You are on page 1of 8

REGULAR

GRADES 1 to 12 School Name Pis-anan National High School Grade Level 9


DETAILED LESSON Teacher Ms. Nichelle Rose M. Sumido Learning Area Identifying personal strengths
PLAN and weaknesses
Teaching Date and Time 1 hour Quarter
Dsd

Objectives must be met over the week and connected to the curriculum standards. To meet the objectives, necessary procedures must be followed and if needed,
additional lessons, exercises and remedial activities may be done for developing content knowledge and competencies. These are assessed using Formative
I. WEEKLYOBJECTIVES Assessment strategies. Valuing objectives support the learning of content and competencies and enable children to find significance a n d j o y inlearning the lessons.
Weekly objectives may shall be taken derived from the curriculum guides.
A. Content Standardsknowledge
B. Performance Standards
C. Learning Competencies / Objectives y/ 1. Nakikilala ang sariling kalakasan at kahinaan
Competencies
Write the LC code for each 2. Naisasalarawan ang importansiya ng pagkilala ng sariling kalakasan at kahinaan
Focus topic Content is what the lesson is all about. It pertains to the subject matter or the specific content that the teacher aims to teach. In the CG, a particular topic the

DRAFT
II. CONTENTFOCUS TOPIC content can be tackled in a week or two.
III. Must be found in the CG Pagkilala sa personal na lakas at kahinaan bilang tao
List the materials to be used in different days. Varied sources of materials sustain children’s interest in the lesson and in learning. Ensure that there is a mix of concrete
IV. LEARNING RESOURCES and manipulative materials as well as paper-based materials. Hands-on learning promotes concept development.
A. References
1. Teacher’s Guide pages
2. Learner’s Materials pages
3. Textbook pages
4. Additional Materials from LRMDS Learning
Resource (LR) portal Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 7 pahina 12 hanggang 19.
B. Other Learning Resources “Self Awareness Inventory of Positives” Worksheet based from the Drug Use Training Manual (UNICEF)
These steps should be done across the week. Spread out the activities appropriately so that students will learn well. Always be guided by demonstration of learning by
the students which you can infer from formative assessment activities. Sustain learning systematically by providing students with multiple ways to learn new things,
V. PROCEDURES practice their learning, question their learning processes, and draw conclusions about what they learned in relation to their life experiences and previous knowledge.
Indicate the time allotment for each step.
D. Valuing
A. PRIMING 1. Pangkatin ang mga mag-aaral na may limang miyembro.
2. Bigyan ng 30 segundo ang bawat miyembro ng pangkat na magpapakilala sa kanyang mga pangkat.
3. Ipaintindi sa mga estudynte na sa loob lamang ng 30 segundo, magbibigay sila ng mga impormasyon tulad
ng kanyang kinahihiligan, kanyang mga gusto o hindi gustong gawin, saan siya magaling at saan siya

Page 1 of 8
REGULAR

mahina, at kung anu- ano pa.


Itanong sa mga mag-aaral:
1. Ano ano ang iyong napapansin habang ibinabahagi mo ang mga impormasyon na meron ka?

2. Sa iyong palagay, nararapat bang malaman ng iba ang mga impormasyong ito? Bakit?
1. Aatasan ang klase na gamit ang parehong grupo sa naunang gawain, bawat miyembro ay magsusulat ng

DRAFT
kanyang pangalan sa isang kapat na papel.
2. Titiyakin na ang bawat pangkat ay nakaayos sa pabilog na porma.
3. Talakayin sa klase ang alituntunin ng gawain. Ang miyembro na nasa unahan ang siyang unang magpapasa
ng papel sa kanyang katabi.
4. Ipasulat sa taong tumanggap ng papel ang isang salita na tumutukoy sa positibo at negatibong katangian ng
may-ari nito sa loob ng 30 segundo.
B. ACTIVITY
5. Sabihan ang mga mag-aaral na ipapasa ulit ang papel sa kasunod na mag-aaral pagkatapos ng 30
segundo,.
6. Ulitin ang Aytem 4 at 5 hanggang ang lahat ng miyembro ng pangkat ay makapagsulat ng salita na
tumutukoy sa katangian ng may-ari ng papel.
7. Ipapangkat sa mag-aaral ang mga salita na nakasulat sa kani- kaniyang papel kung para sa kanya ang mga
ito ay negatibo o positibo.
8. Pumili ng isang miyembro bawat pangkat na magbabahagi ng kanilang ginawa.
C. ANALYSIS 1. Ipapaunawa sa klase na ang gawain na ginawa nila ay bahagi ng mga pamamaraan kung paano nila
makikilala ang kanilang mga kahinaan at kalakasan.
2. Sabihin sa klase na ang mga susunod na gawain ay tutulong upang maging matatag ang kanilang pang-
unawa tungkol sa kahalagahan ng pagkilala ng kani-kanilang kalakasan at kahinaan.
3. Itanong sa klase ang sumusunod:

Page 2 of 8
REGULAR

 Ano ang masasabi mo tungkol sa katatapos lamang na gawain?


