You are on page 1of 8

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

REGION X
DEPARTMENT OF EDUCATION
DIVISION OF LANAO DEL NORTE
MIGUEL E.ESMADE MEMORIAL INTEGRATEDSCHOOL
UNANG MARKAHAN NG PAGSUSULIT
ARALING PANLIPUNAN 10

PANGALAN: _________________________ TAON AT PANGKAT: ____ PUNTOS:


___

Panuto: Sagutin ang bawat katanungan at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
_______1. Ano ang tawag sa anumang pangyayari , ideya , opinion ,o paksa sa kahit anong larangan na may
kaugnayan sa kasalukuyang panahon?
A. Kontemporaryong isyu C. print media
B. Kasaysayan D. mahalagang balita

_______2. Ano ang tawag sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may
isang batas, tradisyon, at pagpapahalaga?
A. Lipunan C. Barangay
B. Purok D. Organisasyon
_______3. Sino ang sosyologo na nagsabing ang lipunan ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang
mga pangyayari at gawain. Ang lipunan ay patuloy na kumikilos at nagbabago?
A. Karl Marx C. Emile Durkheim
B. Charles Cooley D. Herbert Spencer

______ 4. Sino ang sosyologong naniniwala na ang lipunanan ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan at
proponent ng conflict theory?
A. Karl Marx C. Emile Durkheim
B. Charles Cooley D. Herbert Spencer

_______ 5. Anong teyorya ng lipunan ang itinataguyud ni Charles Cooley?


A. Social Conflict theory C. Symbolic Interaction theory
B. Structural Functionalism theory D. Social Exchange theory

_______6. . Ito ay tumutukoy sa organisadong sistema ng ugnayang sa isang lipunan.


A. Ethnic group C. Social group
B. Institusyon D. Government

_______7. Tumukoy sa dalawa o higit pang taong may magkakatulad na katangian na nagkakaroon ng ugnayan
sa bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang panlipunan.
A. Social Group C. Status
B. Roles D. Institution

______ 8. Ano ang tawag sa mga karapatan, obligasyon, at mga inaasahan ng lipunan na kaakibat ng posisyon ng
bawat indibiduwal ?
A. Gawain C. Gampanin
B. Asal D. Tungkulin

______ 9. Ang lipunan ay binubuo ng mga institusyon. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa
pangunahing institusyon ng lipunan.
A. Pamilya C. Relihiyon
B. Edukasyon D. Tindahan

______10. Anong institusyon ng lipunan unang nahuhubog ang pagkatao ng isang nilalang?
A. Pamilya C. Relihiyon
B. Edukasyon D. Pamahalaan
______ 11. Ito ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay ng mamamayan sa isang lipunan.
A. Pagpapahalaga C. Kultura
B. Kagawian D. Paniniwala

______12. Alin sa mga elemento ng kulturaang nagsisilbing pamantayan ng mga asal, kilos, o gawi sa lipunan?
A. Simbolo C. Paniniwala
B. Pagpapahalaga D. Norms

______13. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng Hindi Materyal na kultura?


A. Gusali C. Sasakyan
B. Batas D. Damit
______14. Ano-anong mga aspekto ang naaapektuhan ng mga kalamidad na naranasan saPilipinas?
A. Kalusugan , Kabuhayan , at Kalikasan
B. Kabuhayan , Kalakalan , at Kalusugan
C. Kalakalan , Kapayapaan , at Kalikasan
D. Kapayapaan , Kabuhayan , at Kultura
_______15. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng isyung personal?
A. Marami ang nagkasakit dahil sa maduming tubig
B. Nagalit ang nanay dahil sa makalat at maduming bakuran
C. Laganap ang iba’t-ibang krimen sa lipunan dahil sa sobrang kahirapan
D. Nahihirapang makakuha ng trabaho ang mga hindi nakapagtapos ng kolehiyo
_______ 16. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng Sociological imagination?
A. Dahil sa trapik laging nahuhuli sa pagpasok si Karla kaya dapat agahan pa niya ang pag gising.
B. Walang mapasukang trabaho si Jose kaya siya ay jobless nararapat lamang na magsipag pa
siya sa paghahanap ng trabaho.
C. Si Ana ay nagkasakit dahil sa dumi ng paligid kaya kinakailangan na mahikayat ang
pamayanan na magsagawa ng maayos na pamamaraan sa pagtapon ng basura.
D. Na hold-up si Glen sa daan mabuti na lang at hindi siya nasaktan kaya naman naging maingat
sa siya at hindi na lumalakad mag isa sa daan.

