You are on page 1of 2

BUOD

Nang tumunog na ang kampana para sa misa de gallo ay patagong nagpunta si Basilio sa kagubatan na
dating pagmamay ari ni Ibarra na ngayon ay nabili na ni Kap. Tiago para bisitahin ang kanyang ina na
nakalibing sa tabi ng puno ng balete.

Habang nasa puntod ay naalala ni Basilio ang nakalipas na labintatlong taon mula nang namatay ang
kanyang ina. May nagbigay sakanya ng pera para lumayo sa bayan at ginamit niya ito para lumuwas ng
maynila at maghanap ng matutuluyan hanggang sa nakita niya si kap. Tiago.

Tinanggap siya nito bilang utusan kapalit ay pag-aaralin siya sa San Juan De Letran. Nang nagsimula siya
mag aral ay nilayuan siya ng kanyang mga kaklase at dominikanong guro dahil sa kanyang suot. Walang
ibang nasambit na salita si Basilio sa eskwelahan kundi “adsum” o nangangahulugang naririto po. Nang
tumuntong si Basilio ng 3rd year, Nagkaron siya ng dominikanong propesor na palabiro at hindi nagtuturo.
Pinapaliwanag lang nito ang aralin sa mga paboritong studyante kaya kahit na maayos na ang pananamit
ni Basilio, pinupuna parin siya dahil di siya palangiti. Tinawag pa nga siyang baliw ng kanyang guro dahil
dito at pinagtangkaang pagtripan sa pamamagitan ng pagpapahiya ngunit ang mga itinanong niyang
mahihirap na tanong kay basilio ay nasagot nito kaya hindi napahiya si basilio. Nagkaroon din siya ng
propesor na nagkaron ng alitan sa mga kadete at nagkahamunan sila sa labanan gamit ang sable at
baston. Sinabi ng guro na ang sumali dito ay magkakaron ng malaking marka kaya sumali dito si Basilio at
nanalo.

Pagkatapos nito ay sumikat na si Basilio at nakapagtapos siyang sobresaliente kaya’t inilipat siya ni Kap.
Tiago sa Ateneo Municipal at pinayagan siyang mag-aral ng medisina kahit na gusto ni Kap. Tiago para
sakanya ay abogasya. Nagsimula nang bumuti ang kanyang buhay pagkatapos ng ikatlong taon niyang
pag-aaral dahil nakaka ipon na siya at dalawang buwan nalang ay magiging ganap na doctor na siya at
mapapakasalan niya na si Huli.

IMPLIKASYON SA KASALUKUYAN

-Naipakita kung gaano kahalaga ang estado sa buhay ng isang tao sa storya dahil walang lumapit at
madaming nangungutya kay basilio sapagkat siya ay mukang mahirap. Pati ang itsura at pananamit ay
pinuna kay basilio kaya naman makikita na tuwing siya ay binabalatuan ni kap tiago sa mga nakukuha
nito sa sabong, ang una niyang pinagkagastusan ay pagbili ng sapatos at sombrero. Kahit sa kasalukuyang
panahon ay nangyayari ito dahil sa mga social class na nagiging dahilan kung bakit madali tratuhin ng
mababa at husgahan ang mga mahihirap.

BUOD
-Binisita ni Basilio ang puntod ng kanyang ina at naalala ang kanyang mga pinagdaanan ng nakaraang
labintatlong taon. Nang namatay ang kanyang ina ay lumuwas siya ng maynila para maghanap ng
matutuluyan at dito ay nakita niya si Kap.Tiago at Tiya Isabel na pamilyar sakanya kaya nagprisinta siyang
maging utusan kapalit ay pag aralin siya. Nang nagsimula siya mag aral ay wala siyang naging kaibigan
dahil lahat ng kaklase at guro ay nilayuan siya dahil siya’y walang maayos na kasuotan at ginawa din
siyang katatawanan ngunit nang nanalo siya sa labanan ng sable at baston ay nagsimula siyang sumikat

This study source was downloaded by 100000831095211 from CourseHero.com on 02-18-2022 08:12:27 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/104603752/el-filidocx/
at nakapag tapos din siyang sobresaliente. Inilipat siya ni Kap. Tiago sa Ateneo Municipal para mag-aral
ng batsilyer at kunin ang medisina kahit na ang gusto ni Kap. Tiago ay mga abogado siya. Nang nasa
ikatlong taon na siya ng pag aaral ay nanggagamot na siya kaya’t naka-ipon na siya unti-unti at pag
natapos na ang dalawang buwan ay magiging ganap na doctor na siya at makakapagpakasal na siya kay
Huli.

This study source was downloaded by 100000831095211 from CourseHero.com on 02-18-2022 08:12:27 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/104603752/el-filidocx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like