You are on page 1of 15

Talento mo, Tuklasin,

Kilalanin at Paunlarin
Mga Paraan ng Paglinang ng Talento
Mga Paraan ng Paglinang ng Talento
Mga Paraan ng Paglinang ng Talento
Mga Paraan ng Paglinang ng Talento
Tuklasin at Pauunlarin ang Talento at
Kakayahan ng Tao

 Ang talento ay isang likas na kakayahan na kailangang tuklasin at paunlarin.


 Ayon sa tradisyonal na pananaw ng sikolohiya,ang talino ay masusukat sa galing sa paggamit
ng numero (mathematical), wika (language) at pagsusuri (analysis) ng pagkakapareho at
pagkakaiba ng mga elemento.
 Nasusukat ang ganitong uri ng talino sa paggamit ng mga pagsusulit na pasulat o intelligence
tests.
 Ayon kay Dr.Howard Gardner ng Harvard University , siya ay naniniwalang may iba pang
paraan upang maipapahayag ang talino ng tao. Sa kaniyang Theory of Multiple Intelligences,
iminungkahi niya ang siyam (9) na uri o kategorya ng talino.
1. Talinong Pang-espasyo o Biswal
(Visual/Spatial)

 Matalas magmasid sa pagtingin sa mga elemento sa kabuuan


(holistic o gestalt) sa mahusay at magandang paggamit sa
mga espasyo (spaces) sa pamamagitan ng sukat, linya, iba’t
ibang kulay at mga bagay-bagay. Malakas ang ganitong uri
ng talino sa mga gawain ng mga arkitekto, pintor, eskultor,
navigator, manlalaro ng chess, make-up artist o beautician at
marami pang iba. Gamitin ang malikhaing kaisipan upang
mas malinang ang talinong ito sa gawaing pagguhit,
pagpinta, pagkukulay at pagdidisenyo.
2. Talinong Pangwika (Verbal/Linguistic)

 May kahusayan sa paggamit ng isang wika (pagsulat o pasalita).


Kadalasan ang mga taong may taglay na talinong ito ay mahusay
sa pagbabasa, pagsulat, pagkuwento, at pagmemorya ng mga
salita at mahahalagang petsa. Mas madali siyang matuto kung
nagbabasa, nagsusulat, nakikinig, o nakikipagdebate. Mahusay
siya sa pagpapaliwanag, pagtuturo, pagtatalumpati, o pagganyak
sa pamamagitan ng pananalita.
3. Talinong Matematikal/ Lohical
(Mathematical/Logical)

 Taglay ng taong may talino nito ay mabilis ang pagkakatuto sa pamamagitan


ng pangangatwiran at paglutas ng suliranin (problem solving). Ito ay may
kaugnayan sa lohika, paghahalaw at numero. Ang talinong ito ay may
kinalaman sa kahusayan sa numero, chess, computer programming at iba
pang kaugnay na gawain. Gayunpaman, mas malapit ang kaugnayan nito sa
kakayahan sa siyentipikong pag-iisip at pagsisiyasat, pagkilala ng abstract
patterns at kakayahang magsagawa ng mga nakalilitong pagtutuos.
Halimbawa-ang mga taong may ganitong talino ay:scientists, engineers,
computer experts, accountants, statisticians, researchers, analysts, traders,
bankers, bookmakers, insurance brokers, negotiators, deal-makers, trouble-
shooters at directors.
4. Talinong Pangkatawan (Bodily/ Kinesthetic)

 Ang taong may ganitong talino ay natututo sa pamamagitan ng mga


kongkretong karanasan o interaksiyon sa kapaligiran. Mas natututo siya
sa paggamit ng kaniyang katawan, tulad ng pagsasayaw o paglalaro. Sa
kabuuan, mahusay siya sa pagbubuo at paggawa ng mga bagay gaya ng
pagkakarpintero. Mataas ang tinatawag na muscle memory ng mga taong
may ganitong talino.Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay:
dancers, demonstrators, actors, athletes, divers, sports-people, soldiers,
fire-fighters, performing artists, ergonomists, fishermen, drivers, crafts-
people, gardeners, chefs, acupuncturists, healers at adventurers.
5. Talinong Pangmusika/Ritmo
(Musical/Rhythmic)

 Ang taong nagtataglay ng ganitong talino ay magaling sa


ritmo o musika. May kahusayan din sila sa paggamit ng iba’t
ibang instrumentong pangmusika. Halimabawa ng may
ganitong talino: musicians, singers, composers, DJ's, music
producers, piano tuners, acoustic engineers, entertainers,
party-planners at voice coaches
6. Intrapersonal

 Sa talinong ito, ang tao ay natututo sa pamamagitan ng


damdamin, halaga, at pananaw. Ito ay kaugnay ng kakayahang
magnilay at masalamin ang kalooban. Karaniwang ang taong
may ganitong talino ay malihim at mapag-isa o introvert.
Mabilis niyang nauunawaan at natutugunan ang kaniyang
nararamdaman at motibasyon. Malalim ang pagkilala niya sa
kaniyang angking talento, kakayahan at kahinaan. At lahat ng tao
na nasa proseso ng pagbabago ng pang-unawa sa sarili, sa
paniniwala, at mga gawain na may kinalaman sa sarili, sa iba at
sa komunidad na kaniyang ginagalawan.
7. Talinong Pakikipagkapuwa (Interpersonal)

 Ang talinong ito ay sa interaksiyon o pakikipag-uganayan sa ibang tao. Ito ang


kakayahan na makipagtulungan at makiisa sa isang pangkat. Ang taong
nabibilang dito ay kadalasang bukas sa kaniyang pakikipagkapwa o extrovert. 6
Siya ay sensitibo at mabilis na nakatutugon sa pagbabago ng damdamin,
motibasyon at disposisyon sa kapuwa. Mahusay siya sa pakikipag- ugnayan
nang may pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba. Siya ay epektibo bilang
pinuno o tagasunod. Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay:
therapists, HR professionals, mediators, leaders, counsellors, politicians, sales-
people, clergy,psychologists, teachers, doctors, healers, organizers, advertising
professionals at coaches.
8.Talinong Pang-eksistensiyal (Existentialist)

 Ang talinong ito ay sa pagkilala sa pagkakaugnay ng lahat sa


daigdig. “Bakit ako nilikha?” “Saan ako nanggaling?” Ano ang
papel na ginagampanan ko sa mundo?”. Ang talinong ito ay
naghahanap ng paglalapat at makatotohanang pag-unawa ng
mga bagong kaalaman sa mundong ating ginagalawan.
Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay mga
pilosopo, theorisst, mga pari o pastor at scientists.
9. Talinong Pangkapaligiran/Pangkalikasan
(Naturalist)

 Ang talinong ito ay sa pag-uuri, pagpapangkat at


pagbabahagdan. Madali niyang makilala ang mumunti mang
kaibahan sa kahulugan (definition). Hindi lamang ito angkop sa
pag-aaral ng kalikasan kundi sa lahat ng larangan. Halimbawa
ng may ganitong talino ay Botanisst, farmers, environmentalists,
mga mangingisda at minero.

You might also like