You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region 02 (Cagayan Valley)
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ISABELA
QUEZON DISTRICT
306112- BARUCBOC NATIONAL HIGH SCHOOL
Quezon, Isabela 3324
 (0926) 934-3805 306112bnhs@gmail.com

Araling Panlipunan 10 – KONTEMPORARYONG ISYU


SY 2020 – 2021 - Unang Markahan
UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT
Pangalan: __________________________________________________________ Seksyon: _______________ Iskor: __________
Basahin at unawain ang bawat pahayag. Piliin ang tamang sagot at isulat ang titik nito sa nakalaang patlang.
1. _______Alin sa mga sumusunod na tema ng kontemporaryong isyu ang HINDI kasali sa pangkat.
a. Lipunan b. Kapaligiran c. Isyung Panlipunan d. Sarili
2. _______ Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng kontemporaryong isyu?
a. Ito ay mga pangyayaring hindi naganap sa nakalipas na panahon at hindi nakaaapekto sa kasalukuyan.
b. Ito ay paksang napag-uusapan na nakaaapekto sa pamumuhay ng mga tao salipunan.
c. Ito ay mga isyung may positibong epekto lamang at may malaking epekto sa pamumuhay ng mga tao.
d. Ito ay mga pangyayaring gumagambala at nagpapabago sa kalagayan ng ating pamayanan.
3. _______Sinasabing nagaganap sa pagitan ng isang tao at ilang malalapit sa kanya. Ang solusyon sa isyung ito ay nasa kamay
ng indibidwal. Maituturing ang isyung ito na pribadong bagay na nararapat solusyunan sa pribadong paraan.
a. Isyu ng Buhay b. Isyung Panlahat c. Isyung Panlipunan d. Isyung Personal
4. _______Isang pampublikong bagay. Karaniwang kaugnay ito ng krisis o suliranin sa mga institusyong panlipunan. Mga suliranin
ito na nakakaapekto hindi lamang sa isang tao kundi sa lipunan sa kabuuan.
a. Isyu ng Buhay b. Isyung Panlahat c. Isyung Panlipunan d. Isyung Personal
5. _______Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng ugnayan ng isyung personal at isyung panlipunan?
a. Korapsyon ang nagiging isang isyu dahil sa pangangamkam ng mga opisyal ng pamahalaan sa kaban ng
bayan.
b. Ang makalat na bakuran ay isang halimbawa ng isyung personal subalit kung ang isang barangay o bayan ay
magiging makalat dulot ng kawalan ng maayos na sistema ng pagtatapon ng basura, ito ay maituturing na
isyung panlipunan.
c. Ang kawalan ng disiplina ng mga mamamayan ay isyung personal subalit kung ang isang komunidad ay
bulagsak sa paggasta ay maituturing na isyung panlipunan.
d. Ang kahirapang dala ng bagyo ay maituturing na isyung personal subalit matutukoy na isyung panlipunan
kung ito ay nagpapahirap sa buong komunidad.
6. _______Alin sa mga sumusunod ang TUNAY na kahalagahan ng pagiging mulat sa mga kontemporaryong isyu?
a. Nakakatulong sa pagpapayabong ng kaalaman at katalinuhan bilang mag-aaral
b. Pagkakaroon ng pagmamalasakit sa bansa at mas magiging mapagmatyag, matalino at produktibong
mamamayan.
c. Bilang pagsunod sa mga alintutuning ipinapatupad.
d. Wala sa mga nabanggit
7. _______Kailan masasabing kontemporaryong isyu ang isang pangyayari?
I. Nagaganap sa kasalukuyang panahon lamang.
II. Walang epekto sa lipunan o mamamayan.
III. Mahalaga at makabuluhan sa lipunang ginagalawan.
IV. Nagaganap sa kasalukuyang panahon.
a. II, III b. I, IV c. III, IV d. I, II, III, IV
8. _______ May apat na uri ng kontemporaryong isyu, ang isyung panlipunan, pangkalakalan, pangkapaligiran at pangkalusugan.
Alin sa mga sumusunod nabibilang ang usapin sa pandemya tulad ng COVID-19?
a. Isyung panlipunan b. Isyung pangkapaligiran c. Isyung pangkalusugan d. Isyung pangkalakalan
9. _______ Ang pangunahing naaapektuhan ng patuloy na pagbabago sa buhay ng mga mamamayan
a. Gobyerno b. Kalikasan/kapaligiran c. Alagang Hayop d. Mga Karatig Bansa
10. _______ Alin sa sumusunod ang maaaring mangyari kung hindi malulutas ang mga suliraning pangkapaligiran na kinakaharap sa
kasalukuyan? a. Masasanay ang mga tao sa maruming kapaligiran
b. Maraming aalis sa Pilipinas dahil sa sobrang polusyon
c. Patuloy na daranas ang ating bansa ng matitinding kalamidad
d. Lahat ng nabanggit
11. _______ Ang Pilipinas ay apektado sa nagaganap na climate change. Alin sa sumusunod ang epekto nito sa ating bansa?
a. Pagtaas sa insidente ng dengue b. Pagliit ng produksiyon ng pagkain
c. Malalakas na bagyo na nagdudulot ng pagbaha at landslides d. Lahat ng nabanggit
12. _______Tukuyin ang HINDI KABILANG sa pangkat:
a. pagkakaingin b. pagtalaga sa gubat na hindi dapat galawin
c. paghuli sa ilegal na nagtrotroso c. pangangalaga sa mga protected areas
13. _______Natural na disaster: paglindol at tsunami ; disaster na gawa ng tao : ______________________
a. digmaan at polusyon b. pagguho ng lupa at pagbaha c. pagbaha at landslide d. bagyo at stormsurge
14. _______ Bakit mahalagang mabatid ng mga mamamayan na hindi sila ligtas sa mga sakuna at kalamidad?
a. Upang mas marami silang tulong na matatanggap sa pamahalaan at pribadong sektor.
b. Upang mapabilang sila sa listahan ng mga maaaring maging biktima.
c. Upang makapaghanda at maiwasan ang maraming pinsala sa buhay, ari-arian at sa kalikasan.
d. Upang madali silang makalipat sa ibang lugar
15. _______ Alin sa sumusunod ang dapat gawin sa paghahanda sa pagdating ng bagyo at iba pang kalamidad?
a. Laging buksan ang radyo at makinig sa pinakahuling ulat sa mga artista.
b. Magtabi ng sobrang baterya upang may kapalit.
c. Makinig sa haka-haka o tsismis sa lagay ng panahon.
d. Talian ng matibay na lubid o alambre ang mga haligi ng bahay at bubong
16. _______ Bakit mahalaga ang aktibong pakikilahok ng lahat ng sektor ng pamayanan?
a. Dadami ang epekto ng mga hazard at kalamidad. b. Hindi mabibigyan ng solusyon ang mga nararanasang kalamidad
c. Mailigtas ang maraming ari-arian d. Walang maayos na plano ang pamayanan sa pagtugon sa kalamidad.
17. _______ Paano magiging ligtas ang isang komunidad sa mga sakuna o kalamidad?
a. Pagtutok saulat panahon ng PAGASA. b. Pagmomonitor sa lindol ng PHIVOLCS.
c. Pakikinig at panunuod sa SOCIAL MEDIA. d. Mahusay na plano ng DISASTER MANAGEMENT.
18. _______ Tumutukoy sa iba’t ibang gawain na dinisenyo upang mapanatili ang kaayusan sa panahon ng sakuna, kalamidad at
hazard. a. Hazard Assessment b. Capacity Management c. Disaster Management d. Disaster

