You are on page 1of 11

4

Edukasyon sa Pagpapakatao
Kwarter 1- Modyul 1
Pananagutang Pansarili at
Pagiging Mabuting Kasapi ng Pamilya

(Lakas ng Loob Ko, Galing sa Pamilya Ko)


KARAPATANG SIPI ©2020

Edukasyon sa Pagpapakatao – Baitang 4


Kwarter 1 – Modyul 1: ( Lakas ng Loob Ko, Galing sa Pamilya
Ko )
Isinasaad sa Batas Republika 8293, seksyon 176 na
“Walang aangkin ng anumang akda na gawa ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya
o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
gagamitin upang pagkakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin
ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang karapatang-ari ng mga hiniram na kagamitan (tulad ng
awit, kuwento, tula, larawan, ngalan ng produkto, tatak atbp.) na
ginamit sa modyul na ito ay taglay ng may-akda at ng
tagapaglathala nito. Ginawa ang lahat ng paraan upang mahanap
at makuha ang pahintulot ng nagmamay-ari na magamit ang mga
nabanggit na kagamitan. Hindi kinakatawan maging inaangkin ng
tagapaglathala at ng mga may-akda ang karapatang-ari sa mga
ito.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin

Mga Bumuo ng Modyul


Manunulat: Elvie L. Doloiras
Editor: Leny D, Nedia
Tagasuri ng Nilalaman: Sheila C. Bulawan
Jorge M. Villareal
Nagdisenyo ng Pahina: Elvie L. Doloiras
Antonio L. Morada
Panimula

Unang araw ng pasukan.


Balik-eskuwela ang mga mag-
aaral.
Bilang mag-aaral, naranasan mo
na ba ang magpakilala sa harap
nang may lakas ng loob at di
nahihiya? Paano mo ipinakikilala
ang iyong sarili sa iba? Magagamit
mo ang iyong lakas ng loob sa
pagharap sa iyong guro at mga
kamag-aral sa simula ng klase.
Kayang-kaya, di ba?

Layunin

➢ Nakapagsasabi ng katotohanan anuman ang maging


bunga nito

1
Talahulugan

katangian- tumutukoy sa pag-uugali ng tao kung


paano ito kumilos na naayon sa kaniyang pagkatao
katatagan- pundasyon ng anumang bagay o tao
-hindi basta-basta nagigiba
- matatag sa lahat ng hamon ng buhay
lakas ng loob- pagiging matatag, matapang
talento- katangiang taglay ng isang tao na maaaring
pambihirang makikita sa iba

2
Paunang Pagtataya

Panuto: Kulayan ng pula ang kahon kung ang pangungusap ay


nagsasaad ng katatagan ng loob at berde naman kung hindi.

1. Malakas ang loob ni Lara na sumagot sa tanong ng


guro sa talakayan sa klase.

2. Labis ang nararamdamang hiya ni Sarah kapag


naaatasan siyang magsalita sa harap ng kanyang mga
kamag-aral.

3. Mahilig umawit si Lea sa mga palatuntunan sa


kanilang paaralan.

4. Hindi pinansin ni Ana ang mga kumukutya sa


kaniyang kakayahan dahil masama kung papatulan pa
niya.

5. Palaging sumasali si Ruben sa mga patimpalak sa


kanilang paaralan at sa kanilang baranggay.

3
Paglinang sa Kaalaman, Kakayahan at
Pang-unawa

Unang Gawain

1.Pumikit nang ilang sandali at magkaroon ng repleksiyon sa sarili.


2. Isipin mo ang iyong mga natatanging kakayahan o talento.
3. Isipin mo rin ang iyong mga kalakasan.
4. Sa iyong talaang papel, punan ng mga salita ang mga
pangungusap na ito:

“ Ako ay si ___________________________ . Ang ilan sa


aking natatanging kakayahan o talento ay ang mga
__________________________________________ . Ang mga
kalakasan ko naman ay _______________________________ . “

Ikalawang Gawain

Panuto:Sa isang malinis na papel, isulat ang papel na


ginagampanan ng iyong pamilya sa mga natatanging kakayahan o
talento at kalakasan na iyong tinataglay.

Mga Papel na
Pangalan Natatanging Kalakasan Ginagampanan
Kakayahan ng Pamilya

4
Pagpapalalim

Tandaan Mo!

➢ Sa buhay ng isang mag-aaral, ang katangian at


natatanging kasanayan ay isang regalo mula sa
Maykapal.
➢ Ang kakayahan ng isang tao ay natatangi.Hindi ito
itinatago at ikinahihiya sapagkat ang ibang tao ay
nangangailangan ng mga katangian ito.
➢ Ang lakas, katatagan at tibay ng loob ay lubhang
kailangan upang mapaunlad ang isang katangi-tanging
kakayahan. Ito ay ipinakikita upang maitama,
mapabuti, at mapaunlad ang kakayahan, kung
kinakailangan para maabot ang kahusayan.

Pagsasapuso

Bilang mag-aaral, papaano mo naipakikita ang iyong mga


natatanging kakayahan o talento nang may lakas, katatagan, o
tibay ng loob lalo na sa harap ng maraming tao?

5
Pagsasabuhay

Pumili ng gusto mong bahaging gampanan sa isang


palatuntunan.
Isulat kung paano mo aalisin ang kaba sa pagpapakita
ng iyong talento sa palabas o programa.

Pangwakas na Pagsubok

Basahin ang tseklis.Lagyan ng kaukulang tsek (/) ang


pinaniniwalaang pahayag.
Mga Pahayag Tama Mali
1.Ako ay may kakayahang akin lamang

6
sapagkat iba ako kung ikokompara sa
aking mga kamag-aral.
2.Mahalaga na maipakita ko sa aking
mga kaibigan, kamag-aral, magulang at
kapitbahay ang aking kakayahan upang
malaman ko na dapat ko pang
paunlarin.
3.Ang lakas ng aking loob at katatagan
ay aking ginagamit sa pamamagitan ng
pagtanggap ng mga mungkahi at
paalala mula sa aking kapwa.
4.Hindi ako nahihiyang ipakita na
magaling ako sa anumang bagay kaya
ayokong pinipintasan ang aking mga
ginagawa.
5.Nakauunawa ako kapag itinatama ng
mga tao ang aking mga nagawang mali
dahil mapapabuti at maipakikita ko ang
aking natatanging kakayahan.

Binabati kita! Handa ka na sa


susunod na aralin dahil nasa iyo na
ang katatagan upang labanan ang
mga pagsubok sa pag-aaral.

7
Susi sa Pagwawasto

Paunang Pagtataya
1. 2. 3. 4. 5.

Panlinang na Gawain
(Maaring iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral ayon sa kanilang
karanasan.)

Pagsasabuhay Pagsasapuso
(Maaring iba-iba ang (Maaring iba-iba ang
sagot ng mga mag-aaral sagot ng mga mag-aaral
ayon sa kanilang ayon sa kanilang
karanasan.) karanasan.)

Pangwakas na Pagsubok
(Maaring iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.)

8
Sanggunian

➢ Edukasyon sa Pagpapakatao 4, Kagamitan ng Mag-aaral

➢ Edukasyon sa Pagpapakatao 4, Patnubay ng Guro


➢ Daily Lesson Plans in Edukasyon sa Pagpapakatao 4,
Unang Kwarter
➢ https://www.bing.com/images/search?q=lakas+ng+loob-
➢ cover+image&form=HDRSC2&first=1&cw=1117&ch=514

You might also like