You are on page 1of 12

7 Department of Education

National Capital Region


S CHOOLS DIVIS ION OFFICE
MARIK INA CITY

Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahan: Modyul 4
Ang Pagpapaunlad ng Talento, Kakayahan at
Pagpapahusay ng Kahinaan ay Daan Tungo
sa Mabuting Kinabukasan

May-akda: Celia I. Sobretodo


Tagaguhit: Mary Jane B. Roldan

City of Good Character 0


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin

Kapag natapos ang modyul na ito ay higit pang madaragdagan ang


pagkilala mo sa iyong sarili. Inaasahang mas mapaunlad mo pa ang mga
angking talento at kakayahan upang magkaroon ng tiwala sa sarili at
malampasan ang mga kahinaan upang matupad ang tungkulin na
makapaglingkod sa pamayanan.
Ang mga inihandang Gawain at pagsasanay sa modyul na ito ay tiyak
na magbibigay kaalaman sa iyo tungkol sa mga sumusunod na kasanayan sa
pagkatuto:
A. Napatutunayan na ang pagtuklas at pagpapaunlad ng mga
angking talento at kakayahan ay mahalaga sapagkat ang mga ito
ay mga kaloob na kung pauunlarin ay makatutulong sa sarili
tungo sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili,paglampas sa mga
kahinaan, pagtupad sa mga tungkulin, at paglilingkod sa
pamayanan. Code EsP7PS-Id-2.3

B. Naisasagawa ang mga gawaing angkop sa pagpapaunlad ng


sariling mga talento at kakayahan. Code: EsP7PS-Id-2.4

Bago simulan ang gawain sa modyul, sagutin mo ang mga sumusunod


na panimulang pagsubok.

Subukin

Isulat ang salitang Tama kung ang pahayag ay wasto at Mali kung ito
ay hindi wasto.

1. Pauunlarin ko ang aking kahinaan.


2. Lakas ng loob ay kailangan upang malinang ang talento at
kakayahan.
3. Lilinangin ko ang aking talento at kakayahan para sa aking sariling
kapakanan lamang.
4. Ang pagsasanay ay maaari lamang gawin para sa isang natutuhang
kakayahan at hindi para sa isang talento.
5. Sasanayin ko ang aking talento at kakayahan bilang paghahanda sa
susunod na yugto ng aking buhay.

City of Good Character 1


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Ang Pagpapaunlad ng Talento at
Aralin
Kakayahan at Pagpapahusay ng
1 Kahinaan ay Daan Tungo sa
Mabuting Kinabukasan

Balikan
Ang talento ay mula sa pambihirang katangian na minana sa mga
magulang samantala ang kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang
kakayahang mag-isip. Magbigay ng mga halimbawa ng talento at mga
halimbawa ng kakayahan.

Mga Halimbawa ng Talento:

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

Halimbawa ng Kakayahan:

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

Tuklasin

Basahin at unawain ang sumusunod na talata.

Pagsisiyasat sa Sarili
Naranasan mo na bang kausapin ang iyong sarili?
Sa gawaing ito subukin mong kausapin ang iyong sarili. Ipikit nang
dahan- dahan ang iyong mga mata, irelaks ang kaisipan at katawan,
pabayaang lumabas ang mga imahe, larawan na iyong nakikita sa iyong
isipan. Pakiramdaman mo ang dalang emosyon, mabuti man o masama,
masaya man o malungkot. Isipin ang mga bagay na nakakayanan mong
gawin, ang mga bagay na tila wala sa iyo at hindi mo kayang gawin. Ilabas
mo lahat ang nararamdaman mong pagkabigo at kawalan ng pag-asa.

City of Good Character 2


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Huminga ka nang malalim ng tatlong ulit.
Isipin ang iyong angking talento at mga
kakayahan. Isipin mo na may magagawa
ka upang mapaunlad ang iyong sarili sa
pamamagitan ng iyong taglay na talento at
kakayahan upang malampasan ang iyong
kahinaan. Kung sakaling ang ninanais mo
ay may kaugnayan sa iyong kahinaan,
sabihin sa iyong sarili na kaya kong
mapalakas ang kahinaan kong ito.
Huminga ka ulit nang malalim ng tatlong
beses. Pakalmahin ang sarili. Kapag
nakaramdam ka ng ginhawa, idilat mo
nang unti-unti ang iyong mga mata.
Ano ang gagawin mo upang mapaunlad ang iyong sarili sa
pamamagitan ng iyong mga kakayahan?

