You are on page 1of 3

Tiwala sa Sarili

para sa
Pag-unlad ng Talento
at Kakayahan
TALENTO AT KAKAYAHAN

Ayon sa Webster Dictionary, ang talento ay kasingkahulugan ng biyaya at


kakayahan na kung saan ito ay likas na kakayahan na kailangang tuklasin at
paunlarin. At tulad ng isang biyaya, dapat itong ibahagi sa iba.
Ayon naman kina Thorndike at Barnhart, mga sikolohista, mula sa kanilang
“Beginning Dictionary”, ang talento ay isang pambihira at likas na kakayahan.
Samantalang ang kakayahan ay kalakasang intelektuwal (intellectual power)
upang makagawa ng isang pambihirang bagay gaya ng kakayahan sa musika o
sa sining.
Ayon sa mga sikolohista, ang talento ay may kinalaman sa genetics o
pambihirang katangiang minana sa mga magulang. Samantalang ang
kakayahan ay likas o taglay ng tao dahil sa kaniyang intellect o kakayahang
mag-isip. Halimbawa rito ay si Brian Green, isang atleta na naniniwala sa
teoryang ito. Naniniwala siya na, “ang pagtutuon ng atensiyon nang marami sa
talento sa halip na sa kakayahan ay isang hadlang tungo sa pagtatagumpay.”
Si Sean Covey ay nagbahagi tungkol sa pagtuklas ng talento sa kaniyang
aklat na Seven Habits of Highly Effective Teens, naniniwala siya na bawat tao
ay may talento at kakayahan. Magkakaiba nga lamang ng paraan ng pag-
usbong ng talento sapagkat bawat tao ay may kaniya-kaniyang panahon ng
pagsibol, ang iba ay tinatawag na late bloomer. Kaya dapat tandaan, espesyal
ka dahil ikaw ay likha ng Diyos.

Bakit kailangan nating tuklasin ang ating mga talento at kakayahan?


Ang ating mga kakayahan at talento ay taglay na natin buhat nang tayo’y
isilang. Subalit tayo ang gagawa ng paraan upang tuklasin ang mga ito.
Kailangan nating ibuhos ang ating atensyon, panahon, lakas at talino. Sa
pamamagitan nito matutuklasan natin ang ating mga talento o kakayahan at ang
hangganan ng mga ito.
Si Dr. Howard Gardner ay bumuo ng teorya noong 1983, ito ang Theory of
Multiple Intelligences. Ayon sa teoryang ito, ang mas angkop na tanong ay “Ano
ang iyong talino?” at hindi ang “Gaano ka katalino?” Ayon kay Gardner, ang
bawat tao ay may iba’t-ibang talino o talento.

THEORY OF MULTIPLE
INTELLIGENCES (Dr.
Howard Gardner)

1. Visual/Spatial
2. Verbal/Linguis tic
3.Mathematical/Logical
4 . Bodily/Kinesthetic
5 . Musical/Rhythmic
6 . Intrapersonal
7. Interpersonal
8. Existent ial
9. Naturalist

1. VISUAL/SPATIAL - mabilis matuto sa pamamagitan ng paningin at pag-


aayos ng mga ideya.
Larangang tinatahak: sining, arkitektura at inhinyero

2. VERBAL/LINGUISTIC - talino sa pagbigkas o pagsulat ng salita. Kadalasan


ang mga taong may taglay na talinong ito ay mahusay sa pagbabasa,
pagsusulat, pagkukuwento, at pagmememorya ng mga salita at mahalagang
petsa.
Larangang tinatahak: abogasya, pamamahayag, politika, pagtula at pagtuturo

3. MATHEMATICAL/LOGICAL – mabilis na pagkatuto sa pamamagitan ng


pangangatuwiran at paglutas ng suliranin (problem solving).
Larangang tinatahak: scientist, mathematician, inhinyero, doktor at
ekonomista
4. BODILY/KINESTHETIC - natututo sa pamamagitan ng mga kongkretong
karanasan o interaksiyon sa kapaligiran. Mas natututo siya sa pamamagitan
ng paggamit ng kaniyang katawan, tulad ng pagsasayaw o paglalaro
Larangang tinatahak: pagsasayaw, isports, pag-aartista, pagiging doktor (lalo
na sa pag-oopera), konstruksyon, pagpupulis at pagsusundalo

5. MUSICAL/RHYTHMIC - natututo sa pamamagitan ng pag-uulit, ritmo o


musika. Hindi lamang ito pagkatuto sa pamamagitan ng pandinig kundi pag-
uulit ng isang karanasan. Larangang tinatahak: musician, kompositor o disc
jockey

6. INTRAPERSONAL - natututo sa pamamagitan ng damdamin, halaga at


pananaw. Ito ay talino kaugnay ng kakayahang magnilay at masalamin ang
kalooban. Larangang tinatahak: researcher, manunulat ng nobela o
negosyante
7. INTERPERSONAL - talino sa interaksiyon o pakikipag- ugnayan sa ibang tao.
Larangang tinatahak: nagiging matagumpay sa kalakalan, politika,
pamamahala, pagtuturo o edukasyon at social work

8. EXISTENTIAL - talino sa pagkilala sa pagkakaugnay ng lahat sa daigdig.


“Bakit ako nilikha”? “Ano ang papel na ginagampanan ko sa mundo?”
Larangang tinatahak: masaya sa pagiging philosopher o theorist

Ang Teorista (Theorist) ang binibigyang pansin nito ay ang pagbibigay ng


malinaw na paliwanag tungkol sa mga pinagmumulan ng mga bagay-bagay sa
paligid.

9. NATURALIST - talino sa pag-uuri, pagpapangkat at pagbabahagdan.


Larangang tinatahak: environmentalist, magsasaka, botanist at zoologist

Magkakaroon tayo ng tiwala sa sarili kung hindi tayo umaasa sa opinyon o


paghuhusga sa atin ng ibang tao. Nawawala ito kung wala tayong matibay na
kaalaman tungkol sa ating angking mga talento at kakayahan. Kung hindi
natin kilala ang ating sarili, aasa na lamang tayo sa sinasabi ng iba at sila ang
magdidikta sa atin ng ating mga kakayahan at limitasyon. Kung nasisiyahan
sila sa ating ikinikilos, papupurihan nila tayo, kung hindi naman ay maaaring
bansagan tayong mahina o walang alam. Kung hindi natin kilala ang ating
sarili, wala tayong magagawa kundi tanggapin na lamang ang kanilang mga
tawag o bansag sa atin.

You might also like