You are on page 1of 3

DEBATE (GROUP 1- TEAM RAWWR)

PROPOSITION
"Ang tunay na karunungan ay matatagpuan sa pagtanggap na ang alam mo ay walang
halaga kumpara sa lahat ng karunungan na maibibigay ng malawak na sansinukob."

10 SUPPORTING STATEMENTS

1. Manatiling mapagpakumbaba at tanggapin ang katotohanan na hindi mo alam ang


lahat.
Explanantion
Ang kababaang-loob ay mas may katuturan sa pagtukoy sa iyong intelektwal na
kakayahan at karunungan. Ang kaalaman na mayroon ka, na dapat sikaping panatilihin
ay ang pagnanais at ang kakayahang patuloy na matuto, magtanong at lumago sa loob
at panlabas. Ang pagtatanong tungkol sa mga bagay na hindi mo alam ay isang
matalinong aksyon mula sa isang taong may Tunay na Karunungan, ngunit ang
pagpapanggap na alam ang lahat ay isang mangmang na kilos mula sa isang ordinaryo o
mangmang na tao.

2.Ang paghahanap ng kaalaman ng bawat isa ay walang katapusan dahil laging may
bagong matututunan sa maraming aspeto ng buhay.
Explanation
Tulad ng sinasabi nila, kung ang isang tao ay nagtapos sa pag aaral ngayon at
tumigil na matuto bukas ay magiging hindi edukado sa susunod na araw. Ang pag-aaral
ay palaging isang tuluy-tuloy na proseso at ang kagustuhan natin na makakuha ng
bagong kaalaman ay nagpapakita lamang ng lehitimong kahulugan ng tunay na
karunungan.

3.Ang karunungan ay hindi makakamit kapag mataas ang tingin mo sa iyong sarili
at walang intensyon na dagdagan ang iyong kaalaman sa iyong sarili at sa mundo.
Explanantion
Hindi lalawak ang ating kaalaman kung tayo ay nagpapanggap lang na alam ang
isang bagay upang hindi lang mapahiya sa ibang tao dahil lang sa pinaniniwalaan
nang husto ang sariling kaalaman at hindi pinapakinggan and sinasabi ng iba. Dapat
nating tanggapin ang katotohanan na hindi lahat ng bagay ay alam natin, upang
mamulat tayo sa realidad na mundo.

4.Ang pagtanggap na ang karunungan ay pumapangalawa lamang sa pagkilos ng may


kalayaang mag isip ng wasto
Explanantion
Ang sangkatauhan ay nasa malalim na problema. Kailangan nating malaman kung
paano gumawa ng pag-unlad patungo sa isang mas matalinong pag-iisip na ang
karunungan ay para lamang sa isang tao na maaaring tumayo at matutunan ang
pagkabigo na hindi niya talaga lubos maintindihan. pagtanggap na ang karunungan ay
para lamang sa tao na maaring tumayo . Sapagkat ang karunungan ay nauunawaan at ito
ay ang kakayahang mapagtanto kung ano ang halaga ng buhay pansarili at ang buhay ng
iba (at mas mapapabuti kung ang kaalaman, at pag-unawa ay magkasama).

5.Ang kaalaman ay hindi paulit- ulit na proseso ng pagkatuto ito ay laging


nagbabago batay sa panahon at mga pangyayari na kasama nito ang pag sa alang alang
na ang kaalaman na mayroon tayo ngayon ay hindi pa sapat sapagkat bawat araw na
lumiplipas ay laging may bagong kaalaman na makukuha.
Explanation
Makakamit mo ang tunay na karunungan kung magiging buo ang iyong pag-intindi
sa mga kaalaman mo patungkol sa natural na aspeto ng buhay at matatanggap mo sa
iyong sarili na lahat na iyong kaalaman ay hindi pa ganoon karami para sa mga bagay
na matututunan mo pa dahil lalo mo pang maiintindihan ang tunay na karunungan
kung makikisalamuha tayo at makikinig sa mga bagay na naranasan ng mg ibang tao na
tiyak na kapupulutan ng aral sa buhay.

