ng parusa sa mga taong kapangyarihan upang saktan o tingnan ng mababa ang iba.
kumakalaban sa kaniya.
Ang walang katapusang pag-iibigan nina Ibarra at Maria Maraming magkasintahan ang nananatiling matatag sa
Clara. kabila ng mga pagsubok na nararanasan nila.

PAGNINILAY

Marami akong natutun an sa kabanata I-XX ng Noli Me


Tangere, kabilang na ditto ang mga kaharasan at pang-aabuso
na nararanasan ng mga tauhan sa panahon noon at kung
paano tugunan ang mga suliranin sa bayan. Natutunan ko din
kung ano ang kahalagahan ng papel na ginagampanan ng
bawat karakter sa nobela at nadiskubre ko kung ano ang
kahulugan ng dalawang terminong ginamit ni Dr. Jose Rizal
sa kita niyang nobela na Noli Me Tangere at El
Filibusterismo. Ang dalawang terminong ito ay ang erehe at
pilibusterismo. Ang erehe ay naglalarawan sa mga taong mag
kakaibang paniniwala sa madla at ang pilibusterismos ay
tumutukoy sa mga taong tumutuligsa o kasalungat sa mga
paniniwala ng mga taong nasa gobyerno.
NAME: LINDSAY P. PUNO GRADE AND SECTION: 9-BETARMOS SCORE:

FILIPINO

IKAAPAT NA MARKAHAN, MODYUL 5-6


GAWAIN 1
1. Si Sisa ay ang Ina nina Crispin at Basilio sa nobelang Noli Me Tangere. Marami siyang naranasan na pang-aabuso at
paghihirap sa kaniyang buhay mula sa kaniyang asawa, guwardiya civil, Donya Consolacion at ang pagkawala ng
kaniyang mga anak na naging dahilan kung bakit siya tuluyang nawala sap ag-iisip.
2. Hinahamak ni Padre Damaso ang ama ni Ibarra kaya nagtangka itong saksakin ang pari, napigilan lamang siya ng
kasintahang si Maria Clara.
3. A. Donya Consolacion- mapapansin na si Donya Consolacion ay labis kung manakit sa kaniyang kapwa lalo na sa
mga taong walang kakayahang ipagtanggol ang kanilang mga sarili. Siya ay larawang Indio na may kaisipang
kolonya. Sa kaniyang karakter natin mababatid kung paanong nasisira ang kababaihan dahil sa kalupitan at kasamaan.
Sa ganitong karakter naipakita ni Rizal kung papaano naibaba sa ganitong lebel ng lipunang Espanyol ang mga
kababaihan sa Pilipinas.
B. Mag-asawang De Espadana- ang mag-asawa ay sumisimbolo ng maskara sapagkat sila ay mapagpanggap at
nakatago lamang ang kanilang totoong sarili sa ilalim ng maskara. Si Donya Victorina ay nagkukunwari bilang
isang Europa dahil ikinakahiya niya ang paggamit ng sariling wika at ang kaniyang asawa naman na si Don
Tiburcio ay nagpapanggap bilang isang manggagamot.
4. Magagalit ako ngunit wala akong gagawin na kahit ano sa taong dahilan ng pagkamatay ng aking ama dahil kahit
saktan o patayin ko pa ang taong iyon ay hindi na magbabago ang kadahilanang wala na ang aking ama, at kapag gagawa
ako ng masama kagaya ng paghihiganti ay tiyak na mabibigo ang aking ama sa akin. Sa huli ay ang taong may dahilan
naman ang mag durusa sapagkat di magtatagal ay kakainin siya ng kaniyang konsensya dahil sa pagkakasalang ginawa
niya. Bilang anak, ipagpapatuloy ko ang mga nasimulan at pangarap sa buhay ng aking ama nang sa gayon ay mabigyan
ko ng halaga ang kaniyang mga alaala.
GAWAIN 2