19. _______ Bakit mahalagang mabatid ng mga mamamayan ang kanilang kahinaan at kakulangan o pagiging vulnerable sa mga
disaster? a. Upang mas marami silang tulong na matatanggap mula sa pamahalaan at pribadong sektor.
b. Upang mapabilang sila sa listahan ng mga maaaring maging biktima.
c. Upang makapaghanda at maiwasan ang maraming pinsala sa buhay, ari-arian at sa kalikasan.
d. Upang maitala na sila ay kabilang sa mga mahihirap na mamamayan.
20. _______Bilang mamamayan, paano ka makatutulong sa pagkamit ng isang maayos na lipunan?
a. Makakamit ito kung lahat ay nakapag-aral.
b. Kung sagana sa likas na yaman an gating bansa.
c. Kung maayos ang ugnayan ng buong pamilya.
d. Kung ang bawat institusyon sa lipunan at mamamayan ay gagampanan ng maayos ang kanilang responsibilidad.

Inihanda ni:
CHARLYN MAY V. SIMON
Guro

Sinuri nina:
VENUS TUGADE-PASCUAL MARY MARJORIE S. MILLANES
QA Araling Panlipunan Tagapag-ugnay JHS

PINAGTIBAY:
JELITA A. SORIA, PhD
Punong Guro II
Republic of the Philippines
Department of Education
Region 02 (Cagayan Valley)
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ISABELA
QUEZON DISTRICT
306112- BARUCBOC NATIONAL HIGH SCHOOL
Quezon, Isabela 3324
 (0926) 934-3805 306112bnhs@gmail.com