6.Ang pagkilala sa tunay na karunungan ay nag uumpisa sa pagkilala sa iyong


sarili
Explanation
Hindi- hinding natin maiintindihan ang tunay na karunungan kung mismong sarili
natin ay hindi natin kilala.Ang karunungan ay nasa atin mismo at wala sa ibang tao
o bagay dahil ang mga karunungan na ibinabahagi nila sa atin ay pandagdag lamang sa
kaalaman na mayroon tayo ngunit hindi pa rin ito ang totoo sapagkat kahit na gaano
pa karaming karunungan ang ibahagi nila sa atin ay hindi natin ito makakamit
hangga't ang ating mismong sarili ay hindi natin maintindhan. Umpisahan mong
hanapin ang totoong ikaw sa pamamagitan ng pagtanggap kung ano ka at sino ka dahil
kapag nakilala mo na ang totoong ikaw sunod sunod mo na ring maiintindihan kung ano
nga ba ang tunay na karunungan.

7.Ang pagkamit sa tunay na karunungan ay ang pagiging kuntento sa mga bagay o


kaalaman na mayroon ka
Explanation
Ang karunungan ay hindi lamang bumabase sa dami ng kaalaman na mayroon ka,
kase ang tunay na karunungan ay nababatay sa kung paano mo ito gamitin sa buhay mo
at kung gaano ka kakuntento sa kaalaman na mayron ka, kase kung kuntento kana sa
kaalaman o bagay na mayron ka mararamdaman mo nalang mismo sa sarili mo na parang
nasa iyo na ang lahat,na wala ng kulang pa at kumpleto kana kaysa sa alam mong nasa
iyo na ang lahat pero dahil hindi ka pa kuntento sa kaalaman na mayroon ka,
naghahanap ka pa din ng higit pa na hindi maibigay ng nasa paligid mo at
mararamdaman mo nalang na parang may kulang pa at hindi pa sapat ang lahat ng
karunungan na mayroon ka.

8.Ang pagiging mulat sa realidad ang magbibigay kaliwanagan sa bawat


indibidwal na magiging daan upang matamo ang tunay na karunungan
Explanation
Tayong lahat ay naghahanap ng katotohanan sa iba't- ibang paraan, dahil ang
pagiging mulat sa katotohanan ang magiging daan upang hindi tayo malinlang ng iba
at magdadaan sa atin sa kaliwanagan sa tunay na karunungan. Ang buhay ang lalong
lumiliwanag at lumilinaw pag sinusubukan nating umintindi ng marami pang mga
kaalaman at katotohanan dahil dito natin makukuha lahat ng hangarin sa buhay na
magpapanatag sa sarili nating kalooban

9. Ang paghahanap sa tunay na karunungan ang magiging daan hindi lamang sa


pagkakaroon ng mga kaalaman kung hindi upang lalong mahubog at lumago ang isang tao
sa paraan ng kanyang pag iisip at pamumuhay.
Explanation
Ang pagkakaroon ng pagbabago sa ating sarili ay isang napakagandang pakiramdam
lalo na kung ito ay nakakatulong sa kasalukuyan nating pamumuhay ngayon at ang
pagkakaroon ng karunungan ang isa sa mga dahilan ng mga pagbabago na iyon dahil sa
mga karanasan at mga kaalaman na meron tayo nagiging dahilan ito upang humubog ng
husto ang ating sarili hindi lamang sa mga bagay na alam natin ngayon kung hindi
pati na rin sa mga patuloy na kaalamang nakukuha natin na lalong nagpapalawak sa
ating karunungan bilang tao.

10. Ang mapagmahal na puso ay siyang tunay na karunungan.-Charles Dickens.


Explanation
Ang pagmamahal ang nangungunang susi sa lahat ng bagay na ginagawa natin
kung kaya't sa pag iintindi sa tunay na karunungan kinakailangan ng isang tao na
magkaroon ng pagmamahal, pagmamahal na kung saan magiging susi para mabilis niyang
maunawaan kung ano nga ba ang tunay na karunungan.Pansin naman natin na kung wala
kang pagmamahal sa isang bagay na gusto mong maintindihan ay hindi mo talaga ito
mauunawaan dahil yung pagsisikap, pagtyatyaga at dedikasyon na makuha ang tunay
na karunungan ay magagawa mo lamang kung mayroon kang pagmamahal sa iyong puso.

You might also like