(Gumawa po kami ng gawain na tumulong sa pagsuri namin ng aming sarili.)
 Ano ang iyong nararamdaman habang ginagawa ang nasabing gawain? Ipaliwanag.
(Masaya po dahil mas nakikilala pa po namin ang aming sarili.)
 May pagkakaiba ba ang tingin mo sa sarili mo at tingin ng iba sa iyo?”.
(Maaring ang tingin ng iba sa akin ay hindi pareho sa tingin ko sa sarili ko dahil mas kilala ko ang
sarili ko kesa sa iba at panlabas ko lang na katangian ang nakikita ng iba sa akin.)
 May nabago ba sa iyong pananaw sa iyong sarili?
(Meron pong nagbago dahil mas naiintindihan na namin yung sarili namin at yung ibang tao.)
 Sa iyong pananaw, kailangan bang makilala natin ang ating mga kalakasan at kahinaan?
Bakit mo nasabi?
(Opo, dahil ito po ay magiging daan na mas makilala pa natin ang ating mga sarili at matututo
rin tayong umintindi ng ibang tao.)
 Bakit dapat mong malaman ang iyong kahinaan?
(Kung alam ko na po ang aking kahinaan, dapat ko po itong palakasin at gawing kalakasan
para hindi magamit ng ibang tao laban sa akin.)
 Bakit dapat mong lagpasan ang iyong kahinaan?
 Paano mo mapapaunlad ang iyong sarili?
D. ABSTRACTION Bibigyang- diin ang paksa tungkol sa pagpapaunlad ng sariling kakayahan at talento at paglampas sa mga
kahinaan.

Pagtuklas At Pagpapaunlad Sa Mga Angking Talento At Kakayahan At Paglampas Sa Mga Kahinaan


Ayon kay Sean Covey sa kanyang librong “7 Habits of Highly Effective Teens”, bawat tao ay may talento at

Page 3 of 8
REGULAR

kakayahan. At bawat isa ay may kanya- kanyang panahon ng pagsibol lalo na ang mga tinedyer. Ang iba ay

DRAFT
tinatawag na late bloomer. Kaya hindi dapat ikasira ng loob ang sa tingin natin ay napakasimple nating mga
kakayahan. Itong tandaan, espesyal ka, dahil ikaw ay likha ng Diyos.

Kailangang Nating Tuklasin ang Ating Talento at Kakayahan


Ang ating mga kakayahan at talento ay taglay na natin buhat nang tayo’y isilang. Tayo ang gagawa ng
paraan upang tuklasin ang mga ito. Lahat ng sitwasiyon at okasyon ay oportunidad sa pagtuklas.

Kailangang paunlarin ang ating mga talento at kakayahan.


Likas ang mga talento at kakayahan ngunit kailangang paunlarin ang mga ito sa pamamagitan ng
pagsasanay (practice). Ayon sa isinagagawang pag-aaral nina Professor Ericson at kanyang grupo, may dalawang
bagay silang natuklasan:
 Kadalasan di sapat ang likas na kakayahan upang maging bihasa at matagumpay sa anumang
larangan. Ang kanilang pagtatagumpay at kahusayan ay bunga ng masusi at matamang
pagsasanay.

 Bukod sa talento o kakayahan, mahalaga rin na tayo ay may interes o hilig sa ating larangang
pinasok. Dapat na tayo ay masaya sa ating ginagawa upang magkaroon tayo ng inspirasyon at
motibasyon na lampasan o higitan pa ang ating natural na kakayahan. Ito ay upang maging angat
tayo sa iba tungo sa paglilingkod sa kapwa at pakikibahagi sa pamayanan.

Bakit kailangang lampasan ang ating kahinaan?


Batay sa Law of Seeds, ang isang puno ng bayabas ay may maraming bunga at ang bawat bunga nito ay

Page 4 of 8
REGULAR

maraming buto. At sa napakaraming buto nito, hindi lahat ng buto ay nagiging puno. Kaya kung nais nating maging

DRAFT
matagumpay sa ating buhay, hindi sapat ang minsanang pagsubok lamang. Ibig sabihin, kapag ikaw ay hindi
naging matagumpay sa isang larangan, maari ka pang sumubok muli sa iba.
Marami sa atin ang agad na sumusuko sa unang subok pa lang dahil sa kawalan ng tiwala sa sarili. Dahil
nawawalan tayo ng tiwala sa sarili, natutuon ang pansin natin sa ating kahinaan.
Ilan sa mga bagay na dapat nating malaman tungkol sa tiwala sa sarili ay ang sumusunod:
a. Ang tiwala sa sarili ay hindi namamana, ito ay natututuhan.
b. Hindi ito pangkalahatan, bagkus ay may iba’t ibang antas tayo ng tiwala sa ating saril sa iba’t ibang
sitwasiyon at gawain. Halimbawa, maaaring mataas ang ating tiwala sa sarili sa pagtutuos (mathematical
computation) ngunit mahina ang loob sa pagsasalita sa publiko.
c. Nagbabago ito sa paglipas ng panahon. Maaari itong tumaas o bumababa ayon sa ating mga karanasan sa
buhay.
d. Hindi ito nakasalalay sa mga bagay na labas sa ating sarili gaya halimbawa ng pagiging mayaman o
pagkakaroon ng mga taong nagmamahal sa atin.

