You are on page 1of 4

MGA TAUHAN SA EL FILIBUSTERISMO

PADRE BERNARDO SALVI- isang paring Pransiskano na pinakikinggan at iginagalang ng iba pa


niyang kasamahang prayle.
PADRE HERNANDO SIBYLA- isang matikas at matalinong paring Dominiko. Siya ang Vice Rector
ng Unibersidad ng Santo Tomas.
PADRE IRENE- isang paring Kononigo na minamaliit at di gaanong iginagalang ni Padre Camorra.
Siya ang nilapitan ng mga mag-aaral upang mamagitan at maipasa ang panukalang magkaroon ng
akademya sa pagtuturo ng wikang Kastila ang mga estudyante.
PADRE FERNANDEZ- isang paring Dominiko na bukas ang isip sa pagbabago lalo na sa
edukasyon ng mga mag-aaral. Sang-ayon siya sa adhikain ng mga makabagong mag-aaral sa pag-
aaral ng wikang Kastila.
PADRE CAMORRA- isang batang paring Pransiskano na mahilig makipag-tungayaw kay Ben Zayb
sa kung ano-anong bagay na maibigan. Siya ang kura ng Tiani.
PADRE MILLON- isang paring Dominiko na propesor sa Pisika at Kemika. Mabuti siyang Pilosopo
at bantog siya sa husay sa pakikipagtalo o maituro nang mahusay ang aralin sa mga mag-aaral.
TELESFORO JUAN DE DIOS- kilala rin bilang si kabesang tales, ang napakasipag na magsasaka
na dating kasama sa mayayamang may lupain.
JULIANA O JULI- ang pinakamagandang dalaga sa Tiani na anak ni Kabesang Tales. Larawan siya
ng Pilipinang madasalin, matiiisn, masunurin, at madiskarte sa buhay para makatulong sa pamilya.
TATA SELO- ang kumalinga sa batang si Basilio sa gubat nang tumakas siya mula sa mga
guwardiya sibil sa Noli Me Tanggere. Siya ang maunawaing tatay ni Kabesang Tales.
TANO/CAROLINO- anak ni Kabesang Tales na tahimik at kusang-loob na sumunod sa kagustuhan
ng amang siya’y magsundalo. Nawala ng matagal na panahon.
BASILIO- nalampasan niya ang mga hilahil ng buhay dahil nagpaalipin siya kay Kapitan
Tiago.nagpunyagi siya sa pag-aaral. Nilumok niya ang pangmamaliit sa kanya ng kapwa mag-aaral
at ng mga guro dahil sa kanyang anyo at kalagayan sa buhay.
ISAGANI- isang malalim na makata o manunugma. Mahusay siyang makipagtalo. Matapang siya
sa pagpapahayag ng kanyang pinaniniwalaan kaninuman.
MAKARAIG-isang mag-aaral na abogasya na nangunguna sa panawagang pagbubukas ng
akademya sa pagtuturo ng Kastila. Siya ay masipag mag-aral, mahusay makipagtalo, mapitagan,
nakalulungod na mag-aaral, at palabasa ng iba;t ibang aklat kaya’t nangunguna sa pagbabago.
PLACIDO PENITENTE- mahinahon at mapagtimpo ang kahulugan ng kanyang pangalan na pilit
niyang pinaninindigan kahit pa lubhang kinaiinisan din niya ang pangalang ito.
PECSON- mapanuring mag-aaral si Pecson. Masigasig siyang makipagtalo upang mailabas ang
matalinong kaisipan at kasagutan sa iba’t ibang usapin.
JUANITO PELAEZ- isang mayamang mag-aaral na tamad at lakwatsero. Laging inaabuso at
tinatakot si Placido. May kapansanang pisikal subalit hindi niya naipakitang sagabal ito sa kanyang
pagkatao dahil nakakamit pa rin niya ang mga gusto.
SANDOVAL- isang tunay na Espanyol si Sandoval na lubos na kaisa sa adhikain ng mga
estudyanteng Pilipino. Mahilig makipagdebate ng kahit anong paksa upang siya ay mahangaan.
TADEO- siya ay mag-aaral na lubhang tamad at laging nagsasakit-sakitan tuwing makakikita ng
propesor. Hangad niyang laging walang pasok sa paaralan upang makapaglakwatsa.
PAULITA GOMEZ- isang masayahin at napakagandang dalagang hinahangaan ng karamihang
lalaki. Pamangkin siya ni Donya Victorina at kasintahan ni Isagani.
DONYA VICTORINA - larawan si Donya Victorina ng isang Pilipinang walang pagpapahalaga sa
kanyang lahi. Inaalimura, tinutuligsa, at itinatakwil ang mga Indiong kanyang kalipi.
DON TIBURCIO – isang Espanyol na asawa ni Donya Victorina na nagtago at nagpasiyang di na
muling pakita sa asawa dahil sa kapritso nito.