_______ 17. .Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng Isyung panlipunan?


A. Apektado ang mga mamamayan ng Marawe City dahil sa pang gugulo ng Maute.
B. Dahil hindi nakapagtapos ng high school kaya hirap makakuha ng trabaho si Luna.
C. Maagang natuto mag sigarilyo si Ed kaya sa edad na bente nagka lung cancer siya.
D. Isa si Paul sa mga nalulong sa droga dahil napasama sa mga masasamang barkada.

______ 18. Magkaiba ang isyung personal sa isyung panlipunan. Halimbawa kung may isang tao ang walang
hanap buhay ito ay personal na isyu ngunit kung karamihan sa lipunan ay walang trabaho ito ay isyung
panlipunan. Batay sa halimbawa, ano ang kaibahan ng isyung personal sa isyung panlipunan?
A. Ang isyung panlipunan ay isang pampublikong bagay samantala ang personal na isyu ay hindi.
B. Ang isyung panlipunan ay nakakaapekto sa malaking bahagi ng lipunan at ang
isyung personal ay nakakaapekto sa isang tao lamang.
C. Ang isyung personal at panlipunan ay parehong sumasalamin sa mga problema ng lipunan
D. Ang isyung personal at panlipunnan ay parehong nag ugat sa kawalan ng disiplina ng tao.

_______19. Ayon sa datos na nagmula sa National Statistics Coordinating Board noong 2013 nagtala ng 7.1
unemployment rate ang Pilipinas. Alin sa mga sumusunod na pahayag tungkol sa unemployment ang
totoo?
A. Tungkulin ng pamahalaan na mabigyan ng solusyon ang unemployment.
B. Ang Unemployment ay bunga ng mababang kalidad ng edukasyon.
C. Ang unemployment ay bunga ng pagkukulang ng iba’t-ibang institusyon ng
lipunan.
D. Ang unemployment ay bunga ng hindi pagtupad ng edukasyon at ekonomiya sa kanilang
tungkulin.

_______20. Ayon sa National Solid Waste Management Status Report ng 2016, Saan nagmumula ang
pinakamalaking bahagdan ng itinatapong basura?
A. Residential C. Commercial
B. Industrial D. Institutional
_______21. Anong uri ng basura ang pinakamalaking bahagdan ng itinatapon?
A. Bio-degradable C. Recyclables
B. Residual D. Special
______22. Ang mga sumusunod ay ang mga kapakinabangan na nakukuha sa kapaligiran, Alin ang hindi
kabilang?
A. Tirahan ng iba’t-ibang nilalang C. Ilegal na pagputol ng kahoy
B. Nagbibigay hanapbuhay D. Salik ng produksiyon

______23. Ito ay tumutukoy sa matagalan o permanenteng pagkasira ng kagubatan dulot ng iba’t-ibang gawain ng
tao o ng mga natural na kalamidad.
A. Deforestation C. Reforestation
B. Kaingin D. Illegal logging

______24. Ito ay isa sa mga dahilan ng Climate Change kung saan patuloy na umiinit ang daigdig.
A. Tagtuyot C. El niño
B. La niña D. Global warming

______25. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga dahilan ng deforestation sa Pilipinas?
A. Illegal na pagmimina C. Migrasyon
B. Fuel wood harvesting D. Forest Rehabilitation

______26. Ayon sa ulat na pinamagatang the garbage book ang leachate o katas ng basura ay nagdudulot ng
arsenic at lead poisoning. Aling mga ilog ang apektado ng pagdaloy ng leachate na nagmumula sa Payatas
dump site?
A. Marikina at Pasig River C. Marikita at Laguna River
B. Pasig at Laguna River D. Payatas at Manila Bay

______27.. Ang mga e-waste na tinatapon sa landfill ay nagdudulot ng panganib dahil pinagmumulan ito ng mga
delikadong kemikal na nakalalason sa lupa at tubig. Alin sa mga sumusunod ang mga kemikal na taglay
ng e-waste?
A. Lead, Cadmium, Barium, Mercury, at Polyvinyl chloride
B. Hydrogen, Helium, Beryllium, Lithium at Carbon dioxide
C. Arsenic, Lead, Zinc, Boron, at Hydrogen Peroxide
D. Copper, Mercury, Potassium at Sodium chloride

______28. Ito ay suliraning nagdudulot ng pagbaba sa bilang ng nahuhuling Isda at pagkawala ng ilang species
A. Coral bleaching C. Fish kill
B. Red tide D. Dinoflagellates