MGA INA NOON KATANGIAN MGA INA NGAYON


1.Mas konserbatibo at maayos ang Pananamit 6.Nakikisabay sa mga usong
kanilang pananamit. pananamit kahit hindi ito angkop sa
kanilang edad.
2. Maagang gumugising para Kilos 7.Madalas ay tinatanghali na ng
magluto, maglinis ng bahay, at gising dahil ang mga nanay ngayon
maghabi; mahinhin kumilos. ay naghahanap buhay na rin kaya sila
napapagod; may pagka agresibong
kumilos.
3.Mahinhin, mahinahon at di- Pananalita 8.Magaslaw,matapang at agresibo
makabasang pinggan.
4.Pag-umiiyak ang bata, ito’y Pagdidisiplina sa anak 9.Kagaya rin sa ina noon ngunit ang
kanilang pagsasabihaon o iba ay hinahayaan ang anak na matuto
nilalambing. sa paggamit ng gadyet kahit bata
palang.
5.Madalas nasa bahay lang para Pag-aalaga sa pamilya 10.Madalas ay wala ng psnshon sap
asikasuhin ang pamilya. ag-aasikaso sa pamilya dhail pagod
din galling sa trabaho.

GAWAIN 3
TUNGKULIN NG INA SA PAMILYA:
1.Gumawa ng gawaing bahay
2. Magbantay sa mga anak
3. Magbigay ng payo sa mga anak
TUNGKULIN NG ANAK SA PAMILYA
4.Tumulong sa mga magulang
5. Magsipag sa pag-aaral
6. Nagbibigay aliw sa tahanan
 Mahalagang gawin ang tungkulin ng ina dahil ito ay kabilang sa mga responsibilidad nila bilang ilaw ng tahanan at
upang makaramdam ang mga anak na may nanay na gumagabay sa kanila.
 Mahalagang gawin ang tungkulin ng anak dahil isa ito sa mga makakatulog upang mapasaya an gating mga
magulang at upang maipagmalaki nila tayo.
GAWAIN 4
“MAGALANG”
Likas sa kulturang Pilipino ang pagiging magalang. Isa ito sa mga ipinagmamalaking tradisyon ng mga Pilipino at isa rin
ito sa magagandang katangian ng mga Pinaoy na nagpakilala sa atin sa mundo. Ilan sa mga tanda ng paggalang sa mga
nakakatanda at ang pagmamano, pagsasabi ng “po” at “opo”, pagtulong sa kapwa, at marami pang iba. Mahalaga ito para
sa mga Pilipino kaya ang paggalang sa kapwa ay isa sa mga kaugalian ng mga pinapahalagahang kaugalian ng mga
Pilipino. Hanggang ngayon ay hindi parin nawawala ang pagmamano. Tinutukoy nito ang pagkuha sa kamaya ng
nakakatanda at ilalapat ito sa noo sabay sasabihing “mano po”. Madalas itong isinasagawa bilang pagbati sa agdating o
pag-alis.bata pa lang ay tinuturuan na tayo kung paano isabuhay ang ganitong kultura ng Pilipinas. Sa tulong ng mga
kaugaliang Pilipino, napapayaman at napapahalagahan nito ang ating kultura lalo na’t hanggang ngayon ay hindi parin
nawawala ang mga kaugaliang ito sa bawat paglipas ng henerasyon ng ating bansa.
PAGNINILAY

Natutunan ko ang tungkol sa kabanata XXI-XLII. Labis akong nalungkot sa nalaman ko tungkol kay Sisa.
Marami siyang naranasan na pang-aabuso at paghihrap mula sa kaniyang asawa, guwardiya civil at kay Donya
Consolacion. Siya ay isa matatag na babae na natitiis ang lahat para sa pagmamahal niya sa kaniyang pamilya.
Ang kaniyang karakter ay nirirepresenta sa mga biktima ng pang-aabuso at opresyon sa ating lipunan na siyang
tumutulak sa kanila na mawala sa sariling kaisipan. Ipinakita ni Rizal ang mga karapatan ng babae na
tinatapakan ng mga kalalakihan dahil sa idealismong itinanim ng mga Kastila. Sa modyul na ito, naihahambing
ko ang mga katangian ng isang ina noon at sa kasalukuyan batay sa napnood kong dulang pantelebisyon o
pelikula, naipaliwanag ko ang kahalagahan ng pagpapatupad sa tungkulin ng ina at anak at naipaliwanag ko
kung paano makakatulong ang kaugaliang Pilipino sa pagpapayaman ng ating kultura.

You might also like