You are on page 1of 5

Janela Marie L.

Bautista

BSED ENGLISH 4A

Subukin
1. Noli Me Tangere
2. El Filibusterismo
3. Pag Ibig sa Tinubuang Lupa
4. Ang katamaran ng mga Pilipino
5. Ang Pilipinas sa loob ng 100 taon

II.

1. Binigyang pugay ni Rizal ang gawa ni Gregorio Sanciano na nangangalang “El Progreso de
Filipinas” at inamin ang katamaran ay laganap sa mga Pilipino. Ang mainit na klima ang
pinakaunang naging sanhi ng katamaran. Sinabi niyang ang mga sanhi nito’y ang mga kaluhuan
at pangaabuso ng mga Kastila

2. Nakaimpluwensya kay Rizal upang sulatin ang kanyang mga akda na nagbigay buhay sa kanya ay
ang pananakop ng mga kastila. Nag sulat siya ng mga akda upang gawing laban para makalaya
ang bansang Pilipinas. Hindi siya gumamit ng kahit ano mang dahas para maipag laban ang
bayan, bagkus ang kaniyang akda ang naging sandata niya laban sa ibang bansa.

Aralin I- Gawain 1

1. Ang Noli Me Tangere salita na Latin na ang ibig sabihin ay "Huwag Mo Akong Salingin". Angkop
ang pamagat na ito sa nilalaman ng nobela sapagkat ito ay sumasalamin sa damdamin ni Rizal na
tayong mga Pilipino ay hindi dapat hamakin ng mga kastila. Nais niyang ipabatid sa lahat ng
Pilipino na ang Pilipinas ay bayan natin at hindi dapat tayo maging alipin ng mga kastila.

2. Naging Inspirasyon ni Rizal upang Sulatin ang Noli ay ang Inang Bayan na nakararanas ng
Kahirapan mula sa Pananakop ng Espanyol. Naisulat niya ito upang wakasan ang pagpapahirap
sa kaniyang kababayan.

3. Teoryang Realismo- Ang nobelang Noli Me Tangere ay hango sa totoong buhay ngunit hindi
tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaepektibo ng
kanyang sinulat. Sa nobelang ito pinapakita kung paano mamuhay ang mga Pilipino sa ilalim ng
pamamalakad ng mga Kastila.

Teoryang Naturalismo- Sa nobela, pinaliwang ni Tenyente kung anong sinapit ng ama ni


Crisostomo Ibarra bago ito namatay. Sinasabi sa teoryang ito na natural sa tao ang manakit ng
kapwa lalo na kung ito ay mahina at walang laban.
Teoryang Historikal- Ang mga pangyayari sa nobela ay masasalim na mga totoong nangyari
noong panahon pa ng mga Kastila na dumayo sa Pilipinas. Mababasa ditto ang mga katiwalian,
pagpaparusa at kalupitan ng mga Kastila noong panahong iyon.

Gawain II

Mga tauhan sa Noli Paglalarawan ni Dr.


Me Tangere Rizal sa mga
Mga positibo at negatibong Sino kaya sila marahil
nabanggit na
katangian ng mga karakter sa lipunang Pilipino
tauhan sa Nobela.
sa kasalukuyan.

-Siya ay inilarawan sa -Mabait, maganda, -Walang - Nililigawan o kasintahan-


1.Maria Clara akda bilang isang magalang negatibong dahil siya ang iniibig sa
maganda, mahinhin at katangian akda at sa panahon ngayon
kaakit-akit na babae. Sa babae ang tunay na
kanya karaniwan minamahal ng kalalakihan.
naikakabit ang karakter ng
isang "dalagang Pilipina."