______29. Ang madalas at matagalang kaso ng El niño, La niña, malakas na bagyo, malawakang pagbaha, pag
guho ng lupa, tagtuyot at forest fires na nararanasan ng Pilipinas ay epekto ng aling suliraning
pangkapaligiran?
A. Solid waste C. Climate Change
B. Deforestation D. Pollution

______30. Aling sektor ng ekonomiya ang lubusang apektado o nakakaranas ng malaking pinsala sa tuwing
nagkakaroon ng bagyo?
A. Serbisyo C. Agrikultura
B. Industriya D. Transportasyon

______31. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng Top-down Approach?


A. Ang responsibilidad ay nasa kamay ng mamamayang naninirahan sa pamayanan.
B. Lahat ng gawain mula pagpaplano hanggang sa pagtugon sa kalamidad ay
nakasalalay sa nakakataas na ahensya ng pamahalaan.
C. Ang pangunahing batayan ng pagpaplano ay ang karanasan at pananaw ng mga
mamamayang nakatira sa disaster prone area.
D. Ang mga hakbang sa pagtukoy, pag-aanalisa at paglutas sa suliranin ay nagsisimula
sa mga mamamayan at iba pang sektor ng lipunan.

_____32. Ito ay tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao, kapaligiran at mga
gawaing pang ekonomiya.
A. Disaster C. Hazard
B. Risk D. Vulnirability

______33.Tumutukoy sa tao, lugar, at imprastruktura na may mataas na posibilidad na maapektuhan ng mga


hazard. Ito ay kadalasang naiimpluwensiyahan ng kalagayang heograpikal at antas ng kabuhayan.
A. Disaster C. Hazard
B. Risk D. Vulnirability
______34. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng top down approach sa pagbuo ng DRRM
plan?
A. Hinikayat ni Ronin ang kanilang kapitbahay na maglinis ng kanal upang maiwasan
nila ang pagbaha.
B. Nag solicit si Jhon sa mga negosyante sa kanilang barangay upang pakalikom ng
pondo para sa first aid kit bilang paghanda sa iba’t-ibang kalamidad.
C. Nagsagawa ang mga mag-aaral ng pagtukoy sa mga kalamidad na maaaring
maranasan ng kanilang paaralan at komonidad.
D. Inutusan ng Pangulo ang DILG Secretary na magsagawa ng plano kung papaano
maililigtas ang mga residente ng lugar na tatamaan ng bagyo.

______35. Alin sa mga sumusunod ang tamang paghahambing sa top-down at bottom-up approach sa pagtugon
ng hamong pangkapaligiran?
A. Sa top-down approach ng disaster management plan ay nakasalalay lahat ng gawain sa
nakatataas na ahensya ng pamahalaan samantala ang bottom-up approach ay nagsisimula sa
mamamayan ang mga hakbang sa pagtukoy at paglutas ng suliranin.
B. Ang top-down at bottom-up ay parehong community based disaster risk management approach
sa paglutas ng suliranin.
C. Mas epektibo ang top-down kaysa sa bottom-up approach sa pagtugon sa kalamidad
D. Parehong kailangan gamitin ang top-down at bottom-up approach sap ag tugon sa suliranin.

______ 36. Ito ay tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na maaaring danasin ng isang lugar kung ito
ay haharap sa isang sakuna o kalamidad sa isang partikular na panahon.
A. Hazard Assessment C. Capacity Assessment
B. Vulnerability Assessment D. Vulnerability at Capacity Assessment

_______37. Ang mga imppormasyon gaya ng element at risk, People at Risk at Location of people at risk ay
kinakailangan sa pagsasagawa ng anong uri ng Assessment?
A. Hazard Assessment C. Capacity Assessment
B. Vulnerability Assessment D. Vulnerability at Capacity Assessment

_______38. Ito ay tumutukoy sa hakbang o dapat gawin bago at sa panahon ng pagtama ng kalamidad, sakuna o
hazard. Naglalayon itong mapababa ang bilang ng mga maaapektuhan ng disaster.
A. Disaster Preparedness C. Disaster Response
B. Rehabilitation and Recovery D. Prevention and Mitigation

_______39. Alin sa mga sumusunod na halimbawa ang nagpapakita ng achieved status?


A. Yumaman si Renz dahil nanalo siya sa lotto.
B. Ipinanganak si Rita na may kapansanan.
C. Si Joy ay ipinanganak na lalake.
D. Isinilang si Roy sa isang pamilyang dukha.

