You are on page 1of 3

ESP REVIEWER- 4TH QUARTER

MGA PANSARILING SALIK SA PAGPILI NG TAMANG TRACK O KURSO

Jurgen Habermas- isang Alemang pilosoper na nagsabing ang tao ay nilikha upang makipagkapuwa at
makibahagi sa buhay- sa- mundo (lifeworld), at itong buhay- na- mundo ay nabubuo naman sa
pagkomunikasyon sa kaniyang mga kasapi.

1. Talento- ang mga talento ay isang pambihirang biyaya at likas na kakayahang kailangan tuklasin dahil
ito ang magsisilbi mong batayan sa pagpili ng tamang track o kursong akademiko o teknikal- bokasyonal,
negosyo o hanapbuhay sa iyong pagtatapos ng Junior High School.

Talino o Talentong mula sa Teorya ni Dr. Howard Gardner (1983)


 Visual o Spatial- may kakayahan sa na pinapayagan na lumikha ng mga imahe, gumuhit at makakita
ng mga detalye, pati na rin isang personal na pakiramdam ng mga estitika. (architect, artist, engineer,
designer)
 Verbal o Linguistic- ,may kakayahan sa pakikipag- usap sa bibig, ngunit sa iba pang mga paraan ng
pakikipag- usap tulad ng pagsulat, kilos, atbp. (writer, lawyer, teacher, journalist)
 Mathematical o Logical- may kakayahan para sa lohikal na pangangatuwiran at paglutas ng
problema sa matematika (scientist, mathematician, computer programmer, engineer, accountant)
 Bodily o Kinesthetic- ang kakayahan sa paggamit ng katalinuhan sa katawan upang ipahayag ang
mga damdamin sa pamamagitan ng katawan. (dancer, builder, sculptor, actor, athlete)
 Musical o Rhythmic- ang ilang mga lugar sa utak ay nagsasagawa ng mga pagpapaandar na
nauugnay sa interpretasyon at komposisyon ng musika. (musician, composer, singer, music teacher,
conductor)
 Intrapersonal- ay tumutukoy sa katalinuhan na nagbibigay kapangyarihan sa atin upang maunawaan
at makontrol ang panloob na kapaligiran ng sarili tungkol sa pagsasaayos ng emosyon at pokus ng
pansin (scientist, theorist, writer)
 Interpersonal- ay may kapangyarihan na makapansin ng mga bagay tungkol sa ibang mga tao na
lampas sa kung ano ang namamahala sa ating mga pandama. (psychologist, philosopher, counselor,
salesperson, politician)
 Existential- they have the ability to delve into deeper questions about life and existence, they
contemplate the BIG questions about topics such as the meaning of life (pastor, philosopher o
mapagmaalam, theologian o mga naniniwala sa mga religious belief)

2. Kasanayan o Skills- ay maituturing na mahalagang salik sa paghahanda sa iyong pipiliing track o


kurso. Ang mga kasanayang ating tinutukoy ay ang mga bagay kung saan tayo ay mahusay o magaling. Ito
ay madalas na iniuugnay sa salitang abilidad, kakayahan (competency)o kahusayan (proficiency).

3. Hilig- Nasasalamin ito sa mga paboritong gawain na nagpapasaya sa iyo dahil gusto mo at buo ang
iyong puso na ibigay ang lahat ng makakaya nang hindi nakakaramdam ng pagod o pagkabagot.
Hinati ng sikolohistang si John Holland sa anim na kategorya ang mga Job, Careers, Work
Environments.

 Realistic- ang taong nasa ganitong interes ay mas nasisiyahan sa pagbuo ng mga bagay gamit ang
kanilang malikhaing kamay o gamit ang mga kasangkapan kaysa makihalubilo sa mga tao at
makipagpalitan ng opinyon. Ang mga taong realistic ay matapang at praktikal, at mahilig sa mga
gawaing outdoor.

Halimbawa ng mga trabaho: Forester, radio operator,auto engineer, mechanical engineer, dental
technician, locksmith, tailor, surveyor

 Investigative- ang mga trabahong may mataas na impluwens rito ay nakatuon sa mga gawaing pang-
agham. Ang mga taong nasa ganitong interes ay mas gustong magtrabaho nang mag- isa kaysa
gumawa kasama ang iba. Sila ay mayaman sa ideya at malikhain sa mga kakayahang pang- agham,
isa na rito ang pananaliksik.

