You are on page 1of 10

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO IV

Panunuring Pampanitikan

I. Layunin:

A. Nakikilala ang pangunahing tauhan sa akda.


B. Natutukoy ang saloobin matapos matalakay ang kwento.
C. Nakabubuo ng isang Slogan na tumutukoy sa pagmamahal ng isang Ina.

II. Paksang Aralin:

A. Maikling kwento ni Pinkaw. Kwentong Hiligaynon.


B. Sanggunian: Panunuring Pampanitikan IV. Dayag A.M Marasigan..,E.V..Pp.3-7
C. Kagamitan; Larawan ng mag-ina, Larawan ng isang Inang kinukutya,papel,ballpen,
Manila paper,pentelpen,pisara,yeso.

III. Pagtalakay sa Paksa:


GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. Panimulang Gawain:

1. Panalangin.

2. Pagbati.

> Magandang umaga mga bata. Magandang umaga din po! Ginoong Villas!

3. Pagtatala ng lumiban:
>Meron bang lumiban sa ating klase ngayong Wala po!( lahat ng istudyante )
araw na ito?

>Magaling!

4. Pagbabalik-Aral:
Sino ang nakaka-alala ng tinalakay natin
kahapon ?Junie?

Tama! Ang ating tinalakay kahapon ay Ang atin pong tinalakay kahapon ay ang paksang
paksang panaguri at ang dalawang uri nito. panaguri at ang dalawang uri nito.

>Maaari mo bang sabihin Lance? Kung ano Ang dalawang uri po nito ay paksang panaguri at
ang dalawang uri nito? paksang panghalip na panao.

>Mahusay Lance!
Ngayon naman magbigay ng tatlong
halimbawa ng Pangungusap na Panag-uri.
Michael? >Ang sabaw ay inilagay sa loob ng refrigerator.

Tama! Ano ang panag-uri sa pangungusap? Yung inilagay po.


Magaling!

Sumunod na Pangungusap? Ang aso ay tumakbo patungo sa kanyang amo.


Ryan?

Ano ang panag-uri sa Pangungusap? Tumakbo po.

Magaling!

Eh ang pangatlong Pangungusap? Si Dante ay nilinis ang silid-aralan ng maaga.


Cindy?

Ano ang panag-uri sa Pangungusap? Nilinis po.

Mahusay!

Dahil natatandaan niyo ang ating tinalakay


noong huli nating pagkikita.

Ngayon naman tutungo tayo sa ating aralin sa Opo!


araw na ito. Handa na ba ang makinig ang
lahat?

B.Pagganyak:

>Ngayon naman magpapakita ako ng


dalawang uri ng larawan.

Ito ang unang larawan.

Ano ang nakikita niyo sa unang larawan? Nagpapakita po ng pagmamahal ang isang Ina sa
kanyang anak.
>Mahusay! Eh itong pangalawang larawan? Pagkutya po sa isang kawawang Ina.

Magaling!

Sa inyo bang palagay, may ugnayan ba ang Opo!


dalawang larawan na aking ipinakita?

Anong ugnayan na ito?Avah? Sa tingin ko po sa sobrang pagmamahal niya sa


kanyang mga anak, kahit ano gagawin niya para
lang sa kanyang mga anak. Kaya lang po, meron
siyang naranasan na kalunos-lunos na pangyayari
sa kanyang buhay kaya po siya nawala sa
katinuan.
Magaling Avah! Ang ating paksang aralin sa
araw na ito ay may kaugnay sa mga larawang
aking ipinakita. Handa na bang makinig ang
lahat? Opo!

C.Paghawan ng Sagabal:

Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang may


salungguhit sa halimbawang pangungusap na
nakatala sa ibaba.
Posibleng sagot:
1.Ang pag-idlip sa tanghali ay nakagawian
nang gawin simula pagkabata. 1.Saglit na pag tulog
2. Ang damit ng pulubi ay gula-gulanit.
3. Takipsilim ng ako’y makarating sa aming 2.Punit-punit na damit
tahanan. 3.Dapit hapon
4. Balat-sibuyas pala ang aking kaibigan ng
tapatin ko siya. 4.Madamdamin
5. Inuutusan ako ng aking Ina subalit nag
taingang kawali ako. 5.Bingi-bingihan
D.Pagtalakay sa Paksa.

