You are on page 1of 4

Department of Education

Region III
Division of Angeles City
Claro M. Recto Information and Communication Technology High School

Dizon, Carlo N. G. Rostum Carbungco


10-Shannon
SI BASILIO
KABANATA V1
Ang pamagat ay “SI BASILIO” sapagkat ang buong kabanata ay naglalarawan sa pinagdaanan ni Basilio na ating
pangunahing tauhan. Ipinapakita dito ang mga paghihirap at unos na kanyang naranasan at kung paano nya ito
nalampasan upang magtagumpay sa bandang huli.
1. MGA TAUHAN
*Basilio - Pangunahing tauhan sa kabanata
- Pinilit niyang mabago ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagpasok bilang utusan kapalit ng kanyang pag-aaral

*Kapitan Tiago - Siya ang mayamang nakabili ng lupain ng mga Ibarra at itinuturing na ama ni Maria Clara.
- Umampon kay Basilio, pinag-aral niya ito kapalit ng paninilbihan nito sa kanila.

2. TAGPUAN
*Kagubatan ng mga Ibarra (ngayo’y pagmamay-ari ni Kapitan Tiago) - Palihim na nagtutungo dito si Basilio upang dalawin ang
libingan ng kanyang mahal na ina.

*Maynila - Lumuwas dito si Basilio upang manilbihan bilang utusan

3. BUOD NG AKDA
Pinilit ni Basilio na mabago ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagpasok bilang utusan at ang kabayaran ay ang kanyang pag-
aaral. Hindi naging hadlang sa kanya ang kahirapan. Pumasok siya nang walang kaayos-ayos ang sarili, pinagtatawanan at inaalipusta
ng mga kamag-aral at maging ng kanyang mga guro. Napakaraming unos ang nangyari. Ang lahat ng ito ay hamon upang makatapos
sa pag-aaral. Hindi naman nasayang ang kanyang pagtitiyaga sapagkat nagbunga ang kanyang paghihirap dala ng kanyang kahusayan
sa pag-aaral. Iyan si Basilio, nagpumilit na mabago ang buhay sa pamamagitan ng sikap at tiyaga.

4. MGA SIMBOLO
*Basilio
- Nagpapakita ng pagpapahalaga ni Rizal sa karunungan sa kabila ng kahirapan.

*Kapitan Tiago
- Sinisimbolo ang mga mayayamang tao na may hinihinging kapalit bilang kabayaran sa kabutihang kanilang naitulong sa kapwa.

*Gurong Dominiko
- Sumasalamin sa kawalan ng hustisya at di pagkapantay-pantay sa mata ng lipunan.

*Loro
-Ito ay ginamit na bansag kay Basilio dahil sa kagalingan niya sa pagbigkas ng kanilang aralin ng walang kahirap-hirap.

5. MGA ISYUNG PANLIPUNAN


*Diskriminasyon
- Dahil napakarumi, walang ayos at naka bakya lamang ito ay pinagtatawanan at pinahihirapan si Basilio ng kanyang kamag-aral at
propesor.

*Kahirapan
- Dahil si Basilio ay naulila na, napilitan siyang mamasukan bilang utusan upang matustusan ang kanyang pag-aaral.

*Mapanghusgang lipunan
- Dahil sa panlabas na anyo at kasuotan ni Basilio inaakala ng marami na siya ay isang hangal at mangmang.
Department of Education
Region III
Division of Angeles City
Claro M. Recto Information and Communication Technology High School

*Utak talangka
- Kinaiinggitan nila si Basilio dahil sa kanyang taglay na katalinuhan sa kabila ng kahirapan kaya ninais nila itong pagtawanan
ipahiya at hilain pababa.

*Pagpanig o pagtatangi
- Si Basilio ay hindi natatawag sa klase maliban sa pagbigkas ang kanyang pangalan at pagsagot ng adsum araw-araw dahil sa
kanyang hitsura at may paborito ang mga propesor na tawagin kung saan ang mga estudyante nito ay matatalino

6. PAGSUSURI SA KAWASTUHAN AT KAMALIAN NG KABANATA


* Sa ika 19 na talata mayroong mali dahil hindi dapat na iasa sa kapalaran ang magiging buhay ng tao kailangan mo pa ding
gumalaw at buuin ang iyong kapalaran dahil ikaw ang magdidikta kung paano ito matatapos.

