You are on page 1of 1

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Sa unang bahagi ng sanaysay, paano nakilala ng mga bilanggo ang “katotohanan” ng mga
bagay-bagay? Magbigay ng mga patunay. Bigyang-kahulugan ang naramdaman ng bilanggo nang
siya ay makaalis sa yungib at matitigan ang liwanag ng apoy? Ano ang nais ipakahulugan ng
pangyayaring ito?

2. Paano ipinakilala ni Plato ang kahalagahan ng “katotohanan” at “edukasyon” sa buhay ng


sangkatauhan? Ipaliwanag.

1. Nang makawala ang bilanggong nakakadena, nakita niya ang totoong itsura ng kapaligiran at
siya’y naguluhan sapagkat nasanay na siya sa nakikita niyang anino. Nang nakita niya ang araw
at apoy na dahilan kung bakit nila nakikita ang mga anino, nasinag siya dahil hindi sanay ang
kanyang mata sa liwanag. Nakasanayan niya din ang liwanag at nakita niya ang mga tao, hayop,
at kanyang repleksyon sa tubig. Ang ibig-sabihin nito ay ang mga bagay na kanyang nakasanay
at ating pinaniniwalaan ay mali. Ang nakita niyang katotohanan ay nakakapanibago para sakanya
dahil ang akala ng bilanggo dati ay anino lang ang bagay na may katuturan palibhasa’y ito lang
ang kaniyang nakasanayan. Ngunit nang unti-unti niyang nakasanayan ang liwanag na
nangangahulugang natutunan niya na ang katotohanan, nagawa niya nang titigan ang araw.
Ibig-sabihin ay natuto na siya kung ano ang mali at kung ano ang totoo. Nang unang beses
niyang nakita ang apoy ay sumakit ang mata niya dahil di ito ang kanyang inaasahang makita
pagkalabas ng yungib sapagkat ang alam niya lamang ay mga anino. Maaaring nakaramam siya
ng takot o kaya’y pagkalito dahil nang sinabi sakanya na totoo ang mga bagay sa paligid niya at
ang anino ay replekyon lamang ng kapaligiran, di siya makapaniwala dahil hindi ito ang
katotohanang kanyang nakasanayan. Ang kahulugan ng pangyayaring ito ay ang mga tao ay
takot na makita ang maling mga bagay na nakagisnan. Duwag ang mga tao makita na sila’y mali
kaya mas pipiliin pa nilang manatili sa yungib o manatiling mali kaysa matuto sa kanilang
pagkakamali.

2. Sa Alegorya ng Yungib, ipinakita ni Plato na mahalaga ang pagiging edukado sapagkat


maraming tao ang nasasanay na paniwalaan ang mga bagay na hindi totoo kaysa alamin ang
katotohanan. Ipininakita niya na di lahat ng tao ay kayang aminin ang pagkakamali at matuto sa
pagkakamali at mas pipiliin nalang nilang paniwalaan na tama ang mali dahil sa kanilang
kayabangan. Karamihan ng tao ay nagagalit kapag winawasto ang kanilang pagkakamali dahil
sila ay mapagmataas kaya mas komportable pa silang maging mangmang kaysa matuto.
Ipinapakita dito na mahalaga ang edukasyon dahil kung lalaki ang mga taong walang alam,
maniniwala at maniniwala ang mga tao sa mga kasinungalingang kanilang nakasanayan at
magiging arogante kapag itatama dahil masyao na silang kampante sa kanilang kaalaman. Kung
hahayaan natin ang mga sarili nating wag matuto at hadlangan ang paligid na itama tayo, hindi
natin mapapayabong ang ating taglay na katalinuhan.

This study source was downloaded by 100000831095211 from CourseHero.com on 02-18-2022 08:11:38 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/104606773/Raiven-Kamille-Abdala-GAWAINpdf/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like