You are on page 1of 8

Simoun -Isang napakayamang magaalahas af kaibigang matalik

at tagapayo ng Kapitan Heneral Makapangyarihan siya kaya't


iginagalang at pina ngingilagan ng mga Indio at naging ng mg
praste Nais niyang udyukan ang damdamin ng mga makabayang
Pilipino sa palihim at tahimik niyang paghahasik ng rebolusyon:
linisin ang bayan at lipulin ang lahat ng masasama kahit pa siya
mismo ay inuusig din ng kanyang budhi sa paraang kanyang
ginagaw

Kapitan Heneral -Hinirang siya ng Espanya bilang pinakamataas


na pinuno ng pamahalaan. Sinasabi niyang kailangang pagbutihin
ang kanyang tungkulin at gawain. Nais niyang mag- pakita ng
kasipagan at pagpapahalaga sa oras kaya ginagawa niya ang
importanteng pagpapasiya habang naglilibang at nagmamadali.
Larawan siya ng pinunong pabigla-bigla at makapritsong humatol.
Hindi niya alintana ang kapakanan ng kanyang pinamumunuan.
Salungat siya lagi sa pasiya ng Mataas na Kawani.

Mataas na Kawani-Siya ay isang Espanyol at mataas na kawani


ng pamahalaan na kagalang- galang tumutupad sa tungkulin may
paninindigan: at may kapanagutan. Siya ay may mabuting
kalooban para sa kapakanan ng mga makabagong mag-aaral na
nagsusulong ng pagtuturo ng wikang Kastila. Lagi siyang
salungat kapag hindi pinag- isipan at di mabuti o di masusing
pinag-aralan ang. panukala ng mga opisyal at kawani Maging ang
pasiya ng Kapitan Heneral ay kanyang sinasalungat at
tinutuligsa kapag ito ay hindi marapat at mabuti. Siya ay
mapanuri at makatarungan

Padre Florentino -Isang mabuti at kagalang galang na paring


Pilipino si Padre Florentino, Pinilit lamang siya ng inang maging
lingkod ng Diyos dahil sa kanyang panata: Siya ang kunmupkop sa
pamangking si Isagani nang maulita ito sa magulang.

Padre Bernardo Salvi -Isang paring Pransiskano na


pinakikinggan at iginagalang ng. iba pa niyang kasamahang
prayle. Siya ay mapag- isip. Umibig siya nang lubos kay Maria
Clara at naging kompesor ng dalagang ito at ni Kapitan Tiago.

Padre Hernando Sibyla-Isang matikas at matalinong paring


Dominiko. Siya ang Vice- Rector ng Unibersidad ng Santo Tomas.
Salungat siya sa pagpasa ng panukala upang makapag-aral at
matuto ng wikang Kastila ang mga mag-aaral.

Padre Irene -Isang paring Kanonigo na minamaliit at di gaanong


iginagalang ni Padre Camorra. Siya ang nilapitan ng mga mag-
aaral upang mamagitan at maipasá ang panukalang magkaroon
ng akademya sa pagtuturo ng wikang Kastila ang mga
estudyante. Naging tagaganap siya ng huling habilin ng kaibigang
si Kapitan Tiago.

Padre Fernandez -Isang paring Dominiko na bukas ang isip sa


pagbabago lalo na sa edukasyon ng mga mag-aaral. Sang-ayon
siya sa adhikain ng mga makabagong mag-aaral sa pag-aaral ng
wikang Kastila. Hindi siya nalulugod sa tiwaling gawain ng mga
pinunò at kawani ng pamahalaan at ng mga kapwa niya prayle.

Padre Camorra -Isang batang paring Pransiskano na mahilig


makipag-tungayaw kay Ben Zayb sa kung ano-anong bagay na
maibigan. Siya ang kura ng Tiani. Wala siyang galang sa
kababaihan lalo na sa magagandang dilag

Padre Millon -Isang paring Dominiko na propesor sa Pisika at


Kemika. Mabuti siyang pilosopo at bantog siya sa husay sa
pakikipagtalo subalit hindi niya lubusang maiparanas o maituro
nang mahusay ang aralin sa mga mag- aaral. Makikita sa kanya
ang maling sistema ng edukasyon sa bansa.