E. Gabay na Tanong:

.Ano ang kanilang ikinabubuhay?


.Ano ang iniuuwi niya sa kanilang bahay?
.Saan sila madalas kumukuha ng pagkain?
.Ano ang kanyang ginamit upang dalhin ang
kanyang anak sa pagamutan?
.Bakit nawala sa katinuan si Pinkaw?

“MAIKLING KWENTO NI PINKAW”

Mahirap ang pamumuhay ni PINKAW


at ang kaniyang tatlong anak, Tanging
pamamasura lamang ang ikinabubuhay nila.
Gayunman, Positibo pa rin ang pananaw ni
PINKAW sa buhay, masaya siyang
nangangalakal. Ang mga bagay na
mapapakinabangan ay iniuuwi pa rin niya sa
kanila. Sa basurahan na rin siya minsan
kumukuha ng kanilang pagkain. Si PORAY
ang panganay na anak ni PINKAW na labis sa
pagkapayat, Si BASING naman ang
ikalawang anak ni PINKAW na isang bungal,
Si TAKOY naman ang bunso ni PINKAW na
pinaka gwapo sa lahat ng mga anak niya.
Nababalitaang iba-iba raw ang ama ng mga
anak ni PINKAW. Hindi naman ito
pinapansin ni PINKAW. Minsan nakakapag-
uwi si PINKAW ng sardinas sa kanilang
bahay na napulot sa basurahan. Pinakain niya
ito sa kanyang mga anak , Dahil hindi na bago
ang sardinas sumakit ang tiyan ng mga anak
ni PINKAW at isinugod niya ito sa
pagamutan gamit ang kaniyang kariton,
ngunit binawian ng buhay ang isa sa kaniyang
anak habang papunta sa pagamutan, ng
makarating sa pagamutan, hindi sila inasikaso
agad at inuuna ang mapepera. Dahil dito,
kinabukasan ay binawian din ng buhay ang
dalawa pa niyang anak. Dahil sa pangyayari
ay nawala sa katinuan si PINKAW. Hindi
niya kinaya ang sinapit ng mga anak.
Madalas na lamang makikita si PINKAW na
palakad-lakad sa kalsada at nagiging
tampulan ng tukso.
Ito po ay tungkol sa buhay ni Pinkaw.
Tungkol saan ang napakainggan nating
kwento?
Siya po ay nagkokolekta ng basura.
Tama. Ano ang kabuhayan ni Pinkaw?
Si Pinkaw po. Mayroon po siyang tatlong anak na sila
Tama. Carl, sino – sino ang mga tauhan sa Poray, Basing at Takoy.
kwento?
Dahil po namatay ang kanyang tatlong anak.
Magaling! Sa tingin ninyo, ano kaya ang
dahilan kung bakit nawala sa sarili si Pinkaw?
Namatay po ang kanyang mga anak dahil sa kanilang
Tama!. At ano ang dahilan ng pagkamatay ng nakain at dahil sila ay walang pera pang – paospital.
kanyang mga anak? Lea?
Hindi po sila inasikaso dahil inuna po nila ang
Ano ang ginawa ng pagamutan nang sila mayayaman.
Pinkaw ay nakarating doon?
Hindi po.
Tama ba ang ginawa ng pagamutan?

Magaling! Hindi tama ang ginawa nila. Hindi


dapat namimili ng taong gagamutin ano man
ang aspeto sa buhay.
Dahil po hindi nya matanggap na nawala ng
Bakit nawala sa sarili si Pinkaw sa pagkawala sabay sabay ang kanyang mga anak.
ng kanyang mga anak?
Siya po ay isang mapagmahal na Ina.
Tama!. Sa tingin ninyo, ano ang ugali na
meron si Pinkaw?
Opo teacher.
Mahusay!.Masasabi nyo ba na ang inyong
mga Ina ay tunay na mapagmahal?
Maging mabait na anak po.
Ano ang dapat na gawin bilang mga anak
upang mapasaya ang mapagmahal na Ina?

Magaling mga bata!.