Ayon kay Covey (Seven Habits of Highly Effective Teens, 1998) ang pag-unlad ng mga
kakayahan ay nagsisimula rin sa ating sarili. Ayon sa kaniya, ang tunay na kabiguan ay ang kabiguan
ng isang taong hindi kumilos upang paunlarin ang kaniyang sarili. Ayon din sa kanya, isa sa mabisang
paraan upang mapaunlad ang ating sarili ay ang paggawa ng plano o mga hakbang sa pagkakamit nito

Simple lamang ang paggawa ng Plano sa Pagpapaunlad ng Sarili.

Una, dapat nating tukuyin kung nasaan na tayo ngayon: Ano-ano ang ating mga kalakasan at kahinaan.
Ikalawa, tukuyin kung saan natin nais o kailangang tumungo. Anong aspeto ang kailangang paunlarin, alin
ang dapat unahin.
Page 5 of 8
REGULAR

At sa huli, kailangang lapatan ito ng mga paraan kung paano isasagawa ang mga pagbabago. Maaaring
ang pinakamahirap na bahagi nito ay ang pagtukoy at pagtanggap sa ating mga kahinaan. Kung magagawa
natin ito, mas magiging madali na ang iba pang bahagi
E. APPLICATION 1. Pangkatin ang mga mag-aaral sa lima.
2. Sabihan ang bawat pangkat na sila ay magtalaga ng lider at tagasulat.
3. Ipaskil sa pisara ang sitwasyon na may koneksyon sa droga at iba pang masasamang bisyo.
4. Pasagutan sa mga estudyante ang mga tanong sa bawat sitwasyon na nakapaskil sa pisara sa loob lamang
ng sampung (10) minuto.
Ang Sitwasyon:
Si Alma ay isang magaling na mang-aawit simula noong siya ay nasa elementarya pa iya.
Lagi siyang nananalo sa sinasalihan niyang patimpalak sa kanilang lugar at sa paaralan.
Pero noong siya’y magdalaga na, natututo na rin siyang makipagbarkada na siyang nagturo sa
kanyang uminom at manigarilyo. Dahil dito, nagkasakit siya at naapektuhan ang kanyang
lalamunan.
Mga katanungan:
a. Ano ang naging kalakasan ni Alma?
b. Paano nakatulong ba sa kanya ang kalakasan niyang ito?
c. Ano naman ang kanyang naging kahinaan?
d. May nagawa ba siya patungkol sa kanyang kahinaan? Bakit?
e. Kung ikaw si Alma, ano ang iyong gagawin?Ipaliwanag.
(Kung ako kay Alma, dapat pinrotektahan niya ang kanyang sarili mula sa kanyang kahinaan.
Magagawa niya lamang ito kung pumili siya ng mabubuting kaibigan na makatutulong sa kanya para mas lalo
siyang maging inspirado sa pagpapalago ng kanyang talento.)

Page 6 of 8
REGULAR

5. Ipapaulat sa harap ng klase ang bawat grupo hinggil sa kanilang gawain matapos ang sampung (10) minuto.
6. Magbigay ng angkop na komento ang presentasyon ng bawat pangkat.
(Salamat at naipahayag niyo ang dapat na aplikasyon ng ating aralin ngayong araw.)

Ipagawa sa mga mag-aaral ang mga sumusunod:

Magtala ng tatlong bagay na natutunan mo sa aralin:

VI. ASSESSMENT 1.

2.

3.
VII. REMARKS

Reflect on your teaching and assess yourself as a teacher. Think about your students’ progress this week. What works? What else needs to be done to help
VIII. REFLECTION the students learn? Identify what help your instructional supervisors can provide for you so when you meet them, you can ask them relevant questions.
A. No.of learners who earned 80% in the
evaluationevaluation.

B. No.of learners who require additional activities for


remediation who scored below 80%.

C. Did the remedial lessons work? No.of learners

DRAFT
who have caught up with the lesson.

D. No.of learners who continue to require remediation


E. Which of my teaching strategiesworked well?Why
did these work?
F. What difficulties did I encounter which my principal
or supervisor can help me solve?
G. What innovation or localized materials did I
use/discover which I wish to share with other
teachers?

Page 7 of 8
REGULAR

Prepared by:

Teacher III DRAFT


NICHELLE ROSE M. SUMIDO

Pis-anan National High School

Edited by:
Reviewed & Checked by:

SCHUBERT ANTHONY C. SIALONGO


EPS, SDO- Antique

Noted:
FAOLO M. GUADAYAO
Soft Copy Keeper

MICAH LUISE G. LIJAUCO


Language Editor ERNANI OFRENEO JAIME
Supervising Education Program Specialist
BLDTLD
DepEd Central Office

Page 8 of 8

You might also like