Professional Documents
Culture Documents
DUGTUNGAN KUWENTO
PANUTO: Basahin at unawain. Ibigay sa bawat pangkat ang nakaatang sa kanila. Maaaring isa o dalawang
miymebro mula sa pangkat ang magsasalita
Noong unang taon niya sa paaralan, ang tanging maibigkas niya ay "adsum"
o "narito po" at ang kanyang pangalan. Dahil sa kanyang pananamit,
nilalayuan siya ng kanyang mga kaklase maging ang kanyang gurong
Dominiko ay hindi siya tinatanong sa klase. Sa kabila ng pang-aapi na
kanyang naranasan, hindi siya nagpapadala sa mga ito, nasaulo ni Basilio
ang kanilang mga liksyon kahit hindi niya nauunawaan ang karamihan
doon. Nang nagkaroon sila ng pasulit, natugon niya ang kaisa-isang tanong
IKALAWANG PANGKAT nang walang kagatol-gatol. Sa huli, nakamit ni Basilio ang markang
aprobado.
Isang propesor naman niya ang nagkaroon ng alitan ng ilang mga kadete at
naghamunan sa labanan gamit ang sable at baston. Nangako ang guro na
kung sino man ang sasali ay bibigyan ng malaking marka. Isa si Basilio sa
mga sumali at nanalo sa labanan. Dahil dito, nakamit niya ang
pinakamahusay na marka. Sa nakitang pagsisikap sa pag-aaral ni Basilio,
inilipat siya ni Kapitan Tiyago sa Ateneo Municipal. Gusto sana ni Kapitan
Tiyago na abogasya ang pipiliin ni Basilio sa pag-aaral pero pinili niya ang
IKA-APAT NA PANGKAT medisina dahil sa sariling hilig at pag-uugali.
Talasalitaan
Hanay A Hanay B
A 2. Nagising si Basilio sa ripeke ng kampana sa pag-uumpisa ng b. Sya ang namumuno ng isang bayan o nayon
misade gallo. c. katumbas na pag-aaral sa mataas na paaralan
D 3. Nagtapos si Basilio na may markang sobresaliente at mga o hayskul
medalya. d. Markang akademiko / Napakahusay
E 4. Naantala ang pagdating ni Basilio sa San Diego nang harangin e. Sasakyang may dalawang gulo at hinihila ng
ng guwardiya sibil ang carromata. kabayo
C 5. Limang taon ang inukol ni Basilio sa segunda enseñanza bago
siya tumungtung ng kolehiyo.
Pokus na Tanong
1. Bilang isang mag-aaral, gaano sayo kahalaga ang inyong pangarap? Ano ang mga hakbang na inyong
gagawin upang makamit ito?
2. Tutularan mo ba si Basilio na sa kabila ng pagiging maralita ay natagpos niya ang kursong medisina?
3. Saan mo maiiugnay sa reyalidad ng buhay ang karanasan ni Basilio na inilahad sa kabanata 6?
4. Paano mo maiiugnay sa buhay ni Basilio ang kasabihang ito, “Ang taong nagsisikap ay may mabuting
hinaharap”?
5. Edukasyon ang puhunan ni Basilio upang kilalanin ng kapwa estudyante at ng lipunang ginagalawan.
Ipaliwanag ito.