You are on page 1of 33

Kaligirang Pangkasaysayan

at Mga Tauhan ng
El Filibusterismo
ANO ANG IBIG SABIHIN NG
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN?

-ito ay naglalarawan sa rason at pangyayari


na sinaunang naganap kaya ay tumuloy sa
kung bakit ganito ang isang bagay, tao,
pangyayari, at iba pa.
El Filibusterismo
Ang El Filibusterismo ay ang ikalawang
obra maestra ng ating pambansang
bayaning si Dr. Jose Rizal. Ito ay karugtong
ng Noli Me Tangere na una niyang isinulat.
Isinulat ni Rizal noong 1890 sa London.

Patong-patong na suliranin ang kanyang


naranasan habang isinulat niya ang El Fili.
Kung kinulang siya sa pananalapi nang
isinulat niya ang Noli ay higit siyang
kinapos nang isinusulat na niya ang El Fili
kaya sadya siyang naghigpit ng sinturon.
Click icon to add picture

Dahil sa adhikain ni Rizal na imulat ang


kaisipan at gisingin ang damdamin ng
mga Pilipino laban sa pang-aapi at pang-
aabuso ng pamahalaang Espanyol ay
pinagtibay niya ang kanyang kalooban
upang ipagpatuloy at tapusin ang nobela
kahit kulang sa panustos mula sa pamilya.
Nang matapos ito noong Marso 29, 1891,
at makahanap ng murang palimbagan, ang
palimbagang F. Meyer van Loo sa Ghent,
Belgium ay ipinadala niya ang manuskrito
sa kaibigang si Jose Alejandrino.
Valentin Ventura
Dahil mabuting kaibigan si Rizal
ay inialay niya ang isang panulat at
ang orihinal na manuskrito ng El
Fili kasama ang isang nilimbag at
nilagdaang sipi bilang pasasalamat
at pagtanaw ng malaking utang na
loob sa kaibigang si Valentin
Ventura.
GOMBURZA
 Ang El Fili ay inialay ni Rizal bilang
pagpupugay sa tatlong paring martir na
binitay sa Bagumbayan noong Pebrero
1872 na sina Padre Mariano Gomez,
Padre Jose Burgos, at Padre Jacinto
Zamora dahil lamang sa maling hinala ng
mga Espanyol. Bilang paggalang at pag-
alala sa kanilang sakit at hinagpis, inihandog
niya ang nobela.
ANG NOLI AT EL FILI
Inihambingnaman ni Ginoong Ambeth
Ocampo ang Noli sa El Fili. Ayon sa kanya,
mas maraming hindi isinama si Rizal sa El
Fili.
May halos apatnapu’t pitong (47) pahina
ang tinanggal, nilagyan ng ekis, binura, at
binago.
FILIPINO
HISTORIAN
ANG NOLI AT EL FILI

Ayon din sa kanya, noong 1925,


binili ng pamahalaan ang orihinal na
kopya ng nobela mula kay Valentin
Ventura.

FILIPINO
HISTORIAN
Mga Mahahalagang
Tauhan
ng El Filibusterismo
SIMOUN
 Si Simoun ay si Crisostomo Ibarra ng Noli
Me Tangere
 Nagkukunwaring mayamang mag-aalahas
ng nakasalaming may kulay upang hindi
makilala ng mga nais niyang paghigantihan
 Naging kaibigan at tagapayo rin siya ng
Kapitan Heneral
BASILIO

 Nalampasan niya ang mga hilahil ng buhay


dahil nagpaalipin siya kay Kapitan Tiago
 Nilunonok niya ang pagmamaliit sa kanya
ng kapwa mag-aaral at nga mga guro dahil
sa kanyang anyo at kalagayan sa buhay
JULI

 Ang pinakamagandang dalag sa Tiyani na


anak ni Kabesang Tales
 Tapat at marunong siyang maghintay sa
kasintahang si Basilio
KAPITAN HENERAL
 Pinakamataas na pinuno ng pamahalaan ng
Espanya
 Sinasabi niyang kailangang pagbutihin ang
kanyang mga tungkulin at gawain
 Salungat siya lagi sa pasya ng mataas na
Kawani
MATAAS NA KAWANI
 Isang Espanyol at mataas na kawani sa
pamahalaan ng kagalang-galang
 Siya’y may mabuting kalooban para sa
kapakanan ng mga makabagong mag-
aaral na nagsusulong na pagtuturo ng
wikang Kastila
 Siya ay mapanuri at makatarungan
PADRE FLORENTINO
 Isang mabuti at kagalang-galang na
paring Pilipino
 Pinilit lamang siya ng ina na maging
lingcod nang Diyos dahil sa kanyang
panata.
 Siya ang kumupkop sa pamangking si
Isagani nang maulila ito sa magulang
ISAGANI
 Ang kasintahan ni Paulita
 Pamangkin ni Padre Florentino
 Isa rin sya sa mga mag-aaral na
sumusuporta sa hangarin na magkaroon
ng eskwelahan para sa wikang Kastila
ang Pilipinas
 Isang estudyanteng makata o
manunugma
PAULITA GOMEZ