Suriin

Balikan ang pagninilay na iyong ginawa. Punan ang sumusunod na


tsart.
Tsart ng Aking Kakayahan
Mga Bagay na Alam Kong Kaya Mga Bagay na Tila Hindi Ko
Kong Gawin Kayang Gawin
Halimbawa: Halimbawa:

Magsalita sa karamihan ng mga tao Makipag-ugnayan sa mga tao nang


upang mapakinggan hindi nakipagtatalo

Mag- bike Makaisip ng solusyon sa mahirap


na suliranin

City of Good Character 3


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Sagutin ang mga tanong sa iyong kuwaderno sa EsP.
1. Saang hanay ka maraming naisulat?
2. Ano ang natuklasan mo sa iyong sarili batay sa resulta ng isinulat mo
sa Tsart ng Mga Kakayahan?
3. Balikan ang pagninilay at pagsisiyasat na ginawa mo tungkol sa iyong
sarili.
Paano makatutulong ang iyong mga taglay na talento at
kakayahan o ga bagay na kaya mong gawin sa iyong pag- unlad?

4. May maitutulong ba sa kurso na nais mong kunin at pag-aralan ang


iyong namumukod tanging talento at kakayahan? Ipaliwanag kung paano
makatutulong ang mga ito sa kursong ninanais mo.

Suriin

Kahalagahan ng Pagtuklas at Pagpapaunlad ng Mga Talento at


Kakayahan
Ayon kay Marcus Tullius Cicero, isang Romanong pilosopo, politiko at
manunulat, hindi tayo ipinanganak sa mundo para sa ating mga sarili
lamang. Tayo raw ay ipinanganak upang magbahagi ng ating mga talento at
kakayahan para sa iba. Isipin na lang natin kung gaano kalungkot ang
mundo kung ang mga tao ay magkukulang sa pagbibigayan at
pagbabahaginan. Ang pagbabahagi ng talento at kakayahan sa iba ay
makapagbibigay ng mas malalim na kasiyahan sa taong nagbabahagi lalo
na kapag nagawa niyang mabago ang buhay ng iba. Sa mga kompanyang
nabibigyang-halaga ang mga talento at kakayahan ng mga manggagawa,
higit na nagiging produktibo ang takbo ng kompanya.
Ayon kay Rick Warren, ang may akda ng “Purpose Driven Life,’ kapag
nagbigay ang Diyos ng talento, inaasahan ng Diyos na iyon ay gagamitin at
hindi itatago lamang. Nakasaad sa Colossian 1:16, “inaasahan ng Diyos na
ito ay gagamitin sapagkat kung hindi gagamitin mawawala ang talentong
ipinagkaloob Niya. Sa paggamit ng talento magkakaroon ang sino man na
makapagbukas ng pinto at bintana sa maraming oportunidad sa buhay. Ang
paggamit ng mga talento at kakayahan ay nakapagbibigay ng kasiyahan,
mas mabuting kalagayan ng kalusugan, nakababawas sa pagkakaroon ng
pag-aalala, tensyon, pagkagalit, kalungkutan , o pagkaramdam ng sakit sa
katawan . Ito rin ay nakapagpapalakas ng positibong emosyon ng tao at
nakapagbibigay ng lakas upang harapin ang pang-araw –araw na buhay.
Maaari ring kumita ng pera ang tao sa pamamagitan ng paggamit ng kanyang