Telesforo Juan de Dios -Kilala rin bilang si Kabesang Tales, ang


napakasipag na magsasaka na dating kasama sa mayayamang
may lupain. Umunlad siya dahil mahusay niyang ginamit ang
kinitang pera. Pinili siyang maging Kabesa de Barangay ng
kanyang mga kanayon dahil sa kanyang kasipagan at pagiging
mabuting tao.

Juliana o Juli -Ang pinakamagandang dalaga sa Tiani na anak ni


Kabesang Tales. Larawan siya ng Pilipinang madasalin, matiisin,
masunurin, at madiskarte sa buhay para makatulong sa pamilya.
Tunay siyang mapagmahal sa pamilya. Tapat sa katipang si
Basilio.

Tata Selo -ang kumalinga sa batang si Basilio sa gubat nang


tumakas siya mula sa mga guwardiya sibil sa Noli Me Tangere.
Siya ang maunawaing tatay ni Kabesang Tales. Mapagmahal na
lolo siya nina Juli at Tano, Tiniis niya ang matinding kasawian at
pighati ng mga mahal niya sa buhay.

Tano/Carolino -Anak ni Kabesang Tales na tahimik at kusang-


loob na sumunod sa kagustuhan ng amang siya'y magsundalo.
Nawala nang matagal na panahon.

Basilio -Nalampasan niya ang mga hilahil ng buhay dahil


nagpaalipin siya kay Kapitan Tiago. Nagpunyagi siya sa pag-
aaral. Nilunok niya ang pangmamaliit sa kanya ng kapwa mag-
aaral at ng mga guro dahil sa kanyang anyo at kalagayan sa
buhay. Nagtagumpay siya at nakapanggamot agad kahit hindi pa
natatanggap ang diploma ng pagtatapos.

Isagani -Isang malalim na makata. Mahusay siyang makipagtalo.


Matapang siya sa pagpa- pahayag ng kanyang pinaniniwalaan
kaninuman. Matuwid siya at ayaw sa likong paraan sa pagkakamit
ng adhikain. Pamangkin siya ng butihing si Padre Florentino.

Makaraig -Isang mag-aaral sa abogasya na nangunguna sa


panawagang pagbubukas ng akademya sa pagtuturo ng Kastila.
Siya ay masipag mag-aral, mahusay makipagtalo, mapitagan,
nakalulugod na mag-aaral, at palabasa ng iba't ibang aklat
kaya't nangunguna sa pagbabago. Siya ay napakayaman at
bukás-palad sa kapwa.

Placido Penitente -Mahinahon at mapagtimpi ang kahulugan ng


kanyang pangalan na pilit niyang pinaninindigan kahit pa lubhang
kinaiinisan din niya ang pangalang ito. Kapag siya ay napuno,
parang bulkan siyang sumasabog at walang kinatatakutan.

Pecson -Mapanuring mag-aaral si Pecson. Masigasig siyang


makipagtalo upang mailabas ang matalinong kaisipan at
kasagutan sa iba't ibang usapin. Hindi siya agad naniniwala sa
mga bali- balita lamang kaya tila lumalabas sa iba na siya ay
mapangambahin at laging nag-aalala.

Juanito Pelaez -Isang mayamang mag-aaral na tamad at


lakwatsero, Laging inaabuso at tinatakot si Placido. May
kapansanang pisikal subalit hindi niya naipakitang sagabal ito sa
kanyang pagkatao dahil nakakamit pa rin niya ang kanyang mga
gusto. Masugid siyang manliligaw ni Paulita Gomez na pinaburan
ng tiyahin niyang si Donya Victorina.