 Isang masayahin at napakagandang


dalagang hinahangaan ng karamihang lalaki
 Pamangkin siya ni Donya Victorina
 Kasintahan ni Isagani.
 Larawan siya ng dalagang lagiing maayos at
maalaga sa sarili.
PLACIDO PENITENTE
 Mahinahon at mapagtimpi ang
kahulugan ng kanyang pangalan na pilit
niyang pinaninindigan.
 Estudyanteng nais nang tumigil sa pag-
aaral
 Anak ni Kabesang Andang na taga-
Batangas; 
JUANITO PELAEZ
 Isang mayamang mag-aaral na tamad at
lakwatsero. Laging inaabuso at
tinatakot si Placido.
 Masugid siyang manliligaw ni Paulita
Gomez na pinaburan ng kanyang
tiyahing si Donya Victorina.
DONYA VICTORINA
 Isang pilipinang hindi nagpapahalaga sa
kanyang lahi.
 Inaalimura,tinutuligsa, at itinatakwil ang
mga Indiong kanyang kalipi.
 Ang mapagpanggap na isang Europea
ngunit isa namang Pilipina
 Siya ay asawa ni Don Tiburcio.
Telosforo Juan de Dios

 Kilala bilang si Kabesang Tales, ang


napakasipag na magsasaka na dating
kasama sa mayayamang may lupain
 Ama ni Juli at Carolino
 Naghahangad ng karapatan sa pagmamay-
ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng
mga prayle.
PADRE SALVI
 Isang paring Pransiskano na
pinakikinggan at iginagalang ng iba pa
niyang kasamahang prayle
 May lihim na pagnanasa kay Maria
Clara at kompesor ng dalagang ito ni
Kapitan Tiago
PADRE FERNANDEZ
 Isang paring Dominiko na bukas ang
isip sa pagbabago lalo na sa edukasyon
ng mga mag-aaral.
 Sang-ayon siya sa adhikain ng mga
makabagong mag-aaral sa pag-aaral ng
wikang Kastila.
PADRE CAMORRA
 Isang paring Pransiskano na mahilig
makipag-tungyaw kay Ben Zayb sa kung
ano-anong bagay na maibigan
 Siya ang kura ng Tiyani
 Wala siyang galang sa mga kakabaihan lalo
na sa magagandang dilag
 Pinagsamantalahan si Juli
PADRE IRENE
 Isang paring Kanonigo na minamaliit
at di gaanong iginagalang ni Padre
Camorra
 Siya ang nilapitan ng mga mag-aaral
upang mamagitan at maipasa ang
panukalang magkaroon ng
akamdemya sa pagtuturo ng wikang
Kastila ang mga estudyante
MAKARAIG
 Isang mag-aaral sa abogasya na
nangunguna sa panawagang
pagbubukas ng akademya sa pagtuturo
ng wikang Kastila
 Siya ay masipag, napakayaman at
bukas-palad sa kapwa.
SANDOVAL
 Isang tunay na Espanyol si Sandoval na
lubos na kaisa sa adhikain ng mga
estudyanteng Pilipino
 Mahilig makipag debate upang siya ay
mahangaan
 Nais niyang mailabas ang katotohanan sa
isang usapin.
DON CUSTODIO

 Don Custodio de Salazar y Sanchez de


Monteredondo
 Nakapag-asawa ng maganda at mayamang
mestisa.
 Umangat ang kanyang posisyon hanggang
naging opisyal na tagapayo ng kapitan
Heneral.
BEN ZAYB
 Isang mamahayag na gumagawa ng sariling
bersyon ng mga balita
 Mababa ang pagtingin niya kay Padre
Camorra.
 Siya ang utak sa lumalabas na magaganda at
mabubuting balita tungkol sa Kapitan
Heneral at iba pang matataas na opisyal
upang mapalapit siya sa mga ito.
GINOONG PASTA

 Naging alila siya sa mga prayle habang nag-


aaral bago siya naging pinakatanyag na
abogadong Pilipino.
 Dati siyang kaklase ni Padre Florentino.
 Tinatakbuhan ng mga nangangailangan
QUIROGA

 Isang mayamang mangangalakal na Intsik


 Halos kontrolado niya ang takbo ng kalakalan.
 Inaangkop niya ang ugali depende sa kanyang
kaharap.
 Isinusulong niya ang pagkakaroon ng konsulado
ng mga Itsik sa bansa.
GRACIAS!!

You might also like