You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Administrative Region
Division of Agusan del Norte
Magallanes District
MAGALLANES NATIONAL HIGH SCHOOL

FIRST GRADING
GRADE 9 ESP Score:
SUMMATIVE TEST
(Week 1 and Week 2)
SY 2021-2022

Name: ___________________________________ Grade and Section: ________________


Subject Teacher: __________________________ Date: ____________________________

PANUTO: Basahing mabuti ang bawat pangugusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik nito
sa bawat patlang.

I. Pagpipili
_____1. Ito ay ang kabutihang naaayon sa moralidad ng tao at Likas na Batas Moral
A. Kabutihang Moral C. Kabutihang Marangal
B. Kabutihang Panlahat D. Kabutihang Panlipunan
_____2. Ito ay elemento ng kabutihang panlahat na tumutukoy sa pagkakaroon ng katahimikan, kapanatagan at kawalan
ng kaguluhan
A. Ang paggalang sa indibidwal na tao B. Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan
C. Ang Kapayapaan D. Ang Katiwasayan
_____3. Ito ay elemento ng kabutihang panlahat na tumutukoy sa kikilalanin at pahahalagahan ng tao ang kaniyang dignidad
A. Ang paggalang sa indibidwal na tao B. Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan
C. Ang Kapayapaan D. Ang Katiwasayan
_____4. Ito ay elemento ng kabutihang panlahat na tumutukoy sa pagkamit at pagbibigay ng hustisya sa tao
A. Ang paggalang sa indibidwal na tao B. Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan
C. Ang Kapayapaan D. Ang Katiwasayan
_____5. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasama sa elemento ng kabutihang panlahat?
A. Ang paggalang sa indibidwal na tao B. Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan
C. Ang Kapayapaan D. Ang Katiwasayan
_____ 6. Ayon kay _________ “Binubuo ng lipunan ang tao at binubuo naman ng tao ang lipunan”
A. St. Thomas Aquinas B. John F. Kennedy C. Dr. Manuel Dy Jr. D. Bill Clinton
_____7. Alin sa mga sumusunod ang bumubuo at nagpapatupad ng batas para sa lipunan?
A. Paaralan B. Simbahan C. Pamilya D. Pamahalaan
_____8. Sa ________ nakakabit ang iba’t-ibang karapatang kailangang igalang at hayaang gamitin ng tao sa lipunan.
A. Kapayapaan B. Dignidad C. Moral D. Kabutihang Panlahat
_____ 9. “Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng bansa para sa iyo, kundi itanong mo kung ano ang magagawa mo
para sa iyong bansa.” Ang mga katagang ito ay winika ni:
A. St. Thomas Aquinas B. John F. Kennedy C. Dr. Manuel Dy Jr. D. Bill Clinton
_____10. Alin ang HINDI nagpapakita ng halimbawa ng kabutihang panlahat?
A.Pagbibigayan B. Pakikipagkapwa-tao C. Paggalang D. Panghuhusga

II. TAMA O MALI


Panuto: Basahin ang mga pangungusap at isulat sa patlang ang TAMA kung ang pahayag ay may katotohanan at MALI naman
kung ito ay walang katotohanan.
_______11. Ang kabutihang panlahat ay tumutukoy sa kabutihang naaayon sa moralidad ng tao, sa Likas na Batas Moral.
_______12. Ang lipunan ay binubuo ng mga indibidwal na nagkakapareho ng mga interes, ugali, o pagpapahalaga na bahagi ng
isang partikular na lugar.
________13. Ang pagkakaiba ng relihiyon ay hindi hadlang sa pagkamit ng pagkakaisa at paggalang sa kapwa.
________14. Ang Komunidad ay may kinabibilangang pangkat na mayroong iisang tunguhin o layunin.
________15. Kinakailangan ng taong hindi makibahagi at mamuhay sa lipunan.
________16. Ang pagsisikap ng bawat tao na makamit at mapanatili ang kabutihang panlahat sa pamamagitan ng pagsasabuhay
ng moral na pagpapahalaga ay mga puwersang magpapatatag sa ating lipunan
_______17. Ang simbahan ay sektor ng lipunan na nakaaapekto sa kaalaman ng tao
_______18. Ang ekonomiya ay sector ng panlipunan na ipinapakita ang paggabay ng mga magulang sa kanilang mga anak
katulad
ng pagtuturo ng mabubuting asal, pagtatama sa mga mali, pagpapaalala, at ang paghubog sa ating pagkatao.

III. A. Magbigay ng halimbawa sa bawat elemento ng Kabutihang Panlahat


19. Paggalang sa indibidwal na tao-

20. Tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan –

21. Kapayapaan-

B. Magbigay ng halimbawa sa bawat sector ng lipunan ng naglalarawan ng kabutihan


22. Pamilya-

23. Pamahalaan-

IV. Pagpapaliwanag:
24. Isa sa mga elemento ng Kabutihang Panlahat ay ang paggalang sa indibidwal na tao. Paano mo maipapakita ang
paggalang sa mga taong may kapansanan?

25. Si Lisa ay mahilig magpopost sa social media sa tuwing siya ay nagbibigay donasyon sa mga mahihirap na mga
kababayan para maipagmalaki na siya ay mayaman at maipakita na siya ay tumutulong sa mga mahihirap. Sang ayon ka ba
sa ginawa ni Lisa? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Performance Task (This is 50% of your grade. Answer this.)

Panuto: Isa sa sektor ng lipunan ay ang PAMILYA. Paano mo mailalarawan ang isang buong pamilya na kung saan
ipinapakita ang paggabay ng mga magulang sa kanilang mga anak katulad ng pagtuturo ng mabubuting asal, pagtatama sa
mga mali, pagpapaalala, at ang paghubog sa iyong pagkatao.Ipakita ang iyong sagot sa pamamagitan ng POSTER .

SCORING RUBRICS
10 points Poster contains student drawn pictures that correctly illustrates Family as sector of society
Contains accurate information about Family as sector of society.
Exemplary work!
8 points Poster contains student drawn picture that illustrates Family as sector of society
Contains good information.
6 points Poster contains a minimally drawn that illustrates Family as sector of society
Contains poor information.
2 points Poster contains a minimally drawn picture that illustrates Family as sector of society
No information about Family as sector of society
ANSWER KEY:
I. 1. B 2. C 3. A 4. B 5. D 6. C 7. D 8. B 9. B 10. D
II. 11. TAMA 12. MALI 13. TAMA 14. MALI 15. MALI 16. TAMA 17.
MALI 18. MALI
III. 19- 25 (Answers may vary, refer to the test papers for the ques)
IV. Performance Task: Poster making Refer to the scoring rubrics from the test
paper (10, 8, 6, 2 points)

You might also like