You are on page 1of 25

1.

”Mga Ginoo,ipagpatawad po ninyo


kung gamitin ko ang isang kaugalian mula
sa Alemanya.Hindi sa ibig kong dalhin
dito ang kaugaliang iyon ngunit hinihingi
ng pangyayari na kapag dumalo ang
isang tao sa isang pagtitipon at wala
siyang kakilala rito, siya na mismo ang
magpapakilala sa kanyang sarili.”
2. “Ako’y hindi tulad mo. Wala akong
alam kundi ang San Diego , ang Maynila
at Antipolo.Pero mula noong tayo’y
maghiwalay at ako’y pumasok ng
kumbento,hindi kita nilimot.Hindi kita
nalimot kahit na ipinag-utos ng aking
padre kumpesor na limutin kita,hindi ko
magawa.
3.”Pinilit kong maging malinaw ang aking
pahayag para rin sa sarili ninyong
kaligtasan.Upang mapalagay kayo sa
kapanatagan ay kailangang laging makita
ng inyong kaaway na kayo’y walang pag-
iingat
4.”Pinagbintangan nila si Crispin! Ang
mabait kong si Crispin.Palibhasa’y maralita
tayo kaya tayo napagbibintangan.Lahat ay
maaari nilang sabihin sa atin”.
A.Kilalanin ang mga tauhan ng Noli Me
Tangere

1.Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin-


bugtong na anak ni Don Rafael
Ibarra.Nagkaroon ng mabuting edukasyon sa
Europa.Ang matalino at maginoong binatang
ito ay natutong umibig sa kaniyang
kababatang si Maria Clara.Nangarap siyang
makapagtayo ng paaralan upang matiyak ang
magandang kinabukasan ng kabataan ng San
Diego.
Magkakaroon kaya ng katuparan ang
balakin o pangarap niyang ito?
2.Elias-Piloto (bangkero) kung siya ay
tawagin:iniligtas ni Ibarra sa tiyak na
kamatayan mula sa mapanganib na
buwaya.Simula kaya ito ng kanilang
pagkakaibigan o pagkatuklas na sila pala ay
magkaaway?

3.Maria Clara- kasintahan ni Crisistomo Ibarra


na may lihim na pagkatao. Ano kaya ang lihim
na ito?
4.Sisa- mapagmahal na ina na subalit
nagkaroon ng asawang pabaya at
malupit hindi lamang sa kaniya kung
hindi maging sa dalawa niyang
anak.Hanggang kailan kaya matitiis ni
Sisa ang kanyang kapalarang naging
malupit sa kaniya?
5.Don Rafael Ibarra- isa sa
pinakayamayaman sa San Diego na ama
ni Crisostomo Ibarra; kinaiinggitan nang
labis ni Padre Damaso.Sa loob siya ng
bilangguan namatay.Paanong ang isang
iginagalang at mayamang tulad niya ay
namatay sa bilangguan?
6.Don Santiago de los Santos-kilala sa
tawag na Kapitan Tiyago.Isa siyang
mangangalakal na taga-Binondo.Siya,na
nakagisnang ama ni Maria Clara,ay naging
mabuting ama sa dalaga.Paano kaya niya
tinanggap ang katotohanan na may
kinalaman sa pagkatao ng kinikilalang
anak?
7.Pia Alba- ina ni Maria Clara na namatay
pagkatapos na siya ay isilang.Ano kayang
malaking kasalanan niya na makaapekto sa
pagkatao ng inulilang anak?

8.Tiya Isabel-pinsan ni Kapitan Tiyago na


tumulong upang mapalaki si Maria Clara.Siya
kaya ang nakaimpluwensiya kaya Maria Clara
upang lumaking mahinhin at relihiyosa ang
dalaga?
9.Padre Vardolagas Damaso-Isang kurang
Pransiskano na matagal na panahong
naglingkod bilang pari ng San
Diego.Itinuring na kaibigan ni Don Rafael
Ibarra subalit nang mamatay ang huli ay
kaniya itong ipinahukay at ipinalipat sa
libingan ng mga Instik.Bakit kaya ginawa
iyon ng paring ito?
10.Padre Bernardo Salvi- siya ang paring
pumalit kay Padre Damaso.Nagkaroon siya ng
lihim na pagtatangi kay Maria
Clara.Makatarungan bang makadama ng
paghanga o pagsinta ang isang pari sa
dalagang tulad ni Maria Clara?