Halimbawa ng mga trabaho: chemist, botanist, biochemist, math teacher, internist, biologist, bacteriologist,
optometrist, computer operator, computer analyst, surgeon, dentist, weather observer
 Artistic- ang mga tong may mataas na interes dito ay mailalarawan bilang malaya at malikhain,
mataas ang imahinasyon at may malawak na isipan. Nais nila ang mga gawaing may kaugnayan sa
wika, sining, musika, pag- arte at pagsulat.

Halimbawa ng mga trabaho: language teacher, journalist, drama teacher, dancing teacher, art teacher,
entertainer, furniture designer, orchestra conductor, writer, editor, interior decorator, fashion model,
composer, musician

 Social- ang mga nasa ganitong grupo ay kakikitaan ng pagiging palakaibigan, popular, at responsable.
Madalas na interesado sila sa mga talakayan ng mga problema o sitwasyon ng iba at mga katulad na
gawain, kung saan mabibigyan sila nng pagkakataong magturo, magsalita, manggamot, tumulong at
mag- asikaso.

Halimbawa ng mga trabaho: teaching, social welfare, counseling, social service, business agent, physical
education teacher, food service manager, employment representative, sales manager

 Enterprising- likas sa mga taong nasa ganitong grupo ang pagiging mapanghikayat, mahusay
mangumbinsi ng iba para sa pagkamit ng inaasahang target o goals. Ang mga taong may mataas na
interes dito ay madalas na na masigla, nangunguna at may pagkukusa.

Halimbawa ng mga trabaho: sales and marketing field, banker, lawyer, judge, government official,
securities salesperson, human resource recruiter, branch manager, contractor

 Conventional- ang mga grupo o pangkat ng mga taong may mataas na interes dito ay naghahanap ng
mga panuntunan at direksiyon; kumikilos sila nang ayon sa tiyak na inaasahan sa kanila. Sila ay
maaaring mailarawan bilang matiyaga, mapanagutan at mahinahon. Masaya sila sa gawaing tiyak,
may sistemang sinusunod, maayos ang mga datos at organisado ang record.

Halimbawa ng mga trabaho: administrative, business teacher, finance expert, accountant, timekeeper,
payroll clerk, bookkeeper, cashier, secretary, library assistant, office worker

4. Pagpapahalaga- ito ay mga taong nagpapamalas ng pagsisikap na abutin ang ang mga ninanais sa
buhay at makapaglingkod nang may pagmamahal sa bayan bilang pakikibahagi sa pag unlad ng ating
ekonomiya. Ang mga pagpapahalaga ay may kalakip na kaalaman at pagsasanay.

5. Mithiin- kalakip ng pagkamit ng mithiin sa buhay ay ang pagkakaroon ng matibay na personal na


pahayag ng misyon sa buhay. Hindi lamang dapat umiral sa iyo ang hangaring magkaroon ng mga
materyal na bagay at kaginhawaan sa buhay, kailangan ay isipin rin ang pakikibahagi para sa kabutihang
panlahat.

MGA LAYUNIN SA PAGPILI NG TAMANG TRACK O KURSO

Una, ang pagkakaroon ng makabuluhang hanapbuhay. Dito, hindi lamang makatutulong na maiangat ang
antas ng iyong buhay dahil sa magandang kita o sweldong kalakip nito kundi ang halaga ng pagkamit ng
iyong kaganapan mula sa kasiyahang nakukuha at pagpapahalaga sa iyong paggawa. Mas lalo mong
naibibigay ang iyong kahusayan dahil ang talento, kasanayan, at interes ang iyong puhunan.

Pangalawa, tataglayin mo ang katangian ng isang produktibong manggagawa. Ang produktibong


manggagawa ay masasabing isang asset ng kaniyang kompanya o institusyon na kinabibilangan. Katulong
siya sa pagpapaunlad ng mga programa at adhikain ng kaniyang pinagtatrabahuhan tungo sa sama-
samang paggawa.

Pangatlo, kung masisiguro ang pagiging produktibo sa iyong mga gawain, ikaw rin ay nakikibahagi sa
pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa. Naipamamalas ito sa pamamagitan ng tamang pamamahala ng
oras sa pagtapos ng gawain, pagpasa ng mga proyekto sa takdang- araw, paggamit ng teknolohiya para
sa mabilis na produksiyon, at maayos na pakikitungo sa iba at naaabot mo ang iyong itinakdang layunin.
Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay

Ang personal na pahayag ng misyon sa buhay ay katulad din ng isang motto na nagsasalaysay
kung paano mo ninanais na dumaloy ang iyong buhay. Ito ay batayan mo sa iyong gagawin na mga
pagpapasiya sa araw- araw. Nagsisilbi itong simula ng matatag na pundasyon sa pagkakaroon mo ng
sarling kamalayan at mataas na pagpapapahalaga sa iyong mga layunin sa buhay.