Araling Panlipunan 9 – EKONOMIKS


SY 2020 – 2021 - Unang Markahan
UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT
Pangalan: __________________________________________________________ Seksyon: _______________ Iskor: __________
Basahin at unawain ang bawat pahayag. Piliin ang tamang sagot at isulat ang titik nito sa nakalaang patlang.
1. _______ Ang salitang ekonomiks ay galing sa salitang oikonomeia, isang salitang Griyego na ang ibig sabihin ay:
a. pamamahala ng negosyo b. pakikipagkalakalan c. pamamahala ng tahanan d. pagtitipid
2. _______ Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat:
a. pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakamal ng salapi ang tao.
b. nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang ating daigdig.
c. pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating kapwa tao.
d. pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang matugunan ang kanilang materyal na
pangangailangan at mapataas ang antas ng kabuhayan.
3. _______ Ang pagsasagawa ng desisyong pang-ekonomiks ay nangangailangan ng pagpili ng
a. Alternatibo b. Marginal Cost c. Negatibong bunga d. Positibong bunga
4. _______Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng matalinong pagdedesisyon gamit ang konsepto ng Trade-off
a. Isinakripisyo ni Joan ang pagpunta niya sa Disney land at gumastos ng 50,000 sa halip ay bumili na lamang ng
lupa upang pagtayuan ng kanyang bahay.
b. Mas pinili ni Klent na magpa load at bumili at mag download ng mga pelikula sa internet kesa manood ng TV
sa sinehan.
c. Mas ginusto ni Ana na Bumili na lamang ng damit kesa mag pa rebond ng buhok
d. Lahat ng nabanggit
5. _______ May kasabihan sa ekonomiks na “Rational people think at the margin”, ang ibig sabihin nito ay:
a. Sinusuri ng isang indibidwal ang karagdagang halaga, maging ito man ay gastos o pakinabang na makukuha
mula sa gagawing desisyon
b. Ito rin angparaan na makatutulong sa matalinong pagdedesisyon upang maging rasyonal ang bawat isa sa
pag buo ng desisyon.
c. May mga bagay talaga na dapat isakripisyo kung ito ang nararapat sapagkat ang isang matalinong mamimili
ay dapat marunong tumimbang kung ano ang dapat unahin at di dapat unahin sa pagdedesisyon sa pagbili
ayun sa kanyang pangangailangan.
d. Lahat ng nabanggit
6. _______Ang mga sumusunod ay halimbawa ng marginal thinking sa pang-araw-araw na buhay: Alin ang HINDI kabilang dito?
a. Pag-iisip kung ano-ano ang mga karagdagang gastusin kung ikaw ay mamimili kung saan ka magbabakasyon.
b. Pag-iisip kung ano-ano ang mga karagdagang benepisyo at gastusin kung gagamit ka ng ibang sabon para sa
paglalaba ng iyong mga damit
c. Pag-iisip tungkol sa antas ng pagtaas ng iyong mabebenta na produkto kung dadagdagan mo ang iyong gastos
sa advertising.
d. Wala sa mga nabanggit
7. _______Ano ang pinakamahalagang layunin ng ekonomiks bilang isang agham panlipunan?
a. Maibigay ang hilig ng mga maririwasang tao kahit na maraming mahihirap.
b. Maitaas ang antas ng pamumuhay ng lahat ng mamamayan sa isang bansa.
c. Mapag-aralan ang pamamaraan ng pagtaas ng pambansang kita.
d. Makalikha ng mga produkto at serbisyong pang-internasyonal at makapaglingkod sa ibang bansa.
8. _______ Mahalaga at makabuluhan ang pag-aaral ng ekonomiks para sa mga kabataan. Ano sa palagay mo ang pinakamabuting
maidudulot sa iyo ng pagkakaroon ng kaalaman sa ekonomiks?
a. Maisasaulo ang mga konsepto sa ekonomiks upang madaling makapasa sa kolehiyo.
b. Maaari kang magsilbing kritiko ng pamahalaan.
c. Mapag-aaralan ang mga gawi, kilos, at siyentipikong pamamaraang makatutulong sa iyo sa pagdedesisyong
pangkabuhayan ngayon at sa hinaharap.
d. Magkaroon ka ng kakayahang makapagturo rin ng ekonomiks.
9. _______ Malaki ang bahaging ginagampanan ng ekonomiks sa lipunan. Alin sa mga pangungusap ang nagsasaad ng diwang ito?
a. Sa tulong ng pagsusuri sa ekonomiks, napaghahagdan-hagdan ang katayuan ng mga tao sa lipunan kaya’t
nauuuri natin ang mahihirap, nakaririwasa, at mayayaman.
b. Upang tumaas ang ekonomiya ng isang bansa, kailangang sundin nito ang mga patakaran ng mayayamang bansa.
c. Ang paglikha ng mga produktong tutugon sa anumang hilig-pantao ay mahalaga kayat dapat ipagpatuloy and produksyon
ng mga ito kahit na masira ang mga yamang likas sa daigdig.
d. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng ekonomiks, nakatutuklas ng paraan upang patuloy na tumaas ang antas ng kita,