2.Sisa -Inilalarawan siya sa Noli -Mapagmahal na -Mahina ang -Ang mga ina ang
Me Tangere bilang isang ina at asawa. kalooban mailalarawan kay sisa sa
babaeng maganda at Mabait at simple. kasalukyan. Dahil sila ang
kayumanggi. Mahina ang tunay na nagmamahal sa
kaniyang loob subalit siya kanilang mga anak at asawa.
ay labis na mapagmahal. Handa silang gawin ang
Itinuturing niyang diyos lahat para lang dito.
ang kaniyang asawa at
mga anghel ang kaniyang
mga anak.

- inilarawan sa akda - mapagmahal na - mapagbalat – -ang mga tao na maaari


3.Donya Victorina bilang isang Pilipinang asawa kayo nating ihambing kay Doña
lubos na iniidolo ang mga - puno ng Victorina sa kasalukuyang
Kastila. Tagapag-silbi ang pagkukunwari at panahon ay ang mga
dati niyang trabaho. kasinungalingan Pilipinong mayroong
Madalas siyang - mapang alipusta kaugalian na “Colonial
manigarilyo ng tabako. - may pansariling Mentality”. Ito ang mga uri
Madalas ring ang kanyang interes ng mga tao na hindi masaya
mukha ay puno ng at kontento sa pagiging
kolerete dahil nais niyang Pilipino.
makabilang sa mga mataas
na mga Kastila.
-Sa paningin niya, siya ay - mataas na -Mga taong hindi
4.Donya maganda, kilos reyna at pagtingin sa sarili. makuntento kung ano ang
Consolacion mas maayos manamit -Gandang ganda meron sila.
kaysa kay Maria Clara. sa sarili.
- Palamura
- Mapang alipusta

-Si Donya Pia ay hindi -Masipag - hindi madaling


5.Pia Alba madaling makuntento sa -Mahilig magtanim makuntento sa
estado ng pamumuhay -Maganda,matalino estado ng
kaya naman hinangad niya -Relihiyosa pamumuhay
na magpayaman at
nagtagumpay naman siya
sa tulong na rin ng
kanyang kabiyak na si
kapitan Tiyago.

Gawain I

Pagsusuri sa Nobela : El
Filibusterismo Pagpapalalim ng
Aralin

Isagani- Matalik na kaibigan ni Basilio at kasamahan sa paaralan na nagsusulong na


magkaroon ng pag-aaral ng wikang Espanyol sa mga eskwelahan sa kanilang lugar.
Pamangkin siya ni Padre Florentino at kasintahan ni Paulita Gomez.

Kilos at pananalita- Isang mabuting mag-aaral na makata


-Masigasig sa pakikipag-usap sa mga taong maaaring makatulong gaya ni
Ginoong Pasta sa pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila sa
Pilipinas

Paniniwala- Ang paniniwala ni Isagani ay matibay na ang bayan ay uunlad at magiging


malaya dahil sa ang Espanya ay magiging mapaglingap, mawawala ang kabulukan at
mapapalitan ng pagkakaisa, pag-unlad at pag-sulong sa kabuhayan.

Simbolo- Inilarawan ni Rizal si Isagani bilang simbolo ng mga kabataang punong puno
ng pangarap sa buhay. Nabuhay sa mga pangarap si Isagani, mga pangarap na
mahirap makamit noong panahon na iyon. Sumisimbolo sya sa isang sambayanang
nais na magtanggol at mangalaga para sa ikalalaya ng bayan.

Basilio- Si Basilio ay mabait sapagkat wala siyang bisyo,puro pag-aaral ang kanyang
inaatupag,at marunong siyang tumanaw ng utang na loob sa taong nag ampon sa
kanya at nag paaral, matiyaga niyang inaalagaan si kapitan Tiyago, walang narinig sa
kanya ng kahit isang pamana na mula kay Kapitan Tiyago ay wala sa kanyang ibigay si
Padre Irene.

Kilos at pananalita- matapang matulungin at masipag

Paniniwala- Malakas ang paniniwala ni Basilio na kailanman ay hindi hadlang ang


karalitaan para hindi maabot ang pangarap sa buhay. Ang kanyang kwento ang
perpektong patunay na totoo ang kanyang paniniwala. Mula sa isang alila ay naging
mahusay at bantog na doktor si Basilio dahil sa kanyang sipag at determinasyon.