Sandoval -Isang tunay na Espanyol si Sandoval na lubos na


kaisa sa adhikain ng mga estudyanteng Pilipino. Mahilig
makipagdebate ng kahit anong paksa upang siya ay mahangaan.
Nais niyang mailabas ang katotohanan sa isang usapin.

Tadeo -Siya ay mag-aaral na lubhang tamad at laging


nagsasakit-sakitan tuwing makakikita ng propesor. Hangad
niyang laging walang pasok. sa paaralan upang
makapaglakwatsa. Siya ay may kahambugan; walang ambisyon sa
buhay; at malaswang magsalita. Nagdudunong-dunungan siya at
nagyayabang sa mga walang-muwang na nilalang

Paulita Gomez -Isang masayahin at napaka- gandang dalagang


hinahangaan ng karamihan sa mga lalaki. Pamangkin siya ni Donya
Victorina at kasintahan ni Isagani. Larawan siya ng dalagang
laging maayos at maalaga sa sarili.

Donya Victorina de Espadaña -Larawan si Donya Victorina ng


isang Pilipinang walang pagpapahalaga sa kanyang lahi.
Inaalimura, tinutuligsa, at itinatakwil ang mga Indiong kanyang
kalipi.

Don Tiburcio de Espandaña -Isang Espanyol na asawa ni Donya


Victorina na nagtago at nagpasiyang di na muling pakita sa
asawa dahil sa kapritso nito. Siya ang larawan ng mga lalaking
walang buto, sunod-sunuran, at takot sa asawa.

Don Santiago "Kapitan Tiago" delos Santos -Dating kaibigan ng


mga prayle subalit sumămâ ang loob sa mga ito. Nawalan ng
kahulugan ang kanyang buhay nang pumasok si Maria Clara sa
monasteryo. Nalulong siya sa sabong at paghithit ng apyan
(opium). Nawala siya sa katinuan. Siya ang naging kasangkapan
sa pagbabagong-buhay ni Basilio.

Maria Clara delos Santos -Ang tanging babaeng inibig ni Ibarra


sa kanyang buhay. Isa siya sa mga dahilan ng pagbabalik ni
Ibarra sa katauhan ni Simoun sa Pilipinas. Nais siyang itakas ni
Simoun mula sa monasteryo.

Kapitan Basilio -Isang mayamang-mamamayan na taga-San


Diego. Siya ang ama ni Sinang at asawa ni Kapitana Tika.
Galante sa mga pinunò at kawani ng pamahalaan at sa mga
prayle upang maiwasan ang problema o kagipitan sa mga pabor
na kanyang kakailanganin.

Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo -


Nakapag-asawa ng maganda at mayamang mestisa. Umangat ang
kanyang posisyon hanggang naging opisyal na tagapayo ng
Kapitan Heneral dahil sa likás niyang talino. Ang mga salitang
masipag, mapanuri, matalino, palaisip ay ilan lamang sa
mahuhusay na bansag sa kanya dahil ito sa mabuting panulat ni
Ben

Ben Zayb -Ang mamamahayag na malayang mag-isip, at minsan


ay kakatwa ang paksang nais niyang isulat magkaroon lamang ng
ilalathala. Mababa ang pagtingin niya kay Padre Camorra. Siya
ang utak sa lumalabas na magaganda at mabubuting balita
tungkol sa Kapitan Heneral at sa iba pang matataas na opisyal
upang mapalapit siya sa mga ito.

Ginoong Pasta -Naging alila siya ng mga prayle habang nag-


aaral bago siya naging pinakatanyag na abogadong Pilipino. Dati
siyang kaklase ni Padre Florentino. Mapanuri at namimili siya ng
kausap. Takot siyang mamagitan para sa kaunlaran ng mga mag-
aaral at tila walang malasakit sa kanilang iniisip na kabutihan.

