You are on page 1of 16

EDUKASYON SA

PAGPAPAKATAO 7
Maryl Agojo and Ivy Jane Umandap
OBJECTIVES
Pagkatapos ang aralin ito ang mga bata ay
matututong;
1.Naisasagawa ng mag-aaral ang mga
gawaing angkop sa pagpapaunlad ng
kanyang mga talento at kakayahan.
2.Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-
unawa sa talento at kakayahan.
3.Natutuklasan ang kanyang mga talento at
kakayahan.
Ikaw? Tanungin mo nga ang
iyong sarili kung ano ba ang
iyong talento at kakayahan
na sa tingin mo ay angat ka
sa ibang tao?
Ang talento ay ginagamit na kasingkahulugan ng biyaya at kakayahan.

Ito ay isang likas na kakayahan na kailangang tuklasin at paunlarin.


Tulad ng isang biyaya, dapat itong ibahagi sa iba.”
MGA DAPAT TANDAAN
Talento
-Ayon sa Webster Dictionary, ito ay
ginagamit na kasingkahulugan ng biyaya at
kakayahan. Ito ay isang likas na kakayahan
na kailangang tuklasin at paunlarin. Tulad
ng isang biyaya, dapat itong ibahagi sa iba.
Ayon kina Thorndike at Barnhart, mga
sikolohista, sa kanilang “Beginning Dictionary”,
ang talento ay isang pambihira at likas na
kakayahan. Sa kabilang dako, ang kakayahan ay
kalakasang intelektuwal (intellectual power) upang
makagawa ng isang pambihirang bagay tulad ng
kakayahan sa musika o kakayahan sa sining.
Madalas sinasabi ng mga sikolohista na ang
talento ay may kinalaman sa genetics o mga
pambihirang katangiang minana sa magulang.
Kakayahan
-Ito naman ay likas o tinataglay ng tao dahil na
rin sa kaniyang intellect o kakayahang mag-isip.
Sa gayon, ang kahusayan sa isang larangan ay
ayon sa kaniyang kakayahang intelektuwal. Si
Brian Green, isang atleta, ay isa sa mga
naniniwala sa teoryang ito. Gayunpaman, ayon
sa kaniya ang pagtutuon ng atensiyon nang
marami sa talento sa halip na sa kakayahan ay
isang hadlang tungo sa pagtatagumpay.
Sa kaniyang aklat na 7 Habits of Highly
Effective Teens, napakaganda ng ibinahagi
ni Sean Covey tungkol sa pagtuklas ng
talento. Ayon sa kaniya, bawat tao ay may
talento at kakayahan. Kadalasan nga
lamang ang nabibigyan natin ng pansin ay
yaong mga makaaagaw atensiyon tulad ng
mala anghel na pag-awit o ang makapigil
hiningang pag-ikot pataas ng isang siklista.
Maraming mga kakayahan na bagamat di napapansin ay mahalaga
tulad ng:

• kakayahang patawanin ang iba



kakayahang making

gumuhit

magsulat ng tula

maging mapagbigay

mapagpatawad o maging kaibig-ibig sa iba.
Walang takdang panahon ang pag-usbong
ng talento. Ang bawat tao ay may kani-
kaniyang panahon ng pagsibol, lalo na ang
mga tinedyer. Ang iba ay ang tinatawag na
late bloomer. Kaya hindi dapat ikasira ng
loob ang sa tingin natin ay napakasimple
nating mga kakayahan. Iyong
tandaan,espesyal ka, dahil ikaw ay likha
ng Diyos.
Kailangan nating tuklasin ang ating mga talento
at kakayahan. Matapos lumilok ni Michael
Angelo ng isang napakagandang obra ay
tinanong siya kung paano niya ito ginawa.
Tumugon siya na ang obra ay nasa bato mula
pa sa simula, kinailangan lamang niyang ukitin
ang mga labis na bahagi nito. Tulad din ng
isang obra, ang ating mga kakayahan at talento
ay taglay na natin buhat nang tayo’y isilang.
Tayo ang gagawa ng paraan upang tuklasin
ang mga ito.

You might also like