You are on page 1of 9

Cathedral School of La Naval, Inc.

Naval, 6560 Biliran Province


Telefax: (053) 507-9168; csnlanaval1990@gmail.com

I. PAKSA

PAGPAPAUNLAD NG MGA TALENTO AT KAKAYAHAN

Bago tayo magsimula, humingi tayo ng gabay sa ating Panginoon.

Panginoon, maraming salamat po sa ibinigay ninyong panibagong pagkakataon upag kami ay matuto.
Gawaran mo kami ng isang bukas na isip upang maipasok naming ang mga itinuturo sa amin at
maunawaan ang mga aralin na makatutulong sa amin sa pagtatagumpay sa buhay na ito. Amen.

II. MGA LAYUNIN

Sa pamamagitan ng Learning Activity Sheet na ito, ikaw ay inaasahang


matutuhan ang mga sumusunod:
Natutukoy ang sariling mga talento at kakayahan
Napatutunayan na ang pagtuklas at pagpapaunlad ng talento at
kakayahan ay mahalaga;
Naisasagawa ang mga gawaing angkop sa pagpapaunlad ng
sariling talento at kakayahan.

III. PANIMULANG GAWAIN

Naalala mo pa ba kung ano ang ating tinalakay sa unang talakayan natin? Tama,
ang tinalakay natin ay tungkol sa pagkilala at pamamahala sa pagbabago sa sarili.
Ngayon naman may bago na naman tayong matututunan. Handa ka na ba?
Ngunit bago natin simulan ang ating talakayan ngayon, libangin muna natin ang
iyong isipan. Bigyang pansin ang mga larawan sa ibaba, tukuyin kung ano at sino-
sinu sila gamit ang iyong isipan.

Gawain 1

Sa iyong aklat pahina 60-61, gawin ang Gawain A. Ang Aking Puno ng mga Talento
at Kakayahan. Punan mo ang dayagram. Ilagay ang sagot sa iyong kwaderno sa ESP, i-
guhit ang puno sa iyong kwaderno at sagutan. Maging malikhain sa iyong activity.

1 All right reserved. Only Bonafede learner of Cathedral School of La Naval, Inc. in High school can reproduce these
materials. Unauthorized person is liable to CSN Inc. for Intellectual Property Code 8293 and Republic Act 10175 or the
Cybercrime law.
IV. GAWAIN SA PAGKATUTO

TALENTO at KAKAYAHAN……. Pareho lang ba sila? Ayon kay Thorndike at


Barnhart,
 Ang talento ay isang pambihira  Samantala ang kakayahan ay
at likas na kakayahan. kalakasang intelelektuwal
 Ang talento ay isang likas na (intellectual power) upang
kakayahan. makagawa ng isang pambihirang
 Kadalasan, ang talento ay bagay tulad ng kakayahan sa
naiuugnay sa genetics o musika o kakayahan sa sining.
pambihirang katangiang minana  Ang kakayahan naman ay likas
sa magulang. na tinataglay ng tao dahil na rin
sa kaniyang intellect o
kakayahang mag-isip.

Ayon kay Sean Covey, ang bawat tao ay may talento at kakayahan. Kadalasan nga
lamang ay di ito nabibigyan ng pansin ngunit ito ay mahalaga. Ayon kay Brian Green
naman, mas mahalagang bigyan ng tuon ang kakayahan magsanay araw-araw at
magkaroon ng komitment sa pagpapahusay sa taglay ng talento.
Ang bawat tao ay may kanya kanyang panahon ngpagsibol lalo na ng mga tinedyer.
Ang iba ay tinanatawag na late bloomer. Kaya hindi dapat ikasira ng loob ang sa tingin
natin ay napakasimple nating kakayahan. At dapat nating tandaan, tayo ay espesyal
dahil tayo ay nilikhang kawangis ng Diyos.
Isang napakahalagang teorya ang binuo ni Dr. Howard Gardner noong 1983 ang teorya
ng “Multiple Intelligences”. Ayon sa teoryang ito, ang mas angkop na tanong ay “Ano
ang iyong talino?” at hindi, “Gaano ka katalino?” Ayon kay Gardner, bagamat lahat ng
tao ay may angking likas na kakayahan, iba’t iba ang talino o talento. Ang mga ito ay:
1. Visual Spatial - mabilis matuto sa pamamagitan ng paningin at pag-aayos ng
mga ideya.
Larangang tinatahak: sining, arkitektura at enhinyero.
Tulad ng mga enhenyero, magagawa lamang nila ang isang gusali o bahay
kapag may tinitignan silang plano kung paano ito gagawin at mga listahan ng
kakailanganing mga gamit.