_______40. Suriin ang mga sumusunod na isyu o hamong panlipunan. Alin sa mga isyu ang may kaugnayan sa
status ng tao sa lipunan?
A. Mas may pagkakataon sa kalidad na edukasyon ang ipinanganak sa mayaman kesa
sa mga ipinanganak na mahirap.
B. Ang hindi pagsunod sa batas trapiko ay nagdudulot ng suliranin na maaaring
mauwi sa pagkawala ng buhay.
C. Ang kawalan ng disiplina ay dahilan ng suliranin sa solid waste.
D. Ang mga househusband ay halimbawa ng pagbabago ng gampanin o social roles.

_______41. May nakatabi sa motorela si Ana na mga Koreana hindi niya maintindihan ang pinaguusapan ng
dalawa dahil hindi siya nakakaintindi ng wika nila.
A. Paniniwala C. Pagpapahalaga
B. Norms D. Simbolo

______42. Sa Pilipinas pantay ang pananaw ng tao sa mga kasarian kaya nabibigyan ng oportunidad ang mga
kababaihan na pumili ng kahit na anong propesyon ang naisin nila.
A. Paniniwala C. Pagpapahalaga
B. Norms D. Simbolo

______43. Tanggap sa mga Muslim ang pag aasawa ng higit pa sa isa.


A. Paniniwala C. Pagpapahalaga
B. Norms D. Simbolo

_____44. Pinapalaki ng mga magulang ang kanilang anak na may babuting asal upang ito ay kagiliwan ng mga
tao.
A. Paniniwala C. Pagpapahalaga
B. Norms D. Simbolo

_____45. Ang pagmamano ay paraan ng pagpapakita ngpaggalang ng mga Pilipino.


A. Paniniwala C. Pagpapahalaga
B. Norms D. Simbolo

______46. Bakit mahalaga ang partisipasyon ng iba’t—ibang sektor sa pagsugpo sa suliraning pangkapaligiran?
A. Kabalikat ang lahat sa pagsugpo sa iba’t-ibang suliraning pangkabuhayan.
B. Mabigat ang isyung pangkapaligiran kaya dapat harapin ng iba’t-ibang sektor
C. Makatitipid ang pamahalaan kapag tutulong ang ibang sektor sap ag tugon sa mga suliranin.
D. Mahihikayat ang mga dayuhan pumunta sabansa kung walang suliranin ang kapaligiran

______47. Ano ang pangunahing sanhi ng suliranin sa solid waste?


A. Kawalan ng disiplina sa pagtapon ng basura.
B. Kakulangan ng dumpsite para tapunan ng basura.
C. Katamaran ng mga garbage collector
D. Kawalan ng pagtugon ng lokal na pamahalaan.

______48. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng suliranin ng kagubatan ng Pilipinas?


A. Mabilis at patuloy na pagliit ng Forest cover
B. Nasisira ang halos 50% ng matatabang lupain
C. Pagkasira ng tahanan ng mga hayop
D. Tinatapunan ito ng basura

______49. Ito ay dahilan ng pagkakalbo ng kagubatan at nagdudulot ng iba’t-ibang suliranin gaya ng baha, soil
erosion at pagkawala ng biodiversity.
A. Illegal Logging C. Fuel wood Harvesting
B. Migration D. Mining

______50. Ang pagkatunaw ng iceberg sa Antartic ay isang epekto ng global warming. Anong suliranin ang
maaaring danasin ng bansa dulot ng pangyayaring ito?
A. Maaaring tumaas ang sea level at lumubog ang mga mabababang lugar.
B. Lalamig ang tubig at mamamatay ang mga isda
C. Malayo ang Antartic kaya hindi tayo apektado nito
D. Dadalas ang bagyo sa Pilipinas
=======================GOOD LUCK=======================

ARALING PANLIPUNAN 10 (IST QUARTER EXAM)


KEY ANSWER:

1. A 11. C 21.C 31. B 41. D

2. A 12. D 22. C 32. A 42. C

3. C 13. B 23. A 33. D 43. A

4. A 14. A 24. D 34. D 44. B

5. C 15. D 25. D 35. A 45. D

6. B 16. C 26. D 36. A 46. A

7. A 17. A 27. A 37. B 47. A

8. C 18. B 28. A 38. A 48. A

9. D 19. A 29. C 39.A 49. A

10. A 20. A 30. C 40. A 50. A

You might also like