You are on page 1of 1

TALENTO

Sa Webster Dictionary, ang talento ay ginagamit na kasingkahulugan ng biyaya at kakayahan. Ito ay likas na kakayahan na kailangan
tuklasin at paunlarin. Tulad ng biyaya, dapat itong ibahagi sa iba.
Ayon naman kina Thorndike at Bamhart (sa kanilang “Beginning Dictionary”), ang talento ay isang pambihira at likas na kakayahan. Sa
kabilang dako, ang kakayahan ay kalakasang intelektuwal (Intellectual power).

MULTIPLE INTELLIGENCES (Dr. Howard Gardner, 1983)

1. Visual / Spatial – mabilis matuto sa pamamagitan ng paningin at pag-aayos ng ideya. Ang larangan na angkop sa talinong ito ay sining,
arkitektura at inhinyera.
2. Verbal / Linguistic – ito ay talino sa pagsulat o pagbigkas ng salita. Mahusay sa pagbasa, pagsulat, pagkuwento, at pagmememorya. Ang
larangan ng talinong ito ay pagsulat, abogasya, pamamhayag, politika, pagtula at pagtuturo.
3. Mathematical / Logical – mabilis na matuto sa pamamagitan ng pangangatuwiran at paglutas ng suliranin. Ang larangang kaugnay nito ay
ang pagiging scientist, mathematician, inhinyero, doctor at ekonomista.
4. Bodily / Kinesthetic – natututo gamit ang kanyang katawan. Tulad halimbawa ng pagsasayaw o paglalaro. Ang talinong ito ay may
kaugnayan sa pagsasayaw, isport, musikero, pagpupulis, pagsusundalo, doctor.
5. Musical / Rhythmic – natututo sa pamamagitan ng pag-uulit, ritmo o musika. Ang taong may taglay nito ay likas na matagumpay sa
pagiging musician, kompositor o disk jockey.
6. Intrapersonal – sa talinong ito, natututo ang tao sa pamamagitan ng damdamin, halaga at pananaw. Malihim at mapag-isa. Ang larangang
kaugnay nito ay pagiging researcher, manunulat ng mga nobela o negosyante.
7. Interpersonal – ito ang talino sa interaksyon o pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Bukas sa pakikipagkapwa. Matagumpay sa larangan ng
kalakalan, politika, pamamahala, pagtuturo o edukasyon at social worker.
8. Naturalist – ito ang talino sa pag-uuri, pagpapangkat at pagbabahagdan. Kadalasan ang taong mayroon ganitong talino ay nagiging
environmentalist, magsasaka o botanist.
9. Existential – ito ay talino sa pagkilala sa pagkakaugnay ng lahat sa daigdig.“Bakit ako nilikha?”, “Ano ang papel na gagampanan ko sa
mundo?”, “Saan ang lugar ko sa aking pamilya, sa paaralan, sa lipunan?” Kadalasan ang taong may ganitong talino ay masaya sa
pagiging philosopher o theorist.

You might also like