11.Don Anastacio-kung tawagin siya ay Pilosopo


Tasyo sapagkat marami siyang alam subalit baliw
ang tingin ng karamihan dahil sa di-karaniwan
niyang paniniwala. Bakit kaya ganito na lamang
ang tingin sa kaniya ng kaniyang kababayan?
12.Basilio at Crispin-mga anak ni
Sisa,kapuwa sakristan at tagatugtog ng
kampana sa simbahan ng San Diego.Si
Basilio ang mas matanda sa dalawa.Si
Crispin ay napagbintangang nagnakaw ng
dalawang onsa sa simbahan.Nasaan kaya
ang katarungan para sa dalawang bata
na ipinagkait sa kanila?
13.Alperes-puno ng mga guwardiya sibil na matalik
na kaagaw ng kura sa kapangyarihan ng San Diego
(itinuturing ni Dr. Rizal na hari ng Italy ng San Diego
habanag ang kura ang Papa ng Estados
Pontipikal).Para sa iyo,sino ang mas
makapangyarihan sa dalawa?

14.Dona Victorina de de Espadana-isang babaeng


itinakwil ang pagiging Pilipina;nagpanggap siyang
isang mestisang espanyol kaya naman napakakapal
ng kolorete sa mukha.Sa kasalukuyang panahon,sino
kaya ang sinisimbolo ni Dona Victorina?
15.Don Tiburcio de de Espadana-sa
paghahanap niya ng magandang kapalaran sa
Pilipinas,Si Dona Victorina ang kaniyang
natagpuan hanggang sa mapangasawa.Naging
mabuti kaya ang kapalaran niDon Tiburcio sa
piling ng asawa?

16.Dona Consolacion-dati siyang labandera na


may malaswang bibig at pag-
uugali.Napangasawa niya ang alperes.Paano
kaya niya maaapektuhan ang pagkatao ng iba
pang tauhan sa akda?
17.Linares-malayong pamangkin ni Don
Tiburcio.Siya ang napili ni Padre Damaso na
ipakasal kay Maria Clara na sinang-ayunan
naman ni Dona Victorina.Sumang-ayon kaya si
Linares sa panghihimasok ng dalawa?

18.Nol Juan-namahala ng mga gawain sa


pagpapatayo ng paaralan ni Crisostomo
Ibarra.Magtatagumpay kaya sila sa
pagpapatayong ito sa paaralan?
19.Lucas-taong madilaw na gumagawa ng
kalong magbababa sa batong buhay upang
mapatay si Ibarra.Ano kaya ang nagtulak sa
taong ito upang pagtangkaan ang buhay ni
Ibarra?

20.Bruno at Tarsilo Alasigan-magkapatid na


ang ama ay namatay sa pamamalo ng mga
guwardiya sibil.Ano kaya ang magiging
kaugnayan nila sa isa sa mahahalagang tauhan
na si Maria Clara?
21.Kapitan Pablo-pinuno ng mga tulisan na
napamahal ng labis ky Elias.Itinuring siyang ama
ni Elias.Bakit kaya siya itinuring na ama ni Elias?

22.Salome-kababata at lihim na umiibig kay


Elias.Nagkaroon kaya ng kaganapan ang
kanilang pag-iibigan?

23.Pedro-sugarol at malupit na asawa ni Sisa;ang


kaniyang kalupitan ay ginagawa rin sa mga
anak.May pagkakataon pa kayang magbago ang
isang tulad niya?
PAGLINANG NG TALASALITAAN

Bumuo ng usapan o dayalogo gamit ang sumusunod


na salitang naglalahad ng katangian ng mga tauhan sa
nobelang Noli Me Tangere.Isulat ang kasingkahulugan
nito sa dulo ng bawat pahayag.

makisig maginoo sunod-sunoran

uliran mayumi

mapaghiganti paham mapanuri


Sagutin ang mga tanong:
1.Pumili ng apat na tauhan sa Noli Me Tangere na itinuturing
mong pinakamahalagang tauhan sa akda.Sa pamamagitan ng
pyramid, iranggo sila ayon sa kanilang kahalagahan.Bigyang
paliwanag kung bakit sila ang sa tingin mo ay mahahalagang
tauhan sa akda.

4
PALIWANAG:
3

1
2.Sa iyong palagay,may kaugnayan ba ang
mga tauhang nilikha ni Dr. Rizal sa kaniyang
buhay? Maglahad ng patunay.

Oo,

Patunay:
_____________________

You might also like