Simbolo- sinasagisag niya ang walang malay at inosente sa lipunan.

Aralin II- Gawain 1

1. Katangian ng mga kababaihan sa Malolos na maaring maging katumbas din ng


mga katangian ng kababaihan sa kasalukuyang panahon ay ang katapangan sa
mga Pilipinong babae. Patunay rito, ang katapangan at tindig sa sariling
karapatan, ng mga dalagang taga-Malolos, na kung saa’y sa pagpetisyon ng
mga kababaihang ito upang makapag-aral.
2. Ang kababaihan noon ay sinasanay na maging mabuting ina at asawa, at hindi
nila kinakailangang makaabot sa mataas na edukasyon upang magtapos bilang
propesyonal, doktor, inhinyera at iba pa. Ang simbolo ng kababaihan noon ay si
Maria Clara - mahinhin, mayumi kung magsalita at tahimik kung kumilos. Sa
panahon ngayon kailangan na magkaroon ng mataas na edukasyon upang
mapaghandaan ang pag papamilya o pag bubukod.
3.
4.

Aralin III- Gawain 1

1. Ipinakita ni Rizal nang buong linaw at husay ang naging kondisyon ng Pilipinas.
Sinabi niya na magbabago ang takbo at pamumuhay ng mga Pilipino. Mgbabago
ang mga kagamitan,kaugalian,mga batas at paniniwala ng mga Pilipino.
Mawawala ang matatandang alamat,kwento kasaysayan at alaala. Kinalimutan
ang pambansang panulat, kantahin at iba pa

2. Bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, mayroon nang sining at
panitikan ang mgasinaunang Pilipino. Karamihan sa mga panitikan nila ay mga
pasalin-dila gaya ng mga bulong, tugmang-bayan, bugtong, epiko, salawikain at
awiting-bayan na anyong patula; mgakwentong-bayan, alamat at mito na anyong
tuluyan at ang mga katutubong sayaw at ritwal ng babaylan bilang pinakaunang
anyo ng dula sa bansa.Karamihan sa mga panitikang ito ay pasalin-dila. May
mga panitikan ring nasulat sa mga pirasong kawayan, matitibay na kahoy at
makikinis na bato

3. Nakakalungkot isipin na kinalimutan natin ang sinaunang nakagawian ng ating


mga ninuno. Mayroon mang iba na dala pa din hanggang ngayon pero
karamihan ay hindi na ginagamit. Ibang bansa na din ang ating ginagaya sa
panahon ngayon. Tila ba’y kinalimutan ang mga paghihirap na dinanas ng ating
mga bayani.

Gawain 2

1. Ang matatandang Ebreong nag sakripisyo sa templo upang maipakita ang


kanilang pag mamahal sa bayan. Katulad nilang nangibang bayan, ang mga mag
aaral ay inihahambing sa mga ebreo na magkaiba ang sakripisyong naibigay o
maibibigay.

2. Para sa akin, ang aking buhay ay utang ko sa aking bansang kinalakhan. Dito ako
lumaki at natuto. Kailangan natin mahalin ang ating sariling bayan. Pahalagahan
kung anong meron tayo at huwag ang ibang bansa ang ating itangkilik. Madami
sa atin na nahuhumaling na sa ibang bansa. Pero karamihan din naman ay
tumaos sa puso ang pag mamahal sa ating bansa.

3. Tagubilin ni Rizal sa sanaysay na ito ay mahalin ang sariling bansa ng buong


puso. Huwag talikuran kung saan tayo nag mula. Ipaglaban ang bayan sa abot ng
ating makakaya.

Ang Katamaran ng mga Pilipino

1. ✔ 6. ✔
2. ☓ 7. ✔
3. ✔ 8. ☓
4. ☓ 9. ☓
5. ✔ 10. ✔

You might also like