School Kalabaylabay Integrated School Grade Level 7
Learning Edukasyon sa
Teacher ANGELINE B. VACALARES
Area Pagpapakatao
Date October 18, 2021 Quarter 1
I. OBJECTIVES
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag – unawa sa
A. Content Standards
talento at kakayahan
B. Performance Naisasagawa ng mag-aaral ang mga gawaing angkop sa pagpapaunlad n
Standards kanyang mga talent at kakayahan
C. Learning Inaasahang matatamo ang mga sumusunod na kasanayan:
Competencies / a. Natutukoy ang kanyang mga talento at kakayahan.
Objectives. (EsP7PS-Ic-2.1); at
Write the LC code for b. Natutukoy ang mga aspekto ng sarili kung saan kulang siya ng
each tiwala sa sarili at nakikilala ang mga paraan kung paano
lalampasan ang mga ito. (EsP7PS-Ic-2.2)
II. CONTENT Mga Talento at Kakayahan
LEARNING RESOURCES
A. References
1. Teacher’s Guide pages
2. Learner’s Materials
pages
B. Other Learning Mga halimbawa na ibibigay ng guro.
Resources
C. Integration English, Math, Filipino, and MAPEH
III. PROCEDURES
A. Reviewing previous Panuto: Isulat ang TAMA sa patlang kung ang sinasaad sa
lesson or presenting the pangungusap ay totoo tungkol sa mga inaasahang kakayahan at kilos
new lesson sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata, MALI naman kung hindi.
___________1. Kailangang malinaw sa iyo kung ano ang iyong nais
sa isang pakikipag-ugnayan.
___________ 2. Ang pagbabahagi ng iyong nararamdaman, ninanais,
mga plano, mga takot, kasiyahan at iba pa ay mahalaga tungo sa
isang ganap na pakikipag-ugnayan.
___________ 3. Lahat ng sensitibong bagay sa iyo ay dapat mong
ibahagi.
___________ 4. Mahalagang sumangguni sa mga may sapat na
gulang (adult), magulang o taong pinagkakatiwalaan ang isang
nagdadalaga o nagbibinata.
___________ 5. Kapag ikaw ay nasa yugto ng pagdadalaga o
pagbibinata, dapat maging seryoso sa buhay at kalimutan ang
paglalaro at paglilibang.
B. Presenting examples/ Magpapakita ng iba’t ibang larawan ang guro.
instances of the new
lesson
C. Discussing new PAGTUKLAS AT PAGKILALA SA MGA ANGKING
concepts and practicing TALENTO AT KAKAYAHAN
new skills #1 Sa Webster Dictionary, ang talento ay ginagamit na
kasingkahulugan ng biyaya at kakayahan. Ito ay isang likas na
kakayahan na kailangang tuklasin at paunlarin. Tulad ng isang
biyaya, dapat itong ibahagi sa iba.
Ang kaibahan ng talento at kakayahan:
Ang talento ay isang pambihira at likas na kakayahan. Ito ay
may kinalaman sa genetics o mga pambihirang katangiang minana sa
magulang.
Ang kakayahan ay kalakasang intelektuwal (intellectual
power) upang makagawa ng isang pambihirang bagay tulad ng
kakayahan sa musika o sining. Ito ay likas o tinataglay ng tao dahil
na rin sa kaniyang intellect o kakayahang mag-isip.
Ang bawat tao ay may kani-kaniyang panahon ng pagsibol,
lalo na ang mga tinedyer. Ang iba ay ang tinatawag na late bloomer.
Kaya hindi dapat ikasira ng loob ang sa tingin natin ay napakasimple
nating mga kakayahan. Iyong tandaan, espesyal ka, dahil ikaw ay
likha ng Diyos.