Tayo ng dumako sa inyong pangkatang


gawain. Maaari na kayong magpunta sa
inyong mga ka grupo. Ano ang mga dapat
tandaan sa paggawa ng pangkatang gawain?

Mahusay! Gumawa po ng tahimik.


Tumulong sa ka grupo upang mapabilis ang Gawain.
Bago niyo gawin ang inyong pangkatan ito
muna ang pamantayan sa inyong paggawa

Bibigyan ko kayo ng labing-limang minuto


(15mins.) para gawin ito

PAMANTAYAN NG PUNTOS

Kooperasyon 30%
May kaugnayan ang 40%
presentasyon sa
aralin
Malinaw na 30%
presentasyon
Kabuuan na puntos 100%

Panuto: Sa Group 1
Ibigay ang apat na tauhan sa akdang Pinkaw
at ang mga katangian ng bawat isa.

(Sagot) Group 1:
Pinkaw – mapagmahal na ina sa mga anak Pinkaw – mapagmahal na ina sa mga anak
- positibo ang pananaw sa buhay - positibo ang pananaw sa buhay
Poray – panganay na anak; sobrang payat
Poray – panganay na anak; sobrang payat Basing – pangalawang anak; bungi/sira ang
Basing – pangalawang anak; bungi/sira ang ngipin
ngipin Takoy – bunsong anak;pinaka gwapong anak ni
Pinkaw
Takoy – bunsong anak;pinaka gwapong anak
ni Pinkaw

Panuto: Sa Group 2

Sa pamamagitan ng isang maikling tula, “Aking mga anak ay kayamanang tunay


ilahad ang damdamin ng isang ina na Kahit mahirap aking igagapang
nabanggit mula sa kwento. Upang mapunuan ang tiyan na kumakalam
Malupit man ang kapalaran
Ako ay nananatiling matapang
Ngunit kung mga anak ko’y lilisan
Pakiramday ko’y mamamatay”

Panuto: Sa Group 3 Group 3.


Gumawa ng Poster na nagpapakita ng
pagmamahal ng Ina.
“Ating alagaan “ILAW” ng tahanan sapagkat siya
lamang ang ating “TANGLAW”

F. Paglalahat:

Nasaksihan natin ang presentasyon ng bawat


grupo. Magaling ang inyong ipinakitang
presentasyon. Ngayon, ating mas paikliin ang
kanilang mga sinabi upang mas lalong
maintindihan.

Kung kayo ay nakinig, ang maikling kwento


ay napapaloob at nasusuri ang katangian ni
Pinkaw batay sa akda? Kasi po kaya sinasabing ang tao ang sentro ng
daigdig, siya ang sentro ng lahat ng bagay at ang
Lance? panginoon ang kanyang kapalaran,kung kaya’t sa
kwento po, kay pinkaw lang po umiikot ang
buong istorya. Sa kanya nakasentro ang buong
pangyayari.

Mahusay Lance! Tama iyon. Kung baga sa


pelikula si pinkaw ang bida at walang
makakaagaw nito sa kanya. Yung spot light
nasa kanya lang.

At kung mapapansin niyo syempre sa buhay


nang tao hindi mawawala ang problema.
Kung bakit ito nangyari at kung ano ang
naging epekto nito sa kanila. Yun pong kinakain nang mga anak ni pinkaw na
mga pagpag na pagkain. Ang sanhi po noon dahil
Pwede ba kayong magbigay ng isang po sa basurahan po niya ito kinukuha at ito ang
sitwasyon ni Pinkaw. Miyuki? pinapakain nya sa kanyang mga anak. Hindi niya
alintana kung madumi po ba ito o hindi. Dahil po
dito ang nagging dahilan ng pagkasakit at
pagkamatay ng tatlo niyang anak.
Mahusay Miyuki! Yun nga, dapat ang ating
kinakain ay yung siguradong malinis ang
pagkakahanda . Pero hindi naman natin
masisisi si pinkaw dahil yun lamang ang
kanyang nakayanan niyang ibigay sa kanyang
mga anak. Sa tingin ko po ang pagkakapareho nang nanay
ko at ni pinkaw, ay pareho po silang mapagmahal,
Ngayon naman , maari nyo bang ibahagi ang ginagawa po nila ang lahat para lang sa kanilang
pagkakaiba nang inyong ina kay pinkaw? anak, inaalagaan at binibigay ang mga bagay na
Kevin? kaya nilang ibigay . ang pakakaiba naman po nila,
yung nanay ko po nagtatrabaho sa palengke at
yung kita niya po doon ang pinapantustus niya
samin at sa iba pang bagay, Si pinkaw naman po,
yung ibang bagay na binibigay niya sa kanyang
anak ay puro pulot po sa basura, maprinsipyo din
po syang tao.