Pepay-Isang kaakit -akit na mananayaw. Siya ay maputi at


kaiba ang kulay sa karaniwang Pilipina. Mahilig siyang humingi ng
mga pabor kay Don Custodio na nahihibang sa kanyang alindog.
Kaibigan din niya si Juanito Pelaez..

Hermana Bali -Isang batikang pangginggera. Siya ang


nangunguna sa pagbibigay-payo sa mga may suliranin sa kanilang
baryo. Siya ang nagpayo kay Juli na magpaalipin nang kapusin sa
pananalapi ang amang si Tales. Siya rin ang nagbalita kay Juli
tungkol sa pagkakulong ni Basilio,

Hermana Penchang -Isang masimbahing manang. Naging amo ni


Juli. Mapanghusga siya sa mga taong sawimpalad-pinarurusahan
daw ng Diyos ang may mga suliranin dahil makasalanan. Takót
siya sa mga prayle kaya ayaw tumulong sa inaakala niyang
kalaban ng mga ito.

Kapitana Tika -Asawa ni Kapitan Basilio at ina ni Sinang. Ayaw


niyang magpahalatang nagugustuhan nilang mag-ina ang
magaganda at mamahaling alahas upang hindi raw taasan ni
Simoun ang presyo ng kanilang mga ibig na alahas

Sinang -Ang isa sa matalik na kaibigan ni Maria Clara sa Noli Me


Tangere. Siya ay nakapag-asawa na sa nobelang ito. Mabiro at
masayahin pa rin. Siya ay anak ng mayamang si Kapitan Basilio
at ni Kapitana Tika. Mahilig siya sa antigo, mamahalin. at
magagandang alahas.

Kabesang Andang -Butihing ina ni Placido Penitente. Kahit balo


na, matiyaga niyang pinag- aral ang anak. Naghigpit siya ng
sinturon para sa sarili mabigyan lamang ng edukasyon ang anak.
Siya ay larawan ng ulirang magulang dahil sinisiguro niyang
matutugunan ang mga pangangailangan ng anak.

Quiroga -Isang mayamang mangangalakal na Intsik si Quiroga.


Halos kontrolado niya ang takbo ng kalakalan. Iniaangkop niya
ang ugali depende sa kanyang kaharap. Isinusulong ni Quiroga
ang pagkakaroon ng konsulado ng mga Intsik sa bansa.

Don Timoteo Pelaez -Siya ang ama ni Juanito Pelaez. Larawan


siya ng mapandustang mangangalakal. Siya ang nakabili ng
tahanan ni Kapitan Tiago sa murang halaga. Naging kasosyo
siya sa negosyo ni Simoun.

Mr. Leeds -Mahusay sa mahika. Napaniwala niya ang mga


manonood at nakapag-usig sa budhi ni Padre Salvi sa kanyang
palabas.

Kapitan ng Barko -Isang beteranong marinero ang kapitan ng


barko. Siya ay may malawak na karanasan sa paglalakbay sa
iba't ibang panig ng mundo lulan ng matutulin at malalaking barko
noong kabataan.

Sinong -Ang kutserong dalawang ulit na nahuli ng guardiya sibil


bago mag-noche buena dahil sa wala siyang sedula at wala ring
ilaw ang kanyang kalesa. Naging kutsero siya ni Simoun sa huli at
naging kasapi sa lihim niyang kilusan.

Camaroncocido -Ang tanging nilalang sa siyudad na walang


pakialam sa pinagkakaguluhan ng lahat sa siyudad na opereta
mula sa Pransiya. Dati siyang mamamahayag at anak ng kilalang
pamilyang Espanyol pero sa kadahilanang hindi nabanggit sa
nobela ay namumuhay nang maralita at namamalimos..

Tiyo Kiko -Isang matandang pandak na buhay na buhay ang mga


mata. Nabubuhay sa pagbabalita ng mga palabas at pagpapaskil
ng mga anunsiyo, Kaibigan siya ni Camaroncocido.. Isa siyang
mahirap na Indio.

You might also like