DON SANTIAGO “KAPITAN TIAGO” - dating kaibigan ng mga prayle subalit ngayo’y masama
na ang loob niya sa mga ito. Nawalan ng kahulugan ang kaniyang buhay nang pumasok si Maria
Clara sa monasteryo.
MARIA CLARA delos SANTOS – ang tanging babaeng inibig ni Simouon sa kaniyang buhay. Isa
siya sa mga dahilan ng pagbalik ni Ibarra sa katauhan ni Simoun sa Pilipinas.
KAPITAN BASILIO - isang mayamang mamamayan na taga-San Diego. Siya ang ama ni Sinang at
asawa ni Kapitan Tika. Galante sa mga pinuno at kawani ng pamahalaan at sa mga prayle upang
maiwasan ang problema o kagipitan sa mga pabor na kaniyang kakailanganin.
DON CUSTUDIO de SALAZAR y SANCHEZ de MONTEREDONADO - nakapag-asawa ng
maganda at mayamang mestiza. Umangat ang kaniyang posisyon hanggang naging opisyal na
tagapayo nng Kapitan Heneral dahil sa likas niyang talino.
BEN ZAYB - ang mamamahayag na malayang mag-isip at minsan ay kakatwa ang paksang nais
niyang isulat magkaroon lamang ng ilalathala. Mababa ang pagtingin niya kay Padre Camorra.
GINOONG PASTA – naging alila siya ng mga prayle habang nag-aaral bagos siya naging
pinakatanyag na abogadong Pilipino. Dating siyang kaklase ni Padre Florentino.
PEPAY – isang kaakit- akit na mananayaw. Siya ay maputi at kaiba ang kulay sa karaniwang
Pilipina. Mahilig siyang humingi ng mga pabor sa kaibigang si don Custodio na nahihibang sa
kaniyang alindog.
HERMANA BALI – isang batikang panggingera. Siya ang nangunguna sa pagbibigay-payo sa mga
suliranin sa kanillang baryo. Siya ang nagpayo sa mga may suliranin sa kanilang baryo.
HERMANA PENCHANG – isang masimbahing manang. Naging panginoon ni Juli. Mapanghusga
siya sa mga taong sawimpalad-pinarurusahan daw ng Diyos an may mga suliranin dahil
makasalanan.
KAPITAN TIKA – asaa ni Kapitan Basilio at ina ni Sinang. Ayaw niyang magpahalatang
nagugustuhan nilang mag- ina ang magaganda at mamahaling alahas upang hindi raw taasan ni
Simoun ang presyo ng kanilang mga ibig na alahas.
SINANG – ang isa sa matalik na kaibigan ni Maria Clara sa Noli Me Tangere. Siya ay nakapa – asawa
na sa nobelang ito. Mabiro at masiyahin pa rin. Siya ay anak ng mayamang si Kapitan Basilio at ni
Kapitan Tika.
KABESANG ANDANG – butihing ina ni Placido Penitente. Kahit balo na, matiyaga niyang pinag-
aral ang anak. Naghigpit siya ng sinturon para sa sarili mabigyan lamang ng edukasyon ang anak.
QUIROGA – isang mayamang mangangalakal at Intsik si Quiroga. Halos kontrolado niya ang takbo
ng kalakan . Iniaangkop niya ang ugali depende sa kaniyang kaharap.
DON TIMOTEO PELAEZ – siya ang amaa ni Juanito Pelaez. Larawan siya ng mapandustang
mangangalakal. Siya ang nakabili ng tahan ni Kapitan Tiago sa murang halaga. Naging kasosyo
siya ssa negosyo ni Simoun.
MR. LEEDS – mahusay sa mahika. Napaniwala niya ang mga mmanonood at nakapag-usig sa budhi
ni Padre Salvi sa kaniyang ppalabas.
KAPITAN NG BARKO - isang beterenong marinero ang kapitan ng barko. Siya ay may malawak
na karanasan sa paglalakbay sa iba’t ibang panig n mundo noon kaniyang kabataab lulan ng
matutulin at malalaking barko.
SINONG – ang kutserong dalawang ulit na nahuli ng guardiya sibil bago mag-noche Buena dahil
saw ala siyang sedula at wala ring ilawang kaniyang kalesa.
CAMARONCOCIDO – ang tanging nilalang sa siyudad na walang pakialam sa pinagkakaguluhan
ng lahat sa siyudad na operetta mula sa Pransiya. Dati siyang mamamahayag at anak ng kilalang
pamilyang Espanyol pero sa kadahilanang hindi nabanggit sa nobela ay namumuhay nang maralita
at namamalimos.
TIYO KIKO – isang matandang pandak na buhay na buhay ang mga mata. Nabubuhay sa
pagbabalita ng mga palabras at pagpapaskil ng mga anunsiyo. Kaibigan siya ni Camaroncocido.
Isa siyang mahirap na Indio.