Ako po siguro yung pinakamaganda at pinaka-


masayang pangyayari sa buhay ng aking mga
Mahusay Kevin! Nilahad mo nang mabuti at magulang, pag po laging kasali ako sa mga
nailarawan mo nang maayos ang iyong nanay. patimpalak nariyan po sila at todo suporta po
Kaya siguro puro pulot ang ginagawa ni sakin. Proud po sakin ang nanay ko sa lahat nang
pinkaw sa mga binibigay niya sa kanyang gagawin ko. Hindi lang po nanay ko ang andun
mga anak ay dahil sa yung kita niya sa kundi ang buong pamilya ko po. kaya po bilang
pagbabasura ay inilalaan nya sa ibang bagay ganti sa kanila lalong-lalo na po sa nanay ko
pero para pa din ito sa kanyang mga anak. Di ,pinagbubutihan ko po ang aking pag-aaral at
ba nga si pinkaw ay isang maprinsipyong tao. ipinapakita ko din po kung gaano ko sila
Ayaw niyang umasa sa Gobyerno. Kung kaya kamahal.
niya pa magtrabaho, magtatrabaho talaga sIya
at wala sIyang bilib sa Gobyerno, Ganyan si
Pinkaw.

Sige. Dumako tayo sa huli. Pwede ba kayong


mag bahagi nang karanasan na kasama niyo
ang nanay niyo at kayo ay masaya?Haley?

Magaling Haley!Tama yun. Yung hirap ng


mga magulang natin lalong-lalo na nang mga
nanay natin kailangan nating suklian yun
kahit na sa simpleng bagay lang, gaya nang
ginagawa ni haley. Dahil kahit ito ay
simpleng bagay lang malaking bagay na ito
para sa ating mga magulang. Opo!

Sige. May natutunan ba kayo sa kwento ni


Wala po!
Pinkaw?
.
May mga katanungan ba kayo?

Mahusay kung ganun! Sana may natutunan


talaga kayo. Mamaya pag-uwi nyo yakapin at
hagkan nyo ang inyong mga nanay maging
ang inyong tatay. Magpasalamat at sabihan
nyo sila ng mahal nyo sila. Malaking bagay
na sa kanila yun.

Ngayon naman, maghanda ng papel at ballpen


para sa inyong pagtataya.

IV. Pagtataya.

Kumuha ng isang malinis na papel at bilugan


ang tamang sagot sa katanungang nakatala sa
ibaba. C. Tatlo

1. Ilan ang anak ni Pinkaw?


a. Isa b. Dalawa c. Tatlo A. Sardinas

2. Ano ang inuwi ni Pinkaw sa kanilang


bahay?
a. Sardinas b. corned beef c. chichirya C. Kariton

3. Saan isinakay ni Pinkaw ang tatlo niyang


anak upang dalhin sa pagamutan.
a. jeep b. kotse c. kariton B. Namatay

4.Ano ang nangyari sa tatlong anak ni


Pinkaw? A. Nawala sa katinuan
a. nabuhay b. namatay c. nabunggo

5. Bakit naging tampulan ng tukso si Pinkaw


sa kanilang lugar?
a.nawala sa katinuan b.maganda c.mayaman

Magaling mga bata!

V. Takdang-Aralin/Kasunduan:

Magsulat ng mga katangian ng inyong Ina at


babasahin sa harapan, kung bakit iyon ang sa
tingin nyo na mabuting katangian ng inyong
Ina sa isang buong malinis na papel.

Checked by: Inihanda ni:

Zenvi Ann Macalinao Gilber G. Villas


PT Supervisor BEED 4-EO

You might also like