You are on page 1of 8

Masusing Banghay Aralin

sa
Filipino IV

I. Layunin : Sa itinakdang oras ang mag – aaral ay inaasahang ;

a. matukoy ang mga salitang naglalarawan


b. makabuo ng pangungusap gamit ang mga salitang naglalarawan
c. maunawaan ang kwento
d. makakuha ng magandang aral sa kwento
e. mapahalagahan ang pagmamahal ng ina sa anak

II. Paksang Aralin : Mga Salitang Naglalarawan (PANG – URI)


Sanggunian : Hiyas sa Wika Filipino IV ni Lalunio, Ph.D. pp. I06 – 111
Kagamitan : larawan, tsart, pandikit

III. Pamamaraan

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG - AARAL

A. Panimulang Gawain
1. Panalangin

Magandang hapon mga bata! - Magandang hapon po titser!

Sa hapong ito ako ang inyong magiging


guro,ako nga pala sa BB. Cindy Lou Canoy
at tawagin niyo nalang akong titser Cindy.

Ngayon tumayo ang lahat para sa isang


panalangin.

2. Paglingap

Sino ang wala sa ngayon? Andito naba ang


lahat?

3. Pagsagot sa Takdang Aralin

May takdang aralin ba tayo mga bata? - Wala po titser!

a. Pampasiglang Gawain

Bago tayo tutungo sa ating aralin sa


hapong ito ay magkakaroon muna tayo ng
isang paligsahan. Hahatiin ko kayo sa apat
na pangkat. May mga salamin ako dito sa
pisara na may mga salita, hindi niyo
mabasa diba? Ang gagawin niyo ay ayusin
niyo ito upang mabasa. Ang pangkat
naunang matapos at may tamang sagot
DAGANMA MAGANDA
TAMILDA MALDITA
SUMANGIT MASUNGIT

b. Balik – Aral

Mga bata, noong nakaraang araw ay


tinalakay natin ang tungkol sa
magkasingkahulugan at magkakasalungat
na mga salita.

Ano ulit ang ibig sabihin ng


magkasingkahulugan?
- Magkapareha titser!

Tama!ano naman ang ibig sabihin ng


magkasalungat?
- Kabaliktaran po titser!

Magaling!

Ngayon, may mga larawan ako ditto


katumbas ng mga salita ,tukuyin niyo ung
itoy magkasingkahulugan o
magkasalungat.

- MAGKASINGKAHULUGAN

- MAGKASINGKAHULUGAN
- MAGKASALUNGAT

- MAGKASALUNGAT

- MAGKASALUNGAT

Magaling mga bata!

c. Pagganyak

Mga bata, nagyon ay ipapangkat ko ulit


kayo sa apat na pangkat,pipili kayo ng
inyong magiging lider. May mga gupit –
gupit na mga larawan ako dito, ang
gagawin niyo lang ay paunahan kayo sa
pagbuo at idikit sa pisara ang unang
natapos ay bibigyan ko ng pabuya.

Naiintindihan niyo ba mga bata? - Opo titser!

Sa bilang ng isa, dalawa, tatlo….simulan


niyo na!

Unang pangkat Ikalawang pangkat


Ikatlong pangkat Ikaapat na pangkat

4. Paglinang na Gawain

a. Paglalahad

Ngayon, mga bata sa hapong ito ay


tutukuyin natin ang ating aralin sa
pamamagitan ng laro na may pamagat na
“PUNAN NIYO ANG KULANG KO”.

‘’M__ __ SA__ __ T__N__ __AGLA__ __R__W__A__’’

“__NG S__LA__ __IN”

Ang gagawin niyo punan niyo ng mga


nawawalang letra sa patlang ang mga
salita para mabasa at malaman natin ang
ating aralin ngayon, ang mga kulang na
letra ay makikita niyo lang dito sa silid.

Simulan niyo na!