Tiwala sa Sarili
Ang tiwala sa sarili o self-confidence ay ang paniniwala sa sariling
kakayahan. Mahalagang tandaan ang sumusunod tungkol sa tiwala sa
sarili:
1. Ang tiwala sa sarili ay hindi namamana. Ito ay nalilinang.
2. Hindi ito pangkalahatan; bagkus, may iba’t ibang antas tayo ng
tiwala sa sarili sa iba’t ibang sitwasiyon at gawain.
3. Nagbabago ito sa paglipas ng panahon. Maaari itong tumaas o
bumaba ayon sa mga karanasan sa buhay.
4. Hindi ito nakasalalay sa mga bagay na labas sa ating sarili.
Bilang tao, likas na sa atin ang paghahangad na umunlad at
malampasan ang ating mga kahinaan. Ayon kay Sean Covey, sa
kaniyang aklat na The 7 Habits of Highly Effective Teens (1998), ang
pagpapaunlad ng mga kakayahan ay nagsisimula sa ating sarili.
Maaaring ang pinakamahirap na bahagi ng pagpapaunlad ng
sarili ay ang pagtukoy at pagtanggap sa ating mga kahinaan. Kung
matutukoy mo at malampasan ang iyong kahinaan, mabubuo mo ang
iyong sarili. Mahalaga ito at ang pagtukoy ng talento at kakayahan sa
pagpili ng track o kurso sa Senior High School.
D. Developing mastery Hahatiin sa tatlong grupo ang mga mag – aaral.
(Leads to Formative
Assessment 3) Gawain
Panuto: Ibigay ang mga iba’t ibang kakayahan at talento.
Group Activity 1. __________________ 5. _________________________
2. __________________ 6. _________________________
3. __________________ 7. _________________________
4. __________________ 8. _________________________
IV. Evaluation
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Isulat sa loob ng Venn Diagram ang mga talento at kakayahan
na taglay mo.
2. Ano sa tingin mo na aspetong kulang ka ng tiwala, o matatawag
na kahinaan mo? Bilugan ang mga letrang angkop.
a. madalas nahuhuli sa klase
b. mahilig sa paglalakwatsa
c. nahihirapan magsalita ng Ingles
d. matigas ang katawan sa pagsasayaw
e. nahihirapan sa asignaturang Mathematics
f. madaling maapektuhan sa mga nangungutya
g. nahihiya/mahina ang loob sa pagsasalita sa publiko
h. nahihirapang magsalita at makaintindi ng wikang Filipino
i. walang kusang loob sa mga gawaing pambahay at
pampaaralan
j. nangangailangan pa ng karagdagang pagsasanay sa pagbabasa
3. Ano ang iyong mga gagawing hakbang sa bawat kahinaan na
iyong tinukoy sa bilang 2 upang ito’y malagpasan? Pumili
lang ng dalawa.
Rubric para sa Pagsusuri ng Repleksiyon
5- Malinaw ang ipinarating na mensahe ng mga pangungusap sa
repleksiyon.
4- Maayos na naisulat ang repleksyon pero may isa hanggang dalawang
pangungusap na hindi malinaw na naiparating,
3- Mayroong mahigit sa tatlong pangungusap na hindi malinaw ang
mensahe at hindi maayos ang pagkakasulat.
2- Mayroong mahigit sa limang pangungusap na hindi maayos ang
pagkakasulat at hindi malinaw ang mensahe.
1- Walang nagawang repleksiyon.
V. Assignment
Basahin at intindihin ang 9 na Multiple Intelligence at sagutin ang
nasa ibaba.
Panuto: Ibigay ang angkop na talento at kakayahan na taglay ng
mga kilalang tao o personalidad.
1. Atty. Rodrigo Roa Duterte- Presidente ng Pilipinas
2. TNT Boys- sikat na mang-aawit
3. Korina Sanchez- Roxas- mamamahayag
4. Terrence Romeo- basketbolista ng PBA
5. Dr. Francisco T. Duque III- Kalihim ng Department of Health
Prepared by:
ANGELINE B. VACALARES
Grade 7 Adviser
Checked by:
MELANIE M. LIGUTOM
Principal