You are on page 1of 4

Masusing Banghay Aralin

Filipino Grade 9
(01-05-16)

I- LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipapamalas ng mga mag- aaral ang pag- unawa at pagpapahalaga sa
alamat sa tulong ng teknolohiya at pang- abay na pamanahon.

B. Pamantayan sa Pagganap
Nakapagsasalaysay nang masining ang mag- aaral ng isang sariling
kathang alamat gamit ang graphic organizer.

C. Kasanayang Pampagkatuto
Nabibigyang kahulugan ang kilos, gawi, karakter ng mga tauhan batay sa
usapang napakinggan.
II- PAKSA
A. Panitikan Ang Alamat ni Prinsesa Manorah
Alamat- Thailand
Isinalin sa Filipino Dr. Romulo N. Peralta

B. Gramatika/ Retorika: Pang- abay na Pamanahon


 Pang- abay na may Pananda (nang, sa, noon, kung, kapag,
tuwing, buhat, mula, umpisa, hanggang)
 Pang- abay na walang Pananda (hapon, kanina, ngayon,
mamaya, bukas, sandali)
 Pang- abay na nagsasaad ng dalas (araw- araw, tuwing,
taon- taon, buwan- buwan)

C. Uri ng Teksto: Nagsasalaysay


III- Yugto ng Pagkatuto: TUKLASIN

GAWAING GURO GAWAING MAG- AARAL


A. PAGGANYAK

Magandang umaga klas Magandang umaga rin ma’am

Bago kayo umupo ay tiyaking nakahanay at


maayos ang inyong mga upuan.

May lumiban ba sa klase,klas? Wala ma’am.


\mabuti naman kung ganun!

Tignan ang mga larawan sa TV screen klas.


(titignan ng mga mag-aaral ang mga larawan
Ano ang mapapansin niyo sa mga larawang ng pamaypay,bulaklak,katana,kuwintas.)
ito klas?
Ikaw nga,Alex? Ang mga larawang ito ay mahalaga

Tama!
Ano pa,sheng? Ang mga larawan ay may ibat-ibang
katangian.
Magaling!

Ano pa,Aubrey Ang mga larawan ay may iibat-ibang gamit o


ginagamit sa ibat-ibang bagay.
Mahusay.

Ang mga larawan bang ito klas,ay may mga


pinagmulan din? Opo ma’am.

Magagaling!

B. PANGKATANG GAWAIN
Kung talaga ngang may pinagmulan ang
mga bagay na ito klas ay magkakaroon tayo
ng isang laro na pinamagatang
“PINAGMULAN KO,HULA MO”
Ngunit bago niyo gawin ito ay papangkatin
ko muna kayo sa apat.Magbilang ng 1-
4.Kung sino ang magkakapareho ang bilang
ay sila ang mga magkakasama.Pumunta na
sa inyong mga pangkat.

Basahin nga ang panuto para sa inyong Panuto: Bawat pangkat ay bubunot ng
gawain,Hazel? larawan.Ang larawang mabubunot ng pangkat
ay ilalahad ang maaaring pinagmulan nito
gamit ang Organizer.

Naintindihan ba ang panuto klas? Opo ma’am


Kung ganun tinatawag ko na ang kinatawan
ng bawat pangkat para sa bunutan.

Bibigyan ko lamang kayo ng sampung


minuto para gawin ang gawain klas.

Tapos na ang sampung minuto klas para sa


paggawa

C. PRESENTASYON NG GAWAIN
Ngayon naman klas,tinatawagan ng bawat
pangkat na pumaharap para bumunot kung
sino ang unang magbabahagi ng kanilang
ginawa.

Tinatawagan ko na ang nakabunot ng 1 para


pangunahan ang pagbabahagi sa atin.
Magaling!
Sunod naman ang nakabunot ng 2 para
ibahagi ang kanilang ginawa.

(susunod pang magbabahagi ang mga


pangkat na nakabunot ng bilang 3 at 4 para
ibahagi ang kanilang ginawa.)

Napakahusay ng inyong mga ginawa!

D. SINTESIS
Talaga ngang nabigyan niyo ng pinagmulan
ang mga larawan na ito nakagawa kay ng
isang alamat.
Batay sa ginawa niyo sa inyong pangkat sa
anong paraan niyo isinalaysay ang alamat?
Ikaw nga,Janice? Isinalaysay sa pamamagitan ng pagbibigay ng
pinagmulan at mga katangian nito.
Magaling!
Ano pa,Jens? Isinalaysay sa pamamagitan ng pagtukoy
tungkol sa kung ano ang mayroon dito.
Mahusay!
Ano ang nakatulong sa inyo pra maibigay
ang pinagmulan nito o para mabuo ang
alamat?
Ikaw nga,Lhorie? Sa pamamagitan ng paggamit ng mga kathang
isip para mabuo ang pinagmulan ng bagay.
Tama!
May pagkakaiba ba ang alamat sa iba pang
uri ng panitikan ng iyong naisulat o nabasa?
Subukin mo nga,Cleo? Karaniwang kathang isip lamang ang alamat
o di kaya naman pag minsan may
katotohanan kysa sa iba pang uri ng
Magaling! panitikan.

IV- PAGTATAYA

Batid kong malinaw na sa inyo ang dating


pinag aralan ngayong umaga kaya naman
nais kong maglabas kayo ng isang buong
papel at gawin ang nakasaad sa panuto.
Basahin nga ang panuto,Monica? Panuto; Mag-isip ng isang bagay na mahalaga
sayo at ilahad ang maaring pinagmulan nito
batay sa iyong sariling kaisipan.
Maliwnag ba ang panuto klas? Opo ma’am.

Kung gayon,bibigyan ko lamang kayo ng


pitong minuto para gawin klas.

Tapos na ang pitong minuto klas para sa


paggawa ng inyong Gawain kaya naman
ipasa na ang inyong mga papel paharap.

V- TAKDANG ARALIN

Para sa ating talakayan bukas ay basahin ang


“ANG ALAMAT NI PRINSESA
MANORAH
“(Isinalin sa Filipino ni Dr. Romulo N.
Peralta).

May mga katanungan pa ba klas? Wala na naman.

Kunggayon,maghanda na para sa inyong


susunod na klase.

Paalam klas. Paalam ma’am.

You might also like