You are on page 1of 6

EDUKASYON

edukasyonSA PAGKAKATAO
sa pagkakatao
Pagbabago sa sarili (Lesson 1)

Pagbabago sa sarili- ito ang mga bagay na nagaganap sa iba't-ibang aspekto ng sarili sa panahon ng
pagdadalaga at pagbibinata.
Ito ang limang iba’t ibang aspeto ng sarili sa panahon ng pagdaxdalaga at pagbibinata:

1. Pangkaisipan
-may kaugnayan sa kung paano mag-isip, maka-unawa, makatanda, o makapagplano sa
buhay ang isang tao.

2. Panlipunan
-ang pagpapakita ng pakikipagkapwa, pakikisama o pakikitungo ng isang tao sa kaniyang mga
kasama sa bahay hanggang sa mga kaibigan sa labas o sa mga taong nakakasalubong niya
sa araw-araw.

3. Pandamdamin
-tumatalakay ito sa kung ano ang nararamdaman mo bilang isang tao; maging ito man ay
mabuti o hindi.

4. Moral
-pagtitimbang kung ano ang tama at mali, kung ano ang mabuti o ang masama sa ating salita at
gawa.

5. Ispiritwal
-may kakayahang makipag-ugnayan sa Diyos
-may paniniwala sa manlilikha
-bukas ang isip sa mga bagay patungkol sa Diyos

Pakikipag-ugnayan (Lesson 1)
Pakikipag-ugnayan- ito ay ang ating pakikipag-interaksyon o pakikipagkonekta natin sa ibang tao na may
layunin na makapagpapaunlad sa bawat isa.
May walong inaasahang kakayahan at kilos na dapat mapaunlad ayon kay Havighurst (Hurlock, 1982,
p.11). Ito ay ang mga sumusunod:

1. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature relations) sa mga kasing


edad
-pakikipagkapwa sa mga katulad mong kabataan
Kaibigan- ang mga taong gusto mong makasama ng madalas
EDUKASYON
edukasyonSA PAGKAKATAO
sa pagkakatao
Pakikipag-ugnayan (Lesson 1)

2. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki


-pagiging pantay sa mga tungkulin. Hindi batayan ang kasarian ng isang tao upang gampanan
niya ang kanyang mga tungkulin sa lipunan.
Ang TUNGKULIN ay ang iyong GAMPANIN sa araw-araw.

3. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglapat ng tamang pamamahala sa mga ito


-tungkulin mo sa iyong sarili na pangalagaan ang iyong katawan

4. Pagnanais at pagtamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa


-mabuting pakikitungo sa kapwa
“Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang“

5. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya


-maaaring makasira sa isang katulad mong kabataan ang pagpapasya kaya marapat lamang
na magtanong sa mga nakakatanda/magulang.
Magulang- ay malaking impluwensya sa inyo na tutulong sa iyo upang mabuo ang iyong
pagkatao

6. Paghahanda para sa paghahanapbuhay


-ang talento at ang iyong kakayahan ang makakatulong sa iyo upang maging handa ka.

7. Paghahanda para sa pag-aasawa at pagpapamilya


-mas mabuting alam mo ang iyong prioridad sa buhay

8. Pagkakaroon ng mga pagpapahalaga (values) na gabay sa mabuting asal


-ang kabataang katulad mo ay marapat lamang na pagtuunan ng pansin ang pagpapaunlad sa
mga pagpapahalaga

Pakikipagkaibigan (Lesson 1)

Pakikipagkaibigan- ito ay ang malalim na ugnayan sa isang tao na


napapalooban ng pag-ibig at malasakit at may layunin na magtulungan at
magdamayan sa ikatatagumpay ng bawat isa.
EDUKASYON
edukasyonSA PAGKAKATAO
sa pagkakatao
Pakikipagkaibigan (Lesson 1)

Ilan sa mga elemento na makatutulong sa pagpagkakaroon ng matatag na pakikipagkaibigan:


• Pagtitiwala
• Katapatan
• Bukas na Komunikasyon
• Pagmamalasakit
• Pagtutulungan/Pagdadamayan

Kakayahan at talento (Lesson 2)

Kakayahan at Talento
Ano nga ba ang talento? Tumutukoy ito sa mga pambihira at espesyal na kakayahan o kagalingan ng tao
sa isang bagay. Regalong kaloob ito ng Maykapal sa atin kaya naman taglay na natin ito mula pa noong
tayo ay isinilang.

Ano naman ang kakayahan?


Ito ay likas na tinataglay din ng tao dahil sa ating “intellect“ o kakayahang mag-isip. Ito ay ang iyong
kapasidad o abilidad na gawin ang isang bagay dahil eksperto ka rito o sapat ang iyong kaalaman.

Ano ang kaugnayan sa isa't isa ng talento at kakayahan?


Ang talento ay "inborn" na sa atin at ang kakayahan naman ay “skill“ na natutunan gamit ang ensayo.
Samakatwid, ang pagpapaunlad ng talent ay nangangailangan ng kakayahan. Halimbawa: Magaling
kang sumayaw. Pauunlarin ito ng kakayahan mong maiproject o maiexpress ang isang sayaw gamit ang
sariling mong style o choreography. Sa gawaing ito, nagkakaugnay ang talent at kakayahan.