City of Good Character 4


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
talento at kakayahan. Dahil sa pagbabahagi ng talento at kakayahan sa iba
makapag-iiwan ng magandang tatak ang isang tao sa kanyang kapwa.
Kaya panahon na upang tuklasin mo ang iyong mga talento at
kakayahan. Ang mga tao ay maaaring magkaroon ng magkakatulad na
kakayahan ngunit ang sariling paraan mo ng paggamit ng talento at
kakayahan ang magpapaiba sa iyo sa ibang tao. Nasa iyo ang kapangyarihang
alamin ang iyong mga talento at kakayahan.
Sa paglinang ng likas na talento at kakayahan kailangan ang masusi
at tamang pagsasanay (practice). Kung gusto mong magtagumpay at maging
mahusay sa napili mong larangan, mahalaga ang masusi at wastong
pagsasanay. Mahalaga rin na ikaw ay may interes o hilig sa larangang
pinasok.
Mga Paraan ng Paglinang ng Talento at Kakayahan
Ang mga talento at kakayahan ay likas sa mga tao ngunit maraming mga
tao lalo na sa mga nagdadalaga/nagbibinata na wari’y hindi alam ang
kanilang mga talento at kakayahan. Marami sa mga
nagdadalaga/nagbibinata ang higit na nakatuon ang pansin sa iba kaysa sa
sarili dahil na rin siguro ang hanap nila ay magiging kapalagayang loob o
kaibigan lalo na kung nasa paaralan. Paano nga ba malalaman ang talento
at kakayahan ng isang tao? Maaari gumawa ng listahan ng mga bagay na
ninanais gawin, at mga bagay na nagagawa nang may kagalingan.
Mahalagang ipagpatuloy ang pagtuklas ng talento at kakayahan. Ang isang
paraan kung paano makikilala ang talento at kakayahan ay sa pamamagitan
ng pagboboluntaryo sa mga proyekto sa paaralan man o sa komunidad. Ang
paglalakbay ay maaari ring makapagbigay ng bagong kaalaman tungkol sa
sarili. Hindi naman kailangang maging mahal ang paglalakbay. Ang pagka
kamping, backpacking , hiking o pagpunta sa mga lugar na hindi pa
nararating ay makapagbibigay sa tao ng kaalaman tungkol sa mga bagay na
nanaising gawin ng tao Anomang kakayahan ay maaaring linangin upang
maging talento.
Ano- ano ang mga paraan na maaaring gawin upang malinang ang mga
talento at kakayahan?
1. Alamin ang sariling kahinaan at kagalingan. Mag pokus sa
kagalingan.
2. Bumalangkas ng mga dahilan kung bakit kailangan linangin ang
napiling talento o kagalingan.
3. Pag-aralan ang mga kinakailangang pamamaraan ng pagpapaunlad sa
talento o kakayahan gaya ng pagsali sa mga paligsahan, paglahok sa
mga gawain na kinakailangan ang talento o kakayahan, gaya ng
pagtulong sa pagluluto kung may handaan, pagpapalamuti ng
kapaligiran kung may okasyon, pag-aaral ng maikling kurso kaugnay

City of Good Character 5


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
ng talento o kakayahan, pagbibigay ng oras sa pagsasanay, panonood
ng video tutorial, at pagtatanong mula sa mga eksperto.
4. Humingi ng payo at puna mula sa eksperto
5. Subaybayan ang sariling pag-unlad.

Ang mga talento at kakayahan ay maaaring magdala sa tao sa tagumpay sa


buhay kaya mahalagang linangin ang mga ito

Pagyamanin
Punuan ang tsart ng mga paraan ng pagpapaunlad ng iyong mga
talento at kakayahan at mga paraan ng pagpapalakas ng iyong mga
kahinaan. Gawin ito sa kuwaderno ng EsP.
Mga Talento at
Kakayahan na Mga Taong
Lalong Panahong Mga Tutulong
Pauunlarin Ilalaan Pamamaraan

Halimbawa:
Paggawa ng
Spoken Poetry

Mga Kahinaan na Panahong Ilalaan Mga Pamamaraan Mga Taong


Pabubutihin Tutulong

Halimbawa:
Mahina sa
Matematika

City of Good Character 6


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Isaisip

Kompletuhin ang talata sa loob ng speech balloon. Piliin ang sagot sa


kahon at isulat sa iyong kwaderno sa EsP.

Kahinaan palatuntunan talento


pamamaraan pagpapaturo

Ang taglay nating _____________ at


kakayahan, maging ang ating mga
_____________ ay maaaring mapaunlad sa
iba’t ibang _______________ tulad ng
pagsasanay, _______________, at pagsali sa
mga _______________ at paligsahan.