2. Verbal/Linguistic -talino sa pagbigkas o pagsulat ng salita. Kadalasan ang mga


taong may taglay na talinong ito ay mahusay sa pagbasa, pagsulat,
pagkukwento, at pagmememorya ng mga salita at mahalang petsa.
Larangang tinatahak: abogasya, pamamahayag, politika, pagtula at pagtuturo.
Halimbawa nito ay ang mga guro, na may husay sa pagtuturo at humarap sa
mga mag-aaral. May sapat na kaalaman sa paksa na kanilang ibinabahagi
araw-araw.
3. Mathematical/Logical – mabilis na pagkatuto sa pamamagitan ng
pangangatuwiran at paglutas ng suliranin (problem solving).
Larangang tinatahak: pagiging scientist, mathematician, inhenyero, doctor at
ekonomista.
Tulad ng mga guro natin sa Matematika, may sapat na kaalaman sa
pagbibilang at paglutas ng mga suliraning pang-matematika.

2 All right reserved. Only Bonafede learner of Cathedral School of La Naval, Inc. in High school can reproduce these
materials. Unauthorized person is liable to CSN Inc. for Intellectual Property Code 8293 and Republic Act 10175 or the
Cybercrime law.
4. Bodily Kinesthetic – natuto sa pamamagitan ng mga kongkretong karanasan o
interaksiyon sa kapaligiran. Mas natututo siya sa pamamagitan ng paggamit ng
kaniyang katawan, tulad halimbawa ng pagsasayaw o paglalaro.
Larangang tinatahak: pagsasayaw, sports, pagiging musikero, pag-aartista,
pagiging doctor (lalo na sa pag-oopera), konstruksyon, pagpupulis, at
pagsusundalo.

Si Manny Pacquiao ay mula sa simpleng pamilya lamang, ang husay niya sa


pagboboksing ang naging dahilan kaya siya tinawag na “PacMan” at umani ng
napakaraming panalo para sa bansang Pilipinas at tinagurian siyang “World
Champion.”

5. Musical/Rhythmic – natututo sa pamamagitan ng pag-uulit, ritmo o musika.


Hindi lamang ito pagkatuto sa pamamagitan ng pandinig kundi pag-uulit ng isang
karanasan.
Larangang tinatahak: musician, kompositor, o disc jockey.
Isa si Lea Salonga sa mahuhusay nating mang-aawit sa bans ana naging sikat
din sa ibang bansa. Umawit ng ilang kanta sa Miss Saigon, Les Misérables,
Aladdin, Mulan, at Flower Drum Song.

6. Intrapersonal – natuto sa pamamagitan ng damdamin, halaga at pananaw. Ito


ay talino sa kaugnay ng kakayahang magnilay at masalamin ang kalooban.
Larangang tinatahak: researcher, manunulat ng nobela, o negosyante.
Tulad ng mga Sikolohista (Psychologist) na nagpapakadalubhasa na ang
binibigyang-pansin ay ang kilos at asal ng mga tao.

7. Interpersonal – talino sa interaksiyon o pakikipag-ugnayan sa ibang tao.


Larangang tinatahak: nagiging matagumpay sa kalakalan, politika, pamamahala,
pagtuturo o edukasyon at social work.
Si Mother Teresa ay naglaan ng kanyang buhay bilang isang Albanian-Indian
misyonera at madre. Binigyang-halaga ang pagtulong sa mga mahihirap, may
kapansanan, walang tirahan at walang makain lalo na ang mga may sakit.
Setyembre 4, 2016, sab isa ng basbas ng Santo Papa Francisco ay idineklara
bilang Santa Teresa ng Calcutta.

8. Existential – talino sa pagkilala sa pagkakaugnay ng lahat sa daigdig. Bakit ako


nilikha”? Ano ang papel na ginagampanan ko sa mundo”?
Larangang tinatahak: masaya sa pagiging philosopher o theorist.

Teorista (Theorist) na ang binibigyang-pansin ay ang pagbibigay ng malinaw na


paliwanag tungkol sa mga pinagmumulan ng mga bagay-bagay sa paligid.

9. Naturalist – talino sa pag-uuri, pagpapangkat at pagbabahagdan.


Larangang tinatahak: environmentalist, magsasaka, o botanist.

Mga tao na mahilig mag-alaga ng mga halaman, mga nangangalaga sa


kalikasan at hayop. Ang mga magsasaka na nagtatanim ng palay at iba’t ibang
gulay na magsisilbing pagkain ng mg mamamayan.