IBA PANG TAUHAN:


 MAESTRO – ang mga guro sa Tiani na naging mahusay sa paggawa ng paputok.
 KALIHIM – ang tagatala at tagapagpaliwanag ng mahahalagang usaoin sa Kapitan Heneral
upang mapag-usapan, maipasa, o maibasura.
 Mr. JOUY – ang nagdala ng pangkat ng mang-aawit sa Pranses para sa isang opera sa
Maynila.
 HUKOM PAMAYAPA – mabalasik, magaspang ang ugali, may pagnanasang tumingin sa
babae, hiningan ng tulong ni Hermana Bali at Juli upang mapalaya si Basilio.
 KABABAYAN NI TADEO - baguhan sa lungsod, mausisa, walang muwang sa maramming
bagay, mapaniwalain at madaling ,abola at mapagyabangan niTadeo,
Sa tahanan ng mga Oredna:

 ORENDA – masipag tat mayamang mag-aaalahas ng Sta. Cruz.


 TINAY – dalagitang nakalaro ni Isagani ng sungka.
 CHICHOY – ang nakasaksi ng mga pangyayari sa kasalan na siyang nagkuwento sa mga
tao sa tahanan ng mga Orenda.
 MOMOY – matanda sa magkakapatid na Orenda, kasintahan ni Sensia.
 SENSIA – maganda, masiglang dalaga, at palabiro.
 KAPITANA LOLENG – masipag at matainong kapitana.
 KAPITAN TORINGGOY – si Domingo na walang inatupag kundi mamasyal at
makipagkuwentuhan samantalang nagtatrabaho ang kaniyang pamilya.
 TIA TENTAY – tiyahin nina Sensia na nagsabing demonyo si Simoun na nabili ang
kaluluwa ng mga Kastila.
 BINDAY – isa sa mga dalagang Orenda, tapat at kaibig – ibig.

Mga Kasap ng Liberal:


 D. EULOGIO BADANA – reteradong sarhento ng karabinero.
 ARMENDIA – isang marangal na piloto at masugid na Carlista.
 D. EUSEBIO PICOTE – ang namamahala ng aduana.
 D. BONIFACIO TALON – sapatero at talabatero.

You might also like