empleyo, seguridad, at kagalingang panlipunan ng mga mamamayan sa isang bansa.
10. _______ Sa pag-aaral ng ekonomiks, pangunahing batayan nito ang suliranin ng kakapusan. Bakit nararanasan natin ang
kakapusan?
a. Ito ay dahil sa hindi tamang paggamit ng likas na yaman b. Ito ay dahil sa mapaminsalang kalamidad na nararanasan
c. Ito ay dahil sa masyadong malaki ang populasyon at konti lang ang pinagkukunang-yaman
d. Ito ay dahil sa walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao kahit limitado ang pinagkukunang-yaman
11. _______ Ang suliranin sa kakapusan ay bahagi na ng buhay ng tao. Para maiwasan ang paglala ng suliraning ito, kailangang
magdesisyon ang lipunan batay sa apat na pangunahing katanungan pang-ekonomiko. Ang “tradisyunal na paraan o
paggamit ng teknolohiya” ay sumasagot sa aling katanungang pang-ekonomiko?
a. Ano-anong produkto o serbisyo ang gagawin? b. Paano gagawin ang naturang produkto at serbisyo?
c. Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo? d. Gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo?
12. _______ Bilang isang mag-aaral, bakit mahalagang pag-aralan mo ang ekonomiks?
a. Ito ay dahil sa magagamit mo ang iyong kaalaman sa paghahanap ng trabaho sa hinaharap.
b. Ito ay dahil sa makatutulong ito upang maintindihan mo ang kalakaran sa ekonomiya.
c. Ito ay dahil sa makatutulong ito upang mahubog ang iyong pag-unawa, ugali
at gawi na magagamit mo para sa iyong kinabukasan at paghahanap-buhay sa hinaharap.
d. Dahil sa magagamit mo ito upang matulungan ang iyong pamilya sa pagdedesisyon ng mga bagay-bagay sa araw-araw.
13. _______ Kahit masama ang pakiramdam ni Ariel ay pinilit pa rin niyang pumasok sa paaralan dahil nanghihinayang siya sa maari
niyang matutunan na leksyon. Ang sitwasyon ay isang halimbawa ng aling konsepto ng matalinong pagdedesisyon?
a. Incentives b. Marginal Thinking c. Opportunity Cost d. Trade-off
14. _______ Alin sa sumusunod ang mithiin ng bawat sistemang pang-ekonomiya?
a. Upang mas mapalawig ang kitang pang-ekonomiya ng ating bansa.
b. Upang makamit ang pinakamataas na kasiyahan at kapakinabangan mula rito.
c. Upang makaagapay ang lipunan sa mga suliranin at episyenteng magagamit ang pinagkukunang-yaman ng bansa.
d. Upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
15. _______Tumutukoy sa isang institusyonal na kaayusan at paraan upang maisaayos ang paraan ng produksiyon, pagmamay-ari at
paglinang ng pinangkukunang yaman at pamamahala ng gawaing pangekonomiko ng isang lipunan.
a. alokasyon b. Sistemang pangekonomiya c. Scarcity d. Trade - off
16. _______ Ang kagustuhan sa pangunahing katanungan pang-ekonomiko ay nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala
a. Command Economy b. Market Economy c. Mixed Economy d. Traditional Economy
17. _______Ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng pamahalaan
a. Command Economy b. Market Economy c. Mixed Economy d. Traditional Economy
18. _______Hinahayaan dito ang malayang pagkilos ng pamilihan sabalit maaring manghimasok o makialam ang pamahalaan.
a. Command Economy b. Market Economy c. Mixed Economy d. Traditional Economy
19. _______ Sa iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya na umiiral sa mundo, anong katangian na nakapagbubukod-tangi sa sistemang
mixed economy na siyang dahilan upang ito ang ginagamit ng mas nakararaming bansa?
a. Ang pagkontrol ay alinsunod sa komprehensibong control at regulasyon ng pamahalaan.
b. Anumang produktong nalilikha ay ipamamahagi ayon sa pangangailangan at kung sino ang dapat gumamit.
c. Nagpapahintulot sa pribadong pagmamay-ari ng kapital ,at pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng presyo
d. Hinahayaan dito ang malayang pagkilos nga pamilihan subalit maaaring manghimasok o makialam ang pamahalaan sa
mga usaping nauukol sa pangangalaga ng kalikasan, katarungang panlipunan, at pagmamay-ari ng estado.
20. _______Papaano mo gagampanan ang iyong tungkulin bilang kasapi ng pangkat kung ikaw ay kabilang sa market economy?
a. Wala sapagkat ang katungkulan ko sa ekonomiya nagmumula sa pamahalaan batay sa plano.
b. Malaya akong makakakilos ayon sa sariling kagustuhan o interes nang hindi pinakikialaman ng pamahalaan.
c. Tulong-tulong sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pakikinabang sa pinagkukunang yaman.
d. Malaya ang mamamayan subalit ang pamahalaan ay may control pa rin sa ilang mga Gawain

