You are on page 1of 2

Replektibong Pagkatuto

Ano ang nalaman mo? (wika/salita)

- Base sa aming pinag-aralan,”Ang pagdadalumat ay tumutukoy sa pagteteorya at pagbubuo ng


mga konsepto o kaisipan na mailalapat sa pagsusuri ng mga bagay-bagay sa lipunan.”
Mahihinuha sa kahulugang ito na ang pagdadalumat ay ang pag-oobserba ng isang bagay sa
malalimang pamamaraan na kung saan hindi lamang ito nakapokus sa mismong kahulugan ng
bagay na ito, bagkus ay sinusubukan nitong mas mapalawak at mapalalim pa ang pang-unawa
patungkol dito. SInabi rin na nakapaloob sa pagdadalumat ang paglilirip na tumutukoy sa
maingat na pag-iisp, at gayundin ang paghihiraya na nagpapahiwatig ng pag-iisip nang mas
malalim o kung bibigyan ng pagpapakahulugan sa ingles ay “thinking outside the box”.
Binibigyan din nito ng linaw, halimbawa, ang isang salitang ugat na maaaring magkaroon ng
sanga-sangang kahulugan kapag nilapatan ng mga panlapi o kaugnay na salita. Dito makikita ang
kahalagahan ng pagdadalumat sa pagpapatalas ng ating kakayahang maunawaan at magamit
ang ating wikang Filipino.

Ano ang napagtanto mo sa nalaman mo?

- Aking nabanggit sa una kong kasagutan na malaki ang ambag ng dalumat sa pagpapalawak ng
ating kaalaman patungkol sa ating wikang Filipino. Isang paraan ito upang maunawaan natin
hindi lamang mismo ang ating wika, ngunit maging ang mga pangyayari sa ating lipunan na may
kaugnayan sa ating kultura, politika, ekonomiya, at iba pa. Sa pamamagitan ng pagdadalumat,
tinutulungan tayo nitong magkaroon ng unawain patungkol sa isang bagay hindi lamang mula sa
iisang perspektibo, bagkus ay iba’t ibang perspektibo na makakatulong sa ating pang-sariling
intelektuwalidad at maging sa karampatang aksyon na ating tatahakin konektado sa ating
dinadalumat.

Ano ang saysay ng nalaman mo sa buhay mo?

- Sa aking paglaki, ngayon ko pa lamang narinig ang salitang “dalumat.” Kung kaya’t blanko ang
aking isipan nung unang beses ko itong marinig. Ngunit nang malaman ko ang kahulugan nito,
aking napagtanto na madalas sa aking buhay ay nagagawa ko na pala ito, sa aking pag-aaral,
pansariling desisyon, pakikipagkapwa, at iba pa. Ngayon na mas napalalim ang aking pang-
unawa patungkol dito, napalalim ang aking pagpapahalaga sa ganitong pamamaraan ng pag-iisip
o pagteteorya. Nagkaroon ako ng ibayong pagnanais na mapalawak ang aking kaalaman
patungkol sa aking sarili, kapwa, o sa mga pangyayari sa mundo gamit ang pagdadalumat.

Paano mo magagamit ang nalaman mo?

- Ang karunungan ay hindi natitigil sa basta pag-aaral ng mga bagay, nangangailangan ito ng
aplikasyon o paggamit ng mga kaalamang ito upang masabi talaga na natutuhan natin ang mga
kaalamang ito. Kung kaya’t gagamitin ko ang nalaman ko patungkol sa pagdadalumat sa aking
araw-araw na pamumuhay. Gaya ng nabanggit ko sa ikatlong kasagutan, na-enganyo akong
magpakasawa pa lalo sa pagdadalumat nang mapahusay at mapalalim ko ang aking pang-unawa
sa mga pangyayari sa mundo. Hindi lang nagtatapos iyon sa basta-bastang nakaramdam ng
“enganyo”, bagkus ay tatapatan ko ito ng aksyon. Sa aking pag-aaral, naniniwala akong
matutulungan ako nitong maintindihan lalo ang mga bagay na ituturo sa aming paaralan. Sa
aking personal na lakbay, gagamitin ko ito upang bumuo nang mas malalim na pang-unawa sa
aking kalakasan at kahinaan, at magsaliksik ng mga paraan upangmapabuti ko ang pisikal,
mental, sosyal, at ispiritwal na katayuan ng aking sarili. Sa pakikipagkapwa, naniniwala akong
magagamit ko ang aking pang-unawa upang maintindihan din lalo ang aking mga kapwa. At sa
mga pangyayari sa mundo, na kung saan magiging kasangkapan ang pagdadalumat nang sa
ganoon sa mapalalim ko ang aking kaalaman at kasanayan sa mundo at mula roon at
matutulungan ako nitong gumawa ng tamang desisyo sa pakikilahok sa mga aktibidad sa
lipunan, kagaya na lamang sa politika.

Kung iyan ang nabasa/napanood mo, ano ngayon ang na-realize mo?

- Bukod sa aking mga nabanggit sa mga una kong kasagutan, mahalaga na hindi tayo magpadalos-
dalos sa pago-obserba at paggawa ng konklusyon patungkol sa mga bagay sa lipunan, bagkus
kailangan natin dalumatin ang mga mahahalagang bagay na ito upang makapanigurado tayo na
ang ating pang-unawa ay naaayon mismo sa kung ano ang nangyayari. Sa pamamagitan nito,
mas mapapadali sa atin ang paggawa ng desisyon at karampatang aksyon. Mahalaga rin na i-
challenge natin ang ating mga sarili na hindi lamang tayo maghihintay na ipasubo sa atin ang
isang impormasyon at magpakulong na lamang sa mismong kahulugan nito, bagkus ay
magkaroon tayo ng pagkukusa na subukang lumabas sa kahon ng kahulugan na ito at lumikha ng
mas malalim at may saysay na interpretasyon.

Kung iyan ang na-realize mo, ano ang gagawin mo?

- Kagaya ng aking nabanggit sa ika-apat na tanong, pagbubutihin ko ang aking pag-aaral sa


paaralan, sarili, kapwa, o lipunan. Masaya kong sisiguraduhin na susuriin ko ang mga bagay na
ito hindi lamang mula sa isang point of view, ngunit mula sa holistic view. Sa pamamagitan nito,
mas magiging pro-active ako hindi lamang para sa aking sarili, ngunit pati na rin sa aking
napapalibutan sa ibang aspeto. Magbibigay daan din ito sa malalimang diskusyon patungkol sa
mga bagay na ito kasama ang aking kapwa na magiging magandang pagkakataon din upang
maturuan at mapalalim namin ang kaalaman ng bawat isa.

You might also like