Sa pagbuo ng PPMB, dapat na masasagot nito ang mga katanungang:


1. Ano ang layunin ko sa buhay?
2. Ano- ano ang aking mga pagpapahalaga?
3. Ano ang mga nais kong marating?
4. Sino ang mga tao na maaari kong makasama at maging kaagapay sa aking buhay?

Ayon kay Stephen Covey sa kaniyang aklat na Seven Habits of Highly Effective People, 〝begin
with the end in mind". Nararapat na ngayon pa lamang ay malinaw na sa iyong isip ang isang malaking
larawan kung ano ang nais mong mangyari sa iyong buhay. Mahalagang kilalanin mong mabuti ang iyong
sarili at suriin ang iyong katangian, pagpapahalaga, at layunin. Mag- isip ng nais mong mangyari sa
hinaharap at magpasiya sa direksiyon na iyong tatahakin sa iyong buhay upang matiyak na ang bawat
hakbang ay patungo sa mabuti at tamang direksiyon.

Ayon kay Covey, nagkakaroon ng kapangyarihan ang misyon natin sa buhay kung ito ay:
1. Mayroong kaugnayan sa kaloob- looban ng sarili upang mailabas ang kahulugan niya bilang isang tao.
2. Nagagamit at naibabahagi nang tama at may kahusayan bilang pagpapahayag ng atin pagka-
bukodtangi.
3. Nagagampanan nang may balanse ang mga tungkulin sa pamilya, trabaho, pamayanan at iba pa.
4. Isinulat upang magsilbing inspirasyo, hindi upang ipagyabang sa iba.

Ang misyon ay hindi lamang para kumita ng pera, maging mayaman o maging kilala o tanyag. Ang tunay
na misyon ay ang maglingkod. Ang paglilingkod sa Diyos at sa kapuwa ang magbibigay sa tao ng tunay
na kaligayahan.

Misyon- ay ang hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kaniya tungo sa kaganapan. Ito ay
pagtupad sa isang trabaho o tungkulin nang buong husay, na may kasamang kasipagan at pagpupunyagi.

Bokasyon- ay galing sa salitang Latin na vocatio, ibig sabihin ay 〝calling o tawag". Ito ay malinaw na ang
bawat tao ay tinawag ng Diyos na gampanan ang misyon sa ipinagkaloob Niya sa atin. Ito ay mahalaga sa
pagpili ng propesyong akademik, teknikal- bokasyonal, sining at disenyo, at isports pagkatapos ng Senior
High School.

Sa paggawa nito isaalang- alang ang kraytiryang SMART, ibig sabihin, Specific, Measurable, Attainable,
Relevant, Time Bound. Ito ay mahalaga upang maging kongkreto sa iyo ang tatahakin sa iyong buhay.

Tiyak (Specific). Kailangan ang lahat ng isususlat mo dito ay ispisipiko. Kung kaya't mahalaga na magnilay ka
upang makita mo ang nais mong tahakin. Hindi makatutulong sa iyo kung pabago- bago ka ng iyong nais.
Kailangan mong siguraduhin ang iyong gagawin.

Nasusukat (Measurable). Nasusukat mo ba ang iyong kakayahan? Kailangan na ang isusulat mo sa iyong
PPMB ay kaya mong gawin at isakatuparan. Dapat mo ring pagnilayang mabuti kung ito ba ay tumutugma sa
iyong mga kakayanan bilang isang tao dahil kung hindi, baka hindi mo rin matupad

Naaabot (Attainable). Tanungin ang sarili. Makatotohanan ba ang PPMB? Kaya ko bang abutin o gawin ito?
Mapanghamon ba ito?

Angkop (Relevant). Angkop ba ito para makatugon sa pangangailangan ng iyong kapuwa? Isa ito sa
kinakailangan mong tingnan at suriin. Dito ay kailangang ituon mo ang iyong isip na ang buhay ay kailangan na
ibahagi sa iba.

Nasusukat ng Panahon (Time Bound). Kailangan na magbigay ka ng takdang panahon o o oras kung kailan
mo maisasakatuparan ang iyong isinulat. Ito ang magsasabi kung ang personal na pahayag ng misyon sa buhay
ay iyong nagawa o hindi. Kailangan rin na itakda ito kung pangmatagalan o pangmadalian lamang upang
maging gabay mo ito sa iyong mga pagpaplano at pagpapasiyang gagawin.

You might also like