MULTIPLE INTELLIGENCES NI DR. HOWARD GARDNER


VISUAL OR SPATIAL- talino sa paglalarawan ng ideya, imagination to create products.
VERBAL OR LINGUISTIC- talino sa pagsasalita. Lenggwahe o wika. Paggawa ng mga tula o nobela.
LOGICAL OR MATHEMATICAL- pag-aanalisa ng mga sitwasyon. Numero, logical, riddles, pagso-solve ng
mga problems
BODILY OR KINESTHETIC- muscle memory, talino sa paggamit ng katawan.
INTERPERSONAL- extrovert. Talino sa pakikipag-ugnayan sa iba.
INTRAPERSONAL- introvert. Malalim ang kanilang damdamin. Gustong mapag-isa.
NATURALIST- talino na may kinalaman sa paghahalaman o kalikasan.
EXISTENTIAL- life-smart people. Naghanap ng mga sagot at katotohanan. Philosopher, Priest
EDUKASYON
edukasyonSA PAGKAKATAO
sa pagkakatao
Kakayahan at talento (Lesson 2)
MUSICAL OR RHYTHMIC- talino sa ritmo,
intrumentong pang musika

B- odily/ Kinesthetic- Pangkatawan M- usical o Rhythmic- Pangmusika


I- ntrapersonal I- nterpersonal
L- ogical o Mathematical N- aturalist- Pangkalikasan
L- inguistic o Verbal- Pangwika E- xistential
S- patial o visual- Pangbiswal

Tiwala sa Sarili
Ito ang kailangan ng tao upang mapagtagumpayan niya ang anumang hamon sa buhay.
Ang tiwala sa sarili ay…
- hindi namamana
- ito ay nagbabago sa paglipas ng panahon
- ito ay hindi nakasalalay sa mga bagay na labas sa sarili

Kahinaan
Ang lahat ng tao ay may kahinaan na kailangan nilang tanggapin at magpakumbaba.

Hilig (Lesson 3)
Hilig
Ito ay pagpili sa mga ninanais na gawain kalakip ang buong pusong paggawa patungo sa layunin na
nagiging motibasyon sa paggawa o pagsasakilos dito. Ito rin ay preperensya sa mga partikular na uri ng
gawain.

Pinagmulan ng Hilig
• Mula sa karanasan
• Minamana
• Galing sa ating pagpapahalaga at kakayahan

Aspekto ng Hilig
• Larangan ng hilig
• Tuon ng atensyon
EDUKASYON
edukasyonSA PAGKAKATAO
sa pagkakatao
Hilig (Lesson 3)
10 Larangan ng Hilig
• Outdoor- nasisiyahan sa gawaing panlabas.
• Mechanical- nasisiyahan sa paggamit ng mga kagamitan (tools).
• Computational- nasisiyahan na gumawa gamit ang bilang o numero.
• Scientific- Nasisiyahan sa pagtuklas ng bagong kaalaman, pagdidisenyo at pag-iimbento ng mga
bagay o produkto.
• Persuasive- nakahihikayat at nasisiyahan sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao o pakikipagkaibigan.
• Artistic- nagiging malikhain at nasisiyahan sa pagdidisenyo ng mga bagay.
• Literary- nasisiyahan at nagpapahalaga sa pagbabasa at pagsusulat.
• Musical- nasisiyahan sa pakikinig o paglikha ng awit o pagtugtog ng instrumentong musikal.
• Social Service- nasisiyahang tumulong sa ibang tao.
• Clerical- nasisiyahan sa paggawa ng mga gawaing pang-opisina.

Tuon ng Atensyon
• Tao- may kinalaman sa tao.
• Datos- may kinalaman sa mga katotohanan, records, files, numero, o detalye.
• Bagay- may kinalaman sa mga kagamitan o makina.

Paraan ng Pagpapaunlad ng iyong Hilig


• Palagiang gawain ang bagay na iyong kinahihiligan.
• Magbasa ng mga kaugnay na mga babasahin ukol dito.
• Humingi ng payo sa mga may higit na karanasan ukol dito.
• Pasalamatan ang mga naniniwala sa iyong kakayahan.

Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Kursong Akademiko o Teknikal-bokasyonal


• Talento at Kakayahan
• Interes o Hilig
• Pagpapahalaga

Extra note

Hilig- Ang pansariling salik sa iyong sarili na nagiging batayan mo upang ikaw ay
makapili ng angkop na propesyon o kurso sa kolehiyo.
EXTRA NOTE
Extra note
Extra note
• Pangkaisipan Pag-unawa, pag-intindi sa sitwasyon at bagay-
• Panlipunan bagay.
• Pandamdamin Pakikipagkapwa
• Moral Emosyon ng isang tao/Damdamin
• Ispiritwal Tama at Mali, Mabuti at masama
Pakikipag-ugnayan sa Diyos
Kaibigan- ang tao na ito ang nagbibigay sa iyo ng oportunidad upang mapabilang ka sa isang pangkat
na labas sa inyong tahanan.

Ang TALENTO ay nangangailangan ng KAKAYAHAN.

“Practice makes perfect“- ang pagtatagumpay ay bunga ng masusi at tamang pagsasanay


Hilig- nagsisilbing gabay sa pagpili ng mga gawaing nasisiyahan kang gawin at kumilos.
MAHALAGA ito upang mapili mo ang angkop na propesyon para sa iyo. Ito rin ang magpapaunlad ng
iyong TIWALA SA SARILI.
Outdoor (gawaing panglabas)
Clerical (gawaing pang-opisina)
Computational (gawaing may numero)
Mechanical (gawaing gumagamit ng mga kagamitan)
Artistic
Musical
Persuasive (gawaing na may panghihikayat)
Social Service (gawain na makakatulong sa tao)
Literary (gawain na may kaugnayan sa pagbabasa o pagsasalita)
Scientific (gawain na may kaugnayan sa imbensyon o pag-e-eksperimento)

DON’T RELY ON THIS TOO MUCH. STILL READ YOUR


MODULE!
Thank you:D
Remember

This can be shown on the exam,


so review it.
Good luck!

You might also like