7. ARAL NG KABANATA
*Ano man ang kalagayan sa buhay, mahirap ka man o mayaman, may kapansanan o wala, basta may sipag at tiyaga malapit ang
kapalaran.
Department of Education
Region III
Division of Angeles City
Claro M. Recto Information and Communication Technology High School

BUOD
Nang tumungtong na ang kampana para sa misa, si Basilio ay palihim na nagtungo sa kagubatan ng
mga Ibarra na pagmamay-ari na ni Kapitan Tiago. Paliit na ang buwan, kaya’t paaninaw na tinungo
niya ang libingan ng kanyang ina. Mahigit lanbintatlong taon na ang nakalipas nang namatay ang
kanyang ina. Nasaisip niya ang kanilang pighati na naranasan noon. Isang di kilalang lalaking ang
tumulong sa kanyang sumunog ng bankay ng lalaki at paglilibing sa kanyang ina. Binigyan siya ng
salapi at iniutos na lumayo sa bayan na iyon.

Na ulila ng lubusan si Basilio – walang mga magulang at kapatid. Lumuwas siya ng Maynila at
naisip niyang manilbihan bilang utusan sa isang mayaman upang makapag-aral. Natagpuan niya sina
Kapitan Tiyago at Tiya Isabel, kapapasok lang ni Maria Clara sa monasteryo. Dahil dito, lungkot na
lungkot si Kapitan Tiyago kaya tinanggap na utusan si Basilio - walang bayad ngunit pinag-aral siya sa
San Juan de Letran.

Noong unang taon niya sa paaralan, ang tanging maibigkas niya ay "adsum" o "narito po" at ang
kanyang pangalan. Dahil sa kanyang pananamit, nilalayuan siya ng kanyang mga kaklase maging ang
kanyang gurong Dominiko ay hindi siya tinatanong sa klase. Sa kabila ng pang-aapi na kanyang
naranasan, hindi siya nagpapadala sa mga ito, nasaulo ni Basilio ang kanilang mga liksyon kahit hindi
niya nauunawaan ang karamihan doon. Nang nagkaroon sila ng pasulit, natugon niya ang kaisa-isang
tanong nang walang kahirap hirap. Sa huli, nakamit ni Basilio ang markang aprobado.

Nang tumungtong si Basilio sa ikatlong taon ng kanyang pag-aaral ay bumuti-buti ang kanyang
kalagayan. Naging guro niya ang isang Dominikong masayahin, palabiro at magpatawa. Naisipan ng
propesor na magtanong kay Basilio upang lituhin ito sa pagtatanong ng liksyon. Subalit, nasagot siya
ni Basilio nang tuloy-tuloy, parang loro siya kung sumagot. Binigyan pa ng guro si Basilio ng ilang
katanungan para magkaroon ng katatawan sa klase ngunit nasagot ni Basilio ang mga katanungang
ito, kaya napahiya ang gurong Dominiko. Isang propesor naman niya ang nagkaroon ng alitan ng ilang
mga kadete at naghamunan sa labanan gamit ang tungkod at espada. Nangako ang guro na kung sino
man ang sasali ay bibigyan ng malaking marka. Isa si Basilio sa mga sumali at nanalo sa labanan. Dahil
dito, nakamit niya ang pinakamahusay na marka.

Sa nakitang pagsisikap sa pag-aaral ni Basilio, inilipat siya ni Kapitan Tiyago sa Ateneo. Gusto sana
ni Kapitan Tiyago na abogasya ang pipiliin ni Basilio sa pag-aaral pero pinili niya ang medisina dahil
sa sariling hilig. Lalong pinagbutihan ni Basilio sa pag-aaral, noong nasa ikatlong taon pa lamang sa
medisina ay nanggagamot na siya. Ang kanyang pera sa panggagamot ay pinagbili niya ng mga damit
upang mabihis ng mabuti at nakapag-ipon nang kaunti. Dalawang buwan na lamang at doktor na siya.
Makakauwi na siya sa kanyang bayan upang magpakasal kay Huli. Si Basilio ang magtatalumpati sa
araw ng kanilang pagtatapos at ang talumpating iyon ang magpapakilala sa kanya sa lipunan.
Department of Education
Region III
Division of Angeles City
Claro M. Recto Information and Communication Technology High School

You might also like