Inihanda ni: CHARLYN MAY V. SIMON


Guro Sinuri nina:
VENUS TUGADE-PASCUAL MARY MARJORIE S. MILLANES
QA Araling Panlipunan Tagapag-ugnay JHS

PINAGTIBAY: JELITA A. SORIA, PhD


Punong Guro II
Republic of the Philippines
Department of Education
Region 02 (Cagayan Valley)
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ISABELA
QUEZON DISTRICT
306112- BARUCBOC NATIONAL HIGH SCHOOL
Quezon, Isabela 3324
 (0926) 934-3805 306112bnhs@gmail.com

TALAHANAYAN NG ESPISIPIKASYON
ARALING PANLIPUNAN 10 – Kontemporaryong Isyu
UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT
Unang Markahan – SY 2020 – 2021

MELCs BILANG NG BILANG NG


ORAS AYTEMS
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Nasusuri ang kahalagahan ng pag-aaral ng Kontemporaryong


Isyu. 4 10

Natatalakay ang kalaga-yan, suliranin at pag-tugon sa isyung


pang-kapaligiran ng Pilipinas. 2 5

Natutukoy ang mga paghahandang nararapat gawin sa harap ng


panganib na dulot ng mga suliraning pang-kapaligiran.
2 5

KABUUAN 8 20

Inihanda ni: CHARLYN MAY V. SIMON


Guro
Sinuri nina:

VENUS TUGADE-PASCUAL MARY MARJORIE S. MILLANES


QA Araling Panlipunan Tagapag-ugnay JHS

PINAGTIBAY: JELITA A. SORIA, PhD


Punong Guro II

You might also like