You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XII
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF COTABATO
KABACAN NATIONAL HIGH SCHOOL

Araling Panlipunan 10
Lagumang Pagsusulit sa Yunit I (1)
S.Y. 2022-2023

Pangalan:_________________________________________________________ Petsa:_____________
Seksyon:__________________________________________________________ Iskor: _____________
Panuto. Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong at pamimilian. Isulat ang titik ng napiling
sagot sa patlang na nakalaan bago ang bawat bilang.

_____1. Ito ang pinakabagong uri ng corona virus na pinaniniwalaang naggaling sa Wuhan, China.
A. MERS B. SARS C. FLU D. COVID19

_____2. Sa anong kategorya na pabilang ang isyung Covid – 19?


A. Isyung Pang-ekonomiya C. Isyung Pangkalakalan
B. Isyung Pangkalusugan D. Isyung Pangkapaligiran

_____3. Ito ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong


komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.
A. lipunan B. bansa C. komunidad D. organisasyon

_____4. Ito ay tumutukoy sa patuloy na pag-init ng daigdig o global warming dahil sa mataas na
antas ng konsentrasyon ng carbon dioxide na naiipon sa atmosphere.
A. Deforestation B. Illegal logging C. Climate Change D. Natural Calamity

_____5. Ito ay isyung tumutukoy sa paglalang mga natural na kaganapan tulad ng pagkakaroon ng
malalakas na bagyo, pagguhong lupa, at malawakang pagbaha.
A. Isyung Medikal C. Isyung Pangkalakalan
B. Isyung Pangkalusugan D. Isyung Pangkapaligiran
_____6. Ito ay tumutukoy sa mga isyu tulad ng globalisasyon, isyu sa paggawa at migrasyon
A. Isyung Pang-ekonomiya C. Isyung Pangkalusugan
B. Isyung Pangkalakalan D. Isyung Pangkapaligiran
_____7.Ito ay isyung tumutukoy sa paglalang mga natural na kaganapan tulad ng pagkakaroon ng
malalakas na bagyo, pagguho ng lupa, at malawakang pagbaha.
A. Isyung Medikal C. Isyung Pangkalusugan
B. Isyung Pangkapaligiran D. Isyung Pang Ekonomiko
_____8.Sa anong isyu na pabilang ang halalan at terorismo?
A. Isyung Pang-ekonomiya C. Isyung Pangkalakalan
B. Isyung Pangkalusugan D. Isyung Panlipunan
_____9. Anong batas ang ipinatupad upang magkaroon ng legal na batayan sa iba’tibang desisyon
at prosesong pamamahala ng solid waste sa bansa?
A. Republic Act 9003 C. Republic Act 8742
B. Republic Act 7942 D. Republic Act 7586

_____10. Alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng kamalayan sa Kontemporaryong Isyu sa


Lipunan at Daigdig?
A. Ito ay nakatutulong sa paglinang ng kritikal at malawakang kaisipan.
B. Bukod sa kaisipan, pinapalawak din ng Kontemporaryong Isyu ang koneksiyon ng "sarili"
sa lipunan
C. Mapabubuti ang pagbuong mga desisyon sapagkat na aangkop ang kaalaman sa
kasalukuyan.
D. Lahat ng nabanggit
_____11. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapamalas ng halimbawang Kontemporaryong
Isyu?
A. Bayanihan to heal as one Act
B. Ang pagdaong ni Gen. Mc Arthur sa Leyte
C.Kontraktwalisasyon sa mga kawani ng ABS CBN
D. Pagbabawal sa pamamasada ng mga tricycle at jeepney

Para sa bilang na ito, basahin ang talata tungkol sa isyung personal at isyung panlipunan.
“Mayroon mga isyu na may kaugnayan sa ekonomiya. Isang magandang halimbawa ng
ibinigay ni C. Wright Mills (1959) ng pagkakaibang isyung personal at isyung panlipunan ay
tungkol sa kawalan ng trabaho. Kung sa isang komunidad na may 100,000 mamamayang
maaaring maghanapbuhay ay may isang walang trabaho, maaaring ituring ito bilang isang isyung
personal. Subalit kung sa isang lipunang mayroong 50 milyong tao at 15 milyon sa mga ito ay
walang trabaho, maaari itong ituring na isyung panlipunan.”

_____12. Batay sa talata, paano nagkakaibang isyung personal at isyung panlipunan?


A. Isang pampublikong bagay ang isyung panlipunan samantalang ang isyung personal ay
hindi.
B. Nakakaapekto ang isyung panlipunan sa malaking bahagi ng lipunan samantalang ang
isyung personal ay nakakaapekto sa isang tao lamang.
C. Sumasalamin ang isyung panlipunan sa mga suliraning kinahaharap ng isanglipunan.
D. Ang isyung panlipunan at personal ay sumasalamin sa suliraning kinahaharap ng
indibiduwal.

_____13. “Ang kagubatan ay tirahan ng iba’tibang mga nilalang na nagpapanatili ng balanseng


kalikasan, mahalagang mapanatili ang balanseng ito dahil kung patuloy na masisira ito ay
maapektuhan din ang pamumuhay ng tao. Nagmumula din sa kagubatan ang iba’tibang produkto
tulad ng tubig, gamot, damit, at iba pang pangunahing pangangailangan ng tao. Mayroon ding mga
industriya na nagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan na nakasalalay sa yamang nakukuha
mula sa kagubatan.” Aling likas na yaman ang tinalakay sa talata?
A. Yamang tubig B. Yamang gubat C. Yamang lupa D. Yamang mineral

_____14. Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning
pangkapaligiran?
A. kabalikat ang lahat sa pagsugpo sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran
B. Malawak na suliranin ang mga isyung pangkapaligiran na nararapat harapin ng iba’t
ibang sektor sa lipunan
C. Makababawas sa mga gastusin ng pamahalaan ang pagtulong ng iba’t ibang sektor sa
pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran.
D. Mahihikayat ang maraming dayuhan na pumunta sa ating bansa kung mawawala ang
mga suliraning pangkapaligiran nito.

_____15. Mahalagang maging mulat ang tao sa isyung kinakaharap ng lipunan at bansa. Sang –
ayon ka ba sa pahayag o hindi?
A. Sang – ayon, dahil sa pagiging mulat sa mga isyung kinakaharap ng lipunan at bansa
mas lumalawak ang ating kaalaman tungkol sa mga nangyayari sa paligid.
B. Sang – ayon, dahil mahalagang maging mulat sa mga kontemporaryong isyu.
C. Hindi sang – ayon, dahil hindi naman lahat ay naapektuhan ng mga kontemporaryong
isyu.
D. Hindi sang – ayon, dahil wala tayong kakayahan na lutasin ang mga isyung kinakaharap
ng lipunan at ng ating bansa.

Inihanda ni:

ELSA G. RAPUZA
Guro sa Araling Panlipunan

You might also like