3 All right reserved. Only Bonafede learner of Cathedral School of La Naval, Inc. in High school can reproduce these
materials. Unauthorized person is liable to CSN Inc. for Intellectual Property Code 8293 and Republic Act 10175 or the
Cybercrime law.
Lahat tayo ay may kakayahan at talento sa buhay. Ngunit paano natin ito tinutuklas at
pinagyayaman?

TALENTO KAKAYAHAN

MAPAGYAMAN AT MAPAUNLAD

Likas ang mga talento at kakayahan ngunit kailangang paunlarin ang mga ito sa
pamamagitan nga pagsasanay.
Ayon kay Professor Erickson at kaniyang grupo, dalawang mahalagang bagay ang
kanilang natuklasan:
1. Una, kadalasan di sapat ang likas na kakayahan upang maging bihasa at
matagumpay sa anumang larangan. Ang kanilang pagtatagumpay at kahusayan ay
bunga ng masusi at matamang pagsasanay.
2. Ikalawa, mahalaga rin na tayo ay may interes o hilig sa ating larangang pinasok.
Dapat tayo ay masaya sa ating ginagawa. Inspirasyon o motibasyon na lampas o
higitan pa an gating natural na kakayahan.
Marahil narining mo na ang mga sumusunod:

Magtiwala ka sa Friend, kaya mo Ikaw pa, yakang Friend, kaya mo


iyong sarili. yan. yaka mo yan. yan.

4 All right reserved. Only Bonafede learner of Cathedral School of La Naval, Inc. in High school can reproduce these
materials. Unauthorized person is liable to CSN Inc. for Intellectual Property Code 8293 and Republic Act 10175 or the
Cybercrime law.
Tiwala sa sarili? Ano nga ba ang ibig sabihin nito?

 Ang paniniwala sa sariling kakayahan.


 Ito ay tiwala sa sariling kakayahan na matatapos ang isang gawain nang may
kahusayan.

Ilan sa mga bagay na dapat nating malaman sa tiwala sa sarili ay ang sumusunod:
 Ang tiwala sa sarili ay hindi namamana, ito ay natutunan.
 Hindi ito pangkalahatan. Bagkus ay may iba’t ibang antas tayo ng tiwala sa sarili
sa iba’t ibang sitwasyon at gawain.
 Nababago ito sa paglipas ng panahon. Maari itong tumaas o bumaba depende
sa ating mga karanasan sa buhay.
 Hindi ito nakasalalay sa mga bagay na labas sa ating sarili. Gaya halimbawa ng
pagiging mayaman o pagkakaroon nga mga taong nagmamahal sa atin.
Ayon kay Covey:

 “Ang pag-unlad ng mga kakayahan ay nagsisimula sa ating sarili.”


 “Paggawa ng plano o mga hakbang sa pagkamit nito.”

Ang pag-unlad ng mga


kakayahan ay nagsisimula sa
ating sarili.

Pagpapaunlad ng sarili ay Ang paggawa ng plano sa


paggawa ng plano o mga pagpapaunlad ng sarili o “Personal
hakbang sa pagkamit nito. Development Plan”.

Paggawa ng plano sa pagpapaunlad sa sarili:

1. Dapat nating tukuyin kung nasaan na tayo ngayon. Ano ano


ang ating mga kalakasan at kahinaan.
2. Tukuyin kung saan natin nais o kailangang tumungo. Anong
aspeto ang dapat paunlarin. Ano ang dapat unahin.
3. Kailangang lapatan ito ng mga paraan kung paano isasagawa
ang mga pagbabago. Maaring ang pinakamahirap sa bahaging ito
ay ang pagtukoy ng ating kahinaan.

5 All right reserved. Only Bonafede learner of Cathedral School of La Naval, Inc. in High school can reproduce these
materials. Unauthorized person is liable to CSN Inc. for Intellectual Property Code 8293 and Republic Act 10175 or the
Cybercrime law.
Mga paraan upang mapahusay ang talent

1. Pagsasanay
ang pagsasanay ay isang paraan upang mapahusay pa ang iyong talent.
2. Pagsali sa mga paligsahan
maari kang sumali sa ibat ibang programa sa paaralan. Dito mahahasa
ang iyong galing na talento.
3. Ibahagi sa kapwa
tiyakin ang iyong kakayahan ay gagamitin mo sa kabutihan.
4. Pagtulong sa kapwa
kung mahusay ka sa iyong aralin, turuan moa ng iyong kamag-aral na
nahihirapan umintindi.

TANDAAN
Kung hindi natin kilala ang ating sarili, aasa na lamang tayo sa
sinasabi ng iba at sila ang magdidikta sa atin ng ating mga kakayahan
at limitasyon.
Ang tiwala sa sarili ay nawawala kung wala tayong matibay na
kaalaman tungkol sa ating angking mga talent at kakayahan.

Alam kong maraming kang natutunan sa gawaing ito. Dadagdagan natin upang
mapagtibay ang kaalamang natutunan!

V. PAGPAPALAWAK NG KONSEPTO
Gawain: Isa-Isahin
PANUTO: Punan ang talahanayan ayon sa hinihingi nitong kasagutan.

Ibigay ang iba’t ibang Mga talino o kakayahan Sa tapat ng talino ay ang
talino ayon kay Gardner na magagawa mga maaaring maging
(isa lamang) hanapbuhay.
(isa lamang)
1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

9.

VI. PAGPAPAHALAGA

6 All right reserved. Only Bonafede learner of Cathedral School of La Naval, Inc. in High school can reproduce these
materials. Unauthorized person is liable to CSN Inc. for Intellectual Property Code 8293 and Republic Act 10175 or the
Cybercrime law.
Lahat tayo ay may mga kakayahan at talento sa buhay. Para sa iyo paano mo
ito pinagyayaman at pinapaunlad?

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

VII. PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap sa ibaba at piliin mula sa
loob ng kahon ang tamang sagot na kaugnay nito. Isulat ang tamang sagot sa
patlang.
Visual/Spatial verbal/linguistic Mathematical
Intrapersonal Bodily/kinesthetic Musical/rhythmic
Interpersonal Existential Naturalist
_____________________ 1. Ginaya mo ang ginagawa ng batang naglalaro.
_____________________ 2. Si Boy ay magaling sumayaw.
_____________________ 3. Marami tayong kababayan na uwaawit sa ibang bansa at
nagiging sikat.
_____________________ 4. Ang maliliit na bata ay maraming tanong na “bakit” sa
kanyang magulang.
_____________________ 5. Bago ako matulog sa gabi, nagkakaroon ako ng pagsusuri
kung ano ang nagawa ko sa maghapon.
_____________________ 6. Si Anna ang panlaban ng klase sa Matematika.
_____________________ 7. Ang aking ama ay parang kaibigan ng bayan, maraming
bumabati sa kanya sa pag siya ay nakikita dahil na rin sa
kanyang pagiging palabati sa mga tao.
_____________________ 8. Ang mga kamag-aral ko na babae ay magaling tumula.
_____________________ 9. Mahusay magpinta ng kalikasan ang aming kapitbahay
kaya’t naging hanapbuhay niya na rin ito.
_____________________ 10. Ang aking ina ay mahilig mag-alaga ng mga halamang
namumulaklak.

VIII. PAGBUBUOD
Ikaw, ano ang iyong taglay na talento at kakayahan? Kailan mo ito natuklasan? At ano
ang ginawa mo upang mapahusay ito?

7 All right reserved. Only Bonafede learner of Cathedral School of La Naval, Inc. in High school can reproduce these
materials. Unauthorized person is liable to CSN Inc. for Intellectual Property Code 8293 and Republic Act 10175 or the
Cybercrime law.
IX. AKSYON
Gawain: Variety Show

Panuto: Kamo ay papangkatin ng 5 grupo at ipapakita ninyo ang inyong


talento/kakayahan sa pamamagitan ng pag vivideo ng inyong pangkatang
presentasyon at i-send ito sa aking messenger account @ Jessa Marie E
Francisco. Ito ay magsisilbing Performance Task ninyo sa ESP 7.

Rubrics:

Pamantayan Puntos Nakuhang Puntos


Organization 15
Appearance (stage 25
presence)
Preparedness 30
Overall performance 30

Kabuoan 100

Papangkatin ko kayo online. Maghintay lamang ng update ko para sa schedule ng


online meeting natin.

X. MGA BATAYAN
Edukasyon sa Pagpapakato: Ikalimang Baitang. Region Item Bank, Philippines:
Ylander, Zenaida R. 2016. Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon. Quezon
City: Vibal Group, Inc.

XI. PUNA/KOMENTO

Kung mayroong mga katanungan, suhisyon, komento hingil sa

8 All right reserved. Only Bonafede learner of Cathedral School of La Naval, Inc. in High school can reproduce these
materials. Unauthorized person is liable to CSN Inc. for Intellectual Property Code 8293 and Republic Act 10175 or the
Cybercrime law.
Learning Activity Sheet na ito, maaaring magpadala ng mensahe sa
aking messenger account: Jessa Marie E Francisco

“In God’s mercy, We Serve with Joy”

9 All right reserved. Only Bonafede learner of Cathedral School of La Naval, Inc. in High school can reproduce these
materials. Unauthorized person is liable to CSN Inc. for Intellectual Property Code 8293 and Republic Act 10175 or the
Cybercrime law.

You might also like