Isagawa
Ngayong nasuri mo na ang iyong sarili, ano ang iyong gagawin upang
mapaunlad ang iyong pagkatao?
Bumalangkas ng pagsasagawa ng isang Personal Development Plan
upang malinang ang iyong mga talento, kakayahan at malampasan ang iyong
kahinaan. Gawin ito sa iyong kwaderno.

Personal Development Plan


Mga hakbang na aking susundin upang mapaunlad ang aking
talento, kakayahan at malampasan ang aking kahinaan.

City of Good Character 7


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Una Ikalawa Ikatlo

Ihayag ang pinakamahalagang kaalaman natutuhan mo sa aralin at


kung paano mo isasabuhay ito. Isulat ang iyong sagot sa iyong kwaderno.

Tayahin
Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang napiling letra sa iyong
kwaderno.
1. Iba –iba ang kakayahan ng mga tao sapagkat:
A. bawat tao ay natatanging nilalang ng Diyos.
B. iba- iba ang pamamaraan ng kanilang pag-unlad.
C. hindi pare-pareho ang talentong ibinigay ng Diyos.
D. iba-iba ang kakayahang namana mula sa kanilang mga magulang.

2. Habang pinauunlad ang kakayahan, lumalaki ang pananagutan sa


sarili. Ibig sabihin nito:
A. Kapag may kakayahan higit na maliit ang pananagutan.
B. Ang lakas ng kakayahan ay depende sa lakas ng pananagutan.
C. Mabuti pang huwag nang paunlarin ang kakayahan dahil
may pananagutan.
D. Higit na malaki ang pananagutan kapag higit na nalinang ang
kakayahan.

3. Ang paglinang ng mga kakayahan ay para sa:


A. sarili lamang
B. kapwa at sa Diyos
C. kapwa at pamayanan lamang
D. sarili, kapwa, pamayanan, at sa Diyos.

City of Good Character 8


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
4. Mahalaga ang pagkakaroon ng plano sa pagpapaunlad ng sarili dahil:
A. ito ang magpapaalala ng ating tagumpay.
B. magkakaroon tayo ng paalala sa pagpapaunlad ng sarili.
C. nakalahad dito ang pamamaraang gagawin tungo sa pag-unlad.
D. kailangan natin ng kasulatan na magpapaalala ng ating pag-unlad.

5. Ang mga sumusunod na bagay ay mahalaga sa paggawa ng plano ng


pagpapaunlad ng sarili maliban sa:

A. dapat tukuyin kung nasaan na tayo ngayon


B. dapat tukuyin kung saan natin nais tumungo
C. tukuyin ang mga benepisyong makukuha para sa sarili.
D. tukuyin ang mga pamamaraan kung paano isasagawa ang mga
pagbabago.

Karagdagang Gawain

Sa iyong kwaderno, sumulat ng isang repleksiyon tungkol sa iyong


kasalukuyang talento, kakayahan, at kahinaan. Paano sa palagay mo
makatutulong sa iyong sarili at sa ibang tao ang iyong mga talento,
kakayahan, maging ang iyong kahinaan, kapag ang mga ito ay napaunlad
mo at naging produktibo sa susunod na panahon?

Sanggunian

Edukasyon sa Pagpapakatao 7, (2012). Modyul para sa Mag-aaral. Pasig City:


Department of Education

Edukasyon sa Pagpapakatao 7, (2012). Patnubay ng Guro. Pasig City:


Department of Education

City of Good Character 9


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Celia I. Sobretodo (Guro, Marikina High School)


Mga Tagasuri: Mei P. Opano (Guro, Nangka High School)
Jeanette J. Coroza (Principal, Tanong High School)
Tagasuri - Panloob: Leilani N. Villanueva
(Superbisor sa Edukasyon sa Pagpapakatao)
Tagasuri- Panlabas:
Tagaguhit at Tagalapat: Mary Jane B. Roldan (Guro, Jesus Dela Pena NHS)
Tagapamahala:

Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Leilani N. Villanueva
Superbisor sa Edukasyon sa Pagpapakatao

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management System

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 8682-2472 / 8682-3989

City of Good Character 10


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like