Ok!,basahin natin ang nabuo nating mga - ‘’MGA SALITANG NAGLALARAWAN


salita gamit ang mga letrang inyung
nahanap.. - “ANG SALAMIN”

Magaling mga bata!Ang ating aralin


ngayon ay tungkol sa mga salitang
naglalarawan. At bukod dito mayroon din
akong kwento na tiyak kapupulutan niyo
ng aral ang pamagat nito ay “ANG
SALAMIN” gusto niyo bang makarinig ng - Opo titser!
kwento mga bata?

b. Pamantayan

Bago ko ipapakilala sa inyo kung sino ang


magkukwento ,tatanumgin ko muna kayo,
Mababait ba kayo mga bata? - Opo titser

Ayos ,kasi may mga pamantayan ako dito


sa pangkat na mababait at maiingay at
Iyung di nakikinig kay titser.
Naiintindihan niyo ba mga bata? - opo titser!

c. Paghawan ng Balakid

Ngayon bago natin simulan ang


pagkukwento , ano itong nakikita niyo? - Regalo titser!

Oo, at ito’y naglalaman ng naglalaman ng


mga salita na matatagpuan natin sa ating
kwento upang mas maintindihan natin
ang isturya. Tatawag ako ng representanti
upang itapat ang mga salita sumusunod
na kahulugan.

Malaya,nasusunod lahat ang LAYAW


gusto

tawag sa isang taong namatayan NABALO


ng asawa

Maayos manumit,maarte sa
PUSTURYOSA
katawan

Makasarili di - marunong MARAMOT


magbigay

Ang piging ay isang tradisyunal at PIGING


makabanghay na salita na
nangangahulan na isang salu-salo
sa hapagkainan.

Bigyan nati ang ating sarili ng Mommy


dionisia clap!

d. Pagtatalakay

Ngayon mga bata halina’t makinig sa


aking kwento na tiyak magigustuhan
ninyo!

Handa naba mga bata! - Handa na po titser !

Ang Salamin

Doon po sa amin , bayan ng Tiwi,


May magandang batang pangalan ay
Annie.
Maayos , malinis, pusturyosa lagi;
Sunod sa layaw nag – iisa kasi.
Maagang nabalo, butihing ina,
Kaya sunod lahat magustuhan niya
Mgandang manahi itong nanay niya
Di kataka – takang bata’y pusturyosa

Dahil nag – iisa si Annie ay maramot;


Lage nang malungkot o naksimangot.
Sa inang pangaral na kung sumagot – sagot
Sira ang sapatos sa lakas ng dabog.

Hindi makatiis, inang mapagmahal,


Tinawag ang anak at pinangaralan .
Ginawa ito sa mabuting paraan
Upang iutong anak ay hindi masaktan.

“Anak, regalo ko sayong kaarawan


Ay masayang piging ditto s ‘ting bahay.
Anyayahan mga kapitbahay,
Pagkat sa gipitan sila ang kadamay.”

Ang magandang kahon inabot sa anak


At nang ito’y buksan, salami’y tumambad.
Agad nanalamin, ngumiti, kumurap;
Natuwa si Annie, inay’ niyakap.
“Anak, anang ina, “salami’y hawakan
Sumimangot baga’t sisimangot naman,
Ngumiti kang lagi, ikay ngingitian.
Ang buhay ay ganyan salami kabagay.

Ang batang
mabait , pinagbabaitan;
Maging masaya ka’t ikay lalapitan.”
Ngumiti si Annie sa kanyang natutuhan,
Sa buhay na ito’y salami’y kakambal.

Nagustuhan niyo ba ang kwento ko mga - Opo titser!


bata!

Ngayon,tingnan nati kung nakinig nga kayo


sa kwento ko,..

Saang lugar naganap ang kwento? - Sa Tiwi

Tama!sinu- sino ang mga tauhan sa kwento?


- Ang ina at si annie
Magaling! Bakit kaya sunod ang layaw ni
Annie?
- Dahil siya ay nag – iisang anak.

Anu – ano ang di – magndang katangian ni


Annie? - Maramot
- Palaging nakasimangot
- At mahilig sumagot sa pangaral n
nanay.
Kayo mga bata,mahilig ba kayung sumagot
sa mga pangaral ni nana niyo? O kay tatay?
- Hindi po!
Magaling!dapat ganyan palage,making lage
sa pangaral n gating ama at ina.

Bakit daw katulad ng salamin ang buhay? - (ang inaasahang sagot ay nakaba
sa personal na sagot o karanasan
mga mag-aaral).

Oo nga naman, tulad ng gating buhay


ngingiti sayu ang mundo kung ngingiti
pisikal ngitian mo at maaaninag nito ang
kalooban mo,.ayos ba mga bata!? - Opo titser!